Dear Mom

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 27, 2014


***

Nagising ako hindi dahil sa tunog ng alarm clock kundi sa pagyugyog sa akin ni Mama. Naman eh! Inaantok pa nga ako eh!

"Uhhhmm. Hantukpakumamayamunakogishigin."

"Bumangon ka na Jenny! Malalate ka na sa school oh."

Eeehh inaantok pa nga kasi ako eh. Bahala siya dyan. Pero hindi niya ako tinantanan at pinagpatuloy niya ‘yung pagyugyog sa akin.

"Oo na nga eto na!" Aish! Nakakainis naman si Mama. Napapanaginipan ko pa yung crush ko eh. Psh.

"Maligo ka na dun."

Di ko nalang siya pinansin at pumasok na sa banyo. After nun, nagbihis na rin ako ng uniform at kumain na rin. Hay, nakakatamad pumasok sa school. Pero dahil schoolmate ko ang crush ko, go pa rin. Hahaha, ang landi ko talaga. At nagsimula na naman akong magdaydream tungkol sa kanya.

Nagdedaydream na naman ako habang naglalakad sa may corridor. Bakit ba kasi hindi ko siya makausap? Nasa isang corridor lang naman ‘yung rooms namin. Hay. Sana bigyan man lang ako ng opportunity na makausap siya—

"Ouch! Aray ko!" Takte! Ayan kasi Jenny, baki hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! May nabunggo tuloy ako pero ako ‘yung tumalsik! Ang sakit ng palad ko! Pinangtukod ko kasi nung natumba ako. Ang sakit!

"Miss are you okay? Damn! Nagdudugo ‘yung kamay mo!"

"Eh kasalanan mo 'to eh! Nak—"

Pagtingin ko doon sa nakakainis na bumunggo sa akin, paraang umatras ‘yung dila ko. OMG. Totoo ba ‘to? As in? OMG! Si Ethan, ‘yung crush ko! 

"Ahh...ano...o-o-okay lang a-ako. Hahahaha..." Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil kaharap ko siya tapos eye-to-eye contact pa kami.

"I think you're not okay. Tara, hatid na kita sa clinic. Ako naman may kasalanan eh," then he smiled at me.

WAAAAAAAHHHH NGINITIAN NIYA AKO! MABABALIW AKO NG MAAGA NITO! WAAAAAHHHH! DREAM COME TRUE! YUNG CRUSH KO PINANSIN AKO!

Hinatid niya ako sa clinic with matching alalay pa sa akin. Okay lang kahit nakahawak siya sa bewang ko. Haha ako ay nagpapachansing sa crush ko. Eeeehh ang landi ko.

Dahil doon, napapansin niya na ako. Lagi niya akong binabati kapag nakikita niya ako. Magkaiba kasi kami ng section eh. At nagsimula na ang tuksuhan sa school. Jusko, halos mamatay na ako sa kilig pag inaasar nila ako sa kanya. Tapos siya, ngingiti lang pag inaasar siya sa akin. Sa totoo lang, mas lumalim yung feelings ko para sa kanya. Hindi lang simpleng crush o gusto. Palagay ko nga, mahal ko na siya eh. At dahil sa mga ipinapakita niya sa akin, nagkaroon ako ng pag-asang…

Baka may nararamdaman din siya para sa akin.

Until one day, in front of our class...

"Jenny, can I court you?" at naghiyawan na yung mga classmates ko.

***

"Sigurado ka na ba dyan?" tanong sa akin ni Mama.

"Oo Ma. In love talaga ako sa kanya eh. Ayoko na siyang paghintayin," sabi ko kay Mama. Sinabi ko sa kanyang sasagutin ko na si Ethan. Kahit naman sumasagot ako minsan nang pabalang kay Mama, open pa rin naman ako sa kanya. Kahit na hindi kami ganun ka-close.

"Oh siya. Wala naman akong magagawa eh. Goodluck na lang sa inyo. Sige na pumasok ka na at malalate ka na oh!" Binigyan na niya ako ng baon at pumasok na ako sa school.

Hinanap ko kaagad si Ethan at nakita ko siya sa may gate, hinihintay niya ako. Ang sweet!

"Good morning. Kanina ka pa?" Napatingin naman siya sa akin tsaka ngumiti nang napakalapad.

