.

.

Chapter 44 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, March 30, 2015


***

I watched as some of our enemies flew, froze, drown and are unable to move. Kinilabutan ako nung sabay-sabay na sumugod ‘yung lima. Ni hindi na namin kailangang sumunod dahil parang kayang-kaya na nilang talunin ang mga kalaban.

“So you are Sir Isaz.”

Napatingin ako sa likuran nung may narinig akong boses. Pagtingin ko, ‘yung tatlong green-eyed ay lumapit kay Gramps. Tatakbo na sana ako papunta doon pero pinigilan ako ni Ash.

“Tignan muna natin kung anong gagawin nila. And Im sure Gramps can handle them.”
“Fine.”

Nasa harapan ni Gramps ‘yung tatlo tapos biglang tinaas nung nakasalamin ‘yung kamay niya. Napanganga ako nung may biglang image na lumabas doon. Tinignan ko nang mabuti ‘yun at may nakita akong parang matandang lalaki.

“We’re from the Senshin Tribe,” sabi naman nung blonde na lalaki.
“Pinadala kami dito ng President sa guidance ni Sir Aiwa para tulungan kayo.”

Biglang ngumiti si Gramps at lumapit din sa kanila sina Rivo at Hilda. Tinignan din nila ‘yung projection ng matandang lalaki sa kamay nung nakasalamin at ngumiti rin sila.

“Buhay pa pala siya,” sabi ni Gramps.
Bigla namang nagtinginan ‘yung tatlong Senshin.

“Patay na po siya. Namatay siya eight years ago,” sabi nung babae. “Namatay siya five years after mamatay ng anak niya. Pero marami siyang naitulong sa technology department at lahat ng hindi niya natapos na project ay pinagpapatuloy ng apo niya.”

Yumuko naman ‘yung tatlo sa kanila at nakita kong mas lalong naging green ‘yung mga mata nila. Naramdaman ko lalo ang presence nila and for a second ay nakaramdam ako ng takot.

“We, the Senshins want to form an alliance with the Huntres tribe,” sabi nung blonde.

Nagkatinginan kami nina Ash, ‘yung dalawang Nene at pati si Krystal ay lumingon. Parang nung nakaraan lang ay nababasa lang namin ang salitang Senshin sa libro. Noon lang din namin nalaman ang history ng tribes at ng lugar na ‘to. Kaya ngayong nakikita ko sila ay hindi ako makapaniwalang may Senshins talaga. Ibig sabihin, nag-eexist din ang dalawa pang tribe doon—ang Shinigami at Custos.

“Sigurado ba kayo? Ang kasalukuyang namumuno sa lugar na ‘to ay ang Fire Division at hindi kami. Nahahati ngayon ang pwersa ng Huntres sa dalawa at kami ang oposisyon,” seryosong sabi ni Gramps.

“Yes, Sir. Nakita namin kanina ang kalagayan ng lugar na ‘to at nakapagdesisyon kami na kayo ang tulungan,” sagot nung nakasalamin.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila pero nakita kong ngumiti si Gramps at tumango.
Nung nakita ‘yun ng tatlo ay ngumiti rin sila at naglakad papunta sa amin.

“We’ll show you our worth,” sabi nung blonde at pumosisyon siya doon sa front line kung nasaan sina Kryst  al.

“Hi!” Nginitian naman ako nung babae tsaka sila tumabi nung nakasalamin sa amin.

“You guys are Senshins?” tanong ko dahil ‘di pa rin talaga ako makapaniwala. Ang ganda ng mga mata nila.

“Yup! Wow. Cool ng mata niyo. So malapit ka na sa last stage?” sabay turo niya sa mata ko.

Narealize ko naman kaagad ‘yung ibig niyang sabihin. Ni hindi ko napansin ‘yun kanina habang nakikipaglaban kami. Pero kahit hindi ko nakikita, alam kong kulay blue na ang mata ko pero hindi pa kasing crystal blue ng kay Krystal. Weird talaga ng feeling na ‘to.

Bigla naman akong may narinig na sigawan sa left side at nakita kong may mga nakalusot sa front liners namin. Kahit na malakas ‘yung lima pati na rin ‘yung isang Senshin, mas marami pa rin ang mga kalaban namin. Idagdag pa na ang kaharap nila ngayon ay sina Rogue pati na ‘yung ibang head ng kakampi nilang gangs.

