.

.

Chapter 9 [Kelsey]

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“Aalis na ba tayo?” pabulong kong tanong sa kanilang dalawa pero naka-glue yung mga mata nila doon sa dalawang gangs na magkaharap.

Sabi ko nga gusto nilang manood. Pero baka kung mapaano kami rito! Malakas pa naman yung dalawang gang na yan samantalang kami ay tatlo lang.

“Yung may mahabang peklat sa braso, may mga tauhan rin siya sa paligid natin. Pero mukhang di pa nila tayo napapansin. Damn. We need to get out of here,” bulong ni Leader sa amin.

“What? Paano mo naman yun nalaman?” tanong ni Tanda sa kanya. Oo nga. Paano nalaman yun ni Leader? May nakita ba siyang nakapaligid sa amin? Napatingin tuloy ako bigla sa paligid at kinabahan ako sa pwedeng mangyari.

“Just a hunch,” sabay tayo ni Leader at maingat siyang tumakbo papunta doon sa kalapit na puno. Then tinuro niya yung taas ng puno.

“Wag mong sabihing...aakyat tayo sa puno?” bulong ulit ni Tanda. Tumango naman si Leader tapos bigla niyang hinawakan yung trunk ng puno na pinagtataguan niya. Nagfreeze yung area na yun at parang naging mga foothold yung mga yelong namuo. Tinapakan niya yung pinakaibaba tapos dahan-dahan siyang umakyat.

Whoa. Hanggang ngayon natutulala pa rin ako kapag nakikita kong may lumalabas na yelo sa kamay niya.

“Huy Nene! Akyat na!”
“Teka lang!”

Epal. Ang atat ng Tandang ‘to eh. Dahil hindi niya naman magagamit yung sword niya sa pag-akyat, kailangan niya ng tulong ko. Nilabas ko yung chain whip ko at sinigurado kong nakaposisyon kami sa blindspot nung mga gang members sa harapan namin. Then, hinagis ko pataas yung whip at kumawit yun sa isang tagong sanga. Tapos naalala ko na hindi ko pa pala nasasabi sa kanila yung isa pang weird na characteristic ng whip ko.

“You can use the chains as foothold,” sabi ko kay Tanda at nauna na akong pumosisyon sa kanya.
“Huh?”

Nilagay ko yung paa ko sa isang chain at lumaki yung perimeter nun na sakto lang sa size ng paa ko. Narinig ko pang nag-gasp si Tanda sa nakita niya. Tinaas ko ulit yung isang paa ko at pumasok yun sa enlarged chain nung dumikit doon yung paa ko. Yeah, my chain whip can manipulate it’s chain size. Kaya nga nagagawa kong makuha yung kutsilyo ng mga sumusugod sa akin dahil nasstock sila sa manipulated size ng chains. Sumunod na rin sa akin si Tanda kaya nakaakyat na rin kaagad kami sa itaas ng puno at tago kami sa paningin ng gang members na nasa baba namin. Si Leader naman, nakatingin lang rin doon sa dalawang gang habang nakatago sa katabi naming puno.

Mas kita naman mula rito yung insignias nila na nasa bandang likuran nila at halos lahat ng members ay nakapalibot doon. Yung isa ay ang Hawk Eye tapos yung isa...

Wait. Feeling ko nakita ko na rin yung sign na yun dati. Nasa insignia nila ay isang tigre na may kagat-kagat na bungo. Ugh. Ang creepy.

“Familiar yung may mahabang peklat,” sabi bigla ni Tanda. So familiar rin sa kanya? Sino kaya yun?

“Familiar rin sa akin yung insignia eh pero di ko maalala kung saan ko nakita,” sabi ko naman. Ang alam ko lang ay isa sila sa prominent gangs dito dahil sa mga naririnig ko tungkol doon sa may mahabang peklat.

“Ha! Kamusta ang pagiging nomad? Can’t stay in one place, eh?” sabi nung leader ng Hawk Eye.

“Parehas lang tayo ng sitwasyon kaya wag kang magmayabang,” sagot naman nung may mahabang peklat.

“Ah! Siya yung napalabas sa TV dati. Yung pumatay ng limang officials. Siya yung nasa Wanted List,” biglang sabi ni Tanda. Napatingin ako doon sa lalaki at bigla akong natakot. Pumatay siya ng mga officials? Grabe.

Then saka nagflash sa utak ko yung insignia nila.

Tama! Nasa dyaryo dati yung insignia nila dahil pinaghahanap sila ng mga pulis. Ibig sabihin, wanted nga sila. Teka, kung parehas sila ng sitwasyon, ibig sabihin wanted rin yung Hawk Eye? Kaya ba sila hindi nagsstay sa isang base?

“Kaya siguro sinabihan niyang nomad yung isa ay dahil kapag nagstay sila sa isang place, may possibility na mahuli sila ng mga pulis o di naman kaya ng mga Huntress,” bulong ni Tanda. Mukhang pareho kami ng naisip.

