.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, January 8, 2015


***

“Ouch!”

“See? Kapag nanlaban ang isang kriminal, pwede niyo ‘tong gamitin.”

Tumayo si Mitsuo sa pagkakahiga niya. In-arm throw kasi siya ni Kyo at talagang rinig na rinig ‘yung pagbagsak niya sa sahig. Ang lesson namin ngayon ay kung paano ipeprevent ang pagtakas ng isang suspect or criminal kapag hinahabol siya.

By partner kami at si Naomi ang kasama ko. Ewan ko pero bigla kaming naging seryoso pareho. Naging alert ako sa kilos niya dahil alam kong anytime ay pwede siyang umatake.

“Oi, oi, ang seryoso niyo naman masyado—whoa! Teka! Akira!”

Nakita ko sa peripheral view ko na nung tumingin sa amin si Michiko ay ginamit ‘yun ni Akira na opportunity para umatake.

Bigla ko namang napansin na napatingin siya ng splitsecond sa kanila at gaya ni Akira, ginamit ko ‘yun para atakihin siya. Sinunggaban ko ‘yung braso niya at sinubukan kong i-throw siya pero hinawakan niya ng dalawang kamay ‘yung sleeves ng damit ko at hinook niya rin ‘yung right leg niya sa right leg ko. Dahil nasa disadvantage ako, minadali kong yakapin siya at hinigpitan ko ‘yug hawak sa bewang niya and I pushed her to the ground. Pero bago pa siya bumagsak ay inikot niya ako kaya ako na ‘yung nasa ilalim.

Ang sakit sa likod! Brutal pala ang gusto mo ha?

Dahil nasa gitna ng legs ko ‘yung binti niya ay inipit ko ‘yun at finlip kaya napasigaw siya. That time ay gumulong ako and I pinned her down.

“Okay, enough.”

Napatigil naman kami sa paggalaw nung narinig namin ‘yung boses ni Kyo. Tsaka ko lang narealize na nakatingin na sa amin ‘yung lima.

“Ang sabi, judo techniques hindi wrestling!” sabay iling pa ng ulo ni Akira.

Tumayo naman ako at tinulungan ko si Naomi.

“Sorry. Nadala lang,” sabay bow niya sa akin.

“Masanay ka na dyan. Masyado siyang competitive,” sabi naman ni Mayu.

After ng discussion sa skills namin ay dinismiss rin kami kaagad ni Kyo dahil may kailangan pa raw siyang gawin. Malakas ang kutob ko na tungkol ‘yun sa narinig ko kagabi.

Agad-agad naman kaming bumalik sa dorm. Pero pagdating namin sa room ay nagpalit lang ng damit si Akira tapos sinundo siya ni Michiko then lumabas na sila.

“Saan sila pupunta?”

“They have their own training menu to improve their sixth sense,” sagot ni Naomi.

“Oh.”

Dati hindi ko lang pinapansin ‘yung pag-alis-alis ni Akira sa kwarto. ‘Yun pala nagtetraining siya?

“Magdedecode ba ulit tayo?” Hindi ko alam pero parang excited siya. Wow ha. Naeexcite talaga siya sa pagdedecode? Gaano ba kaboring ang buhay ng isang ‘to?

“Fine.”

Nilabas ko ulit ‘yung libro at sinimulan ulit namin ‘yung pagdedecode. Ilang oras na kaming nagsusulat ng kung anu-ano at medyo may sense naman ‘yung nabubuo namin.

“Oh. Erityian race? Nandito ‘yung tribes,” then tinuro niya ‘yung isang paragraph sa first page. “Four tribes emerged from Erityians and they were called Senshin, Shinigami, Huntres and Custos.”

Sinimulan naman naming i-rewrite ‘yung first page kahit na ang sakit sa mata at sa utak. Nakita ko naman na exhausted na ‘yung mata niya. Hindi siguro siya sanay sa walang tulugan.

“Yep.”

“So binasa mo na ‘yung isip ko.”

“Mm. Pero ‘yung superficial thoughts lang. Pareho kayo ni Hideo, laging tight ang isip. You must have dark secrets,” sabay ngiti niya pa ng inosente.

Shit. Bull’s eye. Kung alam niya lang na tama ‘yung sinabi niya. She’s really dangerous.

Tumayo naman siya at kukuha lang daw siya ng maiinom namin habang ako ay patuloy pa ring nirerewrite ‘yung paragraphs. Tsk. So history book lang ‘tong nakuha ko? O baka naman may important part sa bandang gitna o dulo? I need to know their secrets. Like our Black Dimension, siguradong meron ring kakaiba sa Senshin tribe bukod sa sixth sense nila.

