.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“Ate Rielle, totoo ba yung sinabi ni Ate Rin? Aalis ka raw? Saan ka pupunta?”

Umagang-umaga pa lang, binulabog agad ako ni Sarah sa kwarto ko. Dapat talaga hindi ko muna siya tinuruang magtravel gamit ang Black Dimension. Nakakapasok tuloy siya sa kwarto ko kahit nakalock naman.

Bumangon agad ako at hinarap ko siya. Napangiti ako dahil sa itsura niya. Gulu-gulo yung shoulder-length, light brown niyang buhok at mukhang di pa siya naghihilamos. Paiyak na rin yung itsura niya habang nakaluhod sa may kama ko. Ang cute talaga ng batang ‘to.

“Mmm. Pero di pa naman ngayon,” saka ko lalong ginulo yung buhok niya. Tumayo na rin ako at nag-inat-inat muna. Sinarado ko na rin agad yung isip ko.

Hindi ko pa rin maisip na nagawa kong sabihin yun kahapon. Sinigawan ko sina Mom and Dad. First time ko yung ginawa! Kasalanan rin naman nila. Ni hindi man lang nila iniisip yung feelings ni Rin. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kanila, at alam kong mas lalong nainis si Rin sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko? Mas magandang umalis na lang ako rito para hindi na mahirapan si Rin.

“Kailan ka aalis?” sumunod naman sa akin si Sarah at kumapit pa siya sa laylayan ng damit ko. Inalala ko naman yung nakasulat sa may papeles.

“August 31. One week pa,” then I smiled at her.

Pumasok ako sa banyo at sumunod rin siya. Hinilamusan ko na rin yung mukha niya at inayos ko yung buhok niya. Sa totoo lang, mas ramdam ko pa yung pagiging ate ko kay Sarah kaysa kay Rin. Nung bata pa kami ni Rin, close kami sa isa’t isa pero lumayo yung loob niya sa akin simula nung lagi nang pinag-uusapan nina Mom and Dad kung paano ko pamumunuan yung tribe sa future.

Naging close rin ako kay Sarah dahil gusto niya raw maging apprentice ko. Akala ko nga dati, nagjojoke lang siya, pero seryoso pala. Paano kasi, six years old pa lang siya nun. Pero dahil nga iniiwasan na ako ni Rin noon, si Sarah ang parang naging second sister ko. Eight na siya ngayon, at sa loob ng two years ng pagtuturo ko sa kanya, mas mataas na ang level niya kaysa sa mga ka-edad niyang Shinigamis.

“Saan ka pupunta, ate?” tanong agad ni Sarah nung bumalik na kami sa may kama. Paano ko ba ieexplain sa kanya ‘to?

“I’m going to study. May kailangan kasi akong matutunan para mas lumakas yung sixth sense ko,” sabi ko na lang. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na mag-aaral ako sa school na yun para maging spy at para nakawin ang isang libro dahil kaming pamilya lang ang dapat makaalam nun.

“Hindi ako pwedeng sumama?” sabay pout niya pa. Aba, nagpacute pa ang isang ‘to!

“No. You’re still weak.” Tinignan naman niya ako nang masama.

“Eh kasi hindi mo na ako tinuturuan! Tinatakasan mo ako lagi!”

This time, guilty ako. Minsan ko lang rin naman kasi siya turuan. Actually, sinadya ko talaga na gawing once a month na lang yung lessons namin dahil masyadong mabilis yung progress niya. Pag nalaman ng Elites na mas malakas pa siya kaysa sa regular Shinigamis, paniguradong ipapadala siya sa mahihirap na missions kahit bata pa lang siya, and I don’t want that to happen. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanya kaya dapat bagalan ko lang ang pagtuturo sa kanya.

“Ah! Pipili pa tayo ng weapon ko! Sabi mo dati kapag nakapagtravel na ako sa Black Dimension, pwede na akong magkaroon ng weapon.”

Napabuntung-hininga na lang ako. Wala talaga akong laban sa kakulitan ng batang ‘to. Lahat ng sinasabi ko sa kanya, tinatandaan niya at talagang gagamitin niya sa akin.

“Okay, fine. Magbibihis lang ako and then pupunta na tayo sa weapon’s storage.”

“Yehey!”

