.

.

Chapter 49 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 30, 2015


***

I was mesmerized by the way they move. Hindi ako makagalaw sa pwesto at ganun din ang tatlo. Pare-pareho kaming nakatingin sa laban nina Hale, Krystal at Rage. Nung sumugod silang dalawa ay nagkaroon ng malaking chunk of ice at nakulong si Rage sa loob nun. Pero after a second ay nag-evaporate ‘yun dahil sa flames na ginawa ni Rage sa loob.

“T-that fight is out of this world,” sabi ni Gemma at napalunok ako dahil ganun din ang naramdaman ko.

Halos paiba-iba ang temperature dito kahit na medyo malayo sila sa amin.  
Ngayon ko nakita kung gaano kalayo ang level nila at kung gaano sila kalakas.

Napaisip naman ako bigla doon sa pag-uusap nila. Rage killed Hale’s parents. Does that mean namatay sila sa war? Or after the war?
Sa pagkakaalam ko, sobrang tagal ng kaguluhan na nangyari sa lugar na ‘to. Hindi kaya may kinalaman doon ‘yung narinig kong sinabi ng tatlong Senshins sa War of Best?

Sa natatandaan ko, ang sabi nung Reina, tinry na raw nilang magkaroon ng alliance thirteen years ago. At sa pagkakaalam ko, tumagal ng ten to twelve years ang warring state dito. That means nagtangka silang mag-offer ng alliance sa Huntres tribe thirteen years ago which was the time na nagsimulang mamuno completely ang Flame Spectre at nagkaroon na rin ng White and Black Division.

“Oh My God!” Nagulat kami nung biglang sumigaw si Kelsey at inenclose niya kaming tatlo sa chain whip niya. After that ay hinatak niya kami kaya napasubsob kami sa lupa. Hinatak niya palabalik sa kanya ang whip at natanggal ‘yun sa katawan namin. She threw it midair at saka lang namin narealize na may isang lalaki pa lang sumugod papunta sa amin.

“Be careful! He can use anything’s shadow!” sigaw ni Miles.

Sa kabilang side namin ay may narinig din akong ingay at alam kong iyon ang mga nakatakas mula sa arena. Nakita ko ang ilang members ng Phantom Breeze na pinipigilan sila pati na rin sina Galeen at Geo. Bumalik naman ang focus ko sa lalaking trapped ngayon sa chain whip ni Kelsey. Kung tama ang natatandaan ko ay kasama rin ang lalaking ‘to sa arena.

Hinatak ni Kelsey ang whip at paglapag na paglapag ng lalaki sa lupa ay tumapak siya sa anino ni Kelsey...and he vanished.

“Fuck—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong sakit sa bandang likuran ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Gemma habang nakatingin sa akin.

“One down,” bulong ng nasa likuran ko. “Even those green-eyed bastards can’t catch me,” sabay tawa niya nang mahina. Huli na nang marealize ko na lumabas siya sa anino ko at sinaksak niya ako sa likod. Napaluhod ako at hinawakan ko ang likod ko. Pagtingin ko ay sobrang daming dugo doon.

“Damn you!”
Nakita kong sumugod si Gemma doon sa lalaki pero nawala ulit siya dahil sa anino ni Gemma. Lumapit sa akin ang tatlo dahil alam nila, at alam ko, na malaki ang possibility na ako ulit ang susugurin niya.

Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay tinaas ko pa rin ang kutsilyo ko…at sinaksak ko doon sa sugat ko.

“Oh my God! Nababaliw ka na ba Tanda?!” sigaw ni Kelsey and I gave her a faint smile.

Naramdaman ko ang paglamig ng bahaging ‘yun at natahimik silang tatlo habang alert pa rin doon sa lalaking nagtatravel sa shadows. My deep wound was frozen in a heartbeat. At least ngayon, hindi na aagos ang dugo. Pawis na pawis na ako kahit malamig ang paligid. Nakatingin ako sa lupa at nakita kong...

...may anino sa harapan ko.

And I was too late to realize it.

Naramdaman ko ang pagswing niya ng kutsilyo sa ulo ko at ang pagsigaw ng tatlo. Parang bumagal ang buong paligid at ang paghinga ko na lang ang naririnig ko. I was too exhausted to move. At alam kong hindi na ako maliligtas ngayon nina Lolo at Papa dahil marami rin silang kalaban.

I will be decapitated—

“Found you.”

Nagulat ako nung bigla kong narinig ang pagcrack ng lupa sa harapan ko. Pagtingin ko ay may isang lalaki na nakahawak sa leeg nung may Shadow attribute.

“K-kuya Senshin!” sigaw ni Kelsey. Saka ko narealize na siya ‘yung blonde guy sa weird trio.
Hindi ko alam na nandito rin sila sa center ng labanan. Akala ko ay nasa gilid sila ng city tulad ng ibang allies namin.

