.

.

Chapter 6 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Hindi ako makatulog. Ang sakit rin ng katawan ko.

Napatayo na lang ako sa sofa. Siguro dahil na rin sa hindi ako sanay matulog sa malambot na higaan at hindi rin ako sanay na nasa loob ako ng bahay. For seven years, kung saan-saan lang ako natutulog. Minsan nga hindi na ako natutulog dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ng mga tao rito. Kilala pa naman ang East Black Division dahil sa lawless areas at sa mga nagkalat na gangs, delinquents at iba pang masasamang tao.

Nandito nga pala ako ngayon sa isang bahay. Bahay ata ni ate…err, hindi talaga ako sanay na tumawag ng ate. Bahala sila. Krystal at Gemma ang itatawag ko sa kanila!

Ayun nga, nandito ako ngayon sa bahay ni Krystal. Dinala ko kasi sila kahapon sa isang masarap na kainan. Kakilala ko naman yung manong doon dahil tinutulungan ko siya kapag may mga customers siyang hindi nagbabayad ng kinakain nila. Ninanakaw ko lang naman yung pera nila. Kasalanan naman nila. Kung nagbabayad sila ng tama, eh di sana hindi ko sila nanakawan. Ayan tuloy, mas malaki pa ang nawalang pera sa kanila.

After naming kumain, sapilitan nila akong sinama rito. Oo, sapilitan! Ayoko kasing sumama sa kanila kahit na gusto ko sila. Hindi ko pa rin naman sila ganun pinagkakatiwalaan. Mahirap na magtiwala sa kung sino-sino ngayon. Pero nagulat na lang ako nung biglang inagaw sa akin ni Gemma yung chain whip ko at pinulupot niya yun sa akin!

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi na ako nakapalag! Tapos bigla niyang inangkla yung kahoy na sword na hawak niya sa chain whip ko at binuhat niya ako gamit yun, tapos pinatong niya sa balikat niya yung kahoy.  Ang kinalabasan tuloy ay parang akong baboy na kakakatay pa lang dahil sa way ng pagbuhat niya sa akin!

“Gah! Ang bigat mo! Baboy ka ba?” gusto ko sana siyang sipain kaso hindi ko magawa dahil magkatalikuran kami at nakalutang pa ako dahil sa ginawa niya!

“Ibaba mo nga ako! Hoy! Ano ba!” nagwawala na ako pero parang wala lang sa kanya! At bakit hindi napuputol yung kahoy?! Ganun ba katibay yun?!

“What? Sabi mo gusto mo siya kaya kinikidnap ko na siya ngayon. Mukhang di natin siya madadaan sa pakiusap eh,” rinig kong sabi ni Gemma. Mukhang kausap niya si Krystal.

“There are other ways...”

“Ehh? Hayaan mo na! Exercise ko rin ‘to kasi mabigat siya.”

“Hoy! Narinig ko yun! Di ako mabigat!” Kainis na Gemma yun! Kanina niya pa ako iniinis ha! Tsaka hindi naman talaga ako mabigat eh!

“Aba hinohoy-hoy mo lang ako ha. Mas matanda ako sa’yo!” narinig kong sabi niya.

“Eh di tanda na ang tawag ko sa’yo! Matanda ka na pala eh!” Pagkasabi ko nun, bigla akong huminto sa paggalaw kaya alam kong huminto siya sa paglalakad. Kinabahan ako bigla. Teka, sobra na ba yung sinabi kong yun? Shit! Ayokong mabugbog!

Nagulat na lang ako nung bigla akong bumagsak sa lupa at nauna pa ang pwet ko! Ang sakit nun ha! Bakit niya ako binitawan?! Napalingon agad ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama.

“Krystaaaal! Tinawag niya akong tanda! Mukha ba akong matanda?! Hindi naman ‘di ba?!” sabay lapit niya kay Krystal tapos para siyang iiyak na ewan. Seriously? Totoo bang nineteen na siya? Para siyang ten-year old kid! Parang mas mature pa akong mag-isip sa kanya eh.

