.

.

Epilogue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, June 28, 2015


***

[ASHLEY]

 ---

“Whoa. Ito ba talaga ang bahay natin? Bakit ganyan na?” tanong ko nung makita ko ang natira sa bahay namin dito sa North Black.

“Sisihin mo ang tatay mo. Dahil sa pakikipaglaban niya, nasira ang buong bahay,” dagdag ni Lolo habang pailing-iling pa. Alam kong natalo nila lahat ng officers na sumugod dito sa amin, kasama na si Bolt, pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang magiging damage. Nawala ang bubong namin at puro butas ang pader ng bahay kaya halos macover na ng snow ang loob.

“I don’t have a choice. Kung hindi ako lumaban ay ikukulong at ihaharap nila tayo sa White government.”

Pumasok kami sa loob ng bahay at nagulat ako nung nawala ang storage room namin. Wala na rin ang weapons na nakaimbak doon. ‘Yun pa naman ang pinaka-importanteng kwarto para sa amin. Pero nagtaka ako nung wala man lang reaksyon sina Lolo at Papa. Magtatanong na sana ako pero biglang hinawakan ni Papa ang isang side ng dingding na hindi pa nagcocollapse at napanganga na lang ako sa nakita ko.

Nag-open ang sahig at may lumabas na hagdan pababa, katulad nung sa base namin sa East Black. Tinignan ko sina Lolo at Papa para sa explanation.

“Halos lahat ng upper members ng rebellion force, ganito ang itsura ng bahay; may basement sa baba,” sabi ni Papa habang bumaba sa hagdan kaya at nakasunod sa kanya si Lolo kaya sumunod na rin ako.

Hindi ako makapaniwala na may basement din kami. Sa tinagal-tagal ko sa bahay na ‘to, ni hindi ko man lang nadiscover ang part na ‘to.

Nung nasa baba na kami ay mas lalo akong nagulat dahil naka-imbak doon ang weapons na dapat ay nasa storage room, at hindi ko alam kung paano ‘yun nangyari. Pero ang kaibahan ay parang nawala halos kalahati ng nandoon.

“Elevated part ng basement na ito ang storage room natin at may ginawa kaming mechanism ng Lolo mo na kapag may umatake sa bahay na ‘to, mapupunta sa basement ang storage room.”

“Pero bakit ang daming nawala?” tanong ko.

“Dahil ang mga armas na kinokolekta namin ay
veinas na pwede lamang gamitin ng kapwa nating Huntres,” dagdag naman ni Lolo. “Noong nagsimulang mamuno ang Flame Spectre, nagdesisyon kami ng Papa mo na kolektahin lahat ng veinas na naiwan sa labanan.”

“Kasama rin sa nangolekta si Leo,” sabi ni Papa.

Naalala ko kaagad ‘yung panahon na pinapunta niya ako sa East Black para hanapin ang hideout ni Leo. Doon ko rin nakilala sina Gemma at Miles at nalamang foster parent siya ni Miles.

“Ang ilang armas na gamit ng rebellion force nung nakaraan ay galing sa’tin. At nung umalis kayo sa base niyo ay kinuha ni Hale ang ilang armas na nakaimbak sa basement.”

“What?!”

Hindi pa ulit kami nakakapunta sa basement kaya hindi namin alam pero nagulat ako nung malaman ko ang ginawa ni Hale.
Paano niya naman nalaman na nasa basement ang weapons na galing sa hideout ni Leo? Is he really stalking us?

Naglakad sina Papa at Lolo papunta sa weapons kaya naman ginamit ko ang pagkakataong ‘yun para ilabas ang throwing knives ko. Dahil sa nangyaring war, parang naging dull na ang blades nito at marami ring bakas ng dugo. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero sa tingin ko ay dahil ‘to sa nangyari sa akin.
Sabi ni Gramps, nakadepende raw ang effectiveness ng veinas sa lakas ng gumagamit dito. Siguro ganun din ang effect kapag na-injure o detrimental ang lagay ng may-ari.

