.

.

Chapter 45 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 6, 2015


***

“Dad!”

Niyakap ko si Dad nang mahigpit dahil sobrang namiss ko siya. Ni hindi ko nagawang magpaalam sa kanya nung umalis ako kaya nakaramdam ako ng guilt ngayon. Naramdaman ko naman na niyakap din ako ni Dad at after that ay tinignan niya ako.

“I’m glad you’re okay, Gemma.” Dad smiled at me kaya lalo akong naguilty.

“Dad, sorry. Hindi ko naman—”

“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Sa ngayon, kailangan ko muna silang tulungan,” sabay tingin ni Dad doon sa mga taong nag-eevacuate papunta sa train. Niyakap niya ulit ako at tumakbo siya papunta doon.

Pagtingin ko doon sa apat ay nakatulala lang sila sa akin at alam kong marami silang gustong itanong. Sa totoo lang, marami rin akong gustong itanong kay Dad pero wala kaming oras para makapag-usap.

“So you got your swordmanship skills from your dad,” biglang sabi ni Krystal.

“And you two have the same attributes,” dagdag ni Ash.

“Teka anong itatawag natin sa tatay ni Tanda?” tapos tumingin si Kelsey kay Miles.

“Hmm...Tanda Senior,” seryosong sabi naman ni Miles.

“Seriously girls,” then I sighed. Akala ko magiging seryoso sila dahil nagkita kami ng Dad ko pero ganun pa rin sila. Oh well, what did I expect?

Then I suddenly realized na lahat kami ay either wala nang parents o nahiwalay sa kanila. Pero mas naaawa ako doon sa dalawang Nene. Si Kelsey, bata pa lang siya ay wala na siyang magulang at halos sa daan lang siya nakatira dati. Ang naaalala kong kwento niya ay tinutulungan siya ng isang matandang lalaki na nagpapatakbo ng kainan at bilang kapalit ay nagnanakaw siya ng ilang weapons para ibenta sa black market, at ‘yun ang ipinambabayad niya dahil nahihiya siyang tumanggap ng libre.
Si Miles naman, ni hindi niya nakilala ang totoo niyang magulang dahil lumaki siya sa ampunan. Pero may kumupkop sa kanya na merchant at siya ang nagpalaki sa kanya. Kaso hindi rin nagtagal ‘yun dahil pinatay siya ng gang members ng Flame Spectre.

Naalala ko rin ang kwento ni Ash. His father and grandfather was attacked by government officers. Hindi niya alam kung ano nang nangyari sa kanila dahil dumiretso siya sa Black East during that time. Kay Krystal naman, wala akong alam. Narealize ko kaagad na wala kaming masyadong alam tungkol kay Krystal—ang pagkatao niya, parents niya, at background niya. All we know is that she’s from the White Division and she has a grudge towards Flame Spectre.

“Gemma, let’s go.”

Bumalik naman ang focus ko sa nangyayari nung tinawag ako ni Krystal. Hindi ko napansin na naglalakad na sila papunta sa sentro habang ako ay nakatulala pa rin. Tumingin ako sa side ni Papa pero wala na siya doon at nakapasok na ‘yung mga tao sa loob ng train. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

“Tanda!” Dahil sa sigaw ni Kelsey ay tumakbo na ako papunta sa kanila.

Habang tumatakbo kami papunta sa sentro ay napatingin ako sa paligid. Halos nagbabagsakan na ang ilang buildings at parang may bagyong dumaan dito. Idagdag pa na puro sigawan at labanan ang naririnig ko sa halos lahat ng direksyon.

White Division is on the brink of destruction.

Bumigat ‘yung pakiramdam ko. Kahit na ito ang base ng Flame Spectre at ng allies nila ay dito pa rin ako lumaki. ‘Yung mga bahay at streets na nadadaanan ko dati ay sira-sira na ngayon. And this time, alam kong wala na akong babalikan dito dahil pati ang bahay at dojo namin ay sira na.

Napahinto kaming lima nung nakita namin ang nangyayari sa sentro. Parang tumigil ‘yung paghinga ko dahil hindi ko alam kung paano ipa-process ang nakikita ko. Bukod kasi sa government officers na mukhang ordinaryong tao lang ay halos lahat ng nandito ay katulad namin.

