.

.

Chapter 51 [Miles]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, May 11, 2015


***

Kahit nanginginig ang kalamnan ko ay pumosisyon pa rin ako sa harapan nina Gemmatanda at Tandash. Sobrang depleted na rin ang stamina ko at ang dami pang revelations na gumulat sa akin. Pero alam kong kailangan kong magpakatatag ngayon dahil isang maling galaw ko lang ay pwede akong mawalan ng buhay sa gitna ng labanang ‘to.

Nung nakita namin ni Dumbsey ‘yung dalawang Tanda kanina ay nagulat kami sa kalagayan nila. They are strong but they can’t handle the members of Lightning Bolt and Flame Spectre. Kaya siguro nila sinabing tumulong na lang kami sa iba ay ‘yun ang way nila ng pagliligtas sa amin. Kung tinulungan namin sila, kami ang tatargetin ng mga kalaban nila dahil mas mahina kami. Hindi ko tuloy alam kung maaawa o matutuwa ako dahil for once ay parang kami ang nakakalamang sa kanila.

Pero ang hirap pa rin nilang tignan dahil sa injuries nila. Sword cuts at nalapnos ang balat ni Gemmatanda sa likuran niya at kahit ‘di niya sabihin ay alam kong sobrang hapdi nun.
Idagdag pa na hindi pangkaraniwang apoy ang naencounter niya kundi Fire attribute nung Allen na sumugod sa amin dati sa North. Si Tandash naman, puro deep cuts din at parang may burnt areas din ang katawan niya. Ni hindi ko nga alam kung paano niya pa nagagawang tumayo after ng nangyari sa kanya kanina.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nung biglang nagkagulo doon sa harapan. Sumusugod na naman ang allies ng Flame Spectre kaya nagready kami. Gusto nilang makapunta kung nasaan ang main force nila but we won’t allow that. Ngayon pa na halos lahat ng nasa center ay rebellion army na.

Halos lahat ng mga nakasuot ng parang animal fur na pang-tribo ay nakaformation sa gitna at sila ang nagpapaulan sila ng arrows sa direksyon ng Flame Spectre allies. Samantalang sina Gramps pati ang mga tatay nung dalawang Tanda ay ang front line. Sila ang sumisira ng formation ng mga kalaban at kahit kanina ko pa sila nakikitang nakikipaglaban ay natutulala pa rin ako sa lakas nila. Feeling ko nga hindi pa talaga nila pinapakita ang totoong lakas nila. Natatakot tuloy akong isipin kung gaano kalakas si Winter dahil siya ang nasa tuktok ng rebellion force.
Winterrifying.

Bigla naman akong kinilabutan at napatingin ako sa likuran.
Halos mapanganga ako sa nakita ko.

“What the...”

Napatingin din ‘yung tatlo at pare-pareho kaming natahimik. Hindi ko nga alam kung totoo ba ‘tong nakikita ko or epekto lang ng pagod.

Scarystal was dealing with the small fries who attempted to interfere. Ilang metro ang layo niya doon sa dalawa at parang pinipigilan niya ang ilan kaya ang daming ice statues sa paligid niya. Sina Pierre at Winter naman, they are simultaneously throwing fire and ice attacks. Ni hindi ko masundan sa sobrang bilis. Ang alam ko lang, tuwing magtatama ang fire and ice ay may malakas na sizzling sound. Nakikita ko rin ang pagmelt at evaporate ng yelo pati na rin ang pagfreeze ng flames. Sobrang lawak din ng attack range nila dahil lahat ng nasa paligid nila, either naiincinerate or nafofroze in place.
Hindi ko alam kung paano nakakatagal si Scarystal sa posisyon na ‘yun na malapit sa dalawa.

Then all of a sudden, that area was engulfed by a huge flame. Narinig ko ang sarili ko na sinigaw ang pangalan ni Scarystal...or was it the four of us? Hindi ko na matandaan. All I know was we were rushing to her side but a flaming line intercepted us. Napahinto kami habang nakatingin sa apoy na parang nagsilbing barrier sa pagitan namin at nung tatlo.

‘Shit! No!’

