.

.

Chapter 7 [Gemma]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“We’re here!” sigaw ko kaagad nung makauwi kami ni Kelsey sa bahay.

Dumiresto siya sa kusina habang bitbit yung mga pinamili namin. Ang cute cute niyang asarin! Pikod kasi siya. Haha!

Nakita ko naman si Krystal sa sala kaya dumiretso ako doon.

“We saw a huntress,” sabi ko kaagad kaya nabaling yung atensyon niya sa akin.
“Saan?”
“Sa palengke mismo.”
“We have to be careful.”
“Yeah.”

Natahimik kami pareho. Napag-alaman ko kasi mula kay Krystal na illegal ang pangongolekta ng insignias ng gangs kaya pwede kaming hulihin ng mga huntress kapag nakita nila kaming nangongolekta. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina. That huntress is so strong. Napatumba niya yung limang yun tapos siya lang mag-isa ang naghatak sa kanila kahit sobrang malalaki sila.

Umupo na lang ako doon sa isang couch at pinunasan ko yung bokken ko. Tapos naalala ko yung parang kadena na ginamit ni Kelsey nung nakipaglaban kami sa isang gang noong nakaraan.

“Krystal, sa tingin mo si Kelsey...”
“I think so.”

Nagkatinginan kami at alam kong pareho kami ng naiisip. Nung time kasi na nakikipaglaban kami at humarang si Kelsey nung ginamit ng boss ata ng gang yung machine gun, nagkaroon na ako ng hinala na may kakaiba sa kanya. Lalo pang lumakas yung kutob ko nung hinawakan ko yung kadena niya. Naalala ko kasi yung naramdaman ko nung unang beses kong mahawakan yung bokken ko.

Tahimik lang kami na naghintay sa may sala. Hindi naman awkward kahit hindi kami nag-uusap dahil sanay naman akong walang kausap. Sa bahay kasi namin dati, hindi naman ako kinakausap nung malditang stepmom at stepsister ko unless may ipapautos sila, at hindi ko rin naman sila pinapansin. And halata naman kay Krystal na hindi siya ganun kakomportable sa mga tao.

“May breakfast na!”

Napatingin naman agad ako kay Kelsey na nakasilip sa may kusina. Bigla kong naramdaman yung pagkalam ng sikmura ko nung narinig ko yung salitang ‘breakfast’ at nung naamoy ko yung niluto niya.

“Ang bango! Sinangag?” tanong ko kaagad nung nakalapit ako sa kanya at nakasunod naman sa likuran ko si Krystal.

“Yeah. Kain na Leader, Tanda,” sabay upo niya doon sa isang upuan. Aba talaga naman! Kinarir niya yung pagtawag sa akin ng Tanda ha! Masakit! Hindi pa naman ako matanda ah?! Teenager pa lang ako, though patapos na.

Naupo rin naman agad kami ni Krystal at nagsimulang kumain. In fairness, masarap nga. May nakahalo pang itlog at hotdog doon sa may sinangag kaya ang sarap. Grabe, buti marunong siyang magluto! Ako hanggang pagbuhos lang ng mainit na tubig sa instant food ang kaya kong lutuin. Yung stepmom ko kasi yung nagluluto at di naman niya ako tinuruan. Kung buhay lang siguro ang Mommy ko...nevermind.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kaming tatlo sa sala.

“Kelsey, can I see your  whip?” Pareho kaming napalingon ni Kelsey nung sinabi yun ni Krystal.

“N-no!” sigaw ni Kelsey tapos hinawakan niya ng mahigpit yung kadena na nakasabit sa may bandang bewang niya.

“Don’t worry, I won’t get hurt,” sabay lahad ni Krystal sa kamay niya. Nung una, nag-aalangan pa si Kelsey na ibigay sa kanya pero after ilang seconds, nibigay niya na rin yun. Nanlaki pa ang mga mata niya nung nakita niyang ayos lang si Krystal after hawakan yung kadena niya.

“Ah!” sabay tingin sa akin ni Kelsey at tinuro niya pa ako.

“Bakit?”

“Hinawakan mo rin yung chain whip ko ‘di ba? Nung tinali mo ako sa kahoy mo! Bakit hindi ka...” napatigil naman siya, pero mukhang alam ko na kung anong gusto niyang sabihin.