“I can see
through things, even inside your shadows. Don’t underestimate my eyes,” sabi niya at tinaas niya ang leeg nung lalaki sabay binagsak niya ulit sa lupa. Halos nabaon ang katawan nung lalaki at napanganga ako sa brute strength niya.

“Do you think you can use his attribute to simulate the Black Dimension?” Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko ‘yung babaeng Senshin—Reina, I think that’s her name.

“Maybe. But
that dimension is much more complex than shadows,” sabi nung lalaking nakasalamin.

Tinulungan akong tumayo nina Gemma at hinarap namin ‘yung tatlong Senshins. May mga sugat din sila pero mukhang hindi ganun kalala, hindi gaya namin na pwede nang maconsider na fatal ang wounds.

Kahit sinusuportahan ako ni Gemma ay nararamdaman ko rin ang panginginig niya. I’m pretty sure her burnt back was aching and she’s just acting fine. Idagdag pa ‘yung cuts niya sa ilang parte ng katawan. Sina Kelsey at Miles naman, puro cuts at pasa rin pero hindi naman ganun kalala. Buti na lang at hindi sila nakaencounter ng kahit sinong myembro ng Flame Spectre dahil baka kung ano nang nangyari sa kanila.

Nagpaalam naman sa amin ‘yung tatlong Senshins at pumunta sila doon sa direksyon nina Galene at Geo. Ang dami kong gustong itanong sa kanila dahil mukhang marami rin silang alam tungkol sa amin. Samantalang kaming mga nandito, ay ngayon lang nalaman ang lahat.

Napatingin tuloy ako bigla sa direksyon nina Papa at Lolo pero wala na sila doon. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko sila makita. Kinabahan ako bigla. Hindi naman siguro...

‘I saw your father and grandfather,’
rinig ko sa boses ni Gemma sa isip ko.

‘Nasaan sila?’

‘Kasama nila si Dad. At ‘wag mo nang itanong dahil hindi ko rin alam kung bakit. Nahagip lang sila ng mata ko kanina.’

This time, hindi sina Papa ang hinanap ko kundi si Rogue. Kung kasama na nina Papa ang Dad ni Gemma, does that mean...

“Oh shit.” Natulala ako sa nakita ko.

Nakahandusay si Rogue at…at…parang hati ang katawan niya. Pero hindi tuluyang nahati dahil may malaking chunk ng yelo na nagcoconnect sa dalawa. Nakita kong gumagalaw pa ang ulo niya. B-buhay pa ba siya? Napalunok ako at iniwas ko ang tingin ko doon. Alam kong malakas sina Papa at Lolo pero hindi ko inexpect na ganito sila kabrutal. Magkahalong admiration and fear ang naramdaman ko ngayon para sa kanila.

“Fellow comrades and allies...”

Halos hindi ako makahinga nung narinig ko ‘yun. At kahit hindi ko pa naririnig ang boses niya ay alam kong boses ‘yun ng kapatid ni Krystal—si Winter Alveria. Hindi ko rin alam kung bakit narinig namin ‘yun, samantalang napakalayo niya sa amin at kinakalaban niya si Pierre.

Lahat ng kasali sa rebellion ay naging aware sa boses niya at maging ang ilang kalaban namin. Kinilabutan ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay may kakaibang mangyayari.

“Let’s finish this battle and claim what once was ours!”

After she said that, parang nagkaroon ng tremor dahil sa battle cry ng rebellion. ‘Yung mga kasamahan niya na nakasuot ng fur at wool sa katawan ay tumakbo sa harapan namin at nagform ng isang linya. Lahat sila ay may hawak na bow at quiver sa likuran. Lahat ng archers ay pumosisyon at may ilang nagtangkang sumugod para pigilan sila pero pinrotektahan sila ng mga kasamahan nila.

Pagsigaw nung nasa gitna ay sabay-sabay silang nagpaulan ng arrows papunta doon sa government mansion at ang nakakagulat ay sa tip ng arrow ay ang attributes nila. Pinigilan ng ilang members ng White government ang arrows pero masyadong marami at mabilis ang mga ‘yun.

Pero halos kalahati nun ay napigilan ni Pierre. Nagexpand ang apoy sa katawan niya hanggang sa maabo ang ilang arrows na natamaan nito.

“Retreat!” sigaw ni Winter kaya mabilis na umalis doon ang mga Huntres at pati kami ay sinama nila.

Nung una ay gusto ko pang magreklamo pero natahimik ako nung naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan ko. Nakita ko ang seryosong expression sa mukha ni Pierre habang nakatingin kay Winter.

“Sa tingin mo ay mapapabagsak mo ako ng ganun-ganun lang?” Kahit kalmado ang boses niya ay rinig na rinig pa rin hanggang dito at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko.

