.

.

Chapter 55 [Krystal/Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, June 14, 2015


***
/KRYSTAL/

Pierre bellowed like a beast when his flame was frozen. I looked at the surroundings and almost all of his allies were subdued. The Flame Spectre members were also lying unconscious on the ground near Gemma’s and Ashley’s dads. I was about to search for that Allen guy who hurt Gemma but Gust’s face blocked my view.

“Kung hinahanap mo ang lalaking ‘yun, ‘wag kang mag-alala, hinding-hindi na siya makakagalaw sa sitwasyon niya,” then he smiled while covering his sword with a piece of torn cloth. How the heck did he know what I am thinking of?

‘I think he read your facial expression.’

I looked at Hale and he’s still clutching his arm. The burnt area was covered with blisters and blood. It’s too distracting to look at that’s why I ripped a piece of cloth from my shirt’s sleeve and approached him.

“Stay still.”

“You don’t need to—” I glared at him and he immediately shut up, then I tugged his arm and tied the cooled cloth to the burnt area, while gently freezing the blisters.

“That’ll lessen the pain.”

“Thanks.”

“Di pa rin ako makapaniwala na matatapos na ang lahat ng ‘to,” Galene said while playing with droplets of water at the tip of her fingertips.

“Me too. Hindi ko akalaing darating pala ang araw na makikita kong bumagsak ang Flame Spectre at White government,” Geo added.

We quietly watched Pierre and Winter fighting each other, exchanging blows and attacks, and wishing for her to win and end this bloodshed.

“Hinding-hindi mo makukuha sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko!” Pierre threw a large blazing ball towards the center where most of the Huntres are. The five of us instinctively shifted our positions and we’re about to jump off this place but we stopped halfway. The fireball halted and it became a solidified piece of large rock, and it plummeted in front of Gramps, Hilda and Rivo.

“Mukhang nakakalimutan mong nandito rin kami.” Gramps clenched his hand and the solidified rock was shattered into pieces.

“I’m your opponent, and I told you, don’t underestimate my ice...and my comrades!” Winter suddenly produced a long and wickedly pointed lance, and somehow, the atmosphere changed. The pressure on the surroundings felt heavier, making it harder to breathe.

“S-shit! We’re in danger! We need to get away from her!” We glanced at Hale and he looked terrified.

“What—”

“Now!”

Gust and Geo helped Hale and the five of us jumped off the frozen flame, and we ran to where our allies are but they also started running away from that place. But as I ran, every step seemed heavier and it felt like something was dragging me back.

“Keep running!” Hale shouted but almost all of us can’t run anymore.

“Tsk. We have no other choice. Form a barrier!” Gemma’s father stepped in front of us and told everyone to group themselves according to their attributes. Although I don’t know what’s happening, Hale and I joined those who have the Ice attribute, including my own group.

‘She’s going to use that.’
Hale said with a serious tone.

‘That? What do you mean?’

‘A technique that’s powerful enough to wipe out this entire place.’

I was completely stunned after hearing that. Wiping out the entire White Division is absurd! How can she do that kind of thing? How strong is she?

“Prepare yourself.” I heard Winter’s voice and I felt chills on my entire body. Even Pierre can’t react to that and he looked petrified.

“All Earth and Ice attribute users, make a barrier now!” Gemma’s father commanded and we responded with our best effort. We formed alternate ice-earth barriers, some used their weapons to produce the barrier, then a water barrier was also made to enclosed all of us. However, the interior of the water barrier is dry and there’s air circulating in it, allowing us to breathe.

We can’t see nor hear anything from the outside but I can feel an unpleasant and eerie ambience surrounding us, and I’m sure that’s Winter’s presence.

“It’s happening...”

***

/GEMMA/

Nandito kami ngayon sa loob ng barrier na ginawa namin pero pakiramdam ko ay hindi pa rin kami safe. Sobrang sama ng nararamdaman ko sa paligid at para pa rin akong sinasakal dahil sa presence nina Winter at Pierre sa labas. Idagdag pa ang presence ng mga malalakas na tao rito sa loob. Parang walang saysay ‘yung hangin na nagcicirculate dito sa loob dahil mahirap pa ring huminga.

Pero napanatag ang loob ko kanina nung nakita kong ayos si Krystal. Nakaalalay siya kay Hale at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero parang nawala ang tension sa pagitan nila. Nakita ko silang nakikipaglaban kanina at naamaze ako sa tandem nila.

“It’s happening...” biglang sabi ni Hale kaya naging alert kaming lahat.

Parang biglang tumahimik ang buong paligid at nakaramdam ako ng sobrang panlalamig kahit init na init ako kanina. Hindi na ako makahinga nang maayos at wala akong marinig na kahit anong ingay. Bigla ring gumalaw ang lupa at nagcrack ang tinatapakan namin...

“Shit! Umabot na rito!”

...at mabilis na nagyelo ang tinatapakan namin, maging ang water barrier ay nagfreeze din.

“Faye! Reya!” sigaw ni Dad at nakita kong lumapit sa kanya ang dalawang Huntres na sumundo sa amin kanina sa War of Best. At sa pagkakatanda ko, ang attribute nila ay...

Biglang may lumabas na apoy sa sword at daggers nilang dalawa at kinalat nila ‘yun sa sahig. May Fire attribute sila at nakita namin ‘yun nung nilabanan nila ang Dark and Light pair nung papunta kami rito sa White Division. Maraming nagdraw ng weapons by reflex nung nakita nila ang apoy pero napigilan nila ang mga sarili nila. These girls are not bad. In fact, they chose to be part of the rebellion force kahit na maging masama ang tingin sa kanila ng kapwa fire attribute users.