Dati, nung hindi pa sa akin sinasabi nina Papa at Lolo ang tungkol sa special weapons na ‘to, mababaw lang ang pananaw ko.
Weapons are made for people. They are made for the weak to become strong, and for the strong to become stronger. ‘Yan din ang sinabi ko kina Gemma at Miles nung una ko silang makita sa hideout ni Leo. Pero simula nung nahawakan ko ang isang baril na veinas pala, at nung napunta sa akin ang throwing knives ko, sobrang nag-iba ang tingin ko sa kanila.

They are not just tools. They should be treated as partners and you continuously grow stronger with them.

“Want me to fix them?” Nagulat naman ako nung nasa harapan ko na pala si Papa at nakatingin siya sa throwing knives ko. Tumango ako at kinuha niya ang mga ‘yun.

“Please...” He suddenly patted my head and smiled.

“At your service.”

After that, naglakad ako pabalik sa East Black. Sina Papa at Lolo kasi, doon muna tumutuloy sa base ng rebellion force habang ganun pa ang bahay namin. Busy rin kasi ang lahat sa pag-aayos ng lugar at ng sistema rito.

Four days na ang nakakalipas simula nung matapos ang war between the rebellion force and White government slash Flame Spectre. Dahil hindi pa rin tumitigil hanggang ngayon ang snow ay nahihirapan silang kumilos pero hindi naman sila nagrereklamo. Tinuturing kasi ng lahat na blessing at simbolo ng new government ang snow na ‘to.

Habang naglalakad ako, naalala ko bigla ‘yung unang beses kong nakita sina Gemma at Miles at kung paano ko sila sinundan dahil tingin ko ay kakaiba rin sila tulad ko. Hanggang sa nakilala ko rin sina Krystal at Kelsey nung makarating kami sa base nila. Hindi ko akalain na dahil sa note na iniwan sa akin ni Papa tungkol kay Leo ay makikilala ko ang apat na ‘yun at ang mas nakakagulat ay connected din kami sa isa’t isa.

It’s really true that we don’t meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. And the reason is to be the part of the force to abolish and change the current government.

I’m glad that I am with them.


***

[MILES]

---

Leo, sorry kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw. Pero ‘wag kang mag-alala, tapos na ang laban. Nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay mo. Salamat ulit sa lahat-lahat ng ginawa mo para sa’kin. Salamat dahil ikaw ang naging tatay ko kahit na hindi naman tayo magkadugo. Salamat dahil tinuring mo akong parang tunay na anak. Alam mo, nagsisisi pa rin ako dahil hindi kita naligtas dati pero kahit papaano ay may maganda ring nangyari after that.

Natatandaan mo pa ba ‘yung sinabi mo sa akin nung birthday ko? Sabi mo,
‘darating ang panahon, na makakakilala ka rin ng mga kagaya mo. Kapag dumating na yun, hindi mo na kailangang itago ang kakayahan mo...dahil sigurado akong tatanggapin ka nila ng buong puso.’ At tama ka. Nakilala ko nga sila. Thank you dahil sinabi mo ‘yun. Sana ikaw rin, maging masaya na kung nasaan ka man ngayon, kasi ako, masaya na ako.

Pagkatapos kong mag-offer ng prayer ay napansin kong umiiyak na pala ako.

“Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan na umiyak ka,” seryosong sabi ni Dumbsey habang nakadungaw siya sa bintana.

“Sus. For sure pag-uwi natin, pagsisigawan mo kaagad ‘yan sa mga Tanda.”

Tinignan niya ako nang masama pero nagbago kaagad ang facial expression niya sabay sabing, “mismo!”

Nandito kami ngayon sa bahay namin dati ni Leo at naisipan kong dumalaw para mag-offer ng prayers at magkwento sa kanya. At alam kong sumama sa akin ‘tong si Dumbsey dahil wala siyang pupuntahan. Nagdecide kasi kaming dumalaw muna sa mga pamilya namin dahil parang nagdadalawang-isip ‘yung tatlo na umalis sa bahay. Alam ko namang naaawa sila sa aming dalawa ni Dumbsey pero hindi ‘yun reason para hindi dumalaw sa mga pamilya nila. It feels like we’re holding them back.

“Ano kayang feeling ‘no?” biglang tanong ni Dumbsey habang pinapanood niya ‘yung pagbagsak ng snow. Dumungaw naman ako doon sa katabing bintana sa right side niya.

