.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, January 27, 2015


***

Nasa likod kami ngayon ng isang building at cinonceal ko ang presence ko. Bigla namang tumingin sa akin si Hideo kaya kumunot ‘yung noo ko.

“What?”

“Akala ko nawala ka. I can’t feel your presence.”

See? It’s effective. Bata pa lang kami ni Rin, tinuruan na kami ni Dad para iconceal ang presence namin sa mga tao. I guess kami lang ang kayang gumawa nun...or dahil hindi nila alam kung paano?

“How did you do that?” tanong niya sa akin.

“Sorry. Para lang sa awesome people ‘yun.”

Sasagot pa sana siya pero bigla kaming nakarinig ng crashing sounds kaya lumapit kami sa direksyon na ‘yun. Then we saw a lifeless body—wait. He’s still moving!

Agad-agad tumakbo si Hideo papalapit sa kanya kaya sumunod ako kahit na nabobother ako dahil nararamdaman ko na naman ‘yung pag-open ng Black Dimension. It’s actually a blessing in disguise pero kailangan kong planuhing mabuti ang gagawin ko or else I’ll blow my covers off.

The guy has a deep wound on his chest at halos kumalat na ‘yung dugo sa buong katawan niya pero nagawa niya pang itaas ‘yung hawak niyang baril at tinutok niya sa amin at tinignan niya kami nang masama with his blood-red eyes.

“We’re not enemies.”

“Don’t—”

“We’re Senshins.”

Halos masabi kong,
and I am not pero pinigilan ko ‘yung sarili ko.

Pagkasabi ni Hideo nun ay napatigil ‘yung lalaki at nagwince siya. Maski ako nasasaktan para sa kanya. It’s better to be dead than to feel the pain of that terrible wound.

“And...we’re...n-not allies...e-either.”

“Wag kang gumalaw—”

“Oh. Buhay ka pa.”

Bigla na lang bumukas ‘yung Black Dimension sa harapan namin and blood splattered everywhere. He slit the Custos agent’s throat at natalsikan kami ng dugo niya.

Biglang pumosisyon si Hideo sa harapan ko habang nakarang ‘yung left hand niya. Naging alert siya dahil sa nangyari and I acted the same way. And right after that, nagkatinginan kami nung Shinigami.

I knew it.

Tinitigan ko siya nang mabuti at hiniling ko na sana maintindihan niya ‘yung tingin ko. I can’t risk to speak with him using our minds lalo na at nasa pagitan namin si Hideo. Sobrang kinakabahan ako dahil nung huli kaming nagkita, ang sinabi ko sa kanya ay pupunta ako sa ibang bansa para sa isang mission.

And now he saw me together with a Senshin.

Sa lahat ng pwedeng makaencounter, bakit si Kid pa?

As expected, confused ang expression niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan ako ng takot kaya inunahan ko na siya.

“You’re a
Shinigami, aren’t you?” tanong ko kaagad at napalingon sa akin si Hideo at tinignan niya ako nang kakaiba. Of course. I asked a stupid question.

Akala ko katapusan ko na pero biglang nagbago ‘yung expression ni Kid. He grinned at me at alam kong nagets na niya kung bakit ako nandito ngayon. And I hope ay hindi siya magsasabi ng kung ano.

“Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita?” then nilabas niya ‘yung lance niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sumakay siya sa plano ko o maiinis dahil feeling ko ay pinaglalaruan niya ako. Pero kahit papaano, nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil hindi nareveal ang pagkatao ko.

“Stay behind me. This one’s dangerous,” bulong ni Hideo habang nakatalikod siya sa akin.

“Hooh. Ganun ka ba kahina para protektahan niya?” then Kid smiled again.

Damn you, Kid. Mukhang ineenjoy niya masyado ang pagiging passive ko. Humanda ka sa akin kapag nakabalik ako sa base! Nagulat naman ako nung biglang naging seryoso ‘yung itsura niya...like those times kapag malakas ang mga nakakalaban namin.

“Sorry but I don’t like the view.”