“Bakit hindi ako nasaktan? Yun ba ang gusto mong sabihin?” napakagat siya sa labi niya at binalik naman ni Krystal sa kanya yung kadena niya.

“You have an Ice attribute,” biglang sabi ni Krystal.

“Huh?”

Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. Gosh! Grabe ni wala man lang siyang paliwanag o paliguy-ligoy na ginawa! Diniretso niya agad! At base sa expression ni Kelsey, mukhang wala siyang alam sa nangyayari. Nakakunot lang yung noo niya habang nakatingin kay Krystal na parang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

“Nene—” bigla naman niya akong sinamaan ng tingin. “I mean, Kelsey, in what way nakakasakit yung kadena mo?”

Nakatingin lang siya sa akin at nakipagtitigan naman ako sa kanya. After ilang minuto, napabuntung-hininga siya.

“Fine. Sasabihin ko na ang totoo.” Naging alert naman kami ni Krystal nung narinig namin yung sinabi ni Kelsey.

“Go on. We’ll listen,” sabi ko naman.

“Nakuha ko ang chain whip na ‘to sa isang lalaki four years ago. Nasa boundary ako nun ng East at South Division dahil maraming tao doon nung time na yun. I think it’s because a gang challenged a Flame Spectre member.” Nagkatinginan naman agad kami ni Krystal nung narinig namin yung pangalan na yun.

“Flame Spectre? You mean the strongest gang?” tanong ko sa kanya.

“Oo. Pagdating ko doon, the whole gang was annihilated. Maraming tao ang nakiusyoso kaya ginamit ko ang opportunity na yun para magnakaw. Syempre marami akong nakuhang items kasi magaling ako.” Aba talaga namang nagmayabang pa siya sa pagnanakaw niya ha? What a kid!

“Who gave you that whip?” tanong naman ni Krystal.

“Nung time na nanakawin ko na dapat yung baril ng isang lalaki na nasa crowd rin, bigla niyang nahawakan yung kamay ko. Akala ko nun katapusan ko na dahil nahuli niya ako. I can’t do anything because I’m just a ten-year old kid that time at naramdaman ko na kakaiba ang lalaking yun. Pero bigla na lang siyang umupo para magkasinglevel kami at may binigay siya sa aking maliit na bag. This chain whip was inside it. Nung kinuha ko yun, parang may hinihintay siyang mangyari, then after a minute, napangiti na lang siya. Tapos sinabi niya sa akin na, ‘You can have it,’ then after that, bigla na lang siyang nawala.”

Pagkatapos niyang ikwento yun ay napahawak siya ng mahigpit doon sa kadena niya at parang may inaalalang kung ano.

“Hinanap ko yung lalaki pero hindi ko na siya makita doon sa crowd. Tapos bigla na lang nagsitakbuhan yung mga tao. Hindi ko alam kung anong nangyari pero naunahan ako ng takot kaya nakitakbo na rin ako. Hawak-hawak ko nun ‘tong chain whip ko tapos bigla akong nadapa dahil nga sa mga nagtatakbuhang tao. May nakita akong paa na nakatigil sa harapan ko kaya napaangat ako ng ulo. Akala ko nung una, yung lalaking nagbigay sa akin ng chain whip pero ibang tao pala. Akala ko tutulungan niya akong tumayo pero bigla niya na lang hinatak mula sa akin yung chain whip ko. Sisigawan ko na sana siya na ibalik sa akin yun pero naunahan ako ng pagsigaw niya. The next thing I knew, nakahiga na siya sa lupa at paghawak ko sa kamay niya, sobrang lamig na nun. Kinuha ko sa kanya yung chain whip at tumakbo na ulit ako dahil sobrang natakot ako sa nangyari.”

“So that’s why...” sabi ko matapos kong marinig yung story niya.

“Natatandaan mo ba yung mukha ng lalaking nagbigay sa’yo?” Napatingin ako kay Krystal dahil sa tanong niya. Maging ako nacurious doon sa lalaking nagbigay. It seems like he knew the effect of that whip to ordinary people.

“No. Pero nasa sixteen or seventeen siguro siya nung mga panahon na yun. Gusto ko nga rin siyang makita dahil marami akong gustong itanong sa kanya.”

“Well, we know the answers to some of your questions,” sabi ko kaagad sa kanya kaya naging curious yung itsura niya.

“L-like what?”

“That your weapon is like mine.”

