.

.

Chapter 46 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 20, 2015


***

“Krystal...”

Lumapit ‘yung babae sa amin at nakatulala lang sa kanya si Krystal.
Kung tama ang pagkakarinig ko sa sinabi niya kanina, this woman is her sister. I think her name is Winter Alveria. Pero hindi ko akalaing may kapatid si Krystal. Kaming apat ay nagtinginan at for the first time ay may nalaman kami about kay Krystal. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit sinabi niyang dapat ay patay na ang kapatid niya.

Habang nasa harapan namin ‘yung sinasabi niyang Winter ay para talagang
winter ang pakiramdam ko. Hindi ako makahinga nang maayos dahil parang nagyelo ang lalamunan ko. Hindi pa rin ako makagalaw at alam kong dahil ‘yun sa presence niya. Grabeng pressure ang nararamdaman ko ngayon to the point na nakakasuffocate na.

“Mamaya na tayo mag-usap. For now,” sabay tingin ni Winter doon sa direksyon ng members ng Flame Spectre, “I need to fight these guys.”

Pagkasabi niya nun ay bigla siyang nawala sa paningin ko at hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun. Mas mabilis pa siyang kumilos kay Gramps at mas nakakatakot siya kay Krystal. Naniniwala na akong siya ang leader ng rebellion kahit na kakakita ko lang sa kanya at kahit na wala pa siyang masyadong ginagawa dahil ‘yung presence pa lang niya ay proof na.

Narinig ko naman ‘yung pag-inhale nina Kelsey at para silang hingal na hingal. Mukhang naexperience din nila ‘yung naramdaman ko kanina. ‘Yung parang nagyelo ang lungs mo at hindi makapagsalita dahil sa matinding pressure.

“K-kapatid mo ba talaga siya?” tanong ni Ash kay Krystal at napatingin din kaming tatlo nina Kelsey at Miles sa kanya.

“Yes,” then her expression hardened. “I thought she was dead.”

“What do you mean?”

Napabuntung-hininga siya at alam namin kaagad na nagdadalawang-isip siya kung magkukwento o hindi. Pero nasagot agad ‘yun nung biglang may sumabog sa harapan namin.
Mukhang hindi namin malalaman kaagad ang tungkol sa pamilya niya.

Pagtingin ko ay naghiwa-hiwalay ang members ng Flame Spectre at ganun din ‘yung mga Huntres na kasama ni Winter. Tinulungan nila ‘yung allies namin at iba’t ibang attributes ang nakikita ko sa ngayon. Napatingin ako doon sa harapan ng government mansion at nakita kong naglalaban sina Winter at Pierre habang inaassist siya ni Gramps.

May sumugod din sa amin kaya pumosisyon kami para lumaban. Pero nahagip ng mata ko ang lalaking sumugod kay Krystal at naalala ko siya base sa kwento nina Ash. Nakita kong tinutok niya ang sword niya kay Krystal kaya agad akong sumugod sa kanila. Bago niya pa simulan ang atake niya ay sinangga ko kaagad ng bokken ko ang sword niya.

“So you’re a swordsman. That means ako ang kalaban mo,” then I pushed his sword with mine away from me.

‘I knew you would like to duel with him.’
Narinig ko ang boses ni Krystal sa isip ko at napangiti ako habang nakatalikod ako sa kanya. Naramdaman kong lumayo siya sa amin at nakita ko sa peripheral vision ko si Rage. Mukhang sila ang magiging magkalaban.

“So you have the most powerful Ice sword,” sabi niya sabay ngiti. Napahawak tuloy ako nang mahigpit sa bokken ko at naramdaman ko na naman ang vibration galing doon.

“Anong ibig mong sabihin?”

Bigla naman siyang sumugod kaya dinepensahan ko kaagad ang sarili ko. Nung magtama ang swords namin ay kumapal ang iced blade ng sa akin at nag-apoy naman ang kanya. Pareho kaming napaatras sa impact at ngumiti na naman siya.

“Your group is really amusing. Malakas ang babaeng nakalaban ko dati sa North,” suddenly ay alam ko kaagad na si Ash ang tinutukoy niya dahil sila ang nakaencounter sa kanya sa North, “at mukhang malakas ka rin. Now let’s see who’s stronger.”

Inislash niya ‘yung sword niya kaya hinanda ko ang sarili ko pero hindi sa direksyon ko tumama. Narealize ko lang kung anong ginawa niya nung natapos na.

“How long will you last?”

We’re inside a ring of fire that he created a while ago. ‘Yun ang ginawa niya kanina na akala ko ay sa akin tatama pero sa paligid ko pala. Napapalibutan kami ng apoy at napansin ko kaagad na medyo nahihirapan na akong huminga. The fire is using the oxygen around us.