The next thing I knew, nawala na siya sa harapan namin at naramdaman ko ‘yung pagbubukas ng Black Dimension sa likuran ko. I was acually tempted to open it too, pero kinontrol ko ang sarili ko.

Hinatak bigla ni Hideo ‘yung braso ko pero huli na ang lahat. Kid enclosed his arms around my neck and he pointed his knife on me.

“You’re slow,
Miss Senshin.” Halos ang lapit niya sa tenga ko nung sinabi niya ‘yun at sobrang kinilabutan ako. Damn it! He’s really mocking me!

“Pakawalan mo siya.”

Lalo naman akong kinilabutan nung narinig ko ‘yun galing kay Hideo. I can sense the seriousness...and threat in his voice. Pero dahil doon ay naging seryoso ulit si Kid.

Why am I in the middle of this?!

Bago pa ako tuluyang mainis at mawalan ng control ay mabilis kong inabot ang cards ko sa bulsa ko. I sliced his arm and he winced in pain. Agad-agad akong tumakbo papunta kay Hideo tapos nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ‘yung kamay ko. I attacked Kid again at this time, hinagis ko ‘yung dalawang cards sa kanya pero nasangga niya ng lance niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at nginitian ko siya for a splitsecond.

“You okay?”

“Y-yeah.”

Hindi ko alam kung si Hideo ba talaga ‘to o ano. Hindi ako sanay na ganito siya...kaprotective to the point na kinikilabutan ako sa kilos niya.

Bigla namang may tumunog doon sa kabilang eskinita at napalingon kaming tatlo. Tinignan kami ni Kid nang masama...well, si Hideo lang. He gave me a mocking look.

“Well done,
Miss Senshin. I’ll remember this. But for now, you are not my priority.”

After sabihin ‘yun ni Kid ay nawala na siya at mukhang sinundan niya ulit ‘yung isa pang Custos. Nagcollapse ‘yung binti ko pagkatapos. Not because I’m scared of him, hell no! Pero dahil sa sobrang kaba na muntik nang mabunyag ang pagkatao ko. Buti na lang at naintindihan agad ni Kid ‘yung sitwasyon though nakakainis ‘yung acting niya.

“You’re not okay.”

Hinintay niya naman na kumalma ako at nung bumalik na ‘yung senses ko ay tumayo agad ako. Napatingin kami doon sa Custos na namatay at pareho kami ng tanong sa utak—anong gagawin namin sa kanya?

Nagdecide kami na takpan na lang muna siya ng mantel. For sure ay may magtatrack sa kanya dito—either the Senshins, Shinigamis or the Custos.

Naconscious naman ako nung nakita kong nakatitig lang sa akin si Hideo.

“Ano? Bakit may—” at napatigil ako sa pagsasalita nung hinawakan niya ‘yung mukha ko. Tsaka ko narealize na pinunasan niya ‘yung dugong tumalsik doon.

“You’re a mess.” Pagkasabi niya nun ay napatingin ako sa damit ko at totoo nga. May mga bahid ng dugo ‘yung damit ko. Bwisit. Kid could’ve killed that guy in a cleaner way!

“Nagsalita ang malinis,” tapos nagsmirk ako sa kanya. Puti pa naman ‘yung damit niya kaya halatang-halata ‘yung bahid ng dugo.

Dahil hindi kami pwedeng maglakad ng ganito, kinontact niya sina Mayu at sabi nila ay within ten minutes ay makakarating sila dito. Nalaman ko rin na nasolve agad nila ‘yung case. Tss. Eh ‘di sila na ang magagaling.

Tahimik lang kaming nakasandal sa may pader habang naghihintay sa kanila. For security, sinarado ko nang maiigi ang utak ko dahil kung anu-ano na ang naiisip ko.

My plan was a success.

‘Yung card na ginamit ko kay Kid is actually the card with all the information I gathered. Nasama niya ‘yun kanina sa Black Dimension kaya for sure ay matatrack na ni Dana ‘yun. Buti na lang at hindi ‘yun napansin ni Hideo...
hopefully.

Now I need to plan for my next move.


***