"Hindi naman. And kahit naman gaano ako katagal maghintay dito okay lang kasi ikaw naman ‘yung hinihintay ko," at nagblush ako sa sinabi niya.

Habang naglalakad kami,

"Ethan, YES." Sinabi ko sa kanya ang dapat sabihin. Nung una naguguluhan pa siya. Pero later on, mukhang nagets na niya.

"Talaga Jenny? Yes! Salamat! Salamat! I love you so much! Thank you!" tapos binuhat niya ako at inikot-ikot. Nakakahiya nga dahil nasa gitna kami ng quadrangle at pinagtitinginan ng mga estudyante. Pero okay lang, sobrang saya ko rin naman kasi eh. Sa wakas, boyfriend ko na siya. Boyfriend ko na si Ethan.

***

"Ma, please?"

"Naku naman Jenny! Wala ka nang nagagawang matino dahil dyan sa pagboboyfriend mo na ‘yan. Umayos ka nga!"

Nakakainis! Ayaw akong payagan ni Mama na makipagdate. Masama ba yun? Boyfriend ko naman siya ah? Two weeks palang kami ni Ethan. Si Mama mukhang hindi niya nagugustuhan yung relationship namin.

"Dali na kasi Ma. Linggo naman ngayon eh!"

"Naku tigilan mo ako Jenny ha. ‘Yun nga ‘yun eh. Linggo ngayon! Araw ngayon para sa pamilya pero yang boyfriend mo pa rin yang inaatupag mo. Araw-araw na nga kayong nagkikita. Gabi ka na nga umuuwi lagi. Pati ba naman ngayon?! Magtigil ka."

Eh wala naman akong ginagawa dito sa bahay eh! Manonood lang ako ng TV o kaya magtetext. Nakakaboring! Gusto kong makasama si Ethan ngayon! At least doon hindi ako mabobore. Siya rin naman lumalabas tuwing linggo ah, tapos ako hindi pwede? Bahala na.

"Aalis pa rin ako. Boring dito sa bahay Ma. Wala naman akong magawa eh!" then tumakbo ako palabas ng bahay habang sinisigawan ako ng mama ko.

"Hindi mo na talaga ako ginagalang! Yan ba ang epekto ng pagboboyfriend mo?!"

Simula nung araw na yun, naging cold na ako kay Mama. Lagi na niya kasi akong binabawalan makipagdate tuwing weekends. Pero hindi ko siya pinapansin, umaalis pa rin ako. Bakit ba ayaw niya akong sumaya? Bakit ba ayaw niyang makasama yung boyfriend ko? Masama ba ‘yun? Mahal ko naman yung Mama ko pero mahal ko rin si Ethan.

"Galit pa rin ba Mama mo? ‘Wag nalang kaya tayong magdate tuwing Sunday?" Napatingin ako kay Ethan habang sinasabi niya ‘yun. Kinukwento ko kasi sa kanya yung mga away namin ni Mama.

"Huh? Okay lang yun ‘no. Maiintindihan niya rin ‘yun. Siguro ayaw niya lang talaga akong umalis sa bahay. Alam mo na, nilayasan kasi kami ng Papa ko."

Yeah right. Yung Papa ko, iniwan kami at nawala siyang parang bula. Walang pasabi, walang sulat, walang kahit ano. Kaya siguro ganyan si Mama. Feeling niya mawawala ako sa kanya dahil kay Ethan. Pero ‘di ko naman siya iiwan eh. Mahal ko ang Mama ko. Hindi ko nga lang kayang ipakita sa kanya. Kasi madalas ko siyang sinasagot, at hindi ako sumusunod sa mga utos niya. I'm cold towards her. Nakakahiya.

***

"Ma naman! Eto na naman tayo eh!"

"Puro ka kasi Ethan, Ethan! Lagi mo nalang siyang kasama. Lumalandi ka na simula naang nagkaboyfriend ka!"

THAT. Napatigil ako nung sinabihan niya ako nun. Parang gusto kong umiyak. Ang sakit pala pag yung sarili mong nanay eh sinabihan ka nang lumalandi. Ang sakit lang. ‘Di ba dapat siya ang nakakaintindi sa akin?