Tumakbo naman ako papunta doon sa side kung saan sumusugod ‘yung mga nakalusot sa kanila and I slashed my sword at them. Kahit hindi na magkaroon ng physical contact sa kanila ay ‘yung after effects ng slash ang nakuha nila.

“Tumabi kayo.”

Napahinto naman ako nung narinig ko si Gramps at pagtingin ko, naglalakad silang tatlo papunta sa front line. Naramdaman ko ‘yung unang naramdaman ko nung nakita namin si Gramps dati.

Fear.

Nakakatakot silang tatlo. Idagdag pa na kapag naglalakad sila ay may epekto sa dinadaaan nila. Si Gramps, gaya ng dati ay nagyeyelo ‘yung dinaanan niya tapos kay Rivo ay parang natutunaw ‘yung sahig at may lumalabas na parang droplets of water. Kay Hilda ay nagcacrack ‘yung sahig tapos parang puputok.

Then all of a sudden ay napunta sila sa harapan at hindi ko nasundan ang galaw nila. Maging ‘yung anim sa front line ay nabigla sa kanila pati na rin ang mga kalaban nila. Tinaas ni Rivo ang dalawang kamay niya at may pakiramdam ako na hindi maganda ang mangyayari.

Biglang may lumabas ulit na tubig galing doon sa chasm at nag-erupt sa side kung nasaan ang majority ng kalaban.  Inenclose ng tubig na ‘yun lahat ng nasa side nina Krystal, kasama na sina Rogue. Bigla namang nagkaroon ng shape ‘yung tubig at unti-unting nagiging sphere. Parang water prison ang nangyari at nasa loob sila ng tubig habang nakikita ko sila na nalulunod at pinipilit lumabas pero dahil sa current sa loob ay nagpapaikut-ikot lang sila. Buti na lang at nakaiwas ‘yung anim or more like sinadyang hindi padaanin sa kanila ‘yung malaking wave ng tubig.

Nagstomp naman bigla si Hilda at gumalaw anf sahig ng arena. Parang nagkaroon ng buhay ‘yun at inenclose naman ng lupa ‘yung water prison kaya parang nagkaroon ng ball of earth doon. Pagkatapos ay hinawakan ni Gramps ‘yung sahig. Biglang nagkaroon ng makapal ice crust ‘yung ball of earth.

Our enemies were trapped inside a prison made of water, earth and ice.

Natahimik kaming lahat at napatingin kami doon sa tatlong matanda na may gawa nun. Alam kong malakas sila pero hindi ko akalaing makikita ko ang ganitong klaseng strength. Matanda ba talaga sila?

“Mayroon lang tayong kaunting oras bago sila makalabas. Kailangan na nating pumunta sa sentro,” sabi ni Gramps at after that ay tumingin siya kay Hilda sabay tumango silang dalawa.

Gumalaw ‘yung debris ng stadium at nagkaroon ulit ng makeshift bridge. Dahil doon ay kumilos din ang mga Earth attribute users at tinulungan nila si Hilda. After a few seconds ay parang may malaking bridge na nagdudugtong sa arena papunta doon sa labas. Agad-agad kaming tumakbong lahat papunta doon habang kinakalaban ang ilang hindi nasama doon sa kakaibang prison. Sinundan namin sina Gramps hanggang sa makarating kami doon sa taas ng ruins kung saan sila nanggaling. Nung makaakyat na kaming lahat ay nagtulong-tulong ulit ang Underworld members para gibain ang makeshift bridge.

Tumalon kami pababa at may nakita kaming dalawang babae sa baba na parehong nakasakay sa kabayo. Nakasuot sila ng parang animal fur at may mga weapons sila sa bewang. Para talaga silang member ng tribo.

“Huntres,” bulong ko.

Sila ang Huntres officers na alam ko. Sila ‘yung mga nanghuhuli ng gangs na nanggugulo sa mga bayan tulad ng nakita namin ni Kelsey dati. Akala ko dati ay sila ang tinutukoy na Huntres sa librong nadecode namin pero nalaman kong lahat pala ng may attributes ay Huntres. Pero ngayong nandito sila, ibig sabihin ba ay kasama sila sa rebellion force?