“A-ano ba! Get off! Get off!” nakayakap na kasi si Gemma kay Krystal at ngumangawa. Na-offend talaga siya sa pagtawag ko ng ‘tanda?’ Ibang klase! Ang lakas-lakas niya kapag lumalaban pero asal-bata siya kapag normal na usapan lang.

Bigla naman siyang tumingin sa direksyon ko at seryoso yung mga mata niya. Oh no...

At yun ang dahilan kung bakit masakit ang katawan ko. Kinaladkad niya kasi talaga ako papunta rito sa bahay at hindi na ako nakapalag. Baka kasi gamitin niya pa sa akin yung kahoy niya kapag pumalag pa ako. Hindi lang sakit ng katawan ang aabutin ko doon, baka mamatay pa ako.

Pagdating namin dito, tsaka niya pa lang tinanggal yung chain whip ko sa pagkakapulupot sa akin at pinilit niya pa akong makinig sa kwento niya. Basta ang natatandaan ko na lang (dahil yung iba ay walang kwenta naman), ay kakakilala lang daw nila ni Krystal kaninang umaga. Tinulungan rin daw kasi siya ni Krystal nung papunta pa lang siya rito sa East Black Division. Galing pala sila pareho sa White Division.

After that, binigyan ako ni Krystal ng room sa may second floor. Bigla nga akong napayakap sa sarili ko dahil sa sobrang lamig! Pagtingin ko kay Gemma, ganun rin ang ginawa niya. Si Krystal lang ang parang hindi man lang nilalamig.

“Crap,” narinig kong sabi ni Krystal.
“Ahh! Pinalamig mo pala ‘to kanina! Ang ggggiiinnnaaawww!” sabi ni Gemma habang nanginginig.
“Baba,” utos sa amin ni Krystal.
“Bakit? Kaya mo bang gawing normal ulit yung temperature dito?” tanong naman agad ni Gemma.
“Hindi. Sa baba tayo matutulog. Mukhang bukas pa ‘to babalik sa dati.”
“EEEHH?!” halos sabay na sigaw namin ni Gemma kaya napatingin kami sa isa’t isa at nag-iwas rin naman agad ng tingin. Tse! Tanda!

Dito ako humiga sa may sofa habang silang dalawa ay naglatag sa may sahig. Agad rin naman silang nakatulog, habang ako ay mulat na mulat pa rin. Hindi ako sanay na ganito. Ito ba yung tinatawag nilang namamahay?

Tinignan ko naman sila habang natutulog. Si Gemma parang may epilepsy! Nakabaluktot! Napakaweird ng sleeping position niya ha! Si Krystal naman parang patay. Nakastraight yung katawan niya tapos nakahawak pa siya sa dibdib niya. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko maisip na sila yung tumulong sa akin kanina.

Pero kahit papaano, napangiti ako. Kahit nakakainis si Gemma at nakakatakot si Krystal, niligtas pa rin nila ako. Sa pagkakaalala ko kanina sa mga pinagkukwento ni Gemma, bumubuo raw sila ng gang at kasama na raw ako sa kanila. Oh di ba? Hindi na niya pinakinggan yung sasabihin ko, basta kasali na raw ako. Nag-agree na lang si Krystal and then poof! Member na ako.

Mas mabuti na rin siguro ‘to kaysa naman gumagala ako rito sa street na ‘to. Mas mabuti nang may kasama akong malalakas. Pero mukhang kailangan kong ma-adapt agad yung atmosphere dito. Haaay. Alam ko namang masama ako at hindi ako marunong gumalang kasi wala namang kagalang-galang sa Black Division, except siguro kay Manong. Pero hindi talaga ako sanay tumawag ng ate o kuya o mag-po at opo. Kaso nahihiya ako kay Krystal. Gusto ko siyang galangin kaso nakakahiya gumamit ng ate. Okay lang kay Gemma eh, di naman siya kagalang-galang. Ano kaya?

Napakusot naman ako bigla sa mata ko. Bumibigat na yung mga talukap ko. Mukhang tinamaan na ako ng antok. Di bale na nga. Matutulog na lang ako.

