.

.

Chapter 50 [Ashley]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, May 3, 2015


***

Halos ngayon lang nagsink-in sa akin lahat ng sinabi ni Winter. Nagkatinginan kaming apat at para bang hindi kami makapaniwala sa lahat ng narinig namin.

‘Wait. I heard Rage and Pierre using their inner voice. Paano nangyari ‘yun kung Ice attribute users lang ang may kayang gumawa nun?’
tanong ni Gemma. Right. Narinig ko rin ‘yun. How come they can also use their inner voice?

I heard Winter’s snort of disgust after Gemma’s question.

‘That’s why you heard them. They can’t even close their minds. I don’t know how they managed to use their inner voice but I’m pretty sure they can’t use it properly. Right, Pierre?’

Halos kilabutan ako doon sa sinabi niya. Does that mean pinarinig niya kay Pierre ‘yun? At mukhang tama ang hinala ko dahil lalong kumunot ang noo ni Pierre. God, this woman is beyond belief!

Biglang may sumabog doon sa likuran ni Pierre at kumalat ang apoy sa paligid niya. Nagkaroon tuloy ng barrier between him and the government mansion. Then napatingin siya kay Krystal.

“I see. You’re the younger sister. Hindi ko akalaing mabubuhay kayong dalawa,” sabi ni Pierre habang nakatingin kay Krystal.

Naguluhan naman ako bigla sa sinabi niya. Akala niya patay na si Krystal? Tapos ang akala ni Krystal nung nakita niya naman si Winter ay patay na rin ang kapatid niya. Habang tumatagal ay mas lalo akong nacucurious sa pagkatao nilang dalawa.

Nakarinig naman kami bigla ng pagsabog sa likuran at sabay-sabay kaming napalingon nina Gemma, Kelsey at Miles. At hindi ko inaasahan ang nakita kong view.

Magkakasama sina Papa, Lolo, Dad ni Gemma at Gramps. Sa gilid nila ay magkatabi si Galeen at Rivo, pati na rin sina Geo at Hilda. All big names were gathered on that spot.

“Maybe we should help them,” sabi ko sa kanila at tumango silang tatlo.

Wala naman kasi kaming maitutulong dito kina Krystal at Winter pati na rin sa laban ni Hale at Rage. We’re out of their league. Magiging pabigat lang kami kapag nakialam kami sa mga laban nila. We should just do what we can do.

Lumayo kami sa laban nina Krystal at tumakbo kami sa likuran kung saan pinipigilan ng rebellion army ang allies ng Flame Spectre sa pagpasok dito. Automatic na napatingin ako sa direksyon kung nasaan ang katawan nina Bolt at Rogue. Napalunok ako nung nakita kong hindi na gumagalaw si Rogue.

Huh. So much for being the worst criminal in the West. Kung magkakaroon siguro ng bounty sina Papa at Lolo, mabibilang din sila sa worst criminals dahil sa kabrutalan nilang dalawa. Bigla tuloy akong napaisip sa kung ano ang role nila sa rebellion at sa nangyaring division war dati. At bakit ba sila hinahabol ng government officials?

Nakarating kami doon sa pwesto nila at lumapit agad ako kina Lolo at Papa, samantalang si Gemma ay dumiretso sa Dad niya. ‘Yung dalawang nene naman ay kay Gramps pumunta.

“Hindi ko akalaing magkakilala pala ang mga anak natin,” sabi ni Papa sa Dad ni Gemma at nagkatinginan kami ni Gemma after that. Sabi na nga ba, may kakaibang nangyayari rito na hindi namin alam eh.

“What do you mean, Pa? Kilala mo ang Dad ni Gemma?”

“Of course. After all, we were once the commanders of the Huntres army. Kami ang kanang kamay ni Ark.”

“Sino si Ark?”

“The leader of the Huntres tribe before the wretched Flame Spectre rose to power.” Ramdam ko ang galit ni Papa dahil ‘yung hawak niyang baril ay biglang nabalot ng yelo to the point na umabot ‘yun sa braso niya.

“Nasaan na siya? Is he also part of the rebellion?”

“Narinig mo ang sinabi ni Pierre kanina ‘di ba?”

“Alin doon?”

“He killed him.”

Napatigil ako bigla. Teka, may sinabi ba si Pierre na ganun?
Ang natatandaan ko lang na sinabi niyang napatay niya ay ‘yung parents nina Krystal…oh my God. Don’t tell me...

“You mean...siya ang tatay nila Krystal at Winter?”

Narinig nina Gemma, Miles at Kelsey ang tanong ko kaya napatingin sila sa amin ni Papa.

“Your parents can’t even touch me. They died without doing anything. Like those other fools who fought but didn’t accomplish anything. They died as nobody.”

