.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

“Saan ka pupunta?”

“Bakit? Sasama ka?”

Hindi naman siya kaagad nakasagot. Kailangan ko munang tanggalin ‘yung suspicion niya sa akin and at the same time, kailangan ko ring maging aggressive. Napansin ko naman na naka-all black siya. Siguro para hindi rin siya masyadong mapansin.

Bakit ba kasi lagi akong nahuhuli nito...oh wait. His sixth sense! Kainis! Bakit kasi hindi pa siya natutulog? Damn him and his sixth sense!

“You’re acting suspicious,” sabi niya sa akin.

“You too. Bakit mo ba ako sinusundan? May kailangan ka ba sa akin?” sabay taas ko ng mukha ko para hindi niya mahalatang nagpapanic na ako sa loob-loob ko.

“I’m on my way to the library, then I saw you walking.” Tinaas niya ‘yung kamay niya at may hawak siyang libro. ‘Yun ba ‘yung kinuha niya sa library last time?

“Oh eh ‘di pumunta ka na sa library.”

Tinalikuran ko siya at naglakad ulit na parang walang nangyari pero narinig ko ‘yung footsteps niya na papalapit sa akin. Ugh! Paano ko ba tatakasan ang isang ‘to? Sobrang hirap gumalaw sa school na ‘to!

Bigla ko namang naalala ‘yung sinabi ni Naomi kanina kung bakit umaalis minsan si Akira. Hmm. Might as well use that as an excuse.

“Pupunta ka sa gubat? Alam mo bang bawal pumunta doon ng ganitong oras?”

“Alam ko.” Patuloy pa rin akong naglalakad at hindi ko siya nililingon.

“Then why?”

“Because I can break the rules,” sabay hinto ko sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

“Are you an idiot?”

Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko pero mas lalo lang akong nainis nung nakita ko ‘yung ‘deadface’ niya. Paano niya nagawang sabihin sa akin ‘yun ng wala man lang ka-expre-expression?

“Ang sinasabi ko lang, Mr. Genius, hindi ako takot sa punishments dahil confident ako sa kakayahan kong makatakas sa ganun. I am not a coward like you na nirerestrict ang sarili sa rules ng school na ‘to,” then I gave him a sarcastic smile.

Nagulat naman ako nung bigla niyang hinatak ‘yung braso ko at nagbago ‘yung tingin niya. Did I provoke him too much?

“What did you say? Coward?”

“B-bakit? Hindi ba?” First time ko lang siya nakitang ganito kaseryoso kaya kinabahan ako bigla. Nagsink-in sa utak ko na nasa danger ako kaya parang kusang kumilos ang mga kamay ko at inabot ko ‘yung cards sa bulsa ko.

I threw one at his face pero naiwasan niya at nasalo pa ng kamay niya. Lalo akong kinabahan dahil nag-initiate ako ng attack and I failed. Siguradong iniisip niya nang gumanti.

“Scared?” then bigla siyang nagsmirk. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagsabi niya ng scared o sa ngiti niya kaya ko biglang sinipa ‘yung binti niya. Akala ko napuruhan ko na siya dahil biglang lumuwag ‘yung hawak niya sa braso ko pero nagulat ako nung biglang hinook niya ‘yung binti niya sa binti ko at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa.

Tumayo siya at tinignan niya lang ako habang nakahiga.

“Fine. I won’t follow you anymore,” tapos tumalikod siya at naglakad siya papunta sa library.

Hindi naman ako nakagalaw ng ilang segundo dahil sa nangyari. Kinalma ko muna ‘yung sarili ko at saka ako tumayo.

Anong nangyari sa kanya? Bakit biglang nagbago ‘yung isip niya? Hindi kaya may pinaplano na naman siya? At kahit naman hindi niya ako sundan, posible pa ring makita niya ako dahil sa bwisit na sixth sense niya. Kung alam o lang ‘yung blind spot ng sixth sense niya ay pwede ko siyang matakasan.

Hindi ko tuloy alam kung tutuloy ako sa balak ko o hindi. Sinadya niya ba ‘yung gawin para guluhin ang utak ko?

Magsisimula na sana ulit akong maglakad pero bigla kong nakita si Mayu na naglalakad papunta sa Technology...wait, saan siya pupunta? Lumagpas na siya sa Tech Department ah?

Hindi ko naman napigilan ang curiousity ko at sinundan ko siya within a safe distance. May coat rin siyang suot gaya ko. Mukhang normal na dito ang pumuslit tuwing gabi ah. O kami lang ang gumagawa nun?

After a few minutes, huminto siya malapit doon sa eastern side ng gubat at palingun-lingon lang siya. May hinihintay ba siya?

Bigla namang may dumating na lalaki at after that ay niyakap niya si Mayu. Nagulat naman ako nung nakita kong umiiyak siya.

“You’re coming back, aren’t you?” Ngumiti ‘yung lalaki sa kanya at hinaplos niya ‘yung buhok ni Mayu.

“Oo naman. I’ll be back for you and for our son.”

What? So siya ‘yung asawa niya? Wait mag-asawa na ba sila? At siya ‘yung tatay ni Hiroshi! Whoa. Hindi mo talaga aakalaing may anak na sila. Pero bakit sila nagpapaalam sa isa’t isa? Aalis ba siya?

“Tahan na.”

Napatalikod na lang ako. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. Malaki ang possibility na nakamanman pa rin sa kilos ko si Hideo at baka makita rin ako ni Mayu kapag pumunta pa ako sa gubat. Tsk. No choice. Kahit sinabi ko kay Hideo kanina na hindi ako takot mahuli, kailangan ko pa ring mag-ingat dahil identity ko ang nakataya rito.