***

Maaga naman akong nagising dahil...maaga naman talaga akong nagigising. Pagbangon ko, wala pa ring pinagbago sa sleeping positions nila. Ang weird talaga! Dahil alam ko namang hindi sila marunong magluto (nakuwento rin ni Gemma tanda), pumunta ako sa kusina. Kaso wala naman palang laman! Balak ko pa man ding magluto. May mga natutunan rin naman ako dahil kay Manong.

“What are you doing?” Napatingin naman agad ako sa likuran ko at nakita kong gising na si Leader.
“Morning, Leader.”

Nagtitigan lang kami after that. Ugh! Sabi ko na nga ba ang awkward. Kesa naman Krystal lang ang itawag ko sa kanya. Baka patayin niya ako. Ayoko talagang mag-ate. Parang pangmababait na bata lang yun eh. And I’m not nice to begin with.

“What?” Mukhang ngayon lang nagsink-in sa kanya yung pagtawag ko sa kanya ng Leader. Pero totoo naman ah? Siya yung leader namin. Ayoko rin naman ng boss dahil hindi bagay sa kanya. Mga pangit na matatabang lalaki ang naiisip ko sa boss eh.

“I’ll call you Leader from now on.”

“What the—”

“Oohh! Cool! Leader! Haha! Sige ako rin, yun na tawag ko sa’yo Krystal. Leader!” Sabay naman kaming napatingin ni Leader kay Gemma na kakagising pa lang. Kaso biglang tumunog yung tiyan niya. “Whoops. Sorry.”

Tsaka ko naman naalala kung bakit ako pumunta rito sa may kitchen.

“Wala pala kayong ingredients dito. Hindi tuloy ako nakaluto ng breakfast.”
“Whooaaa! Marunong kang magluto, Kelsey?!” Napatingin ulit ako kay Gemma tapos kinilabutan ako. Grabe. Tinawag niya ako sa pangalan ko! Hindi ako sanay!
“Y-yeah.”
“Cool! May tagaluto na tayo! Tara bili tayo ingredients—ay wait maghihilamos muna ako!” tapos tumakbo siya papunta sa CR.

After ten minutes, lumabas na kami ni Gemma sa bahay. Nagpaiwan naman si Leader dahil aayusin niya yung mga kwarto sa second floor.

Sa pagkakatanda ko, ang pinakamalapit na palengke ay sa Concepcion Street. Yung bahay namin ay nasa Smith Street na halos isang kilometro ang layo sa palengke. Mukhang mahaba-habang lakaran ‘to ah.

Nung malapit na kami sa palengke, nakarinig kami ng mga sigawan at marami ring taong nagkukumpulan doon.

“Anong meron?” tanong ni Gemma kaya lumapit kami doon. Pagtingin namin, may limang lalaking nakahalik na sa lupa habang may nakatayo sa gitna nila na babae. Pero ang weird ng damit niya dahil para siyang mangangaso.

“Sorry for the disturbance. But don’t worry, hindi na sila makakapanggulo,” sabi nung babae sa mga tao tapos tinalian niya ng lubid yung limang lalaki at pinagconnect niya yun sa isang lubid. Nagulat na lang ako nung hinila niya yung limang lalaki gamit lang yung isang lubid at parang hindi man lang siya nahihirapan. Whoa! Grabe ang lakas niya! Pero parang nakita ko na somewhere yung pananamit niya. May nakasalubong na rin ata akong ganun manamit dati.

“Isn’t she...” napatingin naman ako kay Gemma.
“Kilala mo siya?”
“Not really, pero lagi kong nakikita yung mga kagaya niya sa White Division.”
“So galing siya sa White Division?”
“Most probably. They are allied with the government and they are known as the protector of justice. Hinuhuli nila yung delinquents at gangs na hindi sumusunod sa batas.” Bigla ko namang naalala kung saan ko nakita yung babaeng katulad niya rin dati. Muntik na kasi akong madamay sa away sa pagitan ng dalawang gang pero biglang may dumating na dalawang babae kaya ginamit ko ang chance na yun para tumakbo palayo doon.

“Sino ba sila?” tanong ko ulit sa kanya.
“The Huntres, also known as the Huntresses, and they are really strong.”

Mukhang kailangan namin silang iwasan.


***