Nagbihis naman agad ako at nag-ayos na rin ng itsura. Pagtingin ko sa orasan, 8:30 AM pa lang pala. Lumabas agad kami ni Sarah sa room ko at may mga mas bata sa aking Shinigami ang nasa hallway para sa training nila. Nung nakita nila ako, agad silang tumigil sa paglalakad at yumuko. Nagnod na lang ako para magpatuloy na sila sa paglalakad.

Pagdating namin doon sa may storage, bumungad agad sa amin ang iba’t ibang uri ng weapons. Napakapit sa akin nang mahigpit si Sarah. Natawa naman ako sa kanya. Actually, ganyan rin yung reaction ko nung una akong pumasok dito nung six years old ako. Nakakatakot kasi dito. Ang creepy sa pakiramdam at isa lang ang ilaw kaya medyo madilim pa rin. Idagdag pa na sobrang tahimik dito na tipong may marinig ka lang ay kakabahan ka na talaga.

Habang naglalakad kami, sobrang higpit ng kapit ni Sarah sa damit ko. Inassess ko naman kung ano yung pwedeng weapon ni Sarah. Hindi pa siya masyadong magaling sa hand-to-hand at close range combat. Mas maganda sigurong mid-range and long-range weapon ang gamitin niya dahil doon siya mas magaling.

Bigla naman kaming may narinig na gumalaw sa right side kaya napatigil kami sa paglalakad at napayakap na sa bewang ko si Sarah. Maski ako kinakabahan na rin. Nakakatakot talagang pumasok dito sa storage room kaya dapat kung gusto mong magkaroon ng weapon ay kaya mo ring pumasok dito.

Nakarinig ulit kami ng ingay at this time, pati footsteps. Humihikbi na si Sarah at natatakot na rin ako. Kinikilabutan ako dahil pakiramdam ko ay papalapit sa amin yung naririnig kong footsteps. Pero kaming dalawa lang naman ni Sarah ang nandito. Sinarado ko yung pinto after naming pumasok at hindi ko naman narinig na bumukas yun. Hindi rin pwedeng gamitin dito ang Black Dimension kaya tanging yung pinto lang ang pwedeng entrance dito.

Binilisan na lang namin yung paglalakad hanggang sa makarating kami sa part ng long-range weapons. Pabilis na nang pabilis yung paghinga ko dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin.

“Sarah, pumili ka na ng gusto mong gamitin. Don’t worry, babantayan kita,” saka ako tumalikod para tignan kung may sumusunod ba talaga sa amin habang pumipili na si Sarah ng weapon niya.

Naririnig ko pa rin yung paglalakad at this time, parang mas bumilis. Dahil closed room ‘to at sobrang tahimik, maririnig mo agad ang kahit anong klase ng ingay. Kinuha ko kaagad sa bulsa ng jacket ko yung cards ko at niready ko ang sarili ko kung sakali mang may bigla na lang sumugod.

“A-ate Rielle, m-meron na po,” narinig kong sabi ni Sarah.

Hahatakin ko na sana siya para makalabas na kami rito pero bigla akong may narinig na mahinang pagtawa. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko talaga may nakatingin sa amin somewhere.

Hanggang sa may biglang lumitaw sa harapan ko. Natumba at napasigaw ako dahil sa sobrang gulat pati na rin si Sarah.

“Hahaha! Your expression is priceless, Rielle!” Nung nakita ko ang pagmumukha ni Kid ay nawala bigla yung takot ko at napalitan ng matinding pagkainis. Tumayo agad ako at sinapak-sapak ko siya.

“Bwisit ka! Bwisit! Muntik na akong atakihin sa puso! Akala ko kung sino na! Bwisit ka talaga!”

“Whoa! Whoa! Chill! Ouch! Teka!” sinapak-sapak ko pa rin siya dahil ang lakas ng topak niya.

Pero nainis rin ako sa sarili ko dahil hindi ko naisip kaagad na si Kid lang pala yun. Kababata ko siya, along with Dana and Keith. One level lower lang sila sa akin dahil yung parents nila ang Elite guards nina Mom and Dad, at nakasama ko sila sa basic training nung mga bata pa kami. Pero hindi ako masyadong close sa dalawang lalaki at si Dana lang ang madalas kong kausap.

