.

.

Chapter 48 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, April 24, 2015


***

Damn it! I never thought na ganito ang kahihinatnan ko. I am wounded and exhausted but these two are too tough.

“Give it up. You’re no match to us. Babae ka lang,” sabi ni Bolt at umakyat ang dugo sa ulo ko.

Ito ang pinakaayaw ko sa mga lalaki. They think they are superior dahil
lalaki sila. Hindi ko naman nilalahat. May mga ungas lang talaga na masyadong mataas ang tingin sa sarili nila, like these two.

“Alam kong babae ako. Ikaw? Lalaki ka ba talaga?” tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagbabago ng expression niya. Tss. Pikon.

Nakita kong inangat ni Rogue ang bow niya kaya alam kong aatake siya.
Pati si Bolt ay mukhang aatake na rin dahil nagccrackle na ang mga miniature lightning sa kamay niya. Nasa gilid ko silang pareho kaya wala akong takas.

Hinawakan ko nang mahigpit ang throwing knives ko at huminga ako nang malalim. Kahit anong oras ay pwede akong mamatay rito. I can fight with one of them pero hindi ko sila kayang pareho. I need someone...

“Tandash!”
“Ash Tanda!”

Saktong napalingon ako sa boses nina Kelsey at Miles pero nagulat ako nung biglang natuon sa kanila ang atensyon nina Bolt at Rogue. Oh no!

‘Stop! ‘Wag kayong lalapit dito!’
Ginamit ko ang inner voice ko para balaan silang dalawa at nakita ko sa peripheral vision ko na napahinto at napahawak sila sa ulo nila.

Ginamit ko ang oras na ‘yun para humarang sa daan nila at hinagis ko ang knives ko sa direksyon nina Bolt at Rogue. My knives were covered with thick and sharp ice crystals at nung nagkaroon ng contact sa pagitan nun at sa lightning arrow ni Rogue ay naground at namanhid ang kamay ko. Pero at the same time ay nakita kong nasugatan ko sa braso si Bolt at bago niya pa mahawakan ang kutsilyo ay hinatak ko na ‘yun pabalik sa akin.

‘Stay where you are. Hindi niyo sila kaya. They will kill you both kapag lumapit kayo rito. Assist the others.’
Kahit hindi ko sila nakikita dahil nakatalikod ako sa kanila ay alam kong hindi gumagalaw sina Kelsey at Miles.

‘Pero paano ka, Tanda?’

‘Oo nga. You’re wounded. Hindi mo rin sila kaya. We need to help y—’

‘No,’
matigas kong sabi. ‘I can handle them. Umalis na kayo.’

Pero ang totoo, hindi ko kaya. Ayoko lang silang masali sa laban na ‘to. Una, dahil may personal akong galit kay Bolt. Kasama siya sa mga sumugod sa bahay namin at baka may alam siya kung ano nang nangyari kay Papa at Lolo. Pangalawa, Rogue is the worst criminal in West Black, according to Squall. Kaya alam kong hindi siya magdadalawang-isip na patayin sina Kelsey at Miles oras na lumapit sila rito. At hinding-hindi ako makakapayag na gawin niya ‘yun.

Damn. My right arm is numb. Hindi ko maigalaw dahil doon sa lightning arrow na tumama sa kutsilyo ko. And I think I have two or three broken ribs from the fights earlier. Hindi tuloy ako makahinga at makagalaw nang maayos. I wish I can do something awesome just like Gemma’s huge icicles.

Wala pa ako sa tamang pag-iisip nang biglang sumugod sa akin si Bolt.
Shit! Naabot din ba ang utak ko nung electric shock mula sa lightning arrow? Hindi ako makapagreact kaagad!

Nilagay ko sa harapan ko ang dalawang kutsilyo para magform ng ekis at nagkaroon ng ice blade extensions sa dulo para madepensahan ko ang sarili ko. I heard the hissing sound of Bolt’s lightning at saktong lumitaw siya sa likuran ko kaya tumalikod ako at mukhang hindi niya inaasahan na nalaman ko kung saan siya manggagaling. I sliced his arm in a swift motion at naramdaman kong malalim ang nagawa kong sugat dahil sa dami ng dugong tumalsik at dumaloy. Napasigaw siya kaya ginamit ko ang oras na ‘yun para umatake ulit. This time, tinarget ko ang kabilang braso pero naging mabilis ang reaksyon niya. Nahawakan niya ako sa braso at naramdaman ko ang pagdaloy ng electricity sa buong katawan ko.