Hundreds of attribute users area battling each other. The sight was fearsome and beautiful at the same time.

Dahil sa pagka-overwhelm ay hindi namin napansin na napalibutan na pala kami.
Nagtalikuran kaming lima at hinarap ang mga nakapaligid sa amin. I was about to strike them but something happened.

“I need to teach you some manner, guys. You can’t just run away from a girl to chase another girl,” sabay tingin niya sa amin, “or should I say, a group of girls.”

Nakaenclose ngayon ‘yung limang lalaki sa isang whip...pero ang kaibahan nun sa whip ni Kelsey ay gawa ‘to sa thorns at maski ako ay parang nasasaktan para sa kanila dahil bumabaon ‘yung mga tinik sa balat at suot nila. Hinatak nung babae ‘yung whip papunta sa kanya kaya nasama ‘yung mga lalaki habang sumisigaw sila sa sakit. Then all of a sudden ay pinakawalan niya ‘yung lima at nung nangyari ‘yun ay nagtransform ‘yung whip into a sword. Napatingin ulit ako doon sa babae at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

“Gemma, long time no see,” then she smiled at me.

“You know her, Gemmatanda?” tanong ni Miles. Iiling na sana ako pero nung tinignan ko ‘yung sword niya ay narealize ko kung sino siya.

“Clove?!”

“Akala ko hindi mo na ako maaalala.”

Biglang nagflashback lahat ng alaala ko tungkol sa kanya.

Isa siya sa mga naunang estudyante ni Dad sa dojo. Bata pa ako nung huli kong kita sa kanya at hindi pa ako ganun kagaling sa paggamit ng sword. Pero siya, kahit apat na taon lang ang tanda niya sa akin, ay halos kalevel na niya ang mga matatanda na nagtetrain under kay Dad.
She was one of Dad’s best students and I really admire her. Kasi kahit babae siya ay hindi siya nagpatalo sa mga lalaki. Nung nakarating na siya level ng mga tinuturing ni Dad bilang ‘best’ ay hinamon niya kaagad si Dad. Meron kasi silang privelege na kalabanin si Dad ng isang beses kapag nakarating sila sa level na ‘yun at kung sino ang makakatalo kay Dad ay sa kanya mapupunta ang ‘master’ title pati na rin ang sword ni Dad. Pero gaya ng iba ay hindi niya nagawang talunin si Dad. At gaya rin ng iba ay umalis siya sa dojo matapos siyang matalo ni Dad.

I never thought that I would see her again. And I never expected na meron din siyang attribute.

“Plant attribute. If that’s what you want to ask,” sabi niya na para bang alam na ang itatanong ko.

“Ilan ba ang attributes ng Huntres tribe?”

“Oh. So alam mo na ang term na Huntres. And since you’re here, that means you know what happened twenty five years ago.” Tumango naman ako at after that ay tumingin siya nang seryoso sa akin. “There are ten types of attributes—Fire, Water, Wind, Earth, Ice, Lightning, Poison, Light, Dark and Plant. Right now, the rebellion force is composed of those with Wind, Water, Earth, Plant and Ice. The rest are enemies.”

Bigla namang may sumugod sa amin kaya niready ko ang sword ko at sabay kaming umatake ni Clove habang sina Krystal ay umabante kung nasaan ang karamihan ng Huntres. Dahil karamihan ng nasa outer part ay mga ordinaryong tao lang na nagwowork sa government ay madali lang namin silang natalo ni Clove.

“Nagkita na ba kayo ng Dad mo?” tanong niya habang kinakalaban niya ng sabay-sabay ang apat na tao.

“Yeah! Pero hindi pa kami nakakapag-usap.”

“Oh don’t worry. Hindi mo na siya kailangan pang kausapin dahil malalaman mo kung sino siya habang nakikipaglaban.”

“What do you mean?”

“Master is the righthand man of the rebellion’s leader.”

