.

.

Chapter 47 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, April 24, 2015


***

I’m going to die.

Napapikit ako. I’m too exhausted to move but with my last streak of effort, I avoided being hit by his sword. Napagulong ako sa isang side at naramdaman ko na naman ang hapdi sa likuran ko. Halos madikit na naman ako sa apoy kaya lumayo ako. Nakadapa na lang ako sa bandang gilid habang hawak-hawak ko ang sword ko.

At least I was able to bring him back here. At least, hindi na siya pupunta sa direksyon ni Krystal.

“I didn’t think you’re this stupid, lady. Mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa patayin namin ang...ahh...
leader ninyo?” He grinned at me and he walked slowly towards me.

Tinukod ko ang kamay ko sa lupa at halos nagdilim ang paningin ko nung sinubukan kong tumayo. I thrusted my sword on the ground at doon ko nilagay lahat ng bigat ng katawan ko.

“I’d rather be killed to save someone than watch that someone killed by the likes of you. Hindi ako katulad niyo.”

Shit. Ang lakas ng loob kong sabihin ‘yun pero ni wala na nga akong lakas para tumayo nang maayos. Siguro ito ang sinasabi sa amin ni Gramps dati. We’re weak compared to them at wala kaming laban sa kanila. Yes, tinrain niya kami at tinulungang lumakas pero ilang araw lang ‘yun. We were trained hastily kaya hindi makayanan ng katawan namin ang development ng attributes namin.
Kaya pala ang stamina lagi ang target ni Gramps sa training dahil ‘yun ang unang nauubos sa isang laban. But now my stamina is depleted and I’m at the peak of my exhaustion.

“Don’t badmouth us, lady. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin para lang makarating sa tuktok.” Biglang sumeryoso ang mukha niya and this time, alam kong malapit na ang kamatayan ko.

“Anong pinagdaanan niyo? Punishing those Huntres that didn’t side with you? Exiling them to the edges of this land? Destroying their homes? Killing innocent people? Ano pa? May mas masama pa ba kayong nagawa?”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Anger swallowed my sanity and I started telling him those words. Simula nung malaman ko ang dark history ng lugar na ‘to, hindi ko napansin na naipon na pala lahat ng galit ko sa kanila kahit wala silang direct na ginawa o kasalanan sa akin. Hindi ko alam na habang naninirahan ako sa White Division nang maayos, parang wala namang sibilisasyon sa Black Division. Akala ko dati ay pinoprotektahan kami ng government mula sa hoodlums and gangs sa Black Division pero ang totoo, sila pala ang may kagagawan kung bakit nagkaroon ng divisions at gangs dahil doon nila pinatapon at inipon lahat ng humdrums at Huntres na sumuway sa kanila.

Biglang lumaki ‘yung apoy sa paligid namin at kahit malayo ako ay para akong napapaso gaya nang naranasan ko kanina nung dumikit ako doon. Bigla tuloy kumirot ‘yung likod ko kaya kinagat ko ang labi ko para macontrol ko ang sakit.
Pero kahit na sobrang init ay nanlamig ang kalamnan ko dahil sa tingin ni Allen sa akin. He’s like a predator ready to kill his prey.

I gripped my sword with both of my hands and I pulled it out of the ground. Muntik pa akong matumba pero nagawa kong ibalance ang sarili ko. This would be my last attack. I want to die fighting. Lagi sa aking sinasabi ni Dad dati na for a swordsman, it’s an honorable death to die fighting together with your sword to protect the people you love. And now, I’ll die an honorable death.

“You talk to much,” sabi ni Allen at sumugod siya sa akin.

He charged with his sword pointing at my chest and I took a defensive position. Pero bago magtama ang swords namin ay halos mawalan ako ng malay dahil hindi ako makahinga. Parang pinipiga ang baga ko. Nakita ko rin na tumigil siya sa pag-atake at lumayo siya sa akin. Hindi na nakayanan ng binti ko at natumba ako. Pero nagulat ako nung may naramdaman akong kamay sa likod ko na sumalo sa akin at napasigaw ako dahil sa contact nun sa burnt area sa likod ko.

“Oops. Sorry.”

Pagtingin ko ay nakita ko si Gust sa gilid ko habang nakangisi. Kung kanina ay handa na akong mamatay, ngayon nawala lahat ang paghahandang ‘yun. Gusto kong mabuhay kahit ilang minuto pa para bigwasan ang lalaking ‘to. Bwisit! Ang hapdi! Ang sakit!

“Sa wakas. A worthy opponent,” rinig kong sabi ni Allen at mas lalo akong nainis. Does he mean that I am
not worthy as his opponent? I know he’s stronger than me but still...nairita ako sa sinabi niya.

