.

.

Chapter 5 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Nakatingin lang ako sa baba habang nandito ako sa may bubong ng bahay at hawak-hawak ko yung flag na nandito. Hindi ko maalis yung tingin ko sa dalawang babaeng yun dahil ang lakas nila. Mukha ngang hindi pa sila seryoso at nag-uusap pa sila habang pinapatumba nila yung mga lalaking nakapalibot sa kanila.

“Nagugutom na talaga ako!” sabi nung may hawak ng kahoy at tinutok niya yun sa leeg nung matabang lalaki at bigla na lang siyang tumumba. Akala ko nga nalaslas na yung leeg nung lalaki pero nagulat ako nung makita kong parang nagyeyelo yung part na yun.

His neck was frozen.

Bigla akong napahawak ng mahigpit sa chain whip ko. Nakaramdam rin ako ng pagkakilabot dahil doon.

“Eh di bilisan mo para makakain na tayo,” sabi naman nung isang babae at bigla siyang tumalon. Nagpaikut-ikot siya sa ere at naglanding yung paa niya sa ulo ng dalawang lalaki. Whoa! Pusa ba siya?! Tapos parang ako yung nasaktan para sa dalawang lalaking yun dahil nakatakong yung babae. Feeling ko bumaon sa bunbunan nila yung takong niya! Aray ang sakit nun! Bigla rin tuloy akong napahawak sa ulo ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sunod kong nakita. Bigla na lang nanigas yung buhok ng dalawang lalaki at sumisigaw na sila.

OH SHIT! So hindi nga ako namamalikmata kanina sa nakita ko?! Kaya nilang magfreeze ng tao?!

Habang busy sila sa pagpapatumba doon sa mga lalaki sa baba, na dumadami na ngayon dahil nagtawag ata sila ng reinforcement, napatingin ako doon sa kabilang direksyon nila at parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan.

Nakita kong papalapit sa kanila ang isang lalaki na may sigarilyo pa sa bibig. Napakapit ako ng mahigpit sa flag na hawak ko pati na rin sa chain whip ko. Sino ba namang hindi matatakot at kakabahan...

Papalapit sa kanila si Cal, yung leader ng Black Sparrow.

Kilalang-kilala siya rito sa eskinitang ‘to ng East Black Division. Kaya wala ring masyadong tao ang naglalakas-loob na pumunta dito ay dahil sa kanya. Oo, lawless area ang Black Division at sa East side na ata ang pinakamaraming gangs and delinquents, pero sa street na ‘to ang pinaka-lawless dahil sa kanila. Naririnig ko lang sa ibang tao ‘to pero ang sabi nila, nakakatakot daw talaga si Cal. Bukod sa malaki niyang katawan, may machine gun pa siya na hawak.

“BOSS!” halos sabay-sabay na sigaw nung mga lalaki habang nakatingin sa boss nila na naglalakad palapit. Napahinto rin yung dalawang babae sa pakikipaglaban at nilingon yung tinawag ng mga kalaban nila na ‘boss.’

Uh oh.

Anong gagawin ko? Alam kong kasalanan ko ‘to at nadamay lang sila dahil hinabol nila ako, pero bakit pa kasi nila ako hinabol?! Napaka-persistent kasi nila eh! Kaso...kung hindi dahil sa kanila, baka deds na ako ngayon.

“Who the fuck are you?” Halos matumba ako sa pagkakaupo ko nung narinig ko yung boses ni Cal. Shit! Nakakatakot! Para siyang galing sa ilalim ng takot!

“Oohhh, scary,” tapos nagshrug yung babaeng may hawak na kahoy. Halata namang sarcastic yung pagkakasabi niya. Ni hindi man lang siya naintimidate kay Cal! Grabe!

“You’re the boss?” sabi naman nung isa tapos tinignan niya si Cal mula ulo hanggang paa. Bigla naman siyang tumalikod, “Hoy Gemma, sa’yo na yan,” saka niya pinagpatuloy yung pagpapatumba sa mga underlings ni Cal.

“Huh?! Bakit ako?! Ikaw ang leader ah? Krystal!” tapos tumalikod rin siya at pilit na kinakausap si yung babaeng kasama niya.

So Gemma at Krystal pala ang pangalan nila. At yung Krystal yung leader? Wait, gang rin sila? Pero bakit dalawa lang sila?

Pero seryoso ba sila?! Bakit parang hindi man lang sila nag-aalala na kaharap nila ngayon si Cal?!

Napatingin ako kay Cal at parang nag-uusok na yung ilong niya sa galit. Siguro first time lang siyang dineadma ng ganun. At babae pa ang dumeadma sa kanya. Wow. They are fearless. Pero ako ang natatakot para sa kanila!

“Fucking girls!” sigaw ni Cal at bigla niyang niready yung machine gun niya kaya lalo akong kinabahan. Pagtingin ko sa dalawang babaeng yun, nagtatalo pa rin sila kung sino ang kakalaban doon kay Cal.

Seriously?!

“LOOK OUT!” sigaw ko dahil nakatutok na sa kanilang dalawa yung machine gun at nakatalikod pa rin sila. Bigla naman silang napaharap dahil sa sigaw ko pero huli na.

“Shi—”

Tumalon ako mula doon sa bubong habang hawak-hawak ko yung flag at nagpaikut-ikot ako sa ere. Hinagis ko yung chain whip ko sa pagitan ni Cal at nung dalawang babae.