Pagkarinig ko nun ay hindi ko napigilan ang sarili ko at naslash ko ang sword ko nang sobrang lakas. At nung narealize ko ‘yun ay may nabuo nang parang ice wall sa harapan namin kung saan naenclose lahat ng natamaan. Napatingin ako agad kay Clove at shocked pa rin ‘yung expression ko.

“Impressive,” sabi naman niya habang nakatingin doon sa nagawa kong ice formation.

“What?” halos pabulong kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko tungkol kay Dad.

“Hindi rin ako makapaniwala nung nalaman ko ‘yun. I mean, I just know him as a dojo owner and as a strong swordsman. Kaya nga ako umalis sa dojo para magtraining dahil gusto kong matalo siya and during that time ko rin nalaman ang tungkol sa attribute ko. Pero naggive-up na ako sa bagay na ‘yun simula nung nakita ko ang totoong kakayahan niya.”

“Totoong kakayahan? Anong ibig mong sabihin?”

“Nung hinamon ko siya dati, akala ko kahit papaano ay sineryoso niya ang laban namin. But no, Gemma. Nung nalaman ko kung gaano siya kalakas recently, narealize ko na hinding-hindi ko siya matatalo during that fight. It’s like fighting a sleeping tiger with my full power and he’s only using one of his paws to deal with me.”

Lalo lang akong nashock sa sinabi niya.
Nakalaban ko na rin si Dad nung nakarating ako sa level ng best students niya but like them, natalo rin ako. But after that ay binigay niya sa akin ang bokken na hawak ko ngayon at sinabi niya sa aking mas lalakas ako kung ang special sword na ‘to ang gagamitin ko. I want to think na exaggerated ang sinabi ni Clove pero deep inside, alam kong totoo ang sinasabi niya. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nasa mataas na posisyon siya sa rebellion force.

Nagpaalam ako kay Clove at tumakbo ako papunta kina Krystal pero may humarang sa aking babae. May hawak siyang parang staff na nahahati sa tatlo, one of the weapons na ginagamit ng martial artists. Kung katabi ko si Ash o kaya si Miles ay paniguradong alam nila ang tawag sa weapon na ‘yun.

She lunged at me and I defended myself using my sword. Tumama ang weapon niya sa sword ko at narinig ko ang pagcrack ng iced blade. Winithdraw ko kaagad ‘yun at lumayo sa kanya. Pagtingin ko sa bokken ko ay unti-unting natutunaw ‘yung yelo. I immediately channeled my strength to it...then naalala ko ang sinabi ni Gramps nung training namin.

Ang mga veinas ay bahagi ng inyong attribute. Nakadepende ang lakas at gamit nila sa lakas ng gumagamit sa kanila.

Matagal ko nang gamit ang sword na ‘to at maituturing kong part na ng pagkatao ko. After all, isa ‘to sa mga binigay ni Dad sa akin at dahil din dito kaya ko nakilala ang apat na babaeng ‘yun. I know this sounds corny but I consider this sword as my partner...a friend.

Veinas...veins...like how blood...flow through your veins...powers will flow...through these weapons...Ivankov...the father of all veinas...one of the creators of Huntres tribe...

Muntik ko nang mabitawan ang sword ko nung may narinig akong parang boses sa isip ko. Then sumugod ulit sa akin ‘yung babae and my instinct took over me. Naramdaman ko ang pagbalot ulit ng yelo sa kabuuan ng sword ko pero this time ay mas makapal at mas matalas. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba ‘yung narinig ko kanina pero pakiramdam ko ay galing mismo sa sword ko ‘yun.

“Your Ice cannot win over my Poison,” sabi niya habang nakangiti sa akin. Nagtama ulit ang weapons namin at narinig ko na naman ang hissing sound habang natutunaw ang yelo sa sword ko.

powers will flow...through these weapons...

Nagvibrate ‘yung sword sa kamay ko at narinig ko na naman ang boses na ‘yun. Powers will flow through these weapons? What does that mean—

“Shit!”