Tinignan ko muna ang paligid pero halos natakpan na ng apoy ang paningin ko. Ang huli ko na lang na nakita sa labas ng ring of fire na ‘to ay ang paglalaban ni Krystal at Rage na mukhang hindi maganda ang kalalabasan.

Lumapit ako sa center ng ring dahil sobrang init sa pakiramdam ng apoy na nakapalibot sa amin ngayon at parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Hindi ko rin alam kung kaya kong ifreeze ang apoy na ‘to gaya ni Dad dahil bukod sa nararamdaman ko na ang pagod ay hirap na rin akong huminga nang maayos. I slashed it with my sword at may namuong yelo doon pero wala pang isang segundo ay natunaw kaagad. The fire was intensely hot.

“Kilala mo si Gust, ‘di ba?” tanong nung lalaki pero hindi ko siya sinagot. Nilagay ko lang ang sword ko sa isang defensive position kahit na parang wala man lang siyang balak sumugod.

“Do you know the Alveria family?” seryosong tanong ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

“Oh, lady. Tinanong kita kanina pero hindi mo ako sinagot tapos ngayon ay nagtatanong ka sa akin...and you don’t seem to be scared. I like your boldness.”

“And I don’t like your arrogance,” sabi ko naman.
Ngumiti lang siya sa akin kaya naiinis na ako. Wala ba siyang ibang alam na gawin kundi ang ngumiti at tumawa? Masyado bang masaya ang buhay niya?

Nagulat naman ako nung bigla siyang nawala sa paningin ko. Sobrang nagpanic ako dahil hindi ko siya makita, just like what happened earlier with Krystal’s sister.

A chill went down to my spine and I instantly knew that he’s going to attack me from somewhere. Inikot ko ang bokken sa buong paligid ko and I felt a thump. I realized that I hit his sword. Nakita ko siya doon sa likuran ko at halos nakadikit na siya sa may apoy. Lumayo agad ako sa kanya habang hinahabol ko ang hininga ko.

“Not that bad,” rinig kong sabi niya habang tumatango.

Shit. Kailangan kong kumalma pero hindi ko magawa. He’s on a different level. Oo, madalas ay ako ang nag-iinitiate ng attacks sa kalaban pero hindi ko magawa sa kanya. It’s like I’m forced to be on defense when he’s starting to wield his sword. Idagdag pa na ang hirap nang huminga sa space na ‘to.

Huminga ako nang malalim and I tried to focus my mind, just like what I did earlier. Naramdaman ko na naman ‘yung vibration ng wooden sword ko at iniisip ko kung may maririnig na naman ba akong boses galing doon. Fortunately, wala. It was so creepy and disturbing pero dahil doon ay unti-unti kong nadidiskubre ang kakayahan ng sword ko.

For now, I need to distract this guy para malaman ko ang weaknesses niya kung meron man dahil alam kong hindi ko siya matatalo sa direct and straightforward fight.

“Akala ko si Gust lang ang may potential na makalaban ako, though he’s not yet on
our level.”

Kung ibang tao siguro ang nakarinig sa kanya ay iisipin nilang nagyayabang lang siya, pero alam kong totoo ang sinasabi niya. He’s not bragging but telling the truth, though in an annoying way. Alam ko ring malakas si Gust kahit na nuknukan siya ng yabang. Bigla ko tuloy naisip kung sino ang
our na tinutukoy niya. It’s Flame Spectre. I think all of their members are strong and they are on a different level.

“Anong ibig mong sabihin? Na ikaw ang pinakamalakas na swordsman dito?” Nung tinanong ko ‘yun ay nakita ko siyang napatingin sa right side nang mabilis to the point na parang hindi naman niya talaga ‘yun ginawa. But I saw it. Kaya napatingin din ako at kahit na may nakaharang na apoy doon ay nakita ko kung sino ang nandoon.

It’s Dad.

“Of course,” sabi niya. This time, ako naman ang ngumiti sa kanya.

“Sorry. I shouldn’t have asked that. You are
not the strongest swordsman here.” Pagkasabi ko nun ay nawala ang ngiti sa mga labi niya and for the first time ay nakita ko ang seryoso niyang expression.

It was bone-chilling.

“I knew this time would come,” sabi niya habang naglalakad palapit sa akin.

“W-what do you mean?” Oh God. Hindi ko alam kung dahil lang ba ‘to sa presence niya o parang lumalaki ‘yung apoy sa paligid namin at mas lalong nagliliyab.

“Alam mo bang may koneksyon tayong dalawa?” Bigla namang bumalik ‘yung ngiti niya pero this time, alam kong seryoso na siya.

“Connection?”

“Your father killed my Dad.”

