.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, January 25, 2015


***

“Bakit ba ayaw mong ipahiram sa akin?”

“Wala nga kasi sa’kin. Na kay Naomi. Sa kanya mo hiramin.”

“Tsk.”

Hindi ko alam pero nag-eenjoy akong asarin ‘tong si Mitsuo. Ayaw niyang lumapit kay Naomi dahil siguro mahilig manghampas si Naomi. Pero ano naman ‘di ba? Parang hampas lang. ‘Di naman siya mamamatay doon.

Naisip ko naman agad ‘yung libro na ‘yun. Dahil alam ko na kung paano idecode ay hindi ko na ‘yun kailangan kaya nga pinahiram ko na kay Naomi dahil interested siyang basahin ‘yun. Tungkol lang naman sa history ng tribes ang laman nun at palagay ko ay wala doon ‘yung tungkol sa hidden skills ng bawat tribes. For sure ay nasa restricted section o sa lugar na hindi madaling makita ‘yung about doon. Gusto ko nang hanapin ‘yun pero hindi ko magawa dahil nag-iingat ako kina Hideo at Naomi. Alam kong suspicious na sila sa akin kaya ayaw ko munang gumalaw.

Umuwi muna ako sa dorm habang ‘yung iba ay pumunta doon sa plaza. Inaaya nga nila ako pero ang sabi ko medyo masakit ang ulo ko kaya hinayaan na nila ako.

Pagdating ko sa kwarto, tinignan ko muna ‘yung paligid kung may kakaiba. Pumunta ako sa closet ko at kinalkal ko ‘yung pinakailalim nun. The vial is still safe.

Kinuha ko ‘yung vial na ‘yun pati na rin ‘yung isang card ko. This is the only way to contact Dana. Hindi naman kasi ako pwedeng magtravel sa Black Dimension papunta sa base namin dahil for sure ay hahanapin ako ng mga ‘yun.

Dugo ni Dana ang laman ng vial. Actually, I have a lot of vials containing my friends’ blood. Isa rin kasi ‘to sa ways para macontact sila.

Sinulat ko sa isang maliit na papel lahat ng information na nakalap ko at dinikit ko ‘yun sa card ko. I marked it with Dana’s blood at hinintay kong matuyo. After that ay nilagay ko muna sa bulsa ng damit ko.

Humiga muna ako sa kama at nagpahinga.

Grabe. Mahigit isang buwan na ako dito pero wala pa ring progress. Hindi ko akalain na ganito kahirap kumuha ng information about sa tribe na ‘to. Buti na lang talaga at hindi nila ako nadedetect because of my special case.

“Hey!”

Naputol naman ‘yung pagpapahinga ko nung biglang bumukas ‘yung pinto at pumasok si Michiko.

“Bakit?”

“Tara! Tara!” bigla naman niya akong hinatak palabas sa kwarto.

“Teka, bakit ba?”

“May bagong case!”

Sabay kaming tumakbo papunta sa labas ng dorm at nasa harapan si Miyu. Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong tinulak ni Michiko.

“Shi—”

“You’re welcome.”

Inayos ko naman agad ‘yung sarili ko. Tss. Sa lahat ng pwedeng makasalo sa akin, ‘tong si Hideo pa. Tapos parang nangmomock pa siya!

“Sorry Akemi!” sabay peace sign sa akin ni Michiko. Isa pa ‘to eh. Bakit kasi nanunulak? Siya kaya itulak ko palabas?

Umupo kami doon sa gitna habang umandar na si Miyu. Sa kasamaang palad ay nasa pagitan ako nina Mitsuo at Naomi, habang nasa harapan ko naman si Hideo.

This position is hell.

“We received the notice a while ago. May car accident na nangyari malapit dito kaya tayo ang nanotify,” sabi ni Mayu.

Bigla ko namang naalala ‘yung nakita ko last time. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa kanya. Ibig sabihin hindi na siya ulit magkakaanak dahil tapos na ‘yung teenage years niya.

Napatingin naman ako kay Naomi at naisipan kong asarin ‘yung isa ko pang katabi.

“Tapos mo na ba ‘yung pinahiram kong book sa’yo?” tanong ko kay Naomi at biglang napatingin sa amin si Mitsuo.

