.

.

Chapter 42 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, March 20, 2015


***

Buti na lang at naigalaw ko kaagad kanina ‘yung whip ko kundi ay tustado na kami ngayon ni Miles. Naenclose ng chain ‘yung isang paa nung lalaki at na-out of balance siya. Sumabog bigla ‘yung part ng sahig kung saan nakalagay ‘yung kamay niya. Nakita kong parang may electric sparks doon sa kamay niya at ‘yun ang nagcause ng pagsabog ng sahig. Pero bago pa siya makatayo ay nagyelo na ‘yung paligid niya. Hinila ko kaagad ‘yung chain whip ko at lumayo kami ni Miles habang si Leader naman ay papalapit sa kanya.

“I’ll handle him. Go.”

Sinunod naman agad namin si Leader at umalis kami doon. Iniscan ko kaagad ang paligid at hinanap ko ‘yung dalawang Tanda.

“Ayun sila,” sabay turo ni Miles sa kabilang dulo.
Napatingin naman agad ako doon at nakita kong magkasama pa rin sina Tanda at Kuya Gust. Si Ash Tanda naman ay may kasamang dalawang lalaki na mula sa Phantom Breeze. Sa pagkakatanda ko, Squall at Eos ang pangalan nila. Halos kalapit din nila sina Rae at kasama niya naman ‘yung dalawa pang lalaki sa gang nila.

“Ano ngang pangalan nung dalawang ‘yun?” turo ko doon sa kasama ni Rae. Hindi ko sila nakilala kanina kasi ang tahimik lang nila.

“Sabi ni Rae, ‘yung may bandana ay si Cych tapos ‘yung may hawak na scythe ay si Gale.”

“Wow. So close na kayo nyan?”

“Bakit? Inggit ka?”

Bago pa ako makasagot ay sinipa niya ‘yung tuhod ko kaya natumba ako. Bigla siyang tumuntong sa likod ko at tumalon sa ere tapos sunud-sunod siyang nagpaputok. Tumingin agad ako sa likuran ko at nakita kong may isang lalaki na tumumba pero agad din siyang nakatayo at napatingin siya sa amin habang may hawak din siyang baril.

“Tsk, tsk. Sabi nga ni Scarystal, always watch your back,” sabay smirk niya sa akin. Aba namumuro na ‘tong Miles na ‘to ah!

Tumayo ako kaagad at nagtalikuran kami tapos naramdaman kong naging stiff ‘yung balikat niya. Napasulyap ako doon sa lalaking kaharap niya and then narealize ko kung sino siya. Siya ‘yung lalaking may Water attribute na gumagamit din ng baril kanina! Kaya pala biglang naging seryoso ‘tong si Miles.

Bigla naman akong nakarinig ng ingay sa harapan ko kaya tinignan ko kaagad at nakita kong may tumatakbo papalapit sa akin. Niready ko ‘yung chainwhip ko. Pero nagpanic ako nung nakita ko kung gaano kalaki ‘yung makakalaban ko. Para siyang higante kung ikukumpara sa akin. Halos kalahati lang ako ng laki at lapad niya tapos may hawak pa siyang sobrang laking hammer na mukhang kasinlaki ko. Pero ang mas ikinatakot ko ay ‘yung greenish substance na tumutulo doon sa hawak niya at nung pumatak ‘yun sa sahig ay nag-usok ‘yun at parang nagkaroon ng dent doon.

For sure ay meron siyang Poison attribute.

Nung ilang meters na lang ang layo niya sa akin ay nakuha ko pang lingunin ‘yung kalaban ni Miles at saktong lumingon din si Miles sa akin. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero halos sabay kaming nagsalita sa isip namin.

‘Switch!’