“Sir Isaz, Sir Rivo, Ma’am Hilda,” sabay bow ng dalawang Huntres.

“Ano na ang kalagayan doon?” tanong agad ni Gramps sa Huntres na may nakasabit na sword sa bewang.

“Nakarating na raw po ang main force ng Flame Spectre. But
she’s not yet there so we need you.”

“Kung ganoon ay pumunta na tayo doon.”

Sumakay si Gramps doon sa isang kabayo at sina Rivo at Hilda naman doon sa isa. Pagkasakay na pagkasakay nila ay agad tumakbo ang mga kabayo at halos mawala sila kaagad dahil sa bilis ng pagtakbo.

“Teka, paano tayo?” tanong ni Gust doon sa dalawang Huntres at nagsmirk sa kanya ‘yung isa.

“We run.”

***

“Shit...pagod na ako!”

Hindi na namin makita ‘yung tatlong matanda sa harapan kaya panigurado ay nakarating na sila sa pupuntahan namin. Ang dami kong naririnig na reklamo sa likuran dahil ten minutes na rin kaming tumatakbo. Pero ‘yung leaders namin at ‘yung dalawang Huntres ay wala man lang karekla-reklamo at parang hindi sila hinihingal. Kahit ‘yung tatlong Senshins ay parang at ease lang sa pagtakbo. Napatingin naman sa akin ‘yung babae at nginitian niya ako.

“Sanay na kami. We’re always chasing criminals. ‘Di ba?” sabay hampas niya doon sa dalawang lalaking kasama niya at napatango naman sila.

Tsaka ko narealize na parang nabasa niya ang isip ko. Hindi ko napansin masyado na open na pala ang isip ko dahil sa sobrang focus ko sa labanan kanina. Napatingin ako kay Ash na nasa kaliwa ko at mukhang pareho kami ng iniisip. Mas sanay ang mga taong ‘to sa paggamit ng isip nila.

“Oo nga pala, I’m Reina. These two are Hayate,” tapos tinuro niya ‘yung blonde ang buhok, “and this is Hiroshi,” turo niya naman sa nakasalamin.

“Gemma.”

“Ash.”

Sinabi lang namin ang pangalan namin at nagnod si Reina. Bigla namang may lumabas na parang virtual screen sa harapan nung Hiroshi at may tinype siya doon. Hindi ko pa rin talaga lubos-maisip kung paano niya nagagawa ‘yun. Ang alam ko ay Huntres tribe lang ang may attribute. Ibig sabihin ay iba ang sa kanila.

“Just gathering some data,” sabi bigla nung Hiroshi sabay tingin niya sa amin.

“We could write a book about this,” sabi naman nung Hayate at tumingin siya doon sa tinatype ng kasama niya.

“Pagpasensyahan niyo na. Ganyan talaga sila,” dagdag ni Reina.

“STOP!”

Bigla naman kaming napahinto at nagkatamaan pa kami ng mga nasa likod dahil sa pagsigaw nung isang Huntres.
Nagspread kaming mga nasa likod para makita kung anong nangyari. Nung pumosisyon ako sa right side ay sumama sa akin si Ash pati na sina Kelsey at Miles.

“Anong meron?” sabay singit ni Kelsey sa pagitan ni Ash.

Pagtingin namin sa harapan ay may dalawang lalaking nakatayo doon na nakaharang sa dadaanan namin, or more like naghihintay na dumating kami. Nanlamig ako bigla at mukhang ganun din ang naramdaman nina Miles at Kelsey kaya napatingin kami kay Ash. May namumuong yelo sa throwing knives niya at gaya ko ay medyo blue na rin ang mata niya.

“Kilala mo sila?” tanong ko sa kanya.

“Of course. Sila ang kasama ng Bolt na ‘yun. Sila ang umatake sa bahay namin.”

“Bolt?”

“Nasa War of Best siya at kasama rin siya sa officers na pumunta sa bahay. Now he’s inside that prison.”