“Hindi pa. Nasa kalahati pa lang ako. Bakit? Kukunin mo na ba? Sabi ko ako na lang magbabalik nun ah?”

“Ah. May gusto rin kasing manghiram,” tapos pasimple akong tumingin kay Mitsuo at nagsmirk ako sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya natawa ako.

“Sino? Ikaw ba?” sabay turo naman ni Naomi kay Hideo.

“What?” sagot naman niya at tumingin siya sa amin.

This time, ako naman ang sumimangot. Naalala ko na naman ‘yung ginawa niya nun sa gubat pati na ‘yung pagsabi niya na hindi na niya ako susundan. Hindi ko alam kung bakit nagbago ‘yung isip niya that time at dahil din doon ay mas lalo akong naging cautious sa mga kinikilos ko.

“Hindi no. Bakit ko naman siya papahiramin?”

“I have my own copy. Hindi ko na rin kailangang manghiram sa kanya dahil sabay naming kinuha ‘yun.”

Bigla namang lumapit sina Akira at Michiko sa amin at tinignan nila ako nang nakakaloko.

“Sabay niyong kinuha? Sa pagkakaalam ko, madaling araw ‘yun kinuha ni Akemi. Don’t tell me magkasama kayo sa library that time?”

Naikwento ko pala kay Akira ‘yung ginawa kong pagkuha ng libro sa library pero hindi ko sinabing kasama ko si Hideo that time. Nahuli niya kasi ako nung madaling araw na nagbabasa nung libro at tinanong niya kung saan ‘yun galing.

“Yes,” sagot niya habang nagtitingin-tingin lang siya sa mga papeles na nakakalat sa lamesa.

“Kayo ha. May secret meeting pa kayo sa library!” tapos ngumiti na naman si Michiko.

“Nagkataon lang na nagkita kami. It’s not what you think,” sabi ko na lang.

“Ano ba sa tingin mo ang iniisip namin?” dagdag pa ni Akira.

Bigla namang hinawakan ni Michiko ‘yung mukha ni Hideo ng dalawang kamay niya at hinarap niya sa kanya.

“Nagbibinata ka na. Congrats! Now, smile!” sabay binanat niya ‘yung pisngi ni Hideo.

Nagtawanan sila dahil doon at natawa na rin ako dahil hindi bagay sa kanya ang nakangiti. Ang creepy! Siguro dahil nasanay na ako sa stone-cold expression niya.

‘Shinigami, detected. Custos, detected.’

Napatigil kami sa pagtawa nung sinabi ‘yun ni Miyu. Lumapit agad sa main computer si Mayu at nagtye siya ng kung ano at nag-appear ‘yung hologram sa harapan namin. Parang radar ‘yun at may tatlong dots doon—isang Shinigami at dalawang Custos.

“Anong gagawin natin?” tanong ni Michiko.

“I’ll go and check the situation.”

Tumayo bigla si Hideo at huminto naman si Miyu.

“Sasama ako,” sabi ko at tumayo rin ako.

“Why?” Nagsususpetsa na naman ba siya sa akin?

“Because I want to.”

Bahala na.

Inunahan ko siyang bumaba at sumunod naman agad siya. Gusto ko talagang makita kung anong nangyayari doon. Malakas kasi ang kutob ko na kilala ko kung sino ang Shinigami na ‘yun.

“Hideo! Akemi!” bigla naman kaming napatingin kay Mayu at may hinagis siya sa amin. “Use that to track us. Sumunod agad kayo and don’t do anything stupid.”

After that ay umandar na sila at napatingin naman ako sa hawak ni Hideo na parang relo. I think it’s a tracker dahil may dalawang dots doon at isang box.

“Let’s go.”

Tumango naman ako at sinundan ko siya. Tumakbo kami papunta sa place kung saan nadetect ‘yung Shinigami at Custos. Habang papalapit kami ay nararamdaman ko na nagbubukas-sara ‘yung Black Dimension.

“Stay close to me,” tapos humarang siya sa akin.

Likod niya lang ang nakikita ko habang papalapit kami sa place. Ngayon ko lang nakita ‘yung protective side niya. Pero wala akong panahon para pansinin pa ‘yun.

This is my chance to do my plans. I have to succeed.


***