Nilagay ko sa likuran ko ‘yung whip ko at ginamit niya ‘yun as foothold para umangat sa ere. Winithdraw ko naman kaagad ‘yung whip at humarap ako doon kay Mr. Water attribute at nagpaputok siya. Pinaikot ko ‘yung whip ko at hinarang ko sa sarili ko. Pero ang di ko inaasahan ay ‘yung laki ng water bullets niya. Halos magkasingbilis lang ‘yung bullets sa ice bullets ni Miles pero dahil liquid ‘to ay hindi kaagad natrap sa loob ng chains at may ilang tumama sa akin.

Natumba ako nung natamaan ako sa balikat. Parang binuhusan ako ng ilang drum na tubig sa balikat ko dahil sobrang bigat sa pakiramdam. Tapos nung pagtingin ko sa whip ko ay nafreeze ‘yung water bullets na tumama doon. Tinry kong tumayo pero sobrang bigat talaga ng balikat ko. Nakita kong tumakbo siya papalapit sa akin kaya niready ko ulit ‘yung whip ko. Pero alam kong hindi ko na naman matatrap ‘yung bullets niya kaya nagpapanic na ako. Bigla ko namang narinig na nagroar ‘yung kalaban ni Miles at naramdaman ko na sumandal siya sa akin.

Nung tinaas na nung lalaki ‘yung baril niya ay nilagay ko ‘yung braso ko sa leeg ni Miles. At nung nakita ko siyang nagpaputok ay yumuko ako at nadala rin si Miles. Sinundan ko ng tingin ‘yung water bullets at dumiretso ‘yun doon sa lalaking may hawak na giant hammer. Tinamaan siya sa tiyan kaya napahinto siya sa pagtakbo pero parang hindi man lang siya nasaktan. Tinignan ko naman ulit ‘yung kalaban ko at nabaling ‘yung tingin niya doon sa kalaban ni Miles. Ginamit ko ang pagkakataon na ‘yun para igalaw ‘yung whip ko papunta sa kanya. Nung napansin niya ako ay sinamaan niya ako ng tingin at naglakad siya pero huli na.

My chainwhip enclosed his feet at natumba siya. Nauna pa nga ang mukha niya sa sahig at ako ang nasaktan para sa kanya. Pero bago pa siya makabangon ay tumakbo ako papunta sa kanya at sinipa ko mula sa kamay niya ‘yung baril niya. Then inikot ko sa kanya ‘yung whip para maresrict ‘yung kilos niya.

“Ugh!
Ang sakit nun ha!” sigaw naman ni Miles habang tumatayo siya mula sa pagkakatumba.
“Quits lang!” sigaw ko naman dahil ginawa niya akong tuntungan kanina.

Naramdaman ko namang gumalaw ‘yung kalaban ko kaya sinuntok ko siya sa mukha at napasigaw ako sa sakit. Tigas ng mukha ha! Pero at least, nawalan siya ng malay.

Tinignan ko naman si Miles at muntik na siyang maflat nung hammer. Pero nung inangat nung lalaki ‘yun ay sumama si Miles at nakaapak siya sa may hammer. Bigla niyang binaril ‘yung lalaki sa may balikat at nagfreeze ‘yung part na ‘yun. Whoa. Parang nag-expand ‘yung ice after ng physical contact ng bullet.

Tumalon si Miles mula doon sa hammer at habang nakabaligtad siya sa ere ay binaril niya naman ‘yung paa nung lalaki at hindi siya makagalaw doon sa kinatatayuan niya dahil may ice na nabuo sa tip ng paa niya. After that ay tinarget niya naman ‘yung kamay kaya hindi na niya macontrol ‘yung hammer niya. Dahil mabagal ‘yung galaw nung kalaban ay hindi niya masundan ‘yung galaw ni Miles. Sinipa niya ‘yung ulo ng lalaki at nilock niya ang leeg nun gamit ang mga binti at kamay niya tapos tinwist niya ‘yun. Narinig ko pa ‘yung pagcrack nung buto kaya napawince ako.