Iyon ang natatandaan kong sabi ni Pierre kay Winter at naging dahilan din kung bakit lumapit si Krystal sa kanila. I know na descendants sila ng founders ng Huntres tribe but I didn’t realize na kung descendants sila ay tama lang na ang pamilya rin nila ang naglead sa tribe.

Nagkagoosebumps ako nung narealize ko ‘yun. Shit. They are really on a different level. Oo, alam ko kaagad nung una ko pa lang makita si Krystal na kakaiba ang aura niya pero hindi ko naman akalain na ganito pala ang background niya.

“How about their mother?” rinig ko namang tanong ni Gemma sa Dad niya.

“She’s also dead. Pareho silang namatay after twelve years ng warring state. Naging malaking disadvantage para sa amin ang pagkamatay nila kaya ginamit ‘yun ng Flame Spectre para sumugod. Dahil doon ay natapos ang labanan na tumagal ng labindalawang taon, at natalo kami.”

“Gramps?”

Napatingin naman ako sa side nina Miles dahil narinig ko siyang tinawag ang pangalan ni Gramps. Pagtingin ko, nanunubig ang mga mata ni Gramps. Kinusot ko pa ang mata ko dahil baka dinadaya lang ako ng paningin ko pero basa talaga ang mga mata niya.

“Sorry, Master Isaz,” sabay na sabi nina Papa at Dad ni Gemma.
Ngumiti naman si Gramps pero halatang malungkot.

“Matagal na panahon na iyon. Ang mahalaga ay ligtas ang mga anak nila. Hindi ko sila nailigtas noon kaya sisiguraduhin kong poprotektahan ko ang mga anak nila.”

Magtatanong na sana ako kung anong meron kay Gramps pero pinigilan ako ni Papa at tumingin siya sa akin nang makahulugan. The next thing I knew, kausap na niya ako gamit ang inner voice niya.

‘He’s the leader of the tribe before Ark. At siya rin ang ama ni Ark.’

‘W-what? T-teka...ibig sabihin...apo niya sina Krystal at Winter?’

‘Of course.’

Napailing na lang ako dahil sobrang dami ko nang nalalaman tungkol sa kanila. Oh my God. Ngayon alam ko na kung bakit kami tinulungan ni Gramps para lumakas. He’s the freaking grandfather of Krystal! Pero teka, alam ba ‘to ni Krystal? Shit, feeling ko sasabog na ang utak ko sa mga nalalaman ko!

“Oh my God.
Gramps, Lolo ka ni Leader?!” sigaw ni Kelsey habang nanlalaki pa ang mga mata niya at napaatras pa siya mula kay Gramps.

“That’s why pareho kayong scary,” dagdag naman ni Miles.

Hindi na ulit kami nakapag-usap after that dahil nagfocus muna kami sa mga kalaban. Well, at least these people are easy to deal with. Unlike those behind us. Kahit na injured ako ay kaya ko pa namang makipaglaban sa kanila.

Sina Papa ang unang sumugod at kami nina Gemma ang kasunod nila. Sina Miles at Kelsey ang last line of defense. Pero nagulat ako nung biglang pumwesto sa unahan namin ‘yung dalawang nene.

“What are you doing—”

“Sorry mga Tanda pero mukhang nasa bad state kayo.”

“We’ll take this line at kayo ang pumwesto sa dulo.”

Ngumisi pa silang dalawa na parang nang-aasar at napataas ang kilay ko habang si Gemma ay kumunot ang noo. Pero after ilang seconds ay napabuntung-hininga na lang kami.

“Never thought na madedegrade ng dalawang Neneng ‘to ang pagkatao ko and at the same time ay poprotektahan ako,” sabi ni Gemma habang umiiling-iling pa.

“Seems like they’ve matured kahit na konti lang,” dagdag ko naman.

Saka ko lang narealize na nasa bad state nga talaga kami ni Gemma. She’s still covering her burnt back with Gust’s jacket at namumuo rin ang pawis sa noo niya. Ako naman, hirap huminga at parang may kuryente pa rin sa loob ng katawan ko.

“Hey, Ash.” Hindi ko tinignan si Gemma dahil kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. After all, pareho lang kami ng naiisip. “Do you think babalik pa sa atin si Krystal after this?”

“I don’t know. Hindi pa natin alam ang mangyayari.”

“Yeah...”

Kahit na sinabi ko ‘yun, alam ko sa sarili ko na malabo nang mangyari ‘yun.
Hindi ko alam kung magkakasama pa ulit kaming lima after all of this. Kasama na ni Gemma ang Dad niya at ganun din ako pati na si Krystal. I am worried about Kelsey and Miles dahil wala silang uuwian. Wala na silang pamilya. Habang nakatingin ako sa likuran nilang dalawa ay biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Ayokong magkahiwa-hiwalay kami.


***