Naglakad ako pabalik ng dorm at sinigurado kong walang makakapansin sa akin. Tumakbo naman agad ako sa kwarto at pagdating ko doon ay gising na si Naomi kaya para akong nafreeze sa kinatatayuan ko.

“Saan ka galing?”

Ugh! Bakit ba ang galing tumiming ng mga taong ‘to?!

“Pupunta sana ako sa gubat para magtraining din. Nainggit kasi ako kay Akira at Michiko pero nakasalubong ko si Hideo at sinabihan akong bawal daw.” Kalmado kong pag-eexplain sa kanya. “Tss. Ano bang pakialam niya?” bulong ko naman sa sarili ko nung naalala ko na naman si Hideo.

“Ah. So gusto mong magtrain secretly?”

“Oo. Tsaka nakita ko rin si Mayu na may kasamang lalaki. Asawa niya ba ‘yun?”

Bigla namang naging seryoso ‘yung mukha ni Naomi. Umupo ako sa kama at hinintay ko siyang magsalita.

“Alam kong nagtataka ka dati pa kung bakit ang aga magkapamilya ni Mayu.”

“Bakit? May reason ba ‘yun?”

“Yes. It’s actually because of their bloodline.”

“Bloodline?”

“Kilala ang family nila dahil sa bloodline nila. First ay dahil ‘yung sixth sense nila ay mostly useful sa technology. Second, ay ‘yung pagbuo nila ng pamilya. Ordinary lang naman ‘yung guys pero sa mga babae, may kakaibang nangyayari.”

Dati pa ako curious na curious dito kaya mas naging attentive pa ako sa pagkukwento niya.

“Sa teenage years lang ng mga babae nangyayari ang pagiging fertile nila at ‘yun lang ang chance para magkaanak sila.”

“What? Seryoso ba ‘yan?”

“Mukha ba akong nagjojoke?” Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa sinabi niya dahil hindi ako sanay na ganito ‘yung way ng pagsasalita niya. Kumbaga, siya ang babaeng version ni Hideo. Pareho silang stone cold!

“I heard that,” sabi niya naman.

“Totoo naman eh. Anyway, tuloy mo na ‘yung sinasabi mo.”

“Fine. Ayun nga. Pagtungtong kasi nila ng twenty ay nagkakaroon ng special reaction ‘yung katawan nila sa sperm cells kaya walang fertilization na nagaganap. Kaya naman kapag may babae sa family nila, bata pa lang sila ay hinahanda na nila ‘yung pag-aasawa para makilatis ‘yung lalaki at pagtungtong ng 18 or 19 ay kailangan na nilang magkaroon ng anak. Or else, hindi na siya magkakaanak. And since next head si Mayu ng family nila, kailangan niya ng successor.”

After niyang mag-explain ay napagconnect-connect ko rin lahat ng katanungan ko sa pagkatao ni Mayu. Kaya pala ang aga niyang magkaroon ng anak.

“Wait. Eh bakit hindi sila magkasama ng asawa niya?”

“Nasa Intel department kasi si Shiro at halos lahat ng nasa department na ‘yun ay busy. Hindi sila masyadong nagkikita.”

“Mukhang aalis ‘yung asawa niya kasi nagpapaalam sila sa isa’t isa kanina.”

“What? Talaga?”

Mukhang nashock naman siya sa sinabi ko. Pero saan kaya pupunta ‘yung asawa niya? Sa pagkakaalam ko, ang head ng Intel department ay ‘yung current President.

“The president is asking for the impossible. How can we convince those tribes to ally with us?”

“Pero may point naman siya. Malaki ang maitutulong ng alliance.”

“Pero paano? Sobrang gulo pa ngayon ng Huntres dahil sa nangyari at ayaw rin namang makipagcommunicate ng Custos.”

Bigla kong naalala ‘yung usapang narinig ko kanina. Hindi kaya may kinalaman doon ‘yung pag-alis niya?

Pinabalik naman ako ni Naomi sa pagtulog dahil hapon pa naman ang klase namin. Dahil almost two and a half days na rin akong hindi natutulog, humiga na rin ako para magpahinga.

***

The next day, nagklase kami about sa Psychology at after that ay naglie low muna ako sa pagtakas tuwing gabi. Ayokong paulit-ulit na maging suspicious sa akin si Hideo at pati na rin si Naomi.

“Hoy.”

Napalingon naman ako at nakita ko si Mitsuo na nakasunod sa akin. At ang ganda ng tawag niya sa akin ha.

“Hoy rin. Bakit?”

“May kopya ka ba ng libro na hiniram ni Hideo?” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tsaka bakit niya sa akin tinatanong?

“Huh? Anong libro?”

“The one with the ancient writing. Napansin kong lagi kayong nagpapakiramdaman pagkatapos makuha ni Hideo ‘yung libro. Aksidente ko lang nakita ‘yun sa kwarto namin at nacurious ako sa laman nun. Malakas ang kutob ko na meron ka ring ganung libro.”

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Walang hiya. Hindi ko rin pala dapat inuunderestimate ang isang ‘to. His deducting skill is unbelievable!

“Akemi, tara na.” Napalingon naman ako kay Naomi at napangiti ako dahil may naisip ako. Tinignan ko ulit si Mitsuo.

“Oo meron pero na kay Naomi na. Hiramin mo sa kanya kung gusto mo. Bye,” sabay ngiti ko sa kanya.

Now I just need to plan my next move. I need to be careful of this people. Dana. I need to contact Dana.


***