***

Tapos na ang ilang klase. Nagsisilabasan na ang mga estudyante. Panigurado unahan na naman sa pagsakay sa jeep. Tumayo ako mula sa upuan at nagmadaling lumabas para makapila agad ako.

“Dani!” sigaw ni Rica, kaklase ko sa Kas 2, ‘yong klase naming katatapos lang. Napahinto naman ako at lumingon sa kanya.

“Hmm?”

“Okay lang bang ikaw ang kumuha ng readings sa Berrys? May class pa kasi ako, eh.”

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. “Okay. Papunta rin naman ako sa Center para...

Continue reading...