.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, June 5, 2016

***

Nandito ako ngayon sa bago naming tirahan ni Nathan sa Teacher's Village at natutuwa ako dahil pinipilit niyang maging komportable ang atmosphere sa pagitan namin.

It's been four days after the war but everyone's still in the process of recovering. I also know that he's got my ability to read closed minds and having a closed mind but despite that, I can still read his superficial thoughts. However, after hearing his thoughts, I felt sad and hurt because he's starting to remember the war fifteen years ago when he was just a one-year old baby. Maybe subconsciously, he pushed them away to the depths of his mind but the second war triggered them to resurface.

I don't want him to remember those painful memories but those are the only memories he got with his father.


Nakaupo siya ngayon sa couch at nakatulala kaya naman lumapit ako at pumwesto sa likuran niya. I gently massaged his temples to calm his thoughts but his eyes flew open.

"Stay still," I ordered. "This will somehow soothe your mind."

Tumahimik naman siya at habang nakatingin ako sa kanya ay naaalala ko si Vince. Their serious expressions are the same. Nagulat naman ako nung biglang may tumulong luha sa mga mata niya at parang bumagsak ang puso ko nung nakita ko 'yun.

"I should be the one saying sorry," he said and when I read his mind, I can't believe that he's starting to remember that moment.

Mitsuo's whole body was covered with blood after killing Raizo. He stood quietly after that and his spear slipped out of his hand.

'Sorry...Nathan...Nathalie...'

Niyakap ko ang anak ko dahil alam kong sinisisi niya rin ang sarili niya sa nangyari. Bakit sa ganito pang paraan niya maaalala ang tatay niya?

"It's not your fault, Nathan," bulong ko sa kanya. "You're just a child that time."

"But because of me..." Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko nung niyakap niya rin ako.

"He chose to protect you. He did everything to save our future so instead of being sorry, be thankful to your father. Will you do that for me, Nathan?"

He slowly nodded and we stayed like that for a few minutes. Gusto kong makasama siya kahit sa ganitong paraan para man lang mapunan ang mga panahong hindi niya ako kasama. I am really thankful to Hideo because he raised my son but growing up without a mother and Hideo's busy being the President, he must have been so lonely. Beneath his stone-cold expression and a leader-like aura, I know that he wants someone who can understand him and someone to depend on.

Nung maging kalmado na kaming pareho ay naghiwalay muna kami dahil marami pang kailangang gawin. Pinatawag ako ni Hideo kaya naman pumunta agad ako sa office niya. Nung nadaanan ko ang dormitories ay parang bumalik lahat ng alaala noong mga bata pa kami.

My tears fell as I remember our happy moments together and I feel miserable because all these memories keep coming back...but he never does. And he never will.

Muli kong naalala ang unang beses na nakita ko siya at ang mga nangyari pagkatapos nun.

***

"Sino kaya ang makakasama natin for this year?" tanong ni Akira.
"Isa lang daw ang madadagdag sa Atama Family," dagdag ni Michiko.
"At least, meron. This is the first time na may madadagdag sa batch natin," sabi naman ni Mayu.
"Quiet down," biglang sabi ni Hideo kaya napatingin kami sa kanya pero siya ay nakatingin lang doon sa nag-aannounce ng classes sa harapan.
"Sungit," sabay-sabay naming sabi sa kanya pero wala man lang pagbabago sa expression niya.

Simula na naman ng panibagong school year at sabi sa amin ni Sir Kyo, may magiging bagong member daw ng Atama Family. Mula mga bata pa kami ay magkakasama na kaming lima kaya naman hindi ko alam kung magiging maganda ba ang mangyayari. Pero wala naman na kaming magagawa dahil sa ayaw at gusto namin, makakasama pa rin namin siya.

Nung pinapasok na ang transferees ay tinaas ni Akira ang hwak niyang cardboard na ang nakalagay ay Atama. Napatingin naman ako doon sa isang lalaki na halos green na ang mata, and I'm sure na siya ang sinasabi ni Sir Kyo.

"Seems like there's another one," sabi bigla ni Hideo at nung nakita ko ang babaeng katabi nung lalaki ay nakita kong greenish na rin ang mga mata niya.

"Akala ko ba isa lang? But you're right. That girl seems special," sabi ni Mayu at dahil sa pag-aayos niya ng salamin ay alam kong nag-aanalyze na siya.

