.

.

Chapter 43 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, March 27, 2015


***

“Gramps!”

Narinig ko ang pagsigaw ni Kelsey at Miles kaya napalingon ako sa direksyon ng boses nila. Pagtingin ko ay may tumalon mula doon sa ruins ng bleachers at nakita ko si Gramps.

“Sir Isaz!” sigaw ni Gust tapos hinatak niya ako papunta doon sa pinaglandingan ni Gramps.

Napansin kong lahat ng member ng Phantom Breeze pati sina Ashley, Krystal at Hale ay lumapit doon kay Gramps. May humarang sa aming lalaki pero sabay naming inislash ni Gust ang swords namin at may naform na ice crystals doon sa harap ng lalaki at nagpaikut-ikot siya sa ere. Binilisan namin ang pagtakbo at nakarating kami doon sa pwesto nila pero ang problema ay napalibutan na kami ng mga kalaban.

‘Holding hands pa, ha?’
Narinig ko ang boses ni Ash sa isip ko at saka ko narealize na nakahawak sa kamay ko si Gust. Tinanggal ko kaagad ang kamay ko sa kanya tapos tumabi ako sa kanya.

‘Hinatak niya lang ako.’

‘Yeah, right.’

Tinignan ko nang masama si Ash pero ‘di niya ako pinansin. Lakas mang-asar ng isang ‘to. As if namang papatulan ko ang Gust na ‘yun. Lagot ka sa akin Ash kapag nahuli rin kitang may kasamang lalaki!

“Why are you here?” tanong naman bigla ni Krystal kay Gramps.

“Saka na natin pag-usapan ‘yan. Ang mahalaga ngayon ay makaalis kayo rito.”

“Bakit Gramps?” sabay sulpot ni Kelsey sa pagitan nila.

“Dahil sa sentro ng White Division nangyayari ang totoong labanan—”

Napahinto sa pagsasalita si Gramps at napahinto rin kami sa pakikinig nung biglang sumabog ang paligid ng arena. Biglang may lumabas na apoy doon sa chasm at napatingin kami sa Flame Spectre pero nawala na sila doon sa gilid ng arena.
Napatingin kami agad doon sa pwesto ni Pierre at nakita naming nandoon na ang members at hindi ko alam kung paano sila napunta doon.

“You’re still a fool, Isaz. Mamamatay ka rito habang pinapatay ko ang mga kasamahan mo sa White Division.”

Pagkasabi nun ni Pierre ay lalong lumiyab ‘yung apoy sa chasm at napapaligiran na ‘yung buong arena. Maging ‘yung allies nila ay confused sa nangyayari. Tumingin si Pierre sa allies niya at ngumiti siya.

“You can use the secret passage to get out of here, after you kill our enemies. I am counting on you, my dependable allies.” Pagkatapos nun ay sabay-sabay silang umalis ng members ng Flame Spectre.

And now we’re trapped.

Napapalibutan kami ngayon ng iba’t ibang gang members na may attributes like Lightning, Poison and Dark pero ang Water at Earth, hindi na alam ang gagawin. Sabagay, ang manalo sa labanang ‘to ang pakay nila pero ngayon ay nagkagulu-gulo na. Pero mukhang nakapagdecide na ang ilan sa kanila dahil nakaharap na rin sila sa amin.

“Gramps, ‘yung mga may Lightning, Poison at Dark attributes ang allies ng Flame Spectre. Pero ‘yung iba, independent gangs. Anong gagawin natin?” tanong ko at pumosisyon ako sa harapan niya para protektahan siya.

“We have no choice but to fight them,” sabi naman ni Krystal.

“I told you, we already made our move.”

Pagkasabi nun ni Hale ay tumingin nang masama sa kanya ni Krystal at halos hindi ko naramdaman ‘yung init ng paligid for a second dahil sa tension sa kanilang dalawa.

“What do you mean?” seryosong tanong sa kanya ni Krystal.

Hindi naman nakasagot si Hale dahil sabay-sabay na sumugod sa amin ang mga kalaban. Pinangunahan namin sila ni Ash sa pagsugod at nakasunod ‘yung dalawang Nene pati na ‘yung Phantom Breeze sa likuran namin. Pero napatigil kami nung may sumabog sa bleachers.

Biglang may sumugod sa amin ni Ash at siya ‘yung natakasan namin kanina ni Gust na may poisoned claws! I drew my sword and positioned myself in a defensive stance. Pero bago pa siya makarating sa pwesto namin ay may sobrang laking wave na pumagitna sa amin. Hinanap ko kung saan galing ‘yun at napanganga ako nung makita kong nagtatalo ang tubig at apoy na lumalabas doon sa chasm.

“Tell me I’m hallucinating,” narinig kong sabi ni Ash.
“I want to, but I think you’re not.”

Nagkatinginan kami at hindi makapaniwala sa nakikita namin. Pero napansin kong natulala at confused ang mga may Water attributes. Hindi ba sa kanila galing ang wave na ‘yun?

“Isaz, bakit ba hindi mo kami magawang hintayin?”
“Hindi ka pa ba nasasanay sa kanya?”

Gaya ni Gramps ay mayroong dalawang tao doon sa ruins—isang matandang lalaki at isang matandang babae. Pero ang mas ikinagulat ko ay habang naglalakad sila, sumusunod ‘yung debris at parang ‘yun ang naging foothold nila. Parang nagkaroon ng bridge na gawa sa gumuhong parte ng arena sa nilalakaran nilang dalawa.

Napatingin kami kay Gramps at ngumiti lang siya.

Nung nakarating sila sa arena ay walang gumagalaw sa amin. Para kasing kapag gumalaw kami ay may mangyayaring hindi maganda at nararamdaman kong kalevel ng dalawang matandang ‘to si Gramps.