“Ng?”

“Ng may pamilyang inuuwian.”

“Masaya siguro.”

Naexperience ko rin naman ‘yun kahit papano nung nakilala ko si Leo pero hindi ko alam kung pareho ang feeling kapag totoong pamilya mo ang kasama mo. Hindi ko alam ang pakiramdam na ‘yun kasi lumaki ako sa ampunan. Ni wala akong idea kung sino ang mga magulang ko o kung patay na ba sila. Tapos lagi pa akong mag-isa nung nasa ampunan ako dahil kakaiba ako at ayaw ng mga kasama ko sa akin, maging ‘yung mga nag-aalaga.

Siguro kaya rin hindi kami nagkakahiyaan ni Dumbsey kapag family ang usapan ay dahil pareho kami ng sitwasyon. Ayokong pinag-uusapan ‘to kapag kaharap sina Scarystal, Gemmatanda tsaka Tandash kasi feeling ko kakaawaan lang nila ako.

“Sa tingin mo buhay pa parents mo?” tanong niya.

“Ewan. Ikaw ba?”

“Patay na sila sabi nung nagpalaki sa’kin bago ako tumira sa streets. Nagkaroon kasi ng labanan dati at nadamay sila.”

“Hmm...”

One of the reasons din kung bakit sa kanya ako nakakapag-open up is that we’re not feeling sorry for each other. Dati, nung nakisama ako sa ibang bounty hunters at kapag nalalaman nilang wala na akong parents, lagi silang nagsosorry. Ewan ko pero naiinis ako kapag ganun.

Bigla naman akong may naramdaman na presence sa paligid at nagkatinginan kami ni Dumbsey.

“Naramdaman mo rin?” tanong ko sa kanya at tumango siya.

Inayos kaagad namin ang jackets namin at dali-dali kaming lumabas sa bahay. Paglabas namin, may nakita kaming figure sa may bubong at bigla siyang tumalon nung nakita niya kami.

Isn’t that...Kuya Hale?

***

[KELSEY]

---

“Teka, ‘di ba si Kuya Hale ‘yun? I mean, si Hale ‘yun?” sabi ni Miles kaya natawa ako.

“Aba, nagiging magalang ka na rin ah?”

“Tss. Bakit kasi kinu-Kuya mo siya?
Nakakahawa tuloy.”

“Ewan ko nga rin. Nakakahiya kasing tawagin din siyang Tanda.”

Sinundan naman agad namin si ‘yung figure na mukha ngang si Kuya Hale pero ang bilis niyang kumilos kaya after ng ilang steps ay nawala na kaagad siya. Siya ba talaga ‘yun?

“Bakit niya tayo sinundan?” tanong niya at napagdesisyunan naming bumalik na lang sa base dahil nakalabas na kami doon sa bahay.

“Baka may gusto siyang sabihin o kaya itanong...” Napahinto naman ako at nagtinginan kaming dalawa. “Hala baka tungkol kay Leader?”

“Pinopormahan niya na ba si Scarystal?”

“Malay mo. Parang naging close sila during the fight eh.”

“Sabagay. Nakita ko ngang tinalian ni Scarystal ‘yung sugat niya eh.”

“Talaga? Parang gusto ko tuloy asarin si Leader pag-uwi natin.”

“Kung gusto mong maging taong-yelo, go.”

“Syempre joke lang! Baka nga pangalan pa lang ni Kuya Hale ang banggitin natin, magcrystalize na ang buong bahay.”

Habang naglalakad kami ay iniisip ko pa rin ‘yung pinag-usapan namin kanina doon sa bahay nila ni Leo. Naiinggit ako sa kanya kasi kahit papaano ay nakakilala siya ng taong tinuring siyang anak. Ako, may nagpalaki nga sa akin hanggang sa mag-seven ako pero after that, wala na. Namuhay na akong mag-isa.

Pero mas maswerte na rin siguro ako dahil si Miles pati na rin si Leader, nakita nilang mamatay ang parents nila sa harapan nila. Siguro kung ako ‘yun, hindi ko kakayanin na magsurvive hanggang ngayon. Hindi ko nga rin alam kung paano ako nagsurvive sa lansangan nung bata ako. Siguro maswerte lang ako sa mga lugar na napipili kong tulugan dahil walang umaatake sa akin.