Nung naglanding si Miles ay wala nang malay ‘yung lalaki pero nakatayo pa rin siya dahil sa yelo sa paanan niya. Ang weird tuloy niya.

“Anong nangyari sa mukha nyan?” sabay turo niya sa kalaban ko na nakatali pa rin ng whip ko.

“Sinuntok ko. Sakit nga eh.”

“Brutal mo.”

“Nagsalita ang bumali ng leeg. Tignan mo nga siya oh! Tabingi na yung leeg niya!” tapos tinuro ko ‘yung kalaban niya.
“Baka sugurin niya ulit ako eh.”

Tinanggal ko naman ‘yung whip ko doon sa lalaki at bumagsak siya sa sahig at nauna na naman ang mukha niya. Sana lang ay hindi siya magising agad. For sure ay may matinding galit na sa akin ‘to dahil tatlong beses kong natarget ang mukha niya.

“Tignan mo.”

Tinignan ko naman kaagad ‘yung tinuro ni Miles at nakita kong nakikipaglaban pa rin si Leader doon sa lalaking may lumalabas na electricity at sparks sa kamay. Pero hindi ko na masyadong masundan ang galaw nila dahil masyadong mabilis. Hindi pa siya ang leader ng gang nila pero nasasabayan niya si Leader. Sa pagkakatanda ko, ‘yung boss nila ay ‘yung Rogue na may hawak na bow. Nasaan ba siya—

“Whoa!”

Biglang may lumipad na pana sa direksyon namin at sumabog ‘yun. Pero pagtingin ko ay ‘yung higanteng lalaki ang natamaan at natumba siya dahil nawala na ‘yung yelo sa paa niya.

“The fastest way to win this is to eliminate the weakest first.”

Napatingin agad kami ni Miles sa direksyon ng boses at nakita namin ang isang lalaki na may hawak na bow. Shit. Speaking of the devil. Naglalakad sa direksyon namin si Rogue, ‘yung leader ng Lightning Strike. Habang nakatingin siya sa amin ay parang nag-iilluminate sa blue eyes niya ‘yung lightning at nagsitayuan ang balahibo ko. Nakakatakot ang presence niya pero mas nakakatakot ‘yung pagiging kalmado niya at nakangiti pa siya sa amin.

‘Anong gagawin natin? Hindi natin siya kaya,’
sabi ko kay Miles sa isip ko.
‘Ewan ko. Mukhang hindi rin tayo makakatakas sa kanya.’

Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at tumingin siya sa may right side tapos umiling-iling. Dahil sa ginawa niya ay napatingin rin kami at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

“Rae...”
“Being weak is a sin,” sabi niya pa.

Nag-init ‘yung ulo ko at gusto ko siyang sugurin dahil sa ginawa niya. Doon sa direksyon na tinignan niya ay nakahandusay si Rae at wala nang malay habang nag-uusok ‘yung mga pamaypay niya. Pero mukhang humihinga pa naman siya. Muntik nang tumakbo si Miles doon pero pinigilan ko siya nung nakita kong gumalaw ng kaunti ‘yung bow ni Rogue.

‘Wag kang gagalaw, Miles! He’ll kill you!’
‘Pero! Shit!’

“Now, shall I kill you both?” tapos nagsimula na ulit siyang maglakad papunta sa amin.

Kahit nanginginig ako ay naging alert pa rin ako at nakaposition na ‘yung chainwhip ko. Ganun din si Miles tapos tinutok niya ‘yung twin guns niya kay Rogue. Pero nagulat ako nung nawala siya sa paningin namin at...

“Goodbye, weaklings.”

