.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, June 5, 2016

***

Nandito kami ngayon sa agency dahil kailangan naming i-solve ang case na dumating. Of course, Mitsuo and Akemi looked lost. I am actually observing their movements since we don’t know their backgrounds. Even though they seemed nice, their alertness and defensive instincts aren’t normal. Either they are not familiar with this kind of environment and situation, or they are hiding something from us.

Nang makarating na kami sa bangko kung saan nangyari ang krimen, napatingin kaming lahat sa expressions nilang dalawa.

“Oww. Akala pa naman namin magffreak out kayong dalawa kasi first time niyo sa isang case,” sabi ni Akira sa kanila.

“Sanay na ako,” sagot ni Mitsuo.
“Ako rin,” sabi naman ni Akemi.

Nagkatinginan agad kami ni Hideo. They looked relaxed while looking at the dead body. Maybe this is a normal thing for them? But what kind of job or environment would make them like this?

Nagsimula naman kaming mag-analyze ng nangyari sa bangkay at maghanap ng clues. Mukhang namangha rin silang dalawa sa sixth sense nina Akira at Michiko pero napakunot ang noo ko nung nakita kong hahawakan na ni Mitsuo ang bangkay.

“Wait,” sabay hawak ko sa balikat niya. “Don’t touch her.” Tumingin ako kay Michiko at nag-summon kaagad siya ng gloves.

“O ito, gamitin mo,” sabi ni Michiko habang inaabot sa kanya ang gloves. “Wag na ‘wag kang hahawak ng bangkay with bare hands. Baka makuha nila ang fingerprints natin. You know, kakaiba ang katawan natin kaya siguradong magsususpect ang humdrum community.”

After that, nagpatuloy kami sa pag-iinvestigate at napatigil kami nung may sinabi si Mitsuo.

“Gusto kong makita ‘yung bullet wound,” sabi niya.

“Huh? Baliw ka ba? Kailangan mong baligtarin ‘tong katawan para makita mo ‘yun! Makikita tayo ng mga humdrum police! Baka bigla na lang tayong paalisin dito dahil ginalaw natin ‘to,” pabulong na sabi ni Michiko sa kanya.

“But I want to see it.”
“Ugh! Ang kulit!”


Why does he want to see the wound so badly? Hahampasin ko na sana siya at pagsasabihan pero nagulat ako nung nagbuntong-hininga si Hideo sabay tingin sa relo niya.

“I want to see it, too,” sabi niya sabay tingin sa akin. “Naomi.”

Well, I can’t say no to him. Tumingin muna ako sa paligid kung may nakatingin sa amin. When I confirmed that there are no bystanders near us, I warned them.

“You only have three seconds. Kaya gawin niyo na lahat within three seconds,” I said and breathed deeply.


I calmed my mind and visualized the surroundings. The humdrums, the police officers, the things around us, my comrades, and the body. With a snap of my mind, all people and things, except the seven of us, within my radius lost their ability to move. Instantly, the time of this dimension froze.

One.
Two.
Three.


“Whoa! Akala ko ‘di tayo aabot!” sabi ni Michiko.
“Muntik na akong mamatay sa sobrang kaba!” dagdag ni Akira.

The people started moving again. Naglakad naman sina Hideo papunta kay Mayu para i-analyze ang nakita nila sa bullet wound. Susunod na sana ako pero biglang umikot ang paningin ko. Damn. Freezing the time and movement of at least thirty people...isn’t...easy...


I’m...I’m falling...
Hideo, help me...

“Careful,” biglang bulong sa akin ni Mitsuo at doon ko lang narealize na nakaalalay na siya sa akin. Tinulungan niya akong tumayo at kinalma ko ang sarili ko.

“T-thanks,” I muttered.


Agad naman akong umayos nang tayo at nakita kong nakatingin sa amin sina Akemi at Hideo kaya tumango na lang ako. After that, dumiretso na kami kay Miyu para pag-usapan ang case. Nung nasa loob na kami ay inabutan kami ni Mayu ng autopsy report at isa-isa na kaming nagbigay ng insights.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Akemi habang nakatingin kay Mitsuo.

“Bakit hindi mo binabasa?” tanong niya dahil nilapag na ni Mitsuo ang report sa mesa.


“Nabasa ko na.” Pagkasabi niya nun ay napatingin kaming lahat sa kanya maliban kay Hideo na patuloy lang na nagbabasa ng report. Tinanong pa siya ulit nina Michiko at Akira kung talagang nabasa niya at um-oo naman siya.

I wonder...

“Wait,” sabi ko at tumingin ako sa report. “Second page. Fourth paragraph. First sentence.”