Pero nagpapasalamat na rin ako dahil ganito ang nangyari sa buhay ko. At least, nakilala ko silang apat at nagkaroon ako ng bagong buhay. Sila ‘yung naging pamilya ko kahit hindi ko sila kadugo. I’m sure na ganun din ang tingin nila. We may not be blood-related but we have a deep bond with each other just like a family.

“Teka, bakit parang may kakaibang nangyayari sa bahay natin?” biglang sabi ni Miles kaya napatingin ako sa nilalakaran namin.

Pagtingin ko ay mas makapal ang snow at medyo hindi na makita ang daanan. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa lamig at ang lakas din ng hangin. Tumingin ako sa likuran at mahina naman ang snow sa pinanggalingan namin pero habang papalapit kami sa bahay ay parang may delubyong sasalubong sa amin. Anong nangyayari?

“No. Guys are not allowed here.”

Nagkatinginan kami ni Miles dahil narinig namin ang boses ni Leader. Napatakbo agad kami kahit ang sakit na sa mukha at binti ng lamig at snow. Nung nakita ko na ang outline ng bahay ay nilabas ko kaagad ang whip ko at binato ang end papunta sa bubong kung saan nakasabit ang insignia namin at tumakbo papunta sa puno para makatalon sa roof. Humawak si Miles sa whip ko at pareho kaming lumundag papunta sa puno. Naglanding kami doon sa isang thick branch pero napasigaw kami nung makita naming nakaupo doon si Kuya Hale.

“Shh...” sabay gesture niya pa sa index finger niya kaya natahimik kaming dalawa.

Nakita namin si Leader sa baba at may kaharap siyang tatlong lalaki. Napatingin siya sa direksyon namin at nung makita niya si Kuya Hale ay tumingin din siya sa amin.

“Crap. She noticed me,” sabi ni Kuya Hale.

“What the hell are you doing here?” sigaw ni Leader sa kanya at biglang tumalon si Kuya Hale pababa.

“The usual. Observing...”

“You mean stalking?”

“Whichever you prefer.”

“And you two!” sabay tingin sa amin ni Leader.

“Y-yes!” pasigaw naming sagot at nanigas na ata kami sa branch na ‘to, lalo na nung nakita namin ang suot ni Leader.

“Get inside.”

“Yes!” sabay naming sagot.

Napababa tuloy kami ni Miles at niretrieve ko rin ang whip ko. Balak sana namin na mula doon sa bubong panoorin ang nangyayari pero bakit ganito ang kinalabasan?

“C’mon, bakit si Rae lang ang pwedeng pumasok?”

Napatigil naman kami ni Miles sa paglalakad nung narinig namin ang boses ng isang lalaki at ang pangalan ni Rae. Pagtingin ko, sina Kuya Gust, uhm...Squall at Eon, kung tama ang pagkakaalala ko sa names nila, ang kaharap ni Leader. Bigla namang tumingin sa amin si Leader kaya tumakbo kami ni Miles papasok ng bahay.

Bakit kaya nandito ang mga ‘yun?


***

[GEMMA]

---

“Seryoso? Totoo ba ‘yan?” tanong ko kaagad kay Dad nung sinabi niya sa akin ang pinakamagandang balita na narinig ko.

“Oo. Sila na mismo ang nagsabi.”

“Yes! Sa wakas!”

Nagtatalon ako dahil sa wakas ay umalis na rin sa buhay namin ang stepmom and stepsister ko. Nagdesisyon daw sila na iwan na si Dad. Ha! As if naman kawalan sila sa amin.

“Pero Dad, bakit parang hindi naaalala ng humdrums ang mga nangyari rito?”

Kahapon kasi, sumama ako kay Dad sa West Black kung saan muna nagsstay ang humdrums na galing sa White and Black Divisions. Pero pagdating ko doon, wala silang alam tungkol sa Huntres at attributes namin na nakita nila sa laban. Ang alam lang nila, natalo ng rebellion force ang current government.