Mas bumilis ‘yung pagtunaw ng yelo kaya bago pa maconsume ng poison ‘yung mismong body ng sword ko ay sinipa ko nang malakas sa tiyan ‘yung babae at tumalsik siya. Pero tumayo agad siya at sumugod na naman papunta sa akin. Pwede ko ulit balutin sa yelo ang sword ko pero for sure ay matutunaw ulit ‘to at hindi matatapos ang labanan namin unless tumakbo ako.

But I don’t run away from my enemies.

Hinawakan ko ng dalawang kamay ang wooden sword ko at naramdaman ko na naman ang pagvibrate nun. Hindi ko alam ang nangyayari pero parang may kakaiba sa sword ko. Huminga ako nang malalim at pumikit ako kahit na alam kong aatake na ‘yung babae sa akin.

Then suddenly, I felt a chill. Parang may dumaloy na sensation sa buong katawan ko. Bigla ko namang narecall ‘yung boses kanina. Powers will flow through these weapons.

Ice
. I have an ice attribute and this sword can channel that. Allow my attribute to flow through this weapon.

Biglang nag-iba ang pakiramdam ko at naramdaman ko rin ang pagbabago ng mata ko. Pagbukas ko ng mata ko ay napanganga ako sa nakita ko. Gaya kanina ay nabalot ulit ng yelo ang sword ko pero mas kakaibang nangyari.

Kung saan nakatutok ang tip ng sword ay may namuong malalaking ice stalagmites at nagdire-diretso ‘yun hanggang sa mismong government mansion, which was almost 40 meters away from me. ‘Yung kalaban kong babae ay nasama doon sa stalagmites and they pierced through her body kaya nagkulay red ang part kung nasaan siya. May ilan ding nadamay doon sa line of ice na nafreeze at natrap. Napatingin halos lahat sa akin at maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyari. Tinignan ko ang kamay at sword ko dahil hindi ko akalaing aabot sa ganito ang kaya kong gawin.

So ito ang ibig sabihin ni Gramps...ito ang ibig sabihin nung boses...ito ang extent ng ability ng bokken ko.

Dahil sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko napansing ang dami na palang tumatakbo sa direksyon ko. Hindi ko pa maorient ang sarili ko dahil sa nangyari kaya nagpanic ako. Pero nagulat ako nung biglang nabalot ng yelo ang buong paligid. The next thing I knew, nasa tabi ko na sina Krystal, Kelsey, Miles at Ash.

“Tanda, ang agaw-pansin ng ginawa mo.”
“But that was seriously amazing, Gemmatanda.”
“Almost like Krystal’s ability.”

Magsasalita na sana ako pero naramdaman ko ang kamay ni Krystal sa balikat ko.

“So you finally reached the last stage,” then she slightly smiled at me. Saka ko narealize na nagbago ulit ang kulay ng mata ko. It was crystal blue.

Bigla kong naramdaman ang presence ni Krystal at naramdaman ko na naman ‘yung chill. Hinawakan niya ‘yung ice stalagmites na nagawa ko at biglang kumapal ‘yun. Nagfreeze din ang lupang inaapakan namin at lahat ng malapit sa amin ay nagyelo ang mga paa kaya hindi sila makagalaw. Hanggang sa umabot din doon sa mansion ‘yung ice na nagawa ni Krystal pero biglang may humarang na apoy doon.

“Your group is really troublesome.” Pagtingin ko kung sino ang may gawa nung malaking apoy na tumunaw doon sa yelo ni Krystal, nakita ko si Rage. Sa sobrang laki ng apoy na pumapalibot sa kanya ay natunaw na rin ‘yung stalagmites na umabot doon sa mansion. Tinignan ko ‘yung mga nakapalibot sa mansion at saka ko narealize na ang Flame Spectre ang last line of defense.

Nakita ko naman na tinaas niya ‘yung fist niya at nung sinuntok niya ‘yun sa ere ay may malaking fireball na nabuo at papunta ‘yun sa direksyon namin. Naisip kong islash ‘yung apoy pero hindi ko alam kung maffreeze ‘yun. Pumosisyon si Krystal sa harap namin at alam kong balak niyang ifreeze ‘yung apoy pero ten meters away pa sa amin ‘yung fireball ay biglang nafreeze ‘yun at nahati sa dalawa. Hinanap ko kaagad kung saan nanggaling ang attack na ‘yun at nakita kong may nakatayo sa bubong ng isang bahay habang hawak-hawak ang isang sword. I inhaled sharply when I saw my Dad.