Oh. So kasama pala ‘yung Bolt na sinasabi niya doon sa ginawang prison nina Gramps. At ngayon, naencounter na naman niya ang ilan sa umatake sa Papa at Lolo niya.

Nagulat naman ako nung bigla siyang sumugod kaya tumakbo rin ako para pigilan siya. Buti na lang at nakaramdam agad sina Miles at Kelsey. Dumaan kasi sa pagitan namin ‘yung ice bullet kaya napahinto kami at ginamit ni Kelsey ang time na ‘yun para irestrict si Ash using her whip. Sabay nilang hinatak ‘yung whip at tumulong na rin ako.

“Chill, Ash.
Hindi pa natin alam ang kaya nilang gawin,” sabi ko sa kanya.

“Pero—!”

“Stop it, Ash.”

Napatingin agad kami sa harap at nakita namin na naglalakad si Krystal papalapit sa amin. Hindi nakaimik si Ash after that at maging kami. Nakakaoverwhelm ang presence niya. Pakiramdam ko ay mas lalo siyang lumakas habang nakikipaglaban kami kanina.

“Divisions! Regroup!” sigaw nung isang Huntres habang inunsheathe niya ‘yung sword sa bewang niya. Pagkasigaw niya nun ay nagsama-sama lahat ng may same attributes.

“Go to the center of White Division. Kami na ang bahala rito,” sabi naman nung isa sabay kuha ng daggers na nakasabit din sa bewang niya.

Pero ang di namin inaasahan ay ‘yung pagkakaroon ng apoy sa weapons ng dalawang Huntres. Napaatras tuloy kami sa kanila at narinig namin ang pagtawa nung dalawang lalaki.

“Traitors,” sabi nung isang lalaki habang nakangiti nang malawak.

“Akala ko namatay na kayo. Mukhang tama nga ang hinala namin. There’s a secret organization behind the Huntres Force,” dagdag nung isa pa at tumayo siya katabi nung lalaki.

Naguluhan naman ako sa narinig ko. Secret organization? Huntres Force? Traitors? Bakit may Fire attributes ang dalawang Huntres na ‘to? Kasali ba sila sa Flame Spectre? Pero bakit kasama sila sa rebellion?

“Hale, lead them.”

Pagkasabi nun ng Huntres ay tumango si Hale at tumingin siya sa aming lahat. Nakuha naman namin ang gusto niyang iparating—we’re going to move forward.

“Hindi lahat ng may Fire attribute ay kasama sa Flame Spectre at White Government. Hindi kami bulag para hindi makita ang mga kasamaang ginawa at ginagawa nila. Some of us chose our own paths because we don’t want to be ruled by a cold-blooded and ruthless leader.” Pinosisyon nung Huntres and sword niya habang mahigpit niyang hawak ‘yung hilt.

“And what? You chose to fight your own comrades?” This time, nilabas na rin ng dalawang lalaki ang weapons nila—a lance and spear.

“They are not our comrades. And yes. Because that’s the right thing to do.”

Sumugod ‘yung dalawang Huntres at halos hindi ko nasundan ang galaw nila dahil sa sobrang bilis at dahil na rin sa flames na bumabalot sa kanila.

“Now!”

Nagsimulang tumakbo si Hale kaya sumunod kaming lahat habang nakagrupo kami sa sarili naming attributes. Nilingon ko ‘yung dalawang Huntres pero nakita kong tumingin sa amin ‘yung isang lalaki at inikot niya ang spear niya. Biglang may parang beam of light na namuo doon sa dulo kaya huminto ako para sanggain ‘yun dahil alam kong kami ang target niya.

“Ako ang kalaban mo!”

Bigla namang lumitaw sa harapan nung lalaki ‘yung Huntres at dineflect niya ‘yung spear gamit ang dalawang daggers. Tumama sa lupa ‘yung spear at nagulat ako nung sumabog ‘yung beam of light. Nakita kong parang nagdisintergrate ‘yung mga damo at halaman na natamaan ng dulo ng spear niya.

“Whoa, whoa! Don’t tell me sila ang Light and Dark Team?!” Narinig ko naman ang sigaw na ‘yun galing sa side ng Aquarius.

“I think so. May Light attribute ang isa habang ‘yung isa ay Dark,” sabi naman ni Galene.