“Sabi ni Sir Isaz, may dala raw na device ‘yung tatlong Senshins na kayang i-manipulate ang memories ng humdrums.”

“Whoa. Talaga? Ang advanced naman ng technology nila para makagawa ng ganun.”

“Of course. Nasa science at technology kasi ang focus nila.”

Nandito kami ngayon sa dojo na tabi ng bahay namin. Gaya ng halos lahat ng bahay dito sa White Division, sira-sira rin ang sa amin at nababalot sa snow and ice. Nagtutulong-tulong ngayon ang mga Huntres para ayusin ulit ang buong lugar. ‘Yung ibang may Fire attributes na kasama sa rebellion force ay tinutunaw ang mga yelo sa daan at sa paligid habang ‘yung mga may Earth attribute ay sa paggawa ng mga bahay at sirang daan.

Sabi ni Dad, balak daw ni Winter na i-abolish ang White and Black division-system. Ididivide ang lupa base sa attributes at kung saan ang main base nila. Pero syempre, nasa sentro ang bagong government mansion na itatayo at bawat divisions ay may representative. Magkakaroon pa raw ng meeting patungkol doon kapag nakarecover na si Winter.

Namangha nga ako dahil four days after the battle, nakakakilos na siya ulit. Ang sabi ni Dad, one week daw siyang hindi makakagalaw pero ngayon ay mukhang okay na siya. Lalo tuloy tumaas ang respeto ko sa kanya.

Dumalaw lang ako rito para tignan ang bahay namin at ang progress ng pag-establish ulit ng government at mukhang ayos naman sila. Alam ko namang busy rin si Dad dahil siya ang right hand man ni Winter at sila rin ng Papa ni Ash ang may hawak ng command sa Huntres troops. Lahat ng kasali sa troops ay nakadamit ng parang pantribo—animal fur, gladiators and weapons on their belt. Mukhang ‘yun na ang magiging ‘uniform’ nila dahil sa Huntres Force dati.

“Dad, mauna na ako.”

“O sige, mag-usap na lang tayo sa susunod kapag natapos na ang pag-aayos dito.”

Niyakap ko si Dad at naglakad ako palayo sa kanya. Naiintindihan ko naman na hindi niya pa ako maasikaso dahil busy sila sa maraming bagay. At isa pa, ayos lang din naman sa akin. Kapag kasi naaalala ko ‘yung dalawang Nene, alam kong mas mahirap ang sitwasyon nila. At saka dumalaw lang naman ako dahil din sa suggestion nilang dalawa. Feeling kasi nila, napipilitan lang kaming magstay doon sa base dahil sa kanilang dalawa at ayaw naman naming ganun ang isipin nila.

Habang naglalakad ako ay naalala ko ang paglalayas ko at kung paano ko nakilala si Krystal dito sa may boundary ng White at East Black. Akala ko dati, katapusan ko na dahil sa mga sumugod sa akin pero buti na lang at dumating siya...though hindi naman niya talaga ako gustong tulungan at ang insignia lang ng gang na ‘yun ang balak niya. Kapag naaalala ko ‘yun, natatawa ako dahil sa sobrang cold ng personality niya. Siguro nga kapag hindi mo siya kilala talaga, iisipin mong ganun siya. But for us, for me, she’s a wonderful person.

Pagdating ko sa harap ng bahay ay para akong nasa ibang lugar dahil ang kapal ng yelo at snow tapos ang lakas pa ng hangin pero ‘yung paligid ay calm naman.

“What happened here?” Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko si Ash.

“Ewan. Parang binabagyo ‘tong bahay.”

“Well, I don’t have any weapons right now. Do the honor,” sabi niya sabay turo doon sa makapal na yelo na nakaharang sa may pinto.

“Fine.”

I slashed my sword and the block of ice shattered. Naglakad kami papunta sa pinto at pagbukas namin...

“—I’ll freeze you to death.”

Napatingin silang lahat sa amin at hindi maprocess ng utak ko ang nangyayari rito. Bukod kasi kina Krystal, Kelsey at Miles, may iba pang tao sa loob. Nandoon si Hale pati na ang ilang members ng Phantom Breeze.