“Now, now. Kakarating pa lang ng anak ko sa huling stage pero balak niyo na siyang patayin? As her father, I won’t allow that.”

Tumalon si Dad mula doon sa bahay at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. He freaking froze the fire and cut it into halves! Paano niya ‘yun nagawa mula sa malayo?!

“Mukhang namana mo rin sa tatay mo ang pagiging flashy at agaw-pansin,” bulong naman sa akin ni Ash.

Habang naglalakad si Dad papunta sa amin ay napansin kong nakatingin sa kanya ng seryoso ang members ng Flame Spectre, lalo na si Pierre na nasa pinakalikuran.

“Hay. Sinabi ko sa kanyang huwag munang lalabas.” Napalingon naman kami sa likuran nung narinig namin ang boses ni Gramps.
 

Tapos bigla kong naalala ‘yung sinabi ni Clove. Kung si Dad ang righthand man, then that means si Gramps ang leader ng rebellion. Ibig sabihin, under si Dad ni Gramps. Oh God. Hindi ko akalaing magkakilala sila.

“Hindi, Gemma. Hindi ako ang ulo ng rebelyon.” Nagulat naman ako sa sinabi ni Gramps at saka ko napansin na bukas na pala ang isip ko dahil sa dami ng nakakagulat na nangyari sa loob lang ng ilang minuto.

“Huh? Hindi ikaw, Gramps? Pero sino? May mas malakas  pa ba sa’yo rito?” tanong ko naman at ngumiti siya sa amin. Tumingin siya kay Krystal kaya napatingin din kaming apat sa kanya.

“Kilala mo siya,” sabi niya kay Krystal at kumunot ang noo niya.

“I know the rebellion leader?” Parang hindi pa makapaniwala si Krystal sa sinabi ni Gramps at maski kaming apat ay naguguluhan na.

Bigla naman kaming nakarinig ng ingay mula sa likuran at kinilabutan ako sa nakita ko. ‘Yung mga naiwan doon sa arena ng War of Best ay papunta rito at pinangungunahan sila ni Rogue. Pero bago sila makarating sa mismong sentro ay biglang lumitaw ang grupo nina Gust, Galene at Geo para pigilan sila.

Pero bago pa man sila makapaglaban ay biglang may nabuong makapal na yelo sa pagitan nila at nakarinig kami ng hiyawan sa left side. Pagtingin ko, isang grupo ng mga nakasuot ng animal furs na parang suot ng mga amasona at warriors ang dumating. Kasama na doon ‘yung dalawang Huntres na tumulong sa amin papunta rito. So that means natalo nila ‘yung Dark and Light na magkapartner?

Naramdaman ko naman bigla ‘yung sobrang pagbaba ng temperature kaya napatingin ako kay Krystal at ganun din sina Ash. Pagtingin namin ay nakatulala siya doon sa grupo ng mga Huntres.

“No...way...”

“Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na kilala mo siya?” sabi sa kanya ni Gramps at naglakad siya papalapit doon sa grupo habang kinakalaban nila lahat ng nakaharang sa dinadaanan nila.

“What’s the matter?” tanong ni Ash kay Krystal pero nakatulala pa rin siya at parang takot ang expression niya.

“T-this...can’t...b-be...”

Tinignan namin kung kanino siya nakatingin at nalaman ko kaagad kung kanino dahil sa sobrang lakas ng presence niya. Siya ang nangunguna sa grupo at mukhang siya rin ang namumuno sa kanila. Tumingin siya sa direksyon namin at hindi ako makagalaw nung ginawa niya ‘yun.

“S-sino siya?” tanong ko dahil nakakaoverwhelm ang presence niya to the point na nakakasuffocate na. But unlike the four of us, nakakagalaw pa rin si Krystal pero para siyang hinihingal at natatakot pero at the same time ay naguguluhan.

“Winter Alveria, my sister. And she’s supposed to be dead.”


***