Si Kid ang madalas mangtrip sa amin at gustung-gusto niya ring mabigyan ng mahihirap na missions. In short, papansin at pabida siya. Pero hindi ko na naisip ang existence niya kanina dahil pagkapasok pa lang namin sa weapon’s storage ay naunahan na ako ng takot kasi naalala ko yung unang beses akong pumunta rito. At nung nakita ko ang pagmumukha ni Kid, ang pagsapak talaga sa kanya ang unang nagregister sa utak ko.

“Hi Sarah!” sabi niya pero nagtago si Sarah sa likod ko. Natrauma siguro sa pinaggagawa ng epal na ‘to.

“Wag mo ngang takutin! Epal ka talaga eh. Ano bang ginagawa mo dito?”

“Ganda ng hello mo ha,” sabay iling-iling pa siya. “Naghahanap lang ng panibagong weapon. Tapos nakita ko kayo na pumasok kaya sinundan ko kayo. It turns out na naghahanap pala ang alaga mo ng weapon.” Hinampas ko ulit siya nung sinabi niya yun. “Aray ko! Nakakarami ka na ha!”

“May pasunod-sunod ka pang nalalaman! Alam mo namang nakakatakot dito tapos gagawin mo yun?”

“Malay ko bang matatakutin ka pala? Di halata eh.”

Nakailang hampas pa ulit ako sa kanya bago kami nakalabas. After that, nagpaalam na siya dahil may gagawin pa raw siya. Pinauna ko naman na muna si Sarah sa room niya dahil alam kong shocked pa siya sa nangyari. Walanhiya kasing Kid yun, kung anu-anong trip sa buhay!

Dahil wala na rin naman akong gagawin, dumiretso na rin ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung papers na gagamitin ko para makapasok sa school ng Senshins. Iniisip ko pa lang na makikita at makakasama ko sila, kinikilabutan na ako. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin.

Pagtingin ko, may note na nakalagay doon sa isang papel na nakaaddress sa isang nagngangalang Rielle Anna Natividad.

I see. Minabuti nina Mom and Dad na kapangalan ko ang Senshin na niligpit nila para ako ang pumalit sa kanya. Profile nung Rielle Anna ang nakalagay doon pero picture ko ang nakapost. Kinabisado ko na lang yung details para kung sakaling magtanong man yung staffs sa school ay tama ang isasagot ko.

Naramdaman ko naman yung pagbukas ng Black Dimension kaya napatigil ako sa pagbabasa. Nung bumukas yun ay nakita ko si Dana.

“Hey, Rielle. Totoo bang aalis ka?” Lahat na lang ba ng papasok sa kwarto ko ay yun ang itatanong?

“Kanino mo nalaman?”

“Nabasa ko sa isip ni Sarah.” Tsk. Sabi na nga ba. Hindi pa masyadong marunong si Sarah sa pagsasara ng flow ng isip niya. Oh well, sasabihin ko rin naman kay Dana later dahil siya ang best friend ko. Hindi ko kayang maglihim sa kanya dahil nasanay na akong sinasabi sa kanya lahat ng nangyayari o nararamdaman ko.

“Yeah. Wala naman akong choice. Mom and Dad’s order.” Umupo siya sa may kama ko at humarap naman ako sa kanya.

“Oh. No choice nga. Pero di ba gumagamit rin sila ng second name, like us? Tsk. Dahil lang parehong Japanese origin ang ancestors natin, ganun rin ang ginamit nila.”

“Oo nga eh. I think kapag pumasok ang isang Senshin sa school na yun, kailangan na nila agad ng codename? Sa atin naman, kapag na-attain na natin ang Green Stage, tsaka lang tayo pwedeng magkaroon ng second name.”

“Malapit ka na rin naman sa stage na yun so siguradong may naisip ka nang second name.”

“Sus, ikaw rin naman eh.”

Nagtitigan kami at sabay kaming tumawa. Okay, alam kong weird kami at tanggap na namin yun. Nakibasa na rin siya sa mga papeles na hawak ko at tinulungan niya akong intindihin yung mga nakasulat doon. May nakita rin kaming map at wala rin namang kwenta yun dahil matagal na naming alam kung nasaan ang base ng Senshins.

Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Dana. Second name, huh. Alam kong meron na rin siyang prepared second name dahil yellow green na ang kulay ng mga mata namin. Isa lang naman ang pangalang nasa isip ko. Paano kung may gumagamit na nun sa school na yun? Pwede kayang same kami? Hay. Bakit ba kasi kailangan ko pang gawin ‘to eh.

One week na lang, maiiba na ang takbo ng buhay ko.


***