Halos mapahawak ako sa ulo ko dahil sa pagsigaw ni Scarystal.
Ngayon ko nga lang yata siya narinig sumigaw though hindi sa totoo niyang boses.

Idagdag pa si Gemmatanda at Tandash na buong lakas na yata ang ginagamit nila kahit sa pagtayo lang nang maayos.
Agad ko namang inalalayan si Tandash habang si Dumbsey ay kay Gemmatanda. Muntik pa nga akong mapalayo kay Tandash dahil nung dumikit ako sa balat niya ay may naramdaman akong kuryente—literally. I mean, not like the feeling na sinasabi nila kapag nagkakaroon kayo ng physical contact ng crush mo. Siguro nauso ang line na ‘yun nung may nainlove sa isang may Lightning attribute?

“Yuck, Miles. Anong pinag-iisip mo?” tanong ni Tandash habang tumatawa pero naramdaman ko ang pagwince niya at ang pagbabago ng rhythm ng paghinga niya.

“Yuck rin, Tandash. ‘Wag mo kasing basahin isip ko!” She just smirked at me while trying to support her own weight.

Then nagulat na lang kami nung biglang nagyelo ang apoy sa harapan namin at nagkaroon ng crack sa gitna. After a second ay nabutas ‘yun at lumabas si Scarystal doon sa malaking crack at nagpanic ako nung nakita ko na dumudugo ‘yung isang side ng ulo niya.

“Are you okay?” tanong niya sa amin habang hinihingal.

“Y-yes,” sagot ni Gemmatanda para sa aming lahat.

After that ay sinuntok ni Scarystal ‘yung frozen flame at lalong dumami ang cracks hanggang sa tuluyan na talagang nagcollapse. Dahil doon ay nakita namin ulit sina Winter at Pierre na nakikipaglaban sa isa’t isa. I can see the sinister smile on his face and it’s really annoying.
Naaalala ko lang na dahil sa kanila...dahil sa members ng gang niya, namatay si Leo. Namatay ang kaisa-isang tao na hindi ako tinignan ng iba at nagpalaki sa akin na parang tunay na anak. Dati ay sinabi ko sa sarili ko na ipaghihiganti ko siya sa gumawa nun sa kanya pero ngayong nakita ko na kung gaano kalayo ang lakas ko sa Flame Spectre ay alam kong hindi ko na magagawa ‘yun. Nakakafrustrate lang na wala akong magawa. Wala akong magawa para tumulong at para kay Leo.

‘NO!’

Biglang naging alert ang isip ko at napatingin kaming lahat sa kaliwa. Nagulat ako nung bigla kong nakita si Rage na sumusugod papunta rito habang hinahabol siya ni Hale. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yun sa pressure o sa takot (or both) at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“I should start with the weakest,” sabi ni Rage at nakatingin siya sa aming dalawa ni Dumbsey.

Wala pa kaming nakakaharap ni Dumbsey na kahit sinong member ng Flame Spectre pero kahit malayo pa siya sa amin ay parang nahihirapan na akong huminga. But suddenly, Scarystal stood in front of us.

I felt safe and terrified at the same time.

Bago pa makalapit sa amin si Rage ay nag-apoy na ang buong paligid. But before the flames reached us, it was already frozen. Pero ang kakaiba ay parang buhay pa rin ang apoy sa loob ng yelo dahil nakikita ko pa rin na gumagalaw at nagssway ang flames, and yet the ice was not melting.

Nakaabot si Hale sa amin at pareho silang tumayo ni Krystal sa harapan namin.

“Are you that scared that you don’t want to fight with me but these girls?” sabi ni Hale.

“I’m just being convenient. Wag kang mag-alala, pagkatapos ko sa kanila ay sisiguraduhin kong mawawalan ka na rin ng hininga.”

“Convenient my ass,” sabi naman ni Scarystal at lumalabas na naman ang nakakatakot niyang aura. I really don’t like it when she’s this serious. Nakakatakot talaga. “You’re just a pathetic guy who talks about who’s stronger and who’s weaker when in fact, you’re just as lame as your leader.”

And after that, the three of them lunged at each other.


***