Napasigaw ako dahil sobrang sakit sa pakiramdam at parang tinutusok ang buong katawan ko ng libu-libong karayom. Namanhid ang buong katawan ko at nabitawan ko ang dalawang kutsilyo ko. Napaluhod ako pero hindi ako tuluyang bumagsak dahil hinawakan ni Bolt ang dalawang braso ko mula sa likuran at pinilit niya akong tumayo. Nagtaka ako kung bakit niya ginawa ‘yun pero narealize ko kaagad nung nakita ko si Rogue sa harapan ko. Nakaready na ang bow at lightning arrow niya habang nakatutok sa akin.

Ni hindi ako makapagsalita at nalalasahan ko pa ang metallic and burnt taste sa bibig ko. Napasigaw na naman ako nung naramdaman ko ang kuryente sa braso ko dahil sa pagkakahawak ni Bolt. Fuck this bastard!

“You can’t even fight us. Sa tingin mo kaya mo ang Flame Spectre?” sabi ni Rogue habang hinahatak niya ang string sa bow niya.

Kaya kitang labanan, asshole. Kaya kita kung ikaw lang ang kalaban ko. Pero pinagtulungan niyo ako. Ganun ba kalaki ang takot niyo sa isang babae? Fuck you!
Gustung-gusto kong isigaw ‘yun sa kanila pero hindi ko magalaw ang bibig ko at walang lumalabas na boses sa akin.

“Say goodbye to your petty life,” bulong ni Bolt sa akin habang sobrang lapit niya sa tenga ko. Kung kaya ko lang gumalaw ngayon ay bubugbugin ko siya hanggang siya ang mamatay.

“At the end of the day, you’re just a girl.” Napatingin ako kay Rogue nung sinabi niya ‘yun at naiyak ako. Not because I’m afraid to die, but because I’m so frustrated. Ayokong mamatay nang ganito. Ayokong mamatay nang hindi nakakagalaw at walang kalaban-laban. “See? Girls always cry. Girls are weak and powerless.” He said coldly. After that, Rogue released his lightning arrow.

Napapikit ako. So this is my end...

...but suddenly, the ground trembled. Napadilat ako agad at tinignan ko kung anong nangyayari. Pero hindi na ako nakapagreact nung nakita ko ang pamilyar na likod ng dalawang tao. Nagtuluy-tuloy na ang luha ko.

“Ikaw ang mamamatay, bata, hindi ang anak ko.” Lalo akong naiyak nung narinig ko ang boses ni Papa.

Bigla namang nawala si Lolo at bago ko pa malaman ang nangyari ay nawala na ang pagkakahawak sa akin ni Bolt.
Narinig ko na lang bigla ang pagsigaw niya at nasalo naman ako ni Lolo. Tinignan ko siya habang nakahandusay sa lupa at may butas na ang katawan niya sa bandang tiyan. Nakita ko ang baril na hawak ni Lolo at hindi ako makapaniwalang ganun kalaking butas ang kayang gawin ng bala nun.

“Para ‘yan sa ginawa mo at ng mga kasama mong pagsugod sa bahay namin. Dahil sa inyo ay nasira ang ilang dekadang pinaghirapan ng pamilya ko.”
Nilayo ako ni Lolo sa kanya habang patuloy pa rin siyang sumisigaw dahil sa ginawa ni Lolo. “At walang lalaking pwedeng humawak sa apo ko kundi ako at ang tatay niya. Dahil lahat ng nagtatangka, namamatay.” Pagkatapos ay biglang tinutok ni Lolo ang baril kay Bolt at pinaputok niya ‘yun. Hindi ko na ulit narinig ang pagsigaw ni Bolt dahil hindi na siya gumagalaw at may butas na rin ang ulo niya. Napapikit pa ako dahil hindi ko nakayanang tignan ang itsura niya.