Tumayo ako at ginamit ko yung bokken ko sa isang couch. I sliced it in half.

“Oh my God. P-pano...teka, ‘di ba kahoy lang yan? Panong nangyari...” gusto kong matawa sa reaction niya pero pinigilan ko na lang. Lumapit ako sa kanya at tinutok ko sa leeg niya yung bokken ko.

“You feel that?”

“A-ang lamig.” tapos bigla niyang pinulupot yung kadena niya sa bokken ko at tinignan niya yun ng mabuti. “I knew it! Nakita kong nagfreeze yung leeg nung lalaki nung ginamit mo ‘to sa kanya.”

“Yeah. This wooden sword has an icy edge, a very sharp edge. Akala ko dati, ako lang ang may ganito. You know, it’s not a normal thing. Then nakilala ko ‘tong si Krystal, and I suppose, you already have guessed her ability.”

Napansin ko naman na parang inaaral ni Kelsey si Krystal. At dahil mahilig talaga sa pagiging straightforward ang leader namin, bigla na lang niyang tinaas ang kamay niya at may mga yelong lumabas.

“Shit! Oh shit!” Napaatras si Kelsey at napaupo siya nung makita niya yun.

“Your whip has the same attribute as Gemma’s sword. The Ice attribute. Nakita kong kayang i-freeze ng chains sa whip mo ang anumang gumawa ng contact dito. Like those bullets from the machine gun,” sabi ni Krystal sa kanya.

“Y-you mean...”

“You’re like us,” dagdag ko naman.

Natahimik kami after that. Nakatingin lang si Kelsey sa kadena niya habang kami naman ni Krystal ay nagkatinginan. Nagulat kaya namin siya? Dapat ba ay dinahan-dahan namin yung pagsabi sa kanya?

“That’s...” napatingin kami kay Kelsey nung bigla siyang nagsalita. “That’s...that’s awesome!” tapos bigla siyang tumakbo papunta sa amin at tumalon.

“Whoa! Whoa! Wait—”

Tumama yung likod ko sa sahig at ngayon ay nakahiga kami ni Krystal habang si Gemma ay nakayakap sa amin.

“Tsk! Get off—” Napatigil si Krystal sa pagsasalita at napatigil rin ako sa sasabihin ko nung bigla naming narinig yung paghikbi ni Kelsey.

“It’s good to know na may...na may mga katulad pala ako. Mag-isa na ako simula bata ako at pakiramdam ko kakaiba ako. T-thank you po.”

Naramdaman ko naman yung nararamdaman niya. That’s exactly how I felt before I met Krystal. Kahit na kasama ko yung stepmomat stepsis ko sa bahay, hindi ko naman sila nararamdaman. Madalas ring wala si Daddy sa bahay. I was alone. I was lonely. And I feel I’m different.

“Ah! S-sorry,” tapos biglang tumayo si Kelsey at nakita kong pasimple niyang pinunasan yung luha niya. Dahil ayoko namang maging emotional, mas magandang idaan na lang sa tawa ‘to. Tumayo kami ni Krystal at pinagpagan namin yung damit namin.

“Hahaha! Aba marunong ka rin palang umiyak, nene!”

“B-baliw! Hindi ako umiyak! Napuwing lang ako!” Ayaw pa umamin!

“Narinig kitang nag-‘po.’ It’s...weird,” halos matawa naman ako nung sinabi yun ni Krystal. Well, I guess ayaw niya ring maging emotional, though hindi ko alam kung paano siya magiging emotional kung stone-cold yung expression niya.

“L-leader! Mali ka lang ng rinig!” halos mamula na yung mukha ni Kelsey sa kahihiyan. Ang cute niya talagang asarin!

“Nene ka talaga! Magalang ka na tapos naging iyakin pa!” Pagkasabi ko nun, bigla na lang niya akong hinabol at hinagis niya yung chain whip niya sa akin. Buti na lang at naiharang ko kaagad yung bokken ko.

“Lagot ka sa akin, Tanda!”

Nakita kong napailing at napa-facepalm na lang si Krystal dahil sa ginagawa namin. Pero alam kong deep inside, masaya siya. Di nga lang halata outside.

At least ngayon, sigurado na kaming kampante na sa amin si Kelsey at kasali na talaga siya sa amin. Well, three is better than two. I guess mas magiging exciting pa ang buhay ko simula ngayon. 


***