Tumayo sila sa unahan kasama ng ibang transferees at 'yung preschool students na magsisimula pa lang. As expected, dito nga pumunta 'yung lalaki, his alternative name's Mitsuo, pero 'yung babae ay kausap ni Yamato hanggang sa umalis sila at mukhang may problema sa sorting ng family niya.

"Hi Mitsuo! Welcome to Atama family!" masayang sabi ni Akira.
"Tss."

Nagulat naman kami nung sinimangutan lang kami ni Mitsuo at pumunta siya sa bandang gilid. Nagkatinginan lang kami nina Michiko at nakita kong disappointed sila. Napatingin naman ako doon kay Mitsuo at halos magkasalubong na ang kilay niya.

What a rude guy.

Pagsasabihan ko na sana siya pero hinawakan ni Hideo ang braso ko saka siya tumingin sa akin.

'Just let him be alone for a while.'
'But what he did isn't nice.'
'What you're going to do isn't nice either.'

Natahimik naman ako sa sinabi niya. I will never win an argument against this guy.

After ng orientation, pumunta na ang families sa kani-kanilang dorms kaya naman nagsibalikan na rin kami. Magkasamang naglakad sina Hideo at Mitsuo at nung tinignan ko sila ay wala man lang umiimik. Sinukuan ko na sila at bumalik na lang kami sa kwarto namin.

After a few minutes ay biglang tumayo si Akira kaya nagulat ako.

"She's here."
"Who?"
"The other member. 'Yung babae," sabay ngiti niya nang nakakaloko.

Bigla naman siyang tumakbo papunta sa pinto at agad niya 'yung binuksan kahit na wala pa namang kumakatok. Nung ginawa niya 'yun ay nagulat ang babae na nasa labas at nakita kong may kinuha siya sa loob ng coat niya. Her actions radiates defensive instincts that's why I immediately stopped the time at our perimeter. After that, tumingin siya sa akin at alam ko na pinapakiramdaman niya rin ako at alam niya ring ako ang may gawa nun.

"Success! Nagulat ko siya!" masayang sabi ni Akira.
"At muntik ka na ring mapuruhan," sabi ko naman sa kanya pero binigyan niya lang ako ng confused look.

Ginulo lang siya ni Akira at dumagdag pa si Michiko nung pumasok sila ni Mayu rito sa kwarto namin. Nag-usap din kaming dalawa using inner voice dahil siya lang, bukod kay Hideo, ang nakakablock ng pagbabasa ko ng isip nila.

After an hour, tinawag kami ni Hideo kaya naman bumaba kaming lima. Pagdating namin sa harapan ng dorm, nakatayo roon si Hideo at Mitsuo.

"Pfft. Hahaha! Labanan ba 'to ng facial expression? Ikaw, expressionless," sabay turo ni Michiko kay Hideo. "Ito namang si Mitsuo parang laging galit!"

Pagkasabi nun ni Michiko ay lalong kumunot ang noo ni Mitsuo kaya naman hinatak ko na siya palayo sa kanya dahil baka kung ano pang mangyari. Ayokong magkaroon kaagad ng gulo dahil umaga pa lang. At malala ang kinalalabasan kapag dalawang miyembro ng Atama family ang naglaban.

"Sorry. Sinasabi niya talaga lahat ng gusto niyang sabihin," sabi ko kay Mitsuo.

'Tss. I want to get out of this place immediately. Why do I have to be with these people? I'm going to kick that old fart's ass when I get back.'
 When I heard his thoughts, I felt his annoyance, but I stopped reading his mind when he looked at me. Did he notice it?

Nakahinga ako nang maluwag nung lumipat ang tingin niya sa iba. Nag-usap-usap lang kami and after that ay nagdecide si Hideo na i-tour sina Akemi at Mitsuo sa buong campus. Maglalakad na sana kami pero biglang napahinto si Akira.

"Gising na si Hiroshi," sabi niya habang nakatingin kay Mayu.
"I'll be back," sabi naman ni Mayu.

Nakita ko naman ang curiosity sa mukha ni Akemi at mukhang interested siya kay Hiroshi. Sino ba namang hindi? Ang cute-cute ng batang 'yun. Favorite niya nga si Hideo pero dahil hindi siya marunong mag-alaga, lagi siyang pinagtatawanan nina Akira at Michiko kapag pumupunta sa kanya si Hiroshi, pati na rin sina Hayate at Reina.

