.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, February 4, 2015


***

It’s painful. Too painful for me to bear. I can feel my blood rushing, my tissues tearing and my bones breaking. And during that time, I know that I’m going to die.

“3% before completion.”

I heard the main computer’s voice and the humming of the machines and apparatus around me.

Naramdaman ko na naman ang sakit ng buong katawan ko. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero hindi ko magawa. Gusto kong magwala pero hindi ko maigalaw kahit ang daliri ko.
Gusto ko nang umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko.

Wala akong magawa habang nasa experiment table ako at may nakakabit na wires sa iba’t ibang parte ng katawan ko.

“Malapit na. Malapit na, Cyel.”

When I heard his voice, my whole body trembled. Siya ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Siya ang may kagagawan ng lahat ng ‘to. Ni hindi ko naisip na magagawa niya sa akin ang bagay na ‘to.

I hate him!

“100% complete. Project Neogenesis is now complete.”

“Cyel, it’s successful...” he whispered while smiling and I feel disgusted. “Cyel...”

Lalong sumakit ang pakiramdam ko. Parang sinusunog ang kalamnan ko at hindi ako makahinga nang maayos. Nanlalabo na rin ang paningin ko unti-unting nawawala ang ingay ng paligid.

“Cyel...” I saw him standing at my side and I urged my whole body to move.

“H-Huwag...kang...la...lapit.”

Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong magsalita. I can hear my voice but my body is still not listening to me. Hindi pa rin ako makagalaw nang maayos but I managed to get into a sitting position.

“Cyel, anak.”

Anak.

Nagsimulang mapuno ang isip ko ng galit—galit sa sarili kong ama na nagawa akong pag-eksperimentuhan para sa sarili niyang pakinabang. Ginamit ko ang natitira kong lakas para hugutin ang wires na nakakabit sa akin. I felt numb but I can slightly feel the things around me.
Naabot ko rin ang isa sa chemicals na ginamit niya sa akin at inihagis ko ‘yun sa kanya.

“You...are...not...my...father.” Naramdaman ko ang init sa pisngi ko at saka ko narealize na tumutulo na ang luha ko.

Narinig ko ang pagsigaw niya habang natutunaw ang suot niyang laboratory gown. Tinabig ko rin lahat ng chemicals sa lamesa at nagsimulang umapoy ang mga iyon. Nakikita kong kumakalat ang apoy sa buong laboratory pero hindi na ako makagalaw. Sinubukan kong bumaba sa table pero bumagsak lang ako sa sahig at naramdaman ko na naman ang sakit ng buong katawan ko.

But most of all, ramdam na ramdam ko ang galit sa sarili kong tatay. I want to hurt him so bad but I can’t move my freaking body anymore.

Damn it. Damn that father of mine. I don’t want to die in this way.
 

I want to live.

“H-help...me...”

And then everything went black.


***