.

.

Chapter 8 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“Baba na dyan, Kelsey!” sigaw sa akin ni Tanda mula sa baba.
“Wait! Tsk!”

Nakakainis na lalaking ‘to! Kanina pa ako sinusundan! Nasira tuloy plano namin!

Nandito ako ngayon sa bubong ng base ng isang gang. Dapat tahimik lang naming kukunin yung insignia nila pero may mga nakabantay pala dito sa taas pati na rin sa baba at nagtatago lang pala sila. Mas makakasave kasi kami ng stamina kung makukuha namin yung insignia ng hindi na nakikipaglaban pero wala na, napansin na nila kami. Pumunta kasi kaagad kami dito sa kabilang side ng palengke since baka nandun pa yung Huntress na naencounter namin kanina. Tsaka mas maraming gangs sa side na ‘to. Balak sana naming mangolekta ng insignias ngayon ng at least four gangs pero sa una pa lang nakaencounter na agad kami ng problema.

“Hoy bata, hindi ka makakaligtas dito ng buhay!” sigaw nung lalaking nakabantay kanina sa insignia. Pero sorry siya, nakuha ko na. Kaso kanina niya pa ako sinusundan. Bwisit! At ang kapal ng mukhang tawagin akong bata! It’s enough na may tumatawag sa akin ng Nene kahit nakakainis.

“At least ako bata pa, ikaw matandang bakulaw!” pagkasigaw ko nun sa kanya ay biglang kumunot yung noo niya at bumunot siya ng dalawang kutsilyo sa likuran niya.

“Mamatay ka na!” bigla siyang sumugod papunta sa akin kaya tinali ko muna yung insignia sa bewang ko at kinuha ko yung whip ko.

Hinagis ko yun papunta sa katabing puno at pumulupot doon sa sanga yung dulo ng whip ko. Tumalon ako papunta sa puno. Dahil sa mismong trunk ako tatama, pinosition ko yung sarili ko para sipain yung trunk at magsilbing driving force sa pagtalon ko papunta doon sa branch kung saan nakapulupot yung dulo ng whip ko. Pagtingin ko doon sa lalaki, nagulat ako sa ginawa niya. Bigla niya kasing hinagis yung dalawang kutsilyo na hawak niya papunta dito kaya agad-agad kong tinanggal yung whip ko mula sa pagkakapulupot at inikot-ikot ko sa ere para mapigilan yung momentum ng mga kutsilyo. Tumusok yung dulo ng dalawang kutsilyo sa chains ko kaya nung hininto ko yung pag-ikot nun ay kinuha ko mula doon yung mga kutsilyo. Nginitian ko yung lalaking nakatayo sa bubong at mukhang alam na niya ang gagawin ko kaya tumakbo siya palayo sa akin.

Pero bago pa siya makalayo ay hinagis ko pabalik sa kanya yung dalawang kutsilyo at dumaplis yung isa sa may binti niya. Sumigaw siya nung natamaan siya at tinawanan ko siya.

“You should never throw your weapons if you can’t recover it. Tanga!” after that ako naman ang napasigaw dahil biglang may nagpaputok mula sa baba. Nagtago ako sa trunk ng puno para hindi ako matamaan pero huminto rin agad yung pagbaril nila sa akin. Pagtingin ko, hati na sa dalawa lahat ng baril nila. Nagkatinginan kami ni Tanda at ngumiti siya nang nakakaloko sa akin.

“You’re welcome,” sabay yuko niya pa.

“Che!” tapos saka ako tumalon pababa. Naglakad ako papunta sa kanya at namangha na naman ako sa lakas niya. Napatumba niya yung sampung members na nasa baba at lahat sila ay may hawak na baril.

“Teka nasaan si Leader?” tanong ko dahil hindi ko siya makita dito sa labas.

“Nasa loob, tinotorture yung boss.”

“Bakit? Nakuha na natin ‘tong insignia ah?” sabay turo ko sa flag na nakatali sa bewang ko.

“Well dahil nakita na rin naman tayo ng gang members, might as well lubus-lubusin na natin ang pinunta natin dito.”

Bigla naman niya akong hinatak papunta sa loob at bigla akong napayakap sa sarili ko dahil nag-iba yung temperature. Ang lamig! Tapos wala na ring malay lahat ng gang members na nandito sa loob.

“Eto na ba lahat?” sabi ni Leader doon sa lalaking nakaluhod sa harapan niya habang may hawak-hawak siyang bag.

“O-oo.”

“Just make sure you’re not lying, or I’ll freeze you to death.”

Bigla namang tumawa si Gemma nung sinabi yun ni Leader kaya napatingin siya sa amin. Nakita ko rin kung ano yung hawak niya at halos lumuwa yung mata ko sa sobrang gulat.

“Oh. Tapos na pala kayo,” sabi sa amin ni Leader tapos sinipa niya sa...sa birdie yung lalaking nakaluhod sa harapan niya kaya napasigaw siya at bumagsak na lang sa sahig.

“Yeah. Di naman sila ganoon kalakas,” sagot naman ni Tanda habang siniswing niya yung kahoy niyang espada.

“Leader...” sabi ko naman sabay turo doon sa bag na hawak niya.

“Oh this? Well...”

Hawak-hawak niya ngayon ay isang bag na punung-puno ng pera. As in puno. Sa buong buhay ng pagnanakaw ko ng gamit at pera, ngayon lang ako nakakita ng ganito karami. Pero kailangan nga namin ng pera dahil pinambili na namin ng mga ingredients at pagkain lahat ng pera namin kanina. Wala naman kasi akong maibibigay sa kanilang pera. Si Tanda naman, naubos rin daw dahil sa transportation at hindi naman siya binibigyan ng stepmother niya ng kahit magkano (kinuwento niya sa akin yung mala-telenobela niya raw na buhay kahit hindi naman).