“I will do everything to reclaim our place, our honor and the peace between Huntres’ divisions...even if it means killing you and your followers.”

“Your parents can’t even touch me. They died without doing anything. Like those other fools who fought but didn’t accomplish anything. They died as nobody.”

Pagkasabi nun ay naramdaman ko na naman ang pagbaba ng temperature at this time, pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng isang dagat na nababalot sa yelo. Para akong nalulunod sa sobrang lamig at hindi ako makagalaw.

Narinig ko ang malakas na pagsigaw sa side nina Krystal. Napatingin kaming apat doon at nakita naming nakaenclose sa iba’t ibang layer ng yelo si Rage. Kahit nasa malayo kami ay nakikita namin na natutunaw mula sa loob ang yelo pero dahil sobrang daming layers at sobrang kapal ay mukhang hindi siya kaagad makakalabas doon.

“Holy ice. N-nakakatakot si Scarystal.”
“P-pati si Kuya Hale...”

Nakatingin sina Kelsey at Miles sa kanilang dalawa at gaya nila ay natakot din ako pero hindi ko sinabi. Nagkatinginan kami ni Gemma at alam kong ganun din ang naramdaman niya.

‘Now we know kung bakit malaki ang galit ni Krystal sa Flame Spectre,’
sabi niya sa isip ko. ‘Ang why Hale keeps on saying he’s just a nobody.’

Napatango naman ako. Naikwento niya sa akin dati ang tungkol kay Hale at sa unang pagkikita nila ay nagpakilala siya as a nobody.

‘Seems like they both have deep scars.
Ngayon alam na rin natin kung bakit ganun ang ugali ni Krystal. Pati na rin ni Hale. Defense mechanism na rin siguro nila dahil sa past nila.’

Alam kong lahat kami ay may tinatago sa nakaraan namin at natural na magkaroon ka ng defense mechanism para protektahan o ibaon sa limot ang mga nangyari sa buhay mo. Just like Kelsey and Miles. Sabi ni Gemma, naencounter daw nila si Kelsey dahil ninakaw niya ang wooden sword niya that time. Nalaman nila na simula seven years old siya ay sa lansangan na siya nakatira. Kaya rin siguro hindi niya nirerespeto ang mga nakakatanda sa kanya dahil lumaki siyang hindi rin nirerespeto at walang nagturo sa kanya. Si Miles naman, lumaki sa ampunan at laging nilalayuan. May kinilala siyang tatay afterwards pero pinatay naman ng gang members. Kaya hindi siya madaling magtiwala sa mga tao. Kahit na kasamahan niya ang ilang bounty members ay hindi niya sila tinuring na kakampi dahil alam niyang hindi rin ganun ang tingin nila sa kanila. She likes to act tough because she doesn’t want to be helpless again. At a young age ay naharap na sila sa ganung sitwasyon.

Napaisip ako kung ano kayang nangyari kay Krystal noong bata pa siya. Pinatay ba ang parents niya sa harap niya? Kasama niya ba ang kapatid niya? Bakit akala niya ay patay na ang kapatid niya?

“Go. I can handle him by myself,” sabi ni Hale kay Krystal.
“I know.”

Lumapit si Krystal papunta kay Winter pero tumingin siya sa direksyon namin saglit at hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero parang lumambot ang expression niya. After that ay nag-iwas siya ng tingin at tumabi kay Winter.

“N-nakita niyo ba ‘yun?” tanong ni Miles at kahit hindi kami sumagot ay alam kong alam niyang nakita rin namin.

Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya at natatakot ako sa pwede niyang gawin.

‘Are you her comrades?’

Nagulat ako nung may panibagong boses akong narinig sa isip ko. Nagkatinginan kaming apat. At kahit nakatalikod si Winter sa amin ay alam kong kami ang kinakausap niya.

‘Y-yes,’
sagot ni Gemma para sa amin.

‘I’m amazed that you found each other. It’s like fate brought you together.’

‘W-what do you mean?’
tanong ni Gemma. Maging ako ay naguluhan sa sinabi niya.

‘For the Huntres tribe, only those who possess the Ice attribute can use the inner voice. And only those who can communicate through their minds have the right to rule a tribe.’

‘Why?’
This time ako naman ang nagtanong. Bakit Ice attribute lang?

‘Because before the Flame Spectre, the one who ruled the Huntres tribe was the Ice Division—the Alveria family.’

Right after that, nagkatinginan kami ni Gemma dahil bigla naming naalala kung saan namin nabasa ang Alveria. We read that on a book about the history of the Huntres tribe. Wala na kaming oras para basahin ang buong libro kaya ‘yung mga naunang page lang ang nabasa namin. At ang dalawang pangalan doon na nakalagay ay ang unang namuno at bumuo ng Huntres tribe—sina Ivankov Alveria at 
Yllka Alveria...

...and that means Krystal and Winter, are direct descendants of them.


***