Saka ko lang napansin na nawala na ‘yung ring of fire. How did...

“Without oxygen, fire would not exist.” Tinignan ko si Gust habang nakangiti siya. So he could remove the air around us? Kaya pala hindi ako makahinga kanina. At kaya rin namatay ‘yung apoy sa paligid namin.

Bigla naman niyang hinubad ‘yung coat niya at tinapon niya sa akin kaya tumama sa mukha ko. Aba!

“Cover your back.” Naglakad siya papunta sa harapan ko at magkaharap sila ni Allen ngayon.

Sinuot ko ‘yung coat at gustung-gusto kong sumigaw dahil sobrang hapdi kapag nadidikit ‘yung coat sa balat ko sa likod. Kaya ang ginawa ko ay pinagdikit ko ang sword at coat ko tapos may namuong ice crystals doon sa part ng coat na nakadikit sa likod ko. Kahit na mahapdi pa rin ay at least malamig sa pakiramdam.

Tinanggal ni Gust ‘yung natitirang tela na nakacover doon sa sword niya. Nung unang kita ko doon ay nakacover pa ‘yung buong sword pero ngayon, wala nang kahit ano. It was a beautiful sword and it looks transparent from here. Para tuloy ‘yung hilt lang ang hawak niya at walang blade.

Nagulat ako nung bigla silang nawala pareho sa paningin ko. Napapikit pa ako para siguraduhing hindi ako naghahallucinate. Finocus ko ang tingin ko at nakita ko ang blurry images nila habang nagtatama ang swords nila. Holy sword. Sobrang bilis ng movements nila! Pakiramdam ko ay kaharap ko si Gramps! ‘Yung metallic sounds ng pagstrike ng swords nila na lang ang naririnig ko pati na ang traces of flames sa paligid. Pero bigla akong nakaramdam ng pangingilabot kaya tinaas ko ang bokken ko.

“Nice,” sabay ngiti ni Allen habang magkadikit ang swords namin at sinangga ko ‘yun.

“I may not be a
worthy opponent but I can still fight you,” sabi ko at inemphasize ko talaga ang worthy opponent. Hah! Akala niya ba hindi ko madedepensahan ang sarili ko kahit nasa ganitong kalagayan na ako?

“I’m your opponent,” sabay lumitaw si Gust sa likuran niya.

He slashed his sword at lumipad ako dahil sa impact ng tatlong swords namin. Parang may nagcrack na something sa hangin at tumilapon kaming tatlo mula doon. Naglanding ako sa lupa at napasigaw na ako dahil nauna ang likod ko. Hindi ako agad nakatayo at may orbs akong nakita sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay bugbog na bugbog na ang katawan ko.

Dahil napalayo ako sa laban nina Gust at Allen ay tumingin ako sa paligid. Natulala ako sa nakita ko. May mga katawang nakahandusay na hindi na gumagalaw at kulay dugo na ang ilang parte ng lupa. Patuloy pa ring naglalaban ang iba’t ibang members ng gangs at nakita ko ang ilang allies namin. Hinanap ko kaagad sina Ash, Kelsey, Miles at Krystal.

“Tanda!” Narinig ko ang boses ni Kelsey at lumingon ako sa direksyon na ‘yun. Nagulat na lang ako nung biglang may sumugod sa aking babae pero napatigil siya sa ere dahil may pumulupot sa kanyang whip...and her body started to froze.

“Anong nangyari sa’yo, Gemmatanda?” Pagtingin ko sa kabilang side ay nakita ko si Miles.

Lumapit silang dalawa sa akin at tinulungan nila akong tumayo. Kahit na hindi ko tanungin ay alam kong nag-eenjoy sila ngayon. Paano ay nasa ganitong state ako. Paniguradong aasarin ako ng dalawang ‘to pagkatapos nito.

“Nasaan si Ash?” tanong ko at pareho silang tumingin sa likuran kaya napalingon din ako. “Oh My God.” Natulala na lang ako sa nakita ko.

Dalawa ang kalaban ni Ash—si Bolt at Rouge. Puro sugat na rin ang katawan niya at may ilan ring mabagal na lumalapit sa kanila na alam kong kakampi ng Flame Spectre.

“She needs our help!” sigaw ko at bumitaw ako sa kanilang dalawa.

“Leader!” This time, napatingin naman ako kay Kelsey dahil sa sigaw niya.

Nung nakita ko kung ano ang nangyari, hindi na ako makagalaw sa pwesto ko. Hawak-hawak ni Rage si Krystal sa leeg habang nakaangat at...biglang umapoy ang kamay niya.


***