***

I’m pretty sure Krystal is pissed. Pagkasabi kasi niya nun kay Rage ay tumindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang takot. Sa lahat ng oras na nakita ko siyang seryoso, ngayon ang pinakaseryoso.

Sinugod nilang dalawa ni Hale si Rage at gaya kanina ay may exchange of ice and fire attacks sa kanilang tatlo. Lumayo naman agad kami doon at inalalayan ako ni Kelsey habang si Miles naman ang nakaalalay kay Ash. Dahil nakatalikod sila sa amin ay nakikita ko ‘yung wound na finreeze ni Ash para huminto ang pagdugo. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong malalim at masakit ang sugat na ‘yun dahil maging ‘yung yelo ay nagkukulay pula na. Para tuloy may
ruby stone sa likod niya.

Huminto kami nung medyo malayo na kami kina Krystal. Hingal na hingal ako kahit ilang meters lang ang nilakad namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagiging pabigat ako ngayon. Ni wala akong matulong sa kanila kahit gusto ko.

‘You’re not the only one.’
Narinig ko naman ang boses ni Ash at alam kong may halong inis at guilt ang tono niya.

Bigla naman kaming nahagip ng explosion at dumapa kaming apat. Muntik pa akong mapasigaw dahil nadaganan ni Kelsey ‘yung likod ko at dumikit ng todo ang jacket sa balat ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sakit at alam kong nagdudugo na ‘yun dahil nalalasahan ko ang dugo.

“Okay ka lang ba, Tanda?!”

Tinignan ko si Kelsey at nagnod ako. Tumingin din ako sa direksyon ni Papa at nakita kong halos nadominate na nila lahat ng allies ng Flame Spectre. Ilan na lang ang nakikita kong may Fire, Lightning, Poison, Light at Dark attributes dito sa sentro kaya alam kong kaunti na lang ang natitira sa kanila.

Biglang may sumabog ulit sa side nina Krystal at pagtingin ko ay bumagsak siya sa lupa pero bago ang impact ay may malaking yelo na sumalo sa kanya at nasakto siya doon sa dent. Tumayo agad siya na parang walang nangyari at sumugod ulit kay Rage na kasalukuyang nakikipaglaban kay Hale.

Kahit papaano ay nasusundan ko ang mga galaw nila though hindi ko madilat nang maayos ang kaliwang mata ko dahil sa cut sa baba ng kilay ko. Nakuha ko ‘to nung nakipaglaban ako kay Allen. Speaking of Allen, nasaan na kaya ang damuhong ‘yun? At naglalaban pa kaya sila ng mayabang na ‘yun?

‘My, my. Ang dali pala talagang magbasa ng isip kapag nasa peak of exhaustion.’
Nilingon ko kaagad si Ash at nakuha niya pang ngumiti nang nakakaloko kahit puro cuts din ang mukha niya.

‘Mukhang kailangan kong magtraining sa pagsasara ng isip pagkatapos nating makasurive dito,’
sabi ko na lang.

‘Make sure to close it tightly, like Krystal.’

Napaisip naman ako sa sinabi niya.
Sabagay, si Krystal laging sarado ang isip. Kapag magkakasama kaming lima, siya lang ang hindi namin mabasa ang isip. Siguro dahil maaga niyang natutunan ang tungkol doon kaya kaya niyang i-block ang isip niya. Ngayon alam na namin kung bakit at dahil ‘yun sa past niya. She doesn’t want any of us to know her background and her thoughts. But I’m really curious about her family. Bakit akala niya patay na si Winter? Bakit hindi niya sinabi na ang parents niya ang dating head ng Huntres tribe? Alam niya kaya na lolo niya talaga si Gramps? At bakit parang kilalang-kilala siya ni Hale?

Noong unang kita pa lang namin kay Hale doon sa eskinita sa East Black, naramdaman ko kaagad na malakas siya. Hindi ko rin alam kung bakit sinusundan niya kami.

“Gotcha.”

Nagulat naman ako nung biglang hinagis ni Ash ‘yung throwing knives niya papunta sa harapan namin at tumigil sa ere atmas lalo akong nagulat nung biglang may nag-appear na lalaki doon, duguan at tuluyan nang bumagsak sa lupa. Napatingin kaming tatlo kay Ash dahil sa ginawa niya.

“P-paano mo nalaman na may tao doon, Tandash?” tanong sa kanya ni Miles.

“The distortion. Akala ko dahil nanlalabo lang ang paningin ko pero sa part na ‘yun ay parang nadistort ang image. Naisip ko na baka may Light attribute ‘yun at ginagamit niya para i-conceal ang sarili niya, and I’m right,” sabay ubo niya.

“Wag ka nang magsalita, Ash Tanda!” sabi naman ni Kelsey.

But, wow. Ni hindi ko napansin ‘yun nung dumaan kami. Siguro ay naghihintay lang ng oras ang lalaking ‘yun para sugurin kami kapag ni-lower namin ang guard namin. I’m glad that she noticed him kahit nasa ganitong sitwasyon na siya.

Nagulat naman kami nung biglang may explosion ulit at this time ay malapit sa harapan namin. May kung anong bumagsak doon at sumabog.

“Don’t move,” sabi ko kaagad. Hindi ko rin alam kung bakit pero masama ang kutob ko.