“Sir! We can’t melt the ice!”

“It’s too powerful!”

Pinagpatuloy nila ang pagkalat ng apoy pero maging ang apoy na ‘yun ay unti-unti ring nagyeyelo. Mas lalo pang bumaba ang temperature at kapag nagsasalita kami ay may lumalabas na fog sa bibig namin. Hindi na rin masyadong visible ang paningin ko dahil sa fog at nababalot na ang buong barrier ng ice.

“We can’t stay here! Mas mabuti pang lumabas tayo kaysa makulong rito!” sigaw ng isa pero napatigil siya nung inislash ni Dad ang sword niya sa ice peaks na namumuo sa baba.

“Mas mapanganib sa labas,” sabi naman ng Dad ni Ash.
“You’ll be dead in a second.”

“Kaya kung ayaw niyong mamatay, tumulong kayo rito,” dagdag ng lolo niya.

I guess there’s no other choice.

Inisteady ko ang posisyon ko at nakita kong tumabi sa akin si Ash pati na rin ang dalawang Nene. Napangiti ako dahil mukhang pare-pareho kami ng naiisip. It’s now ice versus ice.

I slashed my sword and the frozen ground cracked. Ash threw her knives upward and severed those ice forming at the top of the barrier. Nahulog ang mga ‘yun pero bago pa bumagsak sa lupa ay naging fragments na lang dahil sa pagbaril ni Miles at sa whip ni Kelsey.

Nakita naming nakatingin si Krystal sa amin at napangiti kami sa reaksyon niya. Hindi kasi siya makatulong dahil halos magkapareho sila ni Winter pagdating sa Ice attribute. She can’t stop this ice, at kung tutulong siya ay mas kakapal ang yelo rito sa loob.

Tumulong din ang mga may Plant attribute. May mga vines na tumubo sa lupa at sa taas ng barrier, at pumulupot sa mga yelong namumuo, at sinira ang mga ‘yun. Nagdagdag naman ng panibagong barriers ang may mga Water at Earth attributes, habang ang Wind attribute ay tinulungan sina Faye at Reya sa pagpapalakas ng apoy.

Bigla kaming napatigil sa paggalaw nung may narinig kaming malakas na pagsigaw sa labas...and that was Pierre’s voice. Sobrang lakas ng sigaw niya at parang dumadagundong sa buong paligid, hanggang sa pahina na ‘yun nang pahina. Huminto na rin ang pagkapal ng yelo sa loob ng barrier at nawala na nang tuluyan ang boses ni Pierre.
Walang gumagalaw o nagtangkang magsalita sa amin dahil hindi namin alam ang gagawin. Hanggang sa may narinig kaming pagbagsak at pagbasag sa labas.

‘I-it’s...o-over...’

Narinig ko ang boses ni Winter sa isip ko kaya napatingin ako kina Ash at shocked din ang expressions nila. Magsasalita na sana ako pero bigla akong may narinig na pagcrack sa right side at pagtingin ko, sira na ang barrier at sabay na lumabas sina Krystal at Gramps.

“Winter!” sigaw niya habang tumatakbo palabas.

Dahil sa ginawa nila ay nagtuluy-tuloy ang crack hanggang sa itaas ng barrier kaya lumabas din kaming lahat. Hinold nina Rivo at Hilda ang buong barrier hanggang sa makalabas ang lahat. After a few seconds ay nagcollapse ang ginawa naming barrier at mabuti na lang ay nakalabas ang lahat.

Nagulat naman ako nung makita ko ang paligid at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. The White Division was completely frozen at lahat ng naiwan sa labas ay naging yelo rin. Some have cracks and others were shattered into pieces. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sina Krystal at Gramps na tumatakbo papunta kay Winter na nakatayong mag-isa sa gitna habang nakatingin sa langit. Halos nagkulay pula ang lugar kung nasaan siya at may mahabang cut sa braso niya kung saan tumutulo ang dugo pati na rin ang mukha niya. But her expression was so serene at nawala ang pagiging cold niya pero kinilabutan ako nung nakita kong may luhang tumulo sa mga mata niya.

“It’s over...Mom...Dad...” Narinig ko ang sinabi niya dahil sobrang tahimik ng paligid at wala kahit isa sa aming nagsasalita.

“Winter!” bigla namang sigaw ni Krystal at niyakap niya si Winter kaya pareho silang napaupo.

Saka ko napansin, na umuulan na pala ng snow at natatakpan na ang buong White Division. Tumingin ako sa langit at hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko. Ito ang unang beses na makakita ako ng ganito.

“Sabi ni Lolo, nagssnow raw dati sa lugar na ‘to nung hindi pa Flame Spectre ang namumuno. Isa ‘to sa mga pinapangarap niyang makita ulit,” sabi ni Ash at tumingin siya sa Lolo niya kaya napalingon din ako. Halos lahat ng mga matatanda ay nakatingin sa langit at ang iba ay tahimik na umiiyak, na para bang ang tagal nilang hinintay ang panahon na ‘to.

Tumingin ulit ako kina Krystal at Winter habang magkayakap sila at for the first time, nakita kong umiyak si Krystal...at nakita ko ring ngumiti si Winter.

Akala ko, kapag natapos ang labanang ito, magchicheer at magsisigawan ang mga tao. Pero heto kami ngayon, tahimik na pinapanood ang magkapatid, ang snow, at ang katapusan ng pamumuno ng Flame Spectre. Maybe this is how it’s supposed to be.


***