Pero ang galing nilang magtago kung ganun. Ilang buwan ko na ring nabasa yun sa dyaryo at ang dami nilang members. Imposibleng hindi sila makita o mahanap ng mga Huntres.

Bigla namang nagpaputok yung side ng Hawk Eye kaya nagkagulo na doon sa baba. Nagsilabasan sila ng mga armas nila at sinugod nila ang isa’t isa habang yung dalawang leader ay nakatayo lang sa gitna. Kapag may sumugod na gang member ng kabila doon sa leader, agad-agad na pinoprotektahan ng members niya.

“Shit,” sabay tingin ni Tanda sa kabilang side. Pagtingin ko, parang namumutla siya.

Saka ko naalala na galing pala siya sa White Division at hindi siya sanay makakita ng ganito. Samantalang ako, sanay na akong makakita ng mga namamatay dahil sa pag-aaway ng mga gang.

“Ganito ang buhay sa Black Division. Ibang-iba sa ‘peaceful’ na White Division niyo,” sabi ko na lang bigla. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng inis. Siguro dahil na rin sa inggit sa mga nakatira sa White Division na walang inaalala kundi ang huminga, kumain at matulog. Samantalang kaming nasa Black Division, kailangan naming bantayan ang mga sarili namin dahil hindi namin alam kung kailan pwedeng dumalaw si Kamatayan.

Nagpatuloy lang kami sa panonood at halos maging red na ang lupa dahil sa dugo ng mga gang members na namatay at nasugatan.

Bigla naman akong may naramdaman na paparating galing sa gilid ko kaya umiwas ako. Ganun rin ang ginawa ni Tanda. Pagtingin namin doon sa trunk ng puno, may parang matulis na yelo na nakatusok kaya tumingin kami sa side ni Leader. Nakatayo siya at parang...tatakbo siya papunta dito.

“Whoa, whoa, wait! Tatalon ka? Teka!” pabulong na nagpanic si Tanda at ganun rin ang naramdaman ko. Pero halos mapasigaw kaming dalawa nung bigla na lang tumakbo si Leader papunta dito sa puno at naglanding siya sa tabi namin.

“Shout and I’ll freeze you to death,” sabi niya sa amin sabay tingin nang masama. Parang nawalan ako ng hininga sa ginawa niyang stunt.

“Are you a freaking ninja?! Bigla-bigla ka na lang tumatalon!” bulong ni Tanda. Ganun rin ang naiisip ko ngayon. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa ni Leader. Pero namangha ako dahil nakaya niyang tumalon mula doon sa kabilang puno papunta dito.

“Oh no,” biglang sabi ni Tanda tapos nakatingin siya sa dalawang leader.

“Damn. Did they notice me?” sabi naman ni Leader. Aba sinong di makakapansin ng pagtalon niya?!

“Eh kung di ka rin naman siraulo eh!” sabay batok ni Tanda kay Leader. Tinignan siya nang sobrang sama ni Leader kaya natahimik siya bigla.

“Check that tree,” biglang sabi nung Hawk Eye leader at tinuro niya yung puno na ‘to sa tatlo niyang tauhan. Ganun rin ang ginawa nung isang leader. Shit! We’re dead!

“We need to go!” sigaw ni Tanda sa amin.

“How? Kung bigla na lang tayong bababa, baka bigla na lang tayong atakihin ng dalawang gang!” sagot ko naman.

Then halos mamuti ako sa sobrang takot nung bigla na lang may lumipad na malaking espada dito at halos tumama yun sa ulo namin. Naputol yung taas na part ng puno kaya yumuko kami para di kami totally makita.

“Shit shit shit yung ulo ko! Muntik na yung ulo ko!” sabi ni Tanda at nakahawak talaga siya sa ulo niya.

“Whoa! Careful, men! Paano kung nasira niyo yung damit ko?!” nagtinginan naman kaming tatlo.

Sino yun?

Bigla namang may naglanding na isang babae doon sa hiwa ng puno kung saan malapit lang kami. What the hell? Ibig sabihin, nasa parehong puno rin siya at nasa may bandang itaas lang siya?! Ni hindi namin siya napansin!

“Sino ka?!” sigaw nung leader ng Hawk Eye sa kanya.

“Well, ako ang huhuli sa inyong dalawa,” tapos bigla niyang nilabas yung dalawang baril na nakalagay sa magkabilang gilid niya at tumalon siya.

Oh my God tumalon siya!!

Uso ba ang pagtalon ngayon sa puno?! Hindi halata sa mukha niyang ganito siya kumilos dahil parang ang hinhin ng itsura ng mukha niya.

“Later, ladies,” tapos tumingin siya sa direksyon namin habang bumabagsak.

Who the hell is she?


***