“Rivo, Hilda.” Ngumiti sa kanila si Gramps tapos tumingin ‘yung dalawa sa paligid.

“Hmm, mukhang naging independent ang Water Division,” sabi nung Rivo tapos lumapit siya sa front line. ‘Yung mga may Water attributes naman ay napaatras at nagtinginan sila. Then lumapit din sa front line ang isang babae na sa pagkakatanda ko ay ang nagconfront kay Rogue kanina.

“Ikaw po ba talaga si Rivo? Ang pinakamalakas na Water attribute user? Pero hindi ba namatay kayo noong nagkaroon ng labanan sa pagitan ng divisions?” sabi nung babae. Ano ngang pangalan niya?

“Galene,” bulong sa akin ni Ash.
“Paano mo nalaman?”
“Sinabi ni Eos kanina.”

Naningkit naman ang mata ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay. Napailing naman ako at nagfocus sa pakikinig sa pag-uusap nina Rivo at Galene. Saka ko na lang aasarin ‘tong si Ash.

“Ako nga. At gaya ng nakikita mo ngayon, buhay pa ako, bata.”

Narinig kong nagbulung-bulungan sila at ‘yung iba ay parang hindi pa makapaniwala sa narinig nila. After that ay naglakad rin papunta sa unahan ‘yung matandang babae.

“Gaya ni Rivo at Isaz, buhay rin ako. At nakikita kong wala kayong pinanigan matapos ang labanang iyon,” sabi nung babae habang tinitignan niya ang mga may Earth Attributes.

“Ibig sabihin, kayo po si...” Halos nanlaki ang mata ng isang Earth attribute user habang tinitignan niya ‘yung matandang babae.

“Oo, ako si Hilda, ang namuno sa Earth Division, dalawampu’t limang taon na ang nakakalipas. At ngayong nagbalik na ako, gusto kong hilingin sa inyo na tulungan ang pwersa ng rebelyon. Kailangan namin kayo. Alam kong marami kayong tanong at sasagutin ko ang lahat ng iyan kapag natapos ang gulong ‘to. Sa ngayon, kailangan nating pumanig sa tama, gaya ng ginawa ng mga magulang at kasamahan ninyo dati. Ito na ang oras para makilala ulit ang uri natin.”

“At iyon din ang hiling ko sa inyo,” sabi naman ni Rivo habang nakatingin kay Galene at sa mga kasamahan niya.

Habang nangyayari ‘yun ay mukhang ginamit ng mga kalaban namin ang oras na ‘yun para lalo kaming palibutan at ngayon ay nakikita kong may dark spots na sa ibang parte ng arena. May mga miniature lightning din at ilang parts na umuusok. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagdraw ni Rogue ng lightning arrow.
Napansin ko na lang iyon nung binitiwan niya at sa direksyon ni Rivo nakatutok.

“Watch ou—!”

Biglang may parang water barrier na nabuo sa gitna at nadeflect ‘yun arrow papunta doon sa direksyon naman ni Hilda. Pero bago pa makarating sa kanya ay biglang tumaas ‘yung part ng arena sa harapan niya.  Nastuck doon ‘yung lightning arrow ni Rogue at hindi nagpenetrate sa nabuong earth barrier.

“Muntik ko nang makalimutan na nandito ka nga pala, Rogue,” sabay harap ni Galene after niyang gawin ‘yung water barrier.

“Forgive me, Ma’am Hilda. I’m Geo, the current head of Underworld. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo,” sabi naman nung lalaking may gawa ng earth barrier.

Halos hindi ako makapaniwala sa nangyari.
Hindi ako makapaniwalang humarap ang members ng Aquarius at Underworld sa mga kalaban at ngayon ay kakampi na namin sila.

“See?” Napatingin ako kay Hale nung narinig ko ‘yun. Nakangisi siya kay Krystal na parang sinasabing tama siya kaya nakakatakot na naman ang expression ni Krystal.

“You’re allied with these big names? How?” tanong sa kanya ni Krystal while gritting her teeth.

“It’s not just them. The rebellion force is composed of strong individuals and you might know some of them.”

Nung sabihin ‘yun ni Hale ay tinalikuran siya ni Krystal at tumabi siya sa amin ni Ash. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa dahil parang talo na naman siya kay Hale.

“Ngayong mayroon na tayong sapat na pwersa, maaari na tayong makaalis dito,” sabi ni Gramps at tumabi siya doon kay Rivo at Hilda.

Tumabi naman sa amin ‘yung members ng Aquarius at Underworld pero hindi pa kami magkasundo dahil sa nangyari kaninang labanan.
Naglakad si Galene pati na rin si Geo papunta sa amin tapos umabante si Krystal, Gust at Hale.

“I guess we’re allies for now,” sabi ni Galene.
“Kalimutan muna natin ang mga nangyari kanina,” dagdag ni Geo.
“Ayos lang. Hindi naman kami masyadong naapektuhan,” mayabang na sabi ni Gust.
“Now let’s get out of here,” seryosong sabi ni Krystal.
“That’s what I’m about to say,” sabi naman ni Hale at tinignan niya si Krystal.

Nagnod ‘yung tatlo sa kanya at silang lima ang pumosisyon sa front line habang kaming mga kasamahan nila ay nasa likuran nila. ‘Yung tatlong matanda naman ay nasa gitna at pinalibutan namin sila. Nilingon ko ‘yung dalawang Nene sa likuran namin at nakita kong may kausap silang lalaki na parang...namamaga ang mukha. Anong nangyari doon? Oh well, at least ayos lang sila.

“Defeat them!”

And the battle of the elemental attributes continues.


***