Pagbaba ni Mayu ay buhat na niya si Hiroshi at kinuha naman siya ni Michiko mula kay Mayu. Nauuna sina Hideo at Mitsuo sa amin at habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

Atama family members are famous inside and even outside the campus. Kaya hindi nakakapagtakang maraming nakakakilala sa amin. Pero minsan, ayaw ko nang ganito, lalo na't hindi ko nababasa ang isip nila. I don't know how and what they think about us and that makes me uncomfortable.

"We're really famous," sabay tawa ni Michiko dahil nga maraming nakatingin sa amin. "Right, Hiroshi? Paglaki mo, ikaw naman ang titignan. Kaya kailangan pogi ka. At huwag na huwag kang tutulad kay Hideo o dito sa Mitsuo na 'to. They have dead face."

Napangiti naman ako nung sinabi niya 'yun at natawa si Akira nung nag-nod si Hiroshi after that. Hindi ko tuloy alam kung seryoso bang sagot 'yun ni Hiroshi o pinagtitripan niya lang kami.

"Mit...su...o?"

Napatigil naman kaming pito nung biglang binaggit ni Hiroshi ang pangalan ni Mitsuo. Then I realized na baka kaya niya sinabi 'yun ay dahil first time niya lang na narinig 'yun sa sentence na sinabi kanina ni Michiko.

I saw Hideo flinched and I'm sure that for a second, he got jealous. After all, beside Mayu, Hiroshi's only interested in him. Meanwhile, Mitsuo's not moving at all. Kahit ba bata, hindi niya rin papansinin? Okay, I have enough of his rudeness.

"Hey," sabay hampas ko sa likod niya at narinig ko pa ang pag-gasp nina Akira, Michiko at Akemi. Maski ako nagulat dahil masyado yatang napalakas ang pagpalo ko. "Tinatawag ka ng bata."

"Tsk!" Tinignan niya ako nang masama at muntik na akong mapaatras pero hindi ako nagpatinag.

"Are you afraid of kids? Or you just can't handle them?"

Pagkatanong ko nun ay nagbago ang expression niya. Part of his mind has opened and some of his deeper thoughts surfaced.

A small house.
An old man with a huge bardiche, a pole weapon that has a sharp, long and cleaver blade at the end that is usually used in decapitation.
A kid crying his heart out.
Him.

"Take care of this snot. I need to do my job."
"What?! Then I'll do that instead!" The old man swung his bardiche so fast and Mitsuo almost lost his head.
"Umaangal ka na ba ngayon?"
"N-No, sir."
"Good boy, Vince," sabay tawa nung matanda na parang nang-aasar.
"Damn you, old fart, are you playing with me?!"

Hindi na siya pinatulan nung matanda at lumabas siya sa bahay habang tumatawa nang malakas. Naiwan naman sa loob si Mitsuo kasama ang isang bata na iyak pa rin nang iyak.

The flow of his thoughts was cut and he looked at me like I'm doing something terrible. But instead of being intimidated, I smirked at him. But before he can say something mean, Michiko handed Hiroshi to him.

"Mitsuo?" tanong ni Hiroshi at halos mamatay na sa kakatawa sina Michiko at Akira dahil nanigas na si Mitsuo sa kinatatayuan niya habang ang awkward ng pagkakahawak niya kay Hiroshi.

"Pffft! Para siyang mamamatay na!"

"Damn! May mas malala pa pala kay Hideo sa paghahandle ng bata! Hahaha!"

Kahit ayaw ko ay natawa na rin ako dahil sa itsura niya na halos kapareho nung expression niya nung iniwan siya nung matandang lalaki kasama ang isang bata sa bahay nila.

I thought he's scary but looking at him right now, he's kind of cute.

'Looks like you're interested with him.'
 Napatingin naman ako kay Hideo na lumalayo kina Akira dahil alam niyang malapit nang ipasa sa kanya si Hiroshi.

'Aren't we the same?'
 tanong ko and this time, tumingin ako kay Akemi.

'Yeah. I think so.'

'Well, being curious isn't bad.'

And being curious about him isn't that bad either.


***