“What the heck is happening here?” sigaw ni Ash dahil mukhang nasa Antarctica kami sa sobrang lamig at may namumuo pang stalactites sa kisame.

“Oh. They’re here,” sabi ni Gust habang nakaupo doon sa sofa na akala niya ay sa kanya dahil sa pose niya. Pati sina Squall at Eon ay at home din sa pag-upo.

“Whoo! Taas pa!”

‘Yung dalawang nene naman pati na rin si Rae ay busy sa pagpapalipad sa mga sarili nila, gamit ang pamaypay ni Rae, at iwasan ang blocks of ice na namuo sa bawat sulok ng bahay. Pero ang hindi ko talaga mapaniwalaan ay sina Krystal at Hale.

Nakasuot si Krystal kagaya ng Huntres Force kaya nagmukha talaga siyang amazona at lalong naging fierce ang itsura niya. Ang nakakagulat ay nakaupo siya sa dibdib ni Hale na nakahiga sa sahig, at may hawak siyang ice spike na balak niya atang isaksak sa kanya.

“Mukhang gustung-gusto mo ‘yan ah?” sabi bigla ni Gust habang iniintindi ko pa ang scenario na ‘to. Saka ko narealize na ‘yung suot kong jacket niya ang tinutukoy niya.

‘Hooh. You’ve been caught.’
Sinamaan ko kaagad ng tingin si Ash. ‘Kidding.’

Hinubad ko kaagad ‘yung jacket kahit mas malamig dito sa loob kaysa sa labas.

“As if. Wala lang akong ibang jacket. O, sa’yong-sa’yo na,” sabay hagis ko sa kanya ng jacket niya at tumama ‘yun sa mukha niya.

“Hmm...I like your smell,” sabi niya nung bumagsak ang jacket sa lap niya at ang nakakainis ay ang inosente niyang expression. Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

“Pfft. You’re blushing,” bulong ni Ash.

“P-Pervert!” sigaw ko at agad kong tinutok sa kanya ang sword ko.

“Wait—!”

Pero hindi natuloy ang pag-atake ko dahil lahat kami ay napatigil sa sigaw ni Krystal.

***

[KRYSTAL]

---

“Happy?” I asked with an expression of distate.

“It suits you.”

I am wearing a gladiator-like attire because Winter asked me to try it. An animal fur shawl was draped around my shoulders to match the dirt-colored top and gladiator skirt.

“Bagay nga sa’yo,” Lolo said while nodding.

“Yeah. You look like Mom. Well, now that I’ve seen you like that, I’m good to go.” I was surprised when they both stood up.

“Wait. How about my clothes? Give it back first.”

“Oh sorry, they’re frozen.”

“What?!” How can she do that to me?

“You can go back like that.”

“No way!”

That’s how I ended up like this. Luckily, no one’s still home. I was about to enter the house but I felt some strong presence so I looked around and found four people walking towards my direction. I saw four members of Phantom Breeze and Rae waved at me.

“Hello! Where’s Kelsey and Miles?” she said while peeking in the window outside.

“They’re not yet here.”

“Kailan sila babalik?”

“In a bit.”

“Okay!”

“You can wait inside.”

“Okay!” the she ran inside.

“Great. Nilalamig na rin ako,” Gust said while following Rae but I blocked the doorway.

“And where do you think you’re going?”

“Sa loob?” he said while raising his brow.

“No. Guys are not allowed here,” then I formed an ice block between us.

They were so dumbfounded and they stood still for a few seconds. I was about to ask them of their purpose for coming here but I suddenly heard Kelsey’s and Miles’ shrieks, and I found them standing on the thick branch of the tree...with Hale.

I was surprised when I saw him with them. Why are they together? Did he tell her the truth?

“What the hell are you doing here?” I yelled while looking at him and Kelsey back and forth. He suddenly jumped off the tree end ended up in front of me.

“The usual. Observing...” Ha. Observing his face!

“You mean stalking?”

“Whichever you prefer.”

“And you two!” I looked at Miles and Kelsey and I saw them flinched.

“Y-yes!”

“Get inside.” I’m sure they’re freezing up there.

“Yes!”