Naramdaman ko ‘yung hininga niya sa batok ko and during that time ay nagslow motion ang paligid. Alam kong mamamatay na ako anytime at naramdaman ko ‘yung init sa likuran ko. He’s going to impale us with his lightning arrow. We’ll be dead—

Bigla namang may sobrang lakas na hanging nagtangay sa amin at napahawak ako sa braso ni Miles para hindi kami magkahiwalay. Pero nung nasa itaas na kami ay biglang naging gentle ‘yung hangin at pagtingin namin sa baba ay may dalawang lalaking nakatayo doon habang si Rogue ay napaupo sa lakas ng hangin. Binaba kami ng hangin doon sa likod ng lalaki at narealize ko na sila ‘yung sinabi ni Miles kanina—sina Cych at Gale na halos kasing-edad nina Leader.

“Not so fast, Rogue,” sabi ni Gale habang nakatutok kay Rogue ‘yung scythe niya.

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Rae. Sisiguraduhin kong tatangayin ka papunta sa impyerno,” sabay tanggal naman ni Cych doon sa bandana niya.

Wow. Ang dependable talaga ng Phantom Breeze. Parang ang lakas-lakas nilang lahat. Ni hindi man lang sila naiintimidate kay Rogue.

“Dumbsey...”

Napatingin naman ako kay Miles nung hinatak niya ako at tumingin siya sa may itaas. Nakita ko na tumayo ‘yung matandang lalaki doon. Kung tama ang pagkakarinig ko sa usapan ni Ash Tanda at ni kuya Eos kanina ay Pierre ang pangalan niya. Mukhang siya ang boss ng Flame Spectre.

“I was informed that some of the rebellion’s puppets are here.”

Halos napatigil naman ‘yung iba sa pakikipaglaban nung narinig nila na nagsalita si Pierre. Kahit malayo siya ay nakakatakot siya at parang mapapatigil ka talaga para pakinggan siya.

“Hindi ko hahayaang sirain niyo ang mga pinaghirapan ko. Kids, I want you to end this fight. Now,” sabi niya habang nakatingin siya sa pwesto ng Flame Spectre.

Lalo akong kinilabutan nung nagsimulang gumalaw ‘yung members ng Flame Spectre. Pero mas natakot ako nung may narinig kaming boses galing doon sa paligid ng arena na malaking chasm lang naman. Then all of a sudden ay biglang may lumipad na mga tao galing doon sa ilalim. At kahit hindi nila sabihin ay alam kong kakampi sila ng Flame Spectre. Pinalibutan nila ‘yung buong arena. Napatingin naman ako doon sa may mga Water at Earth attributes. Parang confused ‘yung expression nila. Mukhang hindi nila alam ‘yung tungkol dito.

At ngayon, target nila kami pati na ang Phantom Breeze, at isama na rin si Kuya Hale. Twelve lang kami at sobrang dami nila tapos may attributes pa sila. Paano namin sila matatalo?

“Do not falter!” this time, ‘yung boses naman ni Kuya Hale ang narinig ko. Hinanap ko ‘yung direksyon ng boses niya at nakita kong kaharap niya ‘yung Flame Spectre. Tapos nakita ko siyang nagsmirk.

“What’s funny, brat?” tanong ni Pierre sa kanya.

“Because you can’t stop us. We already made our move. The White government is under attack right now.”

Bigla namang natahimik si Pierre pero at the same time ay nakita kong nagliyab ‘yung paligid niya. Napatingin din sa kanya ‘yung members ng Flame Spectre at naging seryoso ‘yung expressions nila. Biglang uminit ‘yung temperature dito sa arena pero bigla ring nagfreeze ‘yung sahig at nakita kong may hawak nang dalawang ice sword si Kuya Hale.

“And our reinforcements are here.”

Pagkasabi niya nun ay bigla akong nakarinig ng sigawan sa iba’t ibang direksyon. Tapos biglang yumanig ‘yung arena at may nakita akong nakatayo doon sa ruins ng bleachers.

“Huli na ba ako?”

Napangiti ako nang malawak at ganun din si Miles. Gusto kong tumakbo doon pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas nung huli namin siyang makita ay namiss ko siya.

“Gramps!”


***