He’s dead.

After a few seconds ay naramdaman ko na ulit ang buong katawan ko. Tsaka ko narealize na namamanhid lang ako kanina dahil patuloy ang electric shock na nararamdaman ko mula sa pagkakahawak ni Bolt sa braso ko. Pero nung nakalayo ako sa kanya ay bumalik ang pakiramdam ko, though medyo namamanhid pa rin ang kanang braso ko.

Napatingin ako kay Papa habang kinakalaban niya si Rogue. Ni hindi ko masundan ang labanan nila dahil sa sobrang bilis.
Ang tanging nakita ko lang ay ang pagpapalit ni Papa ng iba’t ibang klase ng short swords at baril na nagpoproduce ng ice crystals.

Tumayo ako at inalalayan ako ni Lolo. Pinunasan ko kaagad ang luha ko at humarap ako sa kanya. Ang dami-dami kong gustong itanong pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila ni Papa at kung paano sila napunta rito. Pero nung sisimulan ko na ay napatigil ako dahil sa narinig kong pagsigaw.

“Leader!”

Lumingon agad ako sa direksyon ng boses ni Kelsey at nakita kong akay-akay nila si Gemma. Panandalian pa akong nagulat sa state niya. Kahit may nakatakip na coat sa likuran niya ay nakita ko ang babang part ng likod niya na lapnos ang balat. Ang dami rin niyang galos sa katawan.

“Pumunta ka na sa kanila, apo. Kami na ang bahala rito,” sabi bigla ni Lolo habang nakangiti.

“Pero Lo—”

“Kailangan ka nila. Kailangan niyo ang isa’t isa. Hindi ba’t isang grupo kayo?”

Hindi na ako nakipagtalo kay Lolo at agad akong tumakbo papunta kina Gemma kahit na pakiramdam ko ay nagcacrack ang mga buto ng katawan ko.

Nakita kong niready nila ang weapons nila kaya tumigil ako at tinignan ko kung saan sila nakatingin...and I saw Krystal being held in her neck. Hinawakan ko kaagad ang throwing knives ko at binato ko sa direksyon nila. I need to cut his hands off her!

Shit! Hindi ako aabot!

And then his hands were suddenly enveloped in flames.

“KRYSTAL!” sigaw ko at bigla na lang lumaki ang apoy at nacover silang dalawa. Oh no. Hindi pwedeng mangyari ‘to!

Tumakbo ako papunta doon at nasa gilid ko na sina Gemma, Kelsey at Miles. Hindi rin sila makapagsalita at nakatingin lang doon sa apoy. Pero bigla kaming napahinto.

Suddenly, the flame was frozen.

Nagcrack ‘yun at nalaglag si Krystal... “Get off me! I can fight him without your help!”

...at si Hale.

“Trust me, Krystal Alveria. He’s not an easy opponent,” sabi naman ni Hale at biglang sumabog ‘yung frozen flame habang nasa gitna si Rage. Ngumiti siya sa kanilang dalawa at kahit malayo pa kami ay ramdam na ramdam ko ang parehong init at lamig sa direksyon nila.

“It’s good that you know that. After all, ako ang pumatay sa mga magulang mo,” sabi ni Rage at naging sobrang cold ng expression ni Hale. Tumingin si Rage kay Krystal at ngumiti. “At ngayon, ako rin ang papatay sa kapatid mo. Winter. She’s your sister, right?”

Hindi ko alam kung sinadya ba o ano pero sabay nagyelo ang mga kamay nina Krystal at Hale. Nagyelo rin ang inaapakan nila at may ilang naging ice statue dahil malapit sila sa kanilang dalawa. Buti na lang at hindi umabot dito sa pwesto namin ‘yun.

Bigla akong nanlamig hindi lang dahil sa pagiging frozen ng lupa kundi dahil sa takot.
Nakakakilabot ang pagiging seryoso nilang dalawa. That Rage has a talent in pissing people off, and I think he angered the wrong ones.

“I’ll make sure that you’ll fucking freeze to death. Be ready.”

And then they both attacked him.


***