I looked at these four guys in front of me and I added another layer of ice wall between us. I smirked at them and they took that as a challenge.

“Get inside if you can,” I said then I entered the house.

I was just about to sit on the sofa when the door opened and the four of them wallked in like nothing happened. Damn I should have added a few more. Tsk.

“Nasaan ‘yung dalawa pa?” Gust asked while sitting confidently on the couch.

“Wala pa.
Baka mamaya pa sila,” Miles answered. 

Rae, Miles and Kelsey started playing like kids. Rae waved her fans and the three of them are floating and bumping into each other on air. It’s good to see those two finally smiling. After the war, they seemed to be troubled about the
family-thing.

“Worried about them?” Hale creeped behind me and sat on the desk.

“Yeah. Did you tell her the truth?” I whispered while looking at those three flying kids.

“No.”

“Then why were the three of you together?”

“Sinundan ko kasi sila kanina pero naramdaman nila ang presence ko. Pumunta ako rito pero nakita kitang nasa labas at nakita ko ring papunta rito sina Gust. Unfortunately, napili rin nilang magtago sa spot ko kaya nagulat silang dalawa nung nakita nila ako sa taas ng puno,” then he laughed.

“Tss. What a stalker,” I said as I rolled my eyes.

“Anyway, you look good with that outfit,” he said while smirking and I’m pretty sure that that’s sarcasm. I glared at him in return.

“Thank you, bastard.”

“Hey, that’s a compliment,” he said in defense.

“It sounded like an insult.”

“God, you’re really dense,” then he sighed while shaking his head.

“What?!” I was enraged when I heard his retort. Me? Dense? Hah! I take back my words about him being not annoying. He is!

I froze the desk and he was caught off-guard. I used that time to take him down and I successfully pinned him to the ground. I made an ice spike on my hand and pointed it at his throat.

“Take those words back or I’ll freeze you to death.”

“Can you?” He smirked. Is he challenging me?

“Of cour—” I didn’t finish the sentence because he suddenly flipped his body so fast and I ended up on his position. He sat on my belly and pinned my hands to the ground.

“Can you?” he asked again and I want to wipe that smirk off his freaking face.

I was suddenly reminded of that incident when we both fell from the tree. I bit my lip out of instinct and looked sideways. I heard him chuckle and I’m sure he read my mind that’s why I closed it more tightly.

“Why does my happiness depend on your cute expressions?” I looked at him and I immediately regretted it because his face is too close to mine.

“Get off me,” I whispered and tried hard to not look away because I don’t want to lose to him.


“Uh-hum!”

“Nandito pa kami.”

“They’re flirting in front of these kids.”

I saw Ash, Gemma and Gust covering the eyes of Miles, Kelsey and Rae, respectively while Eon and Squall stood on both sides of Ash. I used that moment when he was distracted with them to shoved him away and I succeeded.

“Ang duga! Bakit kami may takip?” Kelsey said while removing Gemma’s hand off her eyes.

“Censored kasi,” Gemma said.

“I swear I’m going to freeze you to death one of these days,” I said while glaring at him but he just casually sit on the couch together with them.

“I’ll be waiting,
Ice Goddess.”

They all laughed and teased us after that. I froze the whole living room out of frustration but they didn’t mind. As I watched them talk and play with each other and somehow, I also started smiling. Seeing those girls enjoying is enough for me to smile.

I always thought that I’ll live my life alone after my parents’ death and my sister’s disappearance. I thought I won’t be able to smile and express myself again. I built walls around me to distance myself from people because I don’t want to experience the pain and misery of losing someone important again.

I became an
ice.

But after meeting these four girls, my whole life changed. I thought I was meant to be alone, but I was wrong. I was meant to be with them. Before, my only reason to live and to become strong is to carry out my revenge against Flame Spectre but after knowing them, I started to look at life differently. I want to protect them and I want to be with them. I want to enjoy our moments together. With them, I found not just friends, but a family.

“Krystal!” they called my name and I smiled while walking towards them.

I’m an
ice but it feels so warm right now.
Maybe the ice is finally melting.

I am glad that I am with them through the ups and the downs, and I’ll make sure we’ll be together on this new chapter of our life...

For we, are the
Ice Goddesses.


***