At tama nga ang hinala ko.

Twenty meters away from us, habang nag-aapoy ang parteng ‘yun, ay tumayo si Rage habang nakatalikod sa amin. Ibig sabihin, siya ang bumagsak kanina. Nakita ko kaagad sina Hale at Krystal na nasa harapan niya at bigla akong kinilabutan.

They are dead serious.

Naramdaman ko ang naramdaman ko kanina nung kaharap ko si Winter. Their presence are suffocating.
Hindi ko alam kung dahil lang sa seryoso sila o dahil rin sa galit nila sa sinabi ni Rage kanina. Saka ko napansin na ang dami na ring sugat ni Krystal sa katawan at nagdudugo ang kanang pisngi niya.

Biglang sumugod si Hale kay Rage at mabilis na nagform sa kamay niya ang mahabang ice spike at sinaksak niya sa braso ni Rage. At the same time ay sinipa ni Rage sa tiyan si Hale kaya tumilapon siya sa direksyon ni Krystal.
Napasigaw si Rage dahil sa ice spike sa braso niya pero ilang segundo lang ay natunaw kaagad ‘yun sa braso niya. Si Hale naman ay bumangon din at nakita kong nalapnos din ang balat niya pero hindi kasinglala ng akin.

Sa totoo lang, mas nakakatakot si Hale kay Krystal. Sa lahat ng encounter namin sa kanya, lagi lang siyang...chill. Pero ngayon, walang bahid ng ngiti o smirk sa mukha niya. Maybe talking about his parents made him lose his patience.

Nakita ko namang hinawakan ni Rage ang sugat na gawa ng ice spike at sinunog niya ang part na ‘yun kaya tumigil ang pagdudugo. Bigla tuloy kumirot ang likod ko dahil sa ginawa niya.

Sabay ulit na sumugod sina Krystal at Hale sa kanya and this time, sumugod din si Hale papunta sa kanila. Pero biglang huminto si Krystal and he thrust her hand on the ground. Mabilis na nagyelo ang lupa at umabot agad ‘yun sa paa ni Rage kaya napahinto siya. Pero unti-unti ring natutunaw ang yelo at parang naeenclose pa sa flames. Ginamit ni Hale ang panahon na ‘yun para i-confront si Rage at nagform sa kamay niya ang sword na gawa lahat sa yelo at uneven ang blade. Inislash niya ‘yun kay Rage pero bago tumama sa kanya ay may naform ding sword sa kamay niya na gawa naman sa apoy.

“You can’t kill me easily,” sabi ni Rage.

“I can,” sabay withdraw ni Hale ng sword niya at hinawakan niya ng dalawang kamay sabay thrust sa paa ni Rage na frozen dahil kay Krystal. “But not easily, I guess.”

Lumayo agad si Hale sa kanya dahil parang nag-apoy ang buong katawan ni Rage. Natunaw ang ice sword na nakatusok sa paa niya pati na rin ang yelong naghohold sa kanya.

‘Get away from here!’

Nagulat naman ako nung narinig ko ang boses ni Krystal sa isip ko. Nagkatinginan kaming tatlo at agad naman kaming lumayo. Saka ko narealize kung bakit niya kami pinapalayo. Nakita ko sa mukha nung dalawang Nene na nagtataka sila kaya inunahan ko na kaagad sila.

“Oxygen.”

“Huh?!” sabay pa nilang reaksyon.

“The fire consumes oxygen. Mahihirapan tayong huminga kapag malapit tayo sa kanila.”

“S-saan mo natutunan ‘yan Tanda?
Matalino ka?”

“May alam ka sa science, Gemmatanda?”

Sinamaan ko sila pareho ng tingin dahil parang gulat na gulat sila pati na rin si Ash dahil tumawa siya.
Anong akala ng dalawang ‘to? Wala akong alam?! Well...hindi naman sa akin talaga galing ang fact na ‘yun. ‘Yun ang sinabi ni Gust nung nagawa niyang patayin ang apoy na nakapalibot sa amin ni Allen kanina.

Tinignan ko kaagad ang sitwasyon nina Krystal at parang lumakas si Rage. Napasigaw ako nung biglang nabalot ng apoy ang katawan nina Krystal at Hale.

“Leader!” sigaw din ni Kelsey at pinigilan ko siya mula sa pagtakbo. Hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya.

“Stay here.”

“Pero si Leader—”

“Mamamatay ka kapag pumunta ka doon. Don’t worry, they are strong.”

Kahit sinabi ko ‘yun ay maging ako gusto kong sumugod papunta doon. Nasa loob silang tatlo ng malaking apoy at wala akong makitang traces of ice. I hope those two are fine.

Ash suddenly grabbed my wrist and she inhaled sharply. Napatingin agad ako sa kanya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko sina Winter at Pierre na naglalaban. Tumama si Pierre sa isang pillar at nagcrack ‘yun pero bago pa bumagsak sa kanya ang debris ay naging abo ang lahat ng ‘yun.

Bigla siyang sumigaw at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko sa gulat at takot. Pakiramdam ko ay kumulog nang malakas.

“Don’t underestimate my fire, brat,” he said in a booming voice. And after that, the whole place was surrounded in flames and almost all buildings were incinerated.

The White division was engulfed by his flame.


***