***

Dalawang linggo na ang nakalipas after kong makapasok sa school na ‘to pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ‘yung libro. Kapag pupunta kasi ako sa library, pupunta rin sila doon. Ininspect ko na ‘yung ibang books pero mukhang wala ‘yun doon. Siguro nasa restricted section or nasa ibang building.

“Good night!” sabay higa ni Akira sa kama niya.

Katatapos lang naming kumain at magshower dahil sobrang napagod kami ngayong araw. PE kasi namin kanina at si Kyo rin pala ang instructor doon. Chinallenge niya kami sa one-on-one pero ‘yung right hand at left leg lang raw ang gagamitin niya. Nainis talaga ako nung sinabi niya ‘yun dahil masyado niya kaming ina-underestimate pero...hindi namin siya natalo.

Sobrang lakas niya. To think na hindi namin siya kaya at halos wala pa sa kalahati ‘yung inexert niyang force to deal with us.

“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong sa akin ni Naomi habang nagbabasa siya ng libro.

“Di pa ako inaantok.”

Pero ang totoo, hihintayin ko muna silang makatulog at saka ako pupunta sa library. Sinara ko rin ang isip ko dahil alam kong delikado ako kapag bukas ‘yun hangga’t nasa tabi ko si Naomi. Nilapitan ko naman siya at umupo ako sa tabi niya.

“Ano ‘yang binabasa mo?”

“Ah. Tungkol sa kung paano mag-isip ang criminals.”

“Oh.”

Sa lahat ng pwedeng basahin, bakit ‘yun pa? She’s really weird. Well sabagay, makakatulong ‘yun sa pagsosolve ng crimes.

Sanay naman akong hindi matulog dahil tinrain ako ni Dad na maging alert kahit na antok na antok ka na. Kaya kong hindi matulog for three to four days basta ba may pagkain. Naalala ko dati na kami nina Kid, Keith at Dana ay hindi natulog for three days para lang ma-ambush namin ‘yung dalawang Huntres na kumalaban sa amin. They are really troublesome dahil sa attributes nila pero in the end, nagawa pa rin namin silang matalo.

Ilang oras din akong naghintay para makatulog si Naomi. Pagtingin ko sa orasan, 2 AM na.

Dahan-dahan akong umalis sa kama ko at kinuha ko ‘yung ilang gamit ko. Naglakad ako sa hallway at dahan-dahan akong umalis palayo sa dorm. Nagtago muna ako sa likod ng buildings at chineck ko ‘yung paligid dahil baka may makakita sa akin. Kung pwede ko lang gamitin ‘yung Black Dimension papunta sa library ay kanina ko pa ginawa pero may detector na nakapalibot sa buong school kaya hindi pwede.

Pagdating ko sa library ay agad akong pumasok at patay na rin lahat ng ilaw. Nag-iwan ako ng maliit na papel kanina sa may bintana para hindi ‘yun fully masara kaya doon ako pumasok.

Ginamit ko ‘yung ring flashlight na binigay sa akin ni Mayu last week at inilawan ko ‘yung dinadaanan ko. Pumunta ulit ako doon sa History section dahil hindi ko pa masyadong nabobrowse ang area na ‘to. Sino ba naman kasi ang gustong malaman ang history ng tribes namin? Ang alam ko lang ay galing kami sa iisang race called Erityians at nagkaroon ng Tribe system dahil sa opposing ideas ng leaders.

Inisa-isa ko ‘yung books pero wala naman masyadong mahalaga ang nakalagay. Pero nung nasa dulo na ako ay may kakaibang libro akong nakita. Hindi alphabet ang gamit sa pagsusulat kundi puro symbols. Maski ‘yung title ng libro ay ganun din ang nakasulat.

What the heck is this?

ҁѫҩ•ҩϫҁͽ⧝ҵǂϫѫѣҩᵻҁ•ᴥϕ•ҩѯǂҁ⊱ǂͽᵻ•ѯͽͼҩ•ϫҁͽѯҁҩϠ•⨳ѫҩᵻ•ϫѫǂᵻϛǂ∎•⋇ҩѯᴥᵻǂжͽ∎•ǂ⋇ͽᵻжᴥ⋇∎•⊱ҵҵжͽ∎•ҩϠϠͽ•ͽᵻϠ•
ѯ⊱ᴥϭ•ѣҩҁ•ҩͽͼѫ•ᴥҁѫҩѯ•ͽᵻϠ•ҁѫҩ⊱•⧝ҩͼͽѣҩ•ҁѫҩ•Ϟǂҵҵͽѯϫ•ᴥϕ•ǂҁ∺•ѫᴥ⨳ҩ⋇ҩѯ∎•Ϡϭҩ•ҁᴥ•ᴥϞϞᴥϫǂᵻ≬•ᴥϞǂᵻǂᴥᵻϫ•ͽᵻϠ•
⧝ҩҵǂҩϕϫ∎•ҁѫҩ⊱•ϠҩͼǂϠҩϠ•ҁᴥ•≬ѯᴥϭϞ•ҁѫҩ•ҩѯǂҁ⊱ǂͽᵻϫ•ͽͼͼᴥѯϠǂᵻ≬•ҁᴥ•ҁѫҩǂѯ•Ϡᴥ⨳ҩѯϫ•ͽᵻϠ•ͽ⧝ǂҵǂҁǂҩϫ∺

Tinitigan ko lang ‘yung libro after kong makita ‘yun. Then pumunta pa ako sa ilang areas at naghanap ng mga kakaibang libro. Kaso, wala na akong makita bukod dito sa hawak ko. Iniscan ko ulit ‘yung part ng History section kung saan ko nakita ‘to pero napatigil ako sa paggalaw dahil sa nakita ko.

May dalawang matang nakatingin sa akin sa dilim doon sa kabilang part ng shelf at natatakpan ‘yung mukha niya ng mga libro kaya ‘yung mata lang talaga ang nakikita. Muntik na akong sumigaw dahil sa gulat pero nagawa kong pigilan ‘yung sarili ko at naging alert ako.

“Sino ka?!” sabay tapat ko sa kanya nung ring flashlight pero nung tinapat ko doon sa part kung saan ko siya nakita ay wala nang tao doon.

Huminga muna ako nang malalim. Hindi kaya guni-guni ko lang ‘yun? Pero nakita ko talaga ‘yung mga mata niya na nakatingin sa akin eh. Imposibleng—

Bigla akong may naramdamang movement sa kaliwa ko kaya napaharap agad ako dun. Ibig sabihin may tao talaga rito bukod sa akin.

Umatras ako ng ilang hakbang at pinakiramdaman ko ‘yung paligid ko pero sobrang tahimik na. ‘Yung tibok ng puso ko na lang ang naririnig at nararamdaman ko.

Nagulat ako nung biglang may humawak sa balikat ko mula sa likuran kaya hinablot ko agad ‘yung kamay niya at in-arm throw ko siya. Pero nung nasa ere na siya ay napigilan niya ‘yung pagbagsak niya and instead ay tinulak niya ako kaya bumagsak ako sa sahig. Agad-agad kong inilawan ‘yung mukha niya at—

“Hideo?!”

“Oh. It’s you.”

Biglang nag-init ‘yung ulo ko dahil sa kanya. Tumayo agad ako at hinarap ko siya.

“Ano bang pinaggagawa mo?! Akala ko kung sino na!” pabulong kong sigaw dahil baka may makarinig o makakita sa amin dito.

“Nauna ako sa’yo rito. Biglang may pumasok kaya tinignan ko kung sino. Ikaw pala.”

“Ugh!”

Kinalma ko muna ‘yung sarili ko dahil any time ay baka masugod ko siya. Sobrang kinabahan ako dun dahil akala ko ay staff at nalaman nilang spy ako or something! Nakakainis!

“What are you doing here?” tanong niya sa akin habang naglalakad siya papunta doon sa discussion table at binuksan niya ‘yung maliit na ilaw sa lamesa, though faint light lang kaya medyo madilim pa rin. Sumunod naman ako sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ‘yung librong nakita ko kanina.

“Wala lang. Gusto ko lang malaman ‘yung history,” palusot ko. Umupo naman agad kami.

“History?”

“Yeah. Hindi kasi ako masyadong informed about sa history ng tribes kaya gusto kong malaman kung anong nangyari dati.” As if. Parang sasakit ang ulo ko kung malalaman ko pa ‘yung mga pangyayari before.

“Ah.”

“Ikaw? Ano bang ginagawa mo rito?”

“May kinalaman din sa history,” sabi naman niya.

“Like what?”

“Like the secrets of each tribes and how their abilities really work.”

Bigla naman akong naging interesado sa sinabi niya. Gusto ko ring malaman ang tungkol doon dahil makakatulong ‘yun sa akin.

“May nahanap ka ba?” tanong ko naman.

“None,” sabay buntung-hininga niya.

Napatingin naman siya sa akin pati na rin doon sa book na hawak ko.

“What’s that?”

Hinigpitan ko ‘yung hawak doon sa libro at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kapag pinakita ko ‘to sa kanya, may possibility na malaman niya kung ano talaga ang purpose ko sa pagpunta rito. Pero mas magiging suspicious ako kapag hindi ko ‘to pinakita.

“I found this earlier. Hindi ko maintindihan ‘yung nasa loob dahil puro symbols lang ang nakasulat,” then binuksan ko ‘yung book at lumapit siya sa akin para makita niya.

“These are not symbols. It’s the ancient writing style of our tribes.”

“Ancient writing? Talaga?” Paano niya nalaman ‘yun? Ibig sabihin ba, familiar siya rito?

“Yes. Nakikita ko ang symbols na ‘yan sa ilang lumang buildings dito sa campus.”

“Pero alam mo kung paano ‘to basahin?”

“Hindi.”

Ugh. Walang kwenta naman oh. Akala ko magkakaroon na ako ng lead!

“Then mag—”

“Shh!”

Nagulat ako nung bigla niyang pinatay ‘yung ilaw at hinatak niya ako sa lapag habang nakatakip ‘yung kamay niya sa bibig ko.

‘Why?!’
‘Someone is coming.’

Napatigil naman ako sa pagpupumiglas nung sinabi niya ‘yun. At base sa reaction niya, mukhang teacher or staff ‘yun. Bigla naming narinig ‘yung pagbukas ng pinto ng library kaya mas lalo akong kinabahan. Lagot kami kapag may nakakita sa amin dito.

“Sinong nandyan?!”

Oh shit. We’re doomed.


***