“Shall we go to the next base?” sabi ni Tanda sa amin.
“Yeah,” sagot naman ni Leader habang sinuot niya yung bag sa likuran niya.

Lumabas kami sa base ng gang at naglakad kami papunta sa susunod naming target. Napahawak naman ako sa insignia sa bewang ko. Nakakadalawa na kami. At sa pagkakatanda ko, thirty daw ang kailangan para makapasok sa War of Best. Yun yung isa sa mga napag-usapan namin kanina bago kami umalis sa base namin. Mukhang mahaba-habang panahon pa ang kailangan namin. At kailangan rin naming makipag-unahan dahil panigurado ay nangongolekta na rin yung iba. Pero bigla ko namang naisip...

“Teka, bakit pala wala tayong insignia?”

“Oo nga? Nangongolekta tayo pero tayo mismo, wala,” dagdag naman ni Tanda.

“Para maging official gang, kailangan muna ng seven insignias mula sa ibang gangs, at doon ka lang magkakaroon ng right para gumawa ng sariling insignia,” sagot sa amin ni Leader.

“Huh? May ganun pang nalalaman? I mean, may parang registration pa? Akala ko trip lang ng mga tao sa Black Division magkaroon ng gang. You know, parang bragging rights nila na member sila ng gang.” Nag-agree ako silently sa sinabi ni Tanda. Hindi ko alam na may ganun pa palang sinusunod yung gangs dito samantalang puro panggugulo lang ang ginagawa nila sa mga ordinaryong tao.

“Legal ang pagkakaroon ng gang kaya kailangan ng legal actions. Marami rin kasing benefits na makukuha kapag member ka ng isang gang. Pero yung iba, wala silang pakialam sa methods ng pagiging legal. Yun yung mga walang insignias at bumuo lang ng gangs para manggulo at mamerwisyo ng buhay ng mga tao. I bet yun yung mga hinuli kanina ng Huntress na nakita niyo.”

“Oohhh,” sabay naming reaction ni Tanda kaya inirapan ko na lang siya.

“But then, illegal ang War of Best. We need to be extremely careful. Kahit kasi mga legal na gangs ay alam ang kalakaran sa underground.” Pagkatapos sabihin nun ni Leader ay nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya sumunod na lang kami ni Tanda.

Napaisip naman ako sa mundong pinasok ko. I know na illegal rin ang pagnanakaw at nagpapasalamat ako sa kagalingan ko dahil hindi pa ako nahuhuli ng mga pulis pero mukhang mas delikado yung posisyon ko ngayon. Alam ko na yung ibang kalakaran ng gangs dito sa East Black Division dahil madalas ko silang naeencounter. Kahit mas mahihina yung gangs dito compared sa North, South at West, gagawin pa rin nila ang lahat para makuha ang gusto nila. Nakakita na ako dati ng patayan sa pagitan ng dalawang gang kaya natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayon.

Pero wala na akong magagawa. At isa pa, nakapagdesisyon na rin ako na maging part ng gang nila. Ewan ko pero iba sila sa mga gang na naencounter ko. Actually, para ngang hindi kami talaga isang gang eh. Oo, cold yung pakikitungo ni Leader pero hindi siya katulad ng ibang boss. Ewan! Basta ang hirap iexplain.

“Oohmmff—” napahinto ako dahil nabunggo ako sa likuran ni Tanda. Bakit ba siya huminto?!
“Hoy Tanda—”
“Shh!” sabay takip niya sa bibig…I mean sa buong mukha ko ng kamay niya, tapos bigla na lang niya akong hinatak pababa kaya napaupo kami. Inalis ko yung dalawang daliri niya sa may bandang mata ko pero nakatakip pa rin yung kamay niya sa bibig ko. Pagtingin ko, nakaupo na rin si Leader sa tabi ko at nandito kami sa may likod ng malaking puno.

Nagtatago ba kami?

“Oh. It looks like we have the same goal.” Napahinto naman ako sa paghinga nung may narinig akong boses mula sa di kalayuan.

“Sorry ka, dahil kayo ang mawawalan ng insignia,” this time, tinanggal ko na yung kamay ni Tanda sa bibig ko at sumilip rin ako tulad ng ginagawa nilang dalawa.

Sana pala hindi ko na lang tinanggal yung kamay ni Tanda dahil napatakip rin ako sa bibig ko nung makita ko yung dahilan ng pagtatago namin.

May dalawang gang na nagkasalubong dito sa street at dala-dala nila yung insignias nila. Siguro dahil walang naiwan doon sa base nila para magbantay? At siguro para mangolekta rin.

Kinilabutan ako nung nakita ko kung gaano karaming gang members ang nasa harapan namin ngayon. At mas kinilabutan ako nung makita ko yung dalawang leader. Yung isa ay sobrang laki ng katawan at punung-puno ng tattoos yung braso at dibdib niya. Bigla namang narecognize ng utak ko yung itsura niya. Nakita ko na siya dati.

He’s the leader of Hawk Eye, one of the prominent gangs dito sa area na ‘to. Kaya hindi rin ako pumupunta doon sa bandang base nila ay dahil bali-balita na wala pang nakakabalik ng buhay kapag pumasok ka sa street na yun.

Yung isa naman ay halos kasinlaki rin niya ng katawan at may mahaba siyang scar mula sa balikat niya hanggang sa kanang kamay niya. Isa rin siya sa prominent gangs dito.

Napasandal ulit ako sa may puno at huminga ako nang malalim.

This will be one heck of a fight.


***