.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, January 28, 2015


***

Tahimik lang kaming naghihintay kina Mayu pero pareho kaming naging alert nung may narinig kaming kaluskos sa paligid. For a second, akala ko ay gumalaw ‘yung bangkay dahil gumalaw ‘yung mantel na nakatakip sa kanya. Nilabas ko kaagad ‘yung cards ko. Pero nagulat kami nung biglang may lumabas na pusa doon.

“Meow.”

Nagkatinginan kami kaagad ni Hideo dahil hindi namin alam ang gagawin. I know it’s just a cat pero may pakiramdam ako na...hindi siya ordinaryo. At alam kong may mga pusang green ang mata pero kakaiba ang sa kanya. It’s eyes are intense green and it’s fur is as white as snow.

Bigla namang naglakad ‘yung pusa papunta sa amin...like it’s sensing something different from us. Wait, kaya niya ba nilapitan ‘yung Custos? Can this cat differentiate us from humdrums?

“A-anong gagawin natin?” tanong ko kay Hideo na mukhang hindi rin alam ang gagawin.

“Is it really a cat?”

Tinignan ko siya nang masama. Hindi niya ba alam ang itsura ng pusa para itanong pa ‘yun? Mukhang nabasa niya naman ‘yung expression ko kaya tinignan niya rin ako nang masama.

“Ang ibig kong sabihin, baka sixth sense ‘yan.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Maybe someone can transform into a cat or control the mind of a cat.”

Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Well, those are possible. Pero hindi naman related sa five senses ‘yung dalawang binanggit niya kaya malabo. Pero ‘yung mind-controlling, mukhang posible.

Dahan-dahan kaming nilapitan nung pusa pero napapaatras din kami. I swear, kung may makakakita man sa amin ngayon, paniguradong tatawanan kami. Why are we freaking afraid of a cat?!

“This is really absurd!” Wala na akong pakialam. Bahala na.

Nilapitan ko ‘yung pusa at halos mapasigaw ako nung bigla niya akong sinugod—or not. Tumalon lang siya sa akin at dahil sa shock ay napaupo ako sa kalsada. Lumapit naman agad si Hideo sa akin at tinignan niya rin ‘yung pusa sa lap ko.

“Meow.”

Tinilt ng pusa ‘yung ulo niya na parang sinasabi niyang, ‘Anong