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Lagi nalang ganito. Walang pagbabago. Ayoko na.

"Sige ako na ang malandi! Sige ako na ang masamang anak! Ma naman! Sana intindihin niyo rin ako! Gusto ko rin namang maranasang mahalin! Kayo ba ha?! Ni minsan ba pinakita niyong mahal niyo ko?! Lagi niyo nalang akong sinisigawan! Lagi niyo nalang akong pinapagalitan! Lagi nalang kayong ganyan simula nung iwan tayo ni Papa! Andito pa rin naman ako eh! Hindi naman kita iniwan ah?! Iniwan ba kita?! Hindi di ba? Pero kayo?! Alam niyo kung bakit mas lalong lumalayo yung loob ko sa inyo?! Kasi hindi mo magampanan yung pagiging nanay! Sasabihin niyo sa aking family day tuwing linggo pero asan kayo pag linggo? ‘Di ba lagi kang nasa labas?! Ako lagi ang naiiwan sa bahay! Akala ko ba family day?! Eh lagi akong mag-isa tuwing linggo! Sige nga Ma, MAHAL NIYO BA TALAGA AKO HA?" I burst into tears. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Lahat ng hinanakit ko sa kanya dati pa.

At pagkatapos na pagkatapos nun ay isang malutong na sampal ang binigay niya sa akin. Tiniis ko ‘yung sakit at tinitigan ko siya nang masama bago ako tumakbo palabas ng bahay. Nang makalayo na ako, saka bumagsak ‘yung luha sa mga mata ko at naramdaman ko ‘yung kirot sa pisngi ko. My Mom doesn't really care about me. It really hurts.

***

Ilang araw na rin kaming hindi nagpapansinan ni Mama. Ayoko siyang kausapin. Nagtatampo ako sa kanya. Siya na nga yung may pagkukulang sa akin, siya pa yung may ganang magalit. Iniiwasan ko siya sa bahay. Maaga akong nagigising para di niya ako maabutan. Haaay.

Nasa school na ako ngayon. At tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kuhaan ngayon ng report card. Isusurprise ko pa naman sana siya na nasama ako sa top ten para matuwa siya sa akin pero mukhang di na mangyayari yun. Tinext ko nalang siya.

Kuhaan ngayon ng card. Punta ka na lang.

After nun, kumain muna kami ni Ethan sa cafeteria tapos pumunta kami sa quadrangle.

"Ethan, pwedeng dun muna tayo sa bench?"

"Sure." Syempre alam niya rin yung nangyari. Super thankful ako dahil understanding ang boyfriend ko. Sana ganito rin si Mama.

Kaya kami pumunta sa bench, kasi kita mula rito yung room. Dun kasi kukunin yung card. Titignan ko lang kung pupunta talaga siya.

And thank God. Pumunta nga siya. Ewan ko pero napangiti ako. Kahit pala papaano ay may pakialam pa rin sa akin si Mama. Pero nagtatampo pa rin ako sa kanya. Ayoko namang magsorry. Hindi kasi ako sanay na nagpapakita ng kahit anong sweet gestures kay Mama. Gaya ng halos lahat ng teenagers. Nakakahiya kasi.

At nagulat ako nung napatingin siya sa direksyon namin kaya agad kong hinatak si Ethan palabas ng school. Nakatawid na kami nung narinig kong tinawag ako ni Mama.

"Jenny! Jenny!" Tumatakbo rin siya palabas ng school. Ewan ko pero bigla akong naiyak. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ko ngayon. Dahil sa gulung-gulo yung utak ko, tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo habang pinupunasan yung luhang patuloy na umaagas sa mga mata ko. Sinundan lang rin ako ni Ethan.

Pero natigil yung mundo ko nung may narinig akong kakaiba sa likuran namin. Tumaas lahat ng balahibo ko at nanigas ‘yung kalamnan ko.

“Nasagasaan ‘yung babae!”
"Oh my God, tumawag kayo ng ambulansya!"
"Huy, tulungan niyo yung babae!"

Pagtalikod ko ay nanghina na ang katawan ko. Nakita ko si Mama na nakahandusay sa kalsada at duguan.