“Does that mean allied din ang Holy Light sa Flame Spectre?” tanong ni Geo.

“Yes. According to our sources, majority sa kanila ay officers ng White Government,” sagot naman ni Gust.

Nakaramdam naman ako ng pagkamangha. Ewan ko rin kung bakit. Hindi ko kasi akalaing may Light attribute din pala. At lalong hindi ko akalain na magkakampi ang Light and Dark. Para kasing stereotype na, na ang Light ay mabuti at Dark ay masama, at palagi silang magkalaban. Pero ngayon ay biglang nagbago ang tingin ko sa concept na ‘yun dahil sa nalaman ko.

Napatingin naman ako bigla sa paligid at hindi ako nakahinga. Dahil masyado akong nakafocus kanina sa pagtakbo at sa mga kalaban, ni hindi ko napansin na malapit na kami sa sentro ng White Division. Kabisadong-kabisado ko ang streets pati na ang itsura ng daanan dito. Napatingin ako sa right side at kahit malayo ay tanaw na tanaw ko ang isang bahay katabi ang isang dojo house kung saan nagtetrain ang mga bata at matatanda ng iba’t ibang uri ng sword techniques.

That’s our house.

Biglang bumigat ‘yung pakiramdam ko dahil sa sobrang pagkamiss sa lugar na ‘yun pati na rin kay Dad. Nasaan na kaya siya? Ligtas kaya siya? Naririnig ko ang mga pagsabog at sigawan sa bawat sulok ng streets at nagkakagulo ang ilang mga tao. Nagmamadali silang tumatakbo papunta sa train na tanging mga officers at mayayamang tao lang ang nakakagamit.

“Dito kayo nakatira ‘di ba?
Leader? Tanda?” Napatingin ako kay Kelsey habang tumatakbo kami at nililibot niya rin ang paningin niya sa buong paligid. Hindi sumagot si Krystal at hindi rin ako umimik. Dito nga kami nakatira pero sa ngayon ay hindi ko na kayang maituring na tirahan ang lugar na ‘to. This is the home of those White government officials, Flame Spectre and their allies.

Pagkarating namin dito sa sentro ay naghiwa-hiwalay kaming groups. Tumakbo papunta sa base ng White government sina Hale pati na rin ‘yung tatlong Senshins at Phantom Breeze. Ang Aquarius at naman ay pumunta sa left side habang ang Underworld ay sa right side.

“Protect the humdrums!” sigaw ni Hale habang palayo na siya sa amin at tumango naman sina Galene at Geo, samantalang si Krystal ay huminga nang malalim.

“I don’t take orders from you,” rinig kong bulong ni Krystal sa sarili niya.

Gumawa ng path si Geo papunta doon sa train at sinundan naman ‘yun ng mga tao habang nagpapanic at ‘yung iba ay umiiyak pa. Mukhang alam nila na hindi na safe sa lugar na ‘to at nakita nila ang attributes namin. Nakita ko ang iba na nagfreak out at tinitignan kami na parang natatakot at nandidiri.

Bigla ko namang nakita ang isang bata na nadapa kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Pero nagulat ako nung nagcollapse ‘yung bahay sa side namin. Hinawakan ko kaagad ang bokken ko para hatiin ang mga bumabagsak na debris pero hindi ko pa nagagalaw ang kamay ko ay biglang nahati na sa maliliit na pieces ang mga ‘yun at napansin kong may kasamang ice crystals na bumagsak. Hinatak ko kaagad ‘yung bata palayo at tinulak ko siya papunta sa daan na ginawa ni Geo. Ako ang sumalo ng impact na gawa nung pagcut sa debris at tumalsik ako papunta kina Krystal. Nadaganan ko silang apat kaya tumayo kaagad ako at humarap doon sa bahay na ngayon ay maliliit na debris na lang.

“Are you okay?”

Hindi ako nakagalaw nung nakita ko ang isang lalaki doon sa likod ng bahay. Naglakad siya palapit sa amin at humigpit ang hawak ko sa bokken ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo ang luha sa mga mata ko.

“Gemma.” Nung binanggit niya ang pangalan ko ay napatakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya.

“Dad!”


***