Sunud-sunod yung paglaglag ng mga bala mula sa machine gun sa lupa na sumiksik sa chain whip ko. Kaso hindi ko napigilan lahat kaya napatingin agad ako sa likuran ko. Pagtingin ko, nasa lupa na rin yung mga bala at nakaharap sa akin yung dalawang babae.

“Cool!” sabi sa akin nung Gemma, habang tinitigan lang ako nung Krystal. Bigla akong kinilabutan sa titig niya na yun kaya napaharap ulit ako kay Cal na ngayon ay gulat na gulat sa nakita niya.

Dapat pala talaga hindi ako nagpapaniwala sa sabi-sabi eh. Akala ko naman malakas talaga ‘tong si Cal. Nakakaintimidate lang pala talaga yung built niya pati yung machine gun na hawak niya.

“Hindi ‘to laro para sa mga bata,” sabi ni Cal nung makarecover na siya sa pagkakashock niya. Nainis naman ako bigla sa sinabi niya.

“Hindi na ako bata! Palibhasa ikaw mukha kang matanda!” Kung kanina parang umuusok yung ilong niya sa galit, ngayon parang sasabog na yung buong mukha niya dahil sa inis, asar at galit.

Nakarinig naman ako ng pagtawa sa likod ko kaya napalingon ako. Pagtingin ko, nakahawak na siya sa tiyan niya yung Gemma habang yung Krystal...wala. Walang reaksyon. Tao ba talaga siya?

“Oi, Krystal! I like her,” sabay turo sa akin nung Gemma. “Matured siya mag-isip kahit nene pa siya.”

“NENE?! SINONG NENE?!” Ako pa ang tinawag niyang nene?! Fourteen na kaya ako! Teenager na ako!

“Ikaw! Sino pa—”

“Mukha ba akong nene—”

Pareho kaming napatigil dahil sa bilis ng pangyayari. What the...

Bigla nalang nawala si Krystal sa tabi ni Gemma na para bang bula. Pero nakaramdam ako ng matinding panlalamig na para bang dinaanan ako ni Kamatayan. Napatingin agad ako sa likuran ko para tignan si Cal.

“Oops. Mukhang seryoso na siya,” narinig kong sabi ni Gemma.

Naglakad palapit sa amin si Krystal. Oo. Bigla na lang siyang napunta doon sa tabi ni Cal na ngayon ay nakatulala na lang. Nagulat ako nung bigla na lang siyang tumumba sa lupa, una pa ang mukha. Hindi ko alam kung anong ginawa nung Krystal sa kanya pero alam kong siya ang gumawa nun. And she’s fast. Ni hindi ko talaga naramdaman na tumakbo siya papunta kay Cal habang nag-uusap kami ni Gemma.

“What did you do to him? Akala ko ba sakin na sya? Tseh,” sabay pout pa ni Gemma at nilagay niya sa batok niya yung kahoy, sabay inangkla niya yung dalawa niyang kamay doon.

“I froze his heart. Tara na,” tapos nilagpasan niya kaming dalawa. Hindi pa ako makagalaw nun dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari.

In a span of three seconds... napatumba niya yung kalaban.

Bigla namang may tumunog na kung ano. Nung una, akala ko tiyan ko, pero napatingin ako kay Krystal na napatigil sa paglalakad. Biglang tumawa ng malakas si Gemma at naglakad papunta kay Krystal.

“See? Gutom ka na rin pala! Kaya pala tinapos mo agad eh! Hahaha!”

“Shut up or I’ll—”

“Okay! Okay! Ayokong maging frozen beauty!”

“Kapal.”

“Aray ang sakit nun ha. Kahit papano maganda naman ako no!”

“Shut up.”

Parang wala lang sa kanila yung mga nangyari. Nakakawindang.

“Oi nene! Sasama ka ba o sasama ka?” napatingin ako kay Gemma habang hinihintay nila ako.

“H-ha?”

“What’s your name?” tanong naman ni Krystal.

“Bakit—”

“What’s your name?” this time, bigla akong nanlamig dahil sa intense na pagkakasabi niya nun.

“K-kelsey po.” Sa kanya talaga ako sobrang naiintimidate! Nakakatakot siya!

“Haha! Kelsey pala name mo!
Tara na! Libre raw tayo ni Krystal ng dinner!” sabay akbay sa akin ni Gemma.

“Come with us or I’ll freeze you to death.”
Pagkasabi nun ni Krystal, tuluyan na akong nawalan ng lakas na magmatigas. Nauna na siyang naglakad habang kami ni Gemma ay nakatayo pa rin dito.

“Don’t mind her. Trip niya lang sabihin yun. Haha! Tara na, nene,” tapos nagsimula na kaming maglakad.

“Hindi nene ang pangalan ko! Kelsey nga eh! Para saan pa at nagpakilala ako kanina?!”

“Whoo! Chill! Galit agad? Mas matanda ako sa’yo kaya wag mo akong sigawan ha!”

“Kasalanan mo naman eh! Nang-aasar ka!”

“At talagang hindi mo ako ginagalang ha? Nineteen na ako, nene! Mag-ate ka!”

“Ayoko!” tapos sinakal niya ako gamit yung kahoy na hawak niya.

Kahit pinagsasalitaan ko siya ng ganito, deep inside ay na-earn na nila ang respeto ko. At sa loob ko, sobrang saya ko dahil for the first time, may mga nagtanggol sa akin. Seven years akong mag-isa at seven years na sarili ko lang ang nagtatanggol sa akin. Nakatuwang isipin na kahit hindi naman nila ginusto talagang iligtas ako, ginawa pa rin nila.

I think I’m starting to like them.



***