"MAMA!" Hindi ko alam kung paano akong nakalapit sa kanya. Ni hindi ko tinignan kung may dumadaang sasakyan. Basta ang nakikita ko lang ngayon ay ‘yung katawan ni Mama. Pinatong ko yung ulo niya sa binti ko kahit na nanginginig na ‘yung buong katawan ko.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! DALIAN NIYO! YUNG MAMA KO! ETHAN!" Tumakbo si Ethan at humingi ng tulong. Ako naman sunud-sunod na yung pagpatak ng luha ko. Yung Mama ko. Si Mama. Hindi pwede ‘to!

"A...anak..." tapos nginitian niya ako.

"Ma w-wag ka nang m-magsalita please? P-parating na yung ambulansya. Don't worry... A-andito lang ako," then I hugged her tightly. Tapos hinaplos niyaa yung mukha ko. That made me cry harder.

"So...sorry Jenny. Sorry...kung hindi ako naging...mabuting nanay. S-simula...kasi nung iniwan...t-tayo ng Papa mo...parang nawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko naisip...na andyan ka pa...pala...Andyan pa yung...anak kong nagmamahal...sa akin..." Nahihirapan na akong huminga. Nahihirapan ako dahil nakikita kong nahihirapan yung Mama ko.

"Ma...please wag ka nang magsalita...Please..."

"Akala ko...kasi...iiwan mo rin ako...akala ko...mawawala ka rin sa akin...akala ko...kukunin ka ng boyfriend mo...sa akin...Pe...pero masaya ako ngayon...kasi nalaman kong...mahal mo pa rin ako...sorry anak...sorry sa lahat ng...kasalanan ko...sorry." We're both crying. Ang sakit sakit ng dibdib ko. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi niya.

"I really love you Ma. I love you. So please stay strong. Parating na yung ambulansya. Please," sabi ko habang hinigpitan ko ‘yung hawak sa kamay niya at nginitian niya ulit ako.

"Sa wakas...na..narinig...d-din kita...na...sinasabihan ako...ng...I...i love you...salamat...anak. Ma...mahal rin kita...mahal...na...mahal kita...Jenn...y."

Bigla nalang lumuwag ‘yung hawak niya sa kamay ko at pumikit ‘yun mga mata niya. Lalo akong kinabahan.

No! No! This isn't happening!

"MA! MA! Gumising ka dyan. Wag mo akong niloloko Ma! Ma!" tinapik-tapik ko yung mukha niya pero hindi pa rin siya gumigising.

"MA PLEASE! GUMISING KA DYAN MA! MA NAMAN WAG MO AKONG IWAN! IIWAN MO RIN BA AKO? INIWAN NA NGA AKO NI PAPA TAPOS IKAW RIN? MA! MAMA NAMAN EH!"

"Promise, di na kita sisigawan. Di na kita sasagutin. Di na ako makikipagdate pag weekends!  kung gusto mo hindi na ako makikipagdate kahit kailan! Mama ano ba! Gumising ka dyan please? Ma! Magiging mabait na akong anak! Ma wag mo kong iwan! Mama ko! MAMA!"

"Jenny, andyan na yung amb—"

"Ma...Mama...andyan na yung ambulansya oh...Dali na...gumising ka na dyan...pupunta na tayo sa ospital. Gagamutin ka na nila...MA..."

Biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Naramdaman ko yung luha niya sa leeg ko. Alam kong si Ethan ‘yun at dahil sa kanya ay mas lalo lang akong umiyak.

"Jenny, she's gone."

Pagkasabing-pagkasabi nun ni Ethan, umiyak ako nang malakas habang yakap-yakap ko si Mama. Akala ko magiging okay na kami ngayon. Akala ko...babalik na sa dati ang lahat. Pero ngayon...wala na siya.

"MAMA!!"

*** 

I love you Mama.
Kahit na nagkulang ka sa akin, mahal na mahal pa rin kita.
Ikaw pa rin ang the best mom para sa akin.

Sana masaya ka na kung nasaan ka man.
Pipilitin kong maging masaya sa piling ni Ethan, Ma.
Kapag nagkaroon kami ng pamilya, magiging mabuti akong nanay.
Ipagmamalaki kita sa kanila.
Sana proud ka rin sa akin bilang anak mo.

Mama, farewell.
I love you so much.

-Jenny.


***