Napatigil naman ako sa paghinga nung narinig ko ‘yun. Akala ko ay mali lang ako ng rinig pero inulit niya pa ‘yun sa akin at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Mukhang nakita niya rin ang ginawang eksena kanina ni Dad dahil alam niyang ako ang anak niya.

“It’s not my fault that my Dad is stronger than yours.” Kahit papaano ay nagawa kong kumalma. Siguro dahil na rin alam kong nandito lang si Dad sa paligid at nakikipaglaban. At kahit na hindi ko sabihin ay sobrang proud ako sa kanya.

“Maybe. But I’m way stronger than you, lady. At sisiguraduhin kong buhay mo ang kapalit sa ginawa ng tatay mo.”

Gaya ng kanina ay bigla na naman siyang nawala. Sobrang bilis niyang kumilos! Pero imbis na magpanic ako ay huminga ako nang malalim at pumikit.

Concentrate. I need to focus.
Concentrate, Gemma. Paulit-ulit ko ‘yung sinasabi sa sarili ko.

Then all of a sudden ay may naramdaman akong movement sa left side ko. I immediately swung my sword at that direction and I heard a clank. Our swords hit each other.

Bigla ko namang narealize kung paano ko nagawa ‘yun. Dahil hindi pa sanay ang mata ko sa sobrang bilis na movement ay hindi ko siya makita pero nung pumikit ako ay madali ko naman siyang naramdaman. That means I can use my instinct to fight against him. But that’s suicide.

Habang magkadikit ang swords namin ay may namumuo na namang yelo doon sa akin at flames naman ang sa kanya. Halos matunaw ang ice doon at nagffreeze naman ang flames ng sa kanya kaya agad kaming lumayo sa isa’t isa at dahil na rin sa impact ay tumilapon ako.

Napasigaw ako nung nadikit ako sa apoy sa likuran ko kaya inislash ko ‘yun instinctively at lumayo kaagad ako. But my back side was exposed dahil nasunog ang part na ‘yun at ramdam na ramdam ko ang init sa likod ko. Kinagat ko na lang ang labi ko at hinigpitan ko ang grip sa sword ko para hindi ako mapasigaw sa sobrang sakit at hapdi ng balat ko.

Napatingin naman ako doon sa lalaki at nakakunot ang noo niya. Akala ko ay sa akin siya nakatingin pero napansin kong sa likuran ko pala kaya lumingon ako...and I was surprised.

The part of the flame that I slashed was frozen. Pero ‘yung part lang na ‘yun at alam kong anytime ay pwedeng matunaw ‘yun.

‘Allen. Come here.’

Napahawak ako sa ulo ko nung narinig ko ‘yun at tinignan ko ‘yung lalaki sa harapan ko. Biglang nagbago ‘yung expression niya at bumalik iyon sa dati. Sa tingin ko ay siya ang kausap ng kung sino mang boses ‘yun...wait. That voice sounds familiar.

“You’re safe for now, lady. But I’m going to kill you later.” He smiled at me and then he walked away. Nung nawala siya ay nawala rin ang ring of fire sa paligid ko at parang hinugot ang hininga ko. Napaupo ako dahil sa hapdi ng likod ko at hingal na hingal ako dahil sobrang konti na lang ng oxygen sa paligid namin kanina. Pero kahit na ganun ay hinanap ko pa rin kung saan nagpunta ‘yung Allen at nung nakita ko ay naalala ko rin kung kaninong boses ang narinig ko kanina.

“R-Rage...” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa direksyon nilang dalawa ni Krystal na patuloy na naglalaban. Mukhang alam ko na kung bakit niya pinapapunta doon si Allen. They are planning to subdue her.

But I won’t allow that to happen.

Kahit na sobrang hapdi ng likod ko ay tumayo ako at tinutok ko ang tip ng sword ko sa direksyon nila. My exposed back was throbbing with pain but I concentrated on my attack. Please. I need to help Krystal.

Parang gumalaw ng kusa ang mga kamay ko. I slashed my sword at Allen’s direction and he was caught off-guard. Napaluhod ako sa isang tuhod dahil parang tumakas ang lakas sa katawan ko pero nakatingin pa rin ako sa nagawa ko.

May stalagmites ulit na namuo doon sa path pero this time ay mas malaki at mas makapal. But he avoided being hit at naputol din ang ibang parts na dumaan sa kanya. Natutunaw na rin ‘yung part malapit sa kanya pero nakita kong nasugatan ang left side ng pisngi niya. Tumingin siya sa akin at pinunasan niya ang dugong tumutulo sa pisngi niya habang iniisteady ko naman ang sarili ko.

“I guess you want to die right now.” Pagkatapos ay sumugod siya sa akin. At alam ko na wala akong laban sa kanya dahil halos nagamit ko na ang buong lakas ko.

I’m going to die.


***