“The bullet was from a gun called Mamba pistol which automatically loads bullets and can be used by a man or a woman,” he precisely answered.

Napanganga kaming lahat dahil totoo ngang nabasa na niya kahit isang minuto pa lang ang nakakaraan after ibigay ni Mayu ang autopsy report. No, he just didn’t read it. He memorized it.


“That’s his sixth sense,” Hideo said.
“I can easily memorize the things I see. Though they also easily fade away after a few days.”

Wow. That’s handy but a bit sad. Will he also forget people after a long time? Will his memories fade away?


After that, agad naman naming na-solve ang case. I’m impressed with these two because they easily adapted to this kind of situation. In fact, some of their observations led to critical clues to determine the criminal. Nalaman rin namin na first time maramdaman ni Mitsuo ang pag-oopen ng Black Dimension.

However, the suspect, Mr. Bobby Torres hostaged one of the suspects. Naghiwa-hiwalay kami para agad namin siyang mahuli pero napatigil ako nung saglit akong nakaramdam ng pagkabukas ng Black Dimension. Is this the same person who opened the Black Dimension a while ago? Or a different one?


After a few minutes ay nakita naming lumabas sina Akemi at Hideo sa may eskinita habang duguan naman ‘yung murderer. I guess they already did it. Buti na lang at nasolve namin ang case within the time limit.

“What is she?” Nagulat naman ako nung biglang sumulpot sa likuran ko si Mitsuo habang nakatingin kina Akemi at Hideo.


“H-huh?”
“Nothing,” sabay talikod niya.

And that’s how their first case went.

***


Ilang weeks na ang nakakalipas at every time na matutulog na kami ay laging si Akemi ang nahuhuli. I want her to see her sleep but she can stay all night long. I’m still wary about her but since she’s not doing anything suspicious yet, I guess I can sleep now.

“I’m sorry, Naomi.”
“Saan si Mama? Saan si Papa?”
“I’m sorry. I’m sorry.”

Nagising ako habang hinihingal at pawis na pawis. The same nightmare again. Damn. Hindi na effective ang binigay na gamot ni Dr. Miwako.

Bumangon ako para uminom ng tubig at napansin kong wala si Akemi sa kwarto. Pagtingin ko sa oras, 3 AM na. Where did that girl go?


Kumuha agad ako ng jacket at lumabas ng dorm para hanapin kung nasaan siya. Nung nakalabas na ako sa dorm ay agad akong naglakad papunta sana sa library pero nagulat ako nung nakita ko si Mitsuo na nakasandal sa puno at nakatingin sa langit. His annoyed expression was replaced by a serene one. Under the moonlight, he looked sorrowful.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ko ang balikat niya pero mukhang napalakas kaya tumingin siya nang masama sa akin. Nung nakita niya ako ay bumalik sa galit na expression ang mukha niya.


“What are you doing here?” tanong niya at napataas naman ang kilay ko.
“I should be the one asking that. What are you doing—!”

Nagulat ako nung bigla niya akong hinigit sa bewang at tinakpan niya ang bibig ko. Nagtago kami sa likod ng puno at ramdam ko ang paghinga niya sa tenga ko. Papalag na sana ako pero bigla siyang bumulong sa akin.

“Someone’s coming,” he whispered. “Two of them, actually.”


Kinalma ko ang sarili ko dahil nagulat ako sa ginawa niya. I closed my eyes and tried reaching their mind but they are tightly closed. That means they are stronger than me.

Bigla ko namang narinig ang boses nina Sir Kyo at Sir Tora habang naglalakad kaya nagpanic ako. They won’t tolerate this kind of rulebreaking.

“Relax,” bulong niya. “They won’t see us.”
“How can you be so sure? They are—”
“Calm down. To conceal one’s presence, you should always be coolheaded and unflustered.” Dahil nasa likuran ko siya ay nararamdaman ko ang heartbeat niya at normal ang pagtibok nun. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at inalala ko ang natitirang alaala ng parents ko sa akin.

They’re gone.

Dumilat agad ako at lumayo kay Mitsuo nung hindi ko na nararamdaman ang presence nina Sir Kyo at Sir Tora. Akala ko mahuhuli na kami.

Nagsimula naman siyang maglakad at magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako.

“Don’t ask or follow me,” sabi niya habang nakatingin sa akin.
“Why?”
“Because it’s none of your business.” Pagkasabi niya nun ay mabilis siyang naglakad hanggang sa naglaho na siya sa dilim. But he’s right. It’s none of my business. Maybe I should head back.


***