“Here.” Tinignan ko naman si Naomi habang papalapit dito at may hawak siyang dalawang baso ng juice. Pero nagpanic ako nung bigla siyang natapilok bago pa niya maiabot sa akin ‘yung baso.

“Whoa! Whoa!”

Bigla namang nagreact ng kusa ‘yung katawan ko dahil baka mabasa ‘yung libro at tinitigan ko ‘yung bumabagsak na baso...and I repelled it. Tumilapon sa dulo ng room namin ‘yung baso at tumama sa pader kaya nabasag.

“That’s your...”
“S-sorry.”

Tumakbo agad ako doon sa direksyon kung saan nabasag ‘yung isang baso at nakita ko na nagkalat sa kwarto namin ‘yung mga basag na piraso.

Ugh. Tanga! Bakit ko ba ginawa ‘yun?!

“Matagal na akong nacucurious sa sixth sense mo. So this is it,” then tumulong siya sa pagpulot ng bubog.

“Kaya ba hindi mo ginamit ‘yung sa’yo?” Sa pagkakatanda ko kasi, kaya niyang i-freeze ang time within three seconds. Kung ginawa niya ‘yun, eh di sana hindi rin nabasag ‘yung baso!

“Nope. Hindi ako nakapagreact agad eh. Dala na rin siguro ng antok,” sabay ngiti niya pa. Hindi naman siya masyadong masaya na nalaman niya ‘yung sixth sense ko no?

Ilang linggo kong tinago sa kanila ‘yung sixth sense ko. Alam ko namang nacucurious rin sila that’s why I want to tease them. Pero dahil lang sa pagkaantok ni Naomi, nalaman na niya?!

Ano pa nga bang magagawa ko?

“But your sixth sense is cool. Kaya mong i-repel ‘yung makikita mo?”

“Same as yours. Kaya mong i-freeze ‘yung nakikita mo.”

“Then does that make us partners?”

Partners? Ano namang ibig niyang sabihin?

“Alam mo, kapag nagsosolve kami dati ng crimes, laging si Hideo ang nakakahuli sa killer.”

“Uhmm...”

‘Masanay ka na. Masyado siyang competitive.’

Naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Mayu kanina. Mukhang alam ko na kung saan papunta ‘to.

“Sa susunod na crimes, unahan natin siya.”

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kapag tinulungan ko siya sa gusto niya, pwede rin akong humingi ng favor sa kanya. At gusto ko ring makita ang defeated expression ni Hideo. Aba, paano feeling boss siya! Bakit siya ‘yung lagi naming sinusunod kapag sa crimes o kahit sa group activities sa klase?!

“Deal?”

“Deal.”

“Okay. Pero pano natin lilinisin ‘to?” sabay turo niya sa mga bubog na nagkalat sa kwarto namin. For the first time, nakita kong nag-iba ‘yung expression niya. I mean hindi na ‘yung seryoso. Nakapout siya at parang bothered na bothered siya sa sitwasyon namin ngayon.

Pagkatapos ng ilang oras na paglilinis namin ay agad-agad na nakatulog si Naomi. Siguro dahil konting oras lang siyang nakatulog kagabi dahil sa pagdedecode namin, tapos sobrang pagod rin kami ngayon. After that ay dumating rin agad sina Michiko at Akira. Mabilis ring nakatulog si Akira nung pagkadating niya sa kwarto.

Ilang oras pa akong naghintay bago ako bumangon sa kama at kinuha ko ‘yung black cape ko. That way, mas makakapagblend ako sa dilim.

Lumabas ako ng dorm at dahan-dahan akong naglakad papunta sa gubat kung saan mahina lang ‘yung detector ng Black Dimension.

Pero bigla kong nakita ‘yung ibang teachers na naglalakad papunta sa Intel department kaya agad akong nagtago sa likod ng bushes. Cinonceal ko rin ‘yung presence ko at sinubukan kong kumalma.

“The president is asking the impossible. How can we convince those tribes to ally with us?”

“Pero may point naman siya. Malaki ang maitutulong ng alliance.”

“Pero paano? Sobrang gulo pa ngayon ng Huntres dahil sa nangyari at ayaw rin namang makipagcommunicate ng Custos.”

Nung makalayo na sila ay saka lang ako nakahinga. Pero nabother ako sa usapan na ‘yun. Bubuo sila ng alliance? Para ano? Para pagkaisahan kami? These damn tribes!

Tumayo agad ako para maglakad pero napatigil ako dahil sa narinig ko at sobrang kinabahan ako.

“Saan ka pupunta?”

I saw Hideo behind me and I feel that he’s really suspicious of me.

Patay.


***