apartment hunting I plopped on my chair when I arrived at the lab. Nakakapagod na talaga itong daily commute. I woke up at 5:30 A.M. tapos halos 9:30 A.M. na ako nakarating. Parang buong buhay ko inalay ko na sa byahe. Bwisit. “Haggard mo, girl,” Alex commented. I rolled my eyes at him. “Ayoko na.” “Mag-apartment ka na kasi.” “Yeah, yeah,” I muttered. Pumunta kami sa common room para magpalamig at kumain ng breakfast. Medyo nag-subside naman ang inis ko nang makakain ako at nakapagpalamig dahil sa aircon. Agad din naman kaming bumalik sa lab at nagsimulang magtrabaho. I prepared for my assay and readied the reagents. Makalipas ang thirty minutes ay bumaba ako sa assay room at nag-run ng twenty samples. I stayed there for one and a half hour and saved my data in my hard drive. Sinend ko na rin sa e-mail ko para sigurado. Ilang minuto rin ang itinagal ng pagliligpit ko. Ito ang pinakaayaw ko kapag nag-e-experiment, ang pagdi-dispose ng excess reagents at paghuhugas ng glassware. Sakto namang lunch time na noong makabalik ako sa lab kaya binilisan ko ang paghuhugas. Medyo sumakit pa ang likod ko dahil sa ngawit. Tumatanda na talaga ako. Nang matapos ako ay agad kong kinuha ang baon ko at pumunta sa common room pero pagdating ko ro’n ay wala nang vacant na upuan. I was about to go out and just return once someone finished his or her food when Kuya Owen said I could take his seat. “Tapos na ako,” sabi niya habang nililigpit ang kinainan niya. “Dito ka na, Magi.” I suppressed a smile as I sat on his chair. Ka-crush-crush talaga siya. Tipong ideal type ng lahat pero alam mong imposibleng ma-reciprocate ang feelings mo. “Thanks, Kuya.” Sakto namang pag-upo ko ay binuksan ni Shan ang pinto at pagpasok niya ay napasimangot siya nang wala na rin siyang makitang vacant. I gestured at her. “Tara rito, tabi na lang tayo.” Agad naman siyang ngumiti at umusog ako para makaupo siya sa kalahati ng upuan. “Hahanap ka na ba ngayon ng apartment?” tanong niya habang binubuksan ang binili niyang food sa Bio. “Yeah,” I replied. “Pagkatapos kong mag-lunch. Magca-canvass muna ako.” Ngumiti naman siya nang nakakaloko kaya may idea na ako kung ano ang sunod niyang sasabihin. “Alam mo, free si Callum—” “Hay nako, Shan,” I said, cutting her off. “Tange, wala kasi siyang class every Thursday. Malay mo makatulong siya.” “No thanks,” I flatly said. “Kaya ko ang sarili ko.” She snorted. “Sure ka ba d’yan? Ikaw? Kayang makipag-usap sa strangers?” “Sinong makikipag-usap sa strangers? Si Magi?” Alex chimed in. “Galing mag-joke, ha. Ang funny no’n.” Nagtawanan naman ang labmates ko maging sina Mari at Faye kaya sinamaan ko ng tingin sina Shan at Alex. Napunta na naman tuloy sa akin ang spotlight. Buti na lang at agad na nag-shift ang topic sa sari-sarili nilang encounters sa strangers, lalo na ang mga nakakahiyang tagpo. Maski ako ay natawa sa kwento ni Mikaila. She said she thought she was following her boyfriend. It turned out it was a complete stranger. Pareho raw kasi ng suot na damit at pants at pati ang height. Tawang-tawa raw si Mark, boyfriend niya, noong ma-realize niya na iba na ang sinusundan niya. “Ang gago lang, hindi man lang ako pinigilan,” she said. “Tinawanan pa ako. Buti na lang talaga at hindi ko hinawakan ‘yong kamay.” Matapos no’n ay isa-isa na rin kaming nagsibalikan sa kanya-kanya naming lab. Kinuha ko naman ang extra tote bag ko sa locker at nilagay roon ang wallet, phone at payong ko. Pagkalabas ko ng building ay hinugot ko agad ang payong dahil sobrang init. Third week pa lang ng May. Gusto ko nang mag-June para simula na ng tag-ulan at para medyo lumamig naman dahil pakiramdam ko ay mamatay ako sa sobrang init. Nag-commute ako papuntang Antonio. Halos ten minutes ang tinagal ng biyahe at pagbaba ko ng jeep ay naglakad ako papasok sa arko. I remembered going here when I was still an undergrad. Dito kasi nakatira ‘yong isa kong groupmate sa isang elective subject at kailangan naming mag-meeting. Wala raw kasing signal sa apartment niya kaya madalas ay doon siya sa kalapit na coffee shop. Nagtingin na ako online sa mga apartment na nagustuhan ko pero napahinto ako nang naglalakad na ako sa street na ‘yon. Suddenly, I was scared to even knock on the gates or call the numbers posted online. Hindi naman kasi ako tumatawag sa kahit kanino. I was trying to gather courage when someone suddenly tapped my shoulder. Napasigaw ako sa gulat at takot lalo na at mag-isa ako. When I turned around, I saw Callum staring at me, confused. “Sorry,” he said. Napabuntong-hininga na lang ako kahit na ang lakas at bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa akin. “Nakita kasi kita. I just thought I’d say hi,” he continued. “Ano pala ang ginagawa mo?” “Oh. I’m . . . looking for an apartment.” Ang awkward pa rin talaga. Naaalala ko kasi ang sitwasyon namin noong high school at kahit isantabi ko ‘yon ay na-establish na sa utak ko na hindi ko dapat siya pansinin dahil for sure ay aasarin na naman ako sa kanya. But whether I like it or not, I need him right now. “Uhm, pwedeng patulong?” Agad ko namang in-explain sa kanya ang dilemma ko at tinulungan niya akong magtanung-tanong. Siya ang kumakatok sa gate ng mga bahay o ‘di kaya siya ang sasagot kapag tatawag ako sa number ng landlord o landlady. The awkwardness I felt when I’m with him gradually dissipated and I was thankful that he was helping me with this. Okay rin naman pala siya dahil tahimik lang siya kapag wala na kaming mapag-usapan. He doesn’t force conversations and for that, I was grateful. Anyway, there were units that caught my attention but they were too pricey. Ang isa na halos kasinlaki lang ng kwarto ko ay 8k per month at hindi pa inclusive doon ang utilities. Mayroon namang 4,500 lang pero parang gigiba na anytime. Nakakatakot dahil may cracks na sa pader. After an hour of looking for apartments, parang nawalan na ako ng gana. Mabuti na nga lang at kumulimlim dahil kung mainit pa rin ay for sure uminit na rin nang husto ang ulo ko. “May napili ka na?” tanong niya. I heaved a sigh. “Ang mahal ng units na gusto ko.” “’Yong sa white na gate?” Tumango naman ako. “Ang ganda pero masyadong mahal ang 8k lalo na at mag-isa lang ako.” “Ayaw nina Shan at Mari?” “Mari lives nearby. Si Shan naman, nakikituloy sa pinsan niya na malapit lang din sa campus.” Ilang segundo kaming nakatayo lang sa harapan ng apartment complex na huli naming pinagtanungan. Hindi ko gusto ‘yon dahil may curfew. Ano ‘yon, dorm? Sobrang higpit. “Actually . . .” Napatingin naman ako sa kanya. “May single units sa compound na tinutuluyan ko. Gusto mo bang makita?” I just stared at him for a few seconds, unsure if I should take his offer or politely decline it, but in the end, I got curious. Pumayag ako at naglakad kami papunta sa compound na sinasabi niya. It was a five-minute walk from the last apartment and I almost gasped when I saw the owner’s home. Katabi ng black na gate ang isang two-story na bahay. It was a Mediterranean-style house, with red tiled roofs and large windows, stucco exterior and stone details. Binuksan niya ang gate at pumunta kami sa magarbong bahay. Sakto namang may tao sa labas. A beautiful middle-aged woman greeted him and he said I was looking for an apartment. Tinawag ng babae ang isang lalaki, maybe a teenager, around 14 or 15, and said he would show me the single units. Sinundan ko ang lalaki at umakyat kami sa second floor kung nasaan ang mga single units. Nang buksan niya ang isang pinto ay napaawang na lang ang bibig ko. It was a studio-type room with a built-in closet, kitchen sink and bathroom. Ito na ang pinakamaganda sa lahat ng nakita ko pero nang malaman kong 9k ay nalungkot ako. Ang mahal. Nag-thank you ako nang makita ko ang kabuuan at sinabi ko na lang na pag-iisipan ko muna. Sabay kaming bumaba ni Callum pero napahinto kami nang ma-realize namin na umuulan na. Agad namang tumakbo pabalik sa bahay ang lalaki at naiwan kami roon ni Callum. What the heck? Kanina lang ay sobrang init tapos bigla namang umulan. Gusto ko sanang bumalik na sa lab pero lumakas ang ulan at halos bumaligtad ang payong ko nang buksan ko ‘yon. “Babalik ka na ba sa lab n’yo?” halos pasigaw niyang tanong dahil sobrang lakas na ng ulan. “I have to!” I yelled in return but my umbrella wasn’t cooperating with me. Halos madulas din ako sa hagdan dahil sa tubig pero nakahawak naman agad ako sa railings. Susubukan ko pa lang na suungin ang ulan ay nangyari na ang kinatatakutan ko. Bumaligtad na nga ang payong ko at kinailangan pang abutin ‘yon ni Callum para bumalik sa dati. I remembered that one time when my umbrella also got destroyed by the wind when I was crossing the overpass. Sobrang nakakahiya dahil ang daming nakakita kung paano tumupi pabaligtad ang payong ko. Ngayon ay parang bumalik ang kahihiyang iyon kahit na si Callum lang ang nakakita. “If you want,” he said, “you can stay in my apartment for a while.” “Ha?!” Napalakas ang sigaw ko dahil hindi ko na siya masyadong marinig sa lakas ng ulan. I thought I misheard it at first but his words echoed in my head. Nagsimula siyang maglakad pababa ng hagdan at tinuro niya ang mga unit sa first floor. Nabasa na rin siya nang tuluyan dahil walang silong ang hagdan sa labas. “Kung gusto mo lang naman,” he continued. “Pero kung pursigido kang bumalik sa lab n’yo nang ganito kalakas ang ulan, hindi rin naman kita pipigilan.” I stood there for a few seconds, thinking about his offer. Gusto ko nang bumalik sa lab pero ilang minuto pa ang lalakarin ko para makarating sa sakayan. Baka pagdating ko ro’n ay basang-basa na ako. “Stupid weather,” I grumbled as I ran toward his direction. Nakita ko naman ang pagngiti niya. “Tara. Bago pa tayo tuluyang maligo sa ulan.” I followed him and he stopped in front of the third door. And the moment he opened it, I realized how rich he must be to afford this kind of apartment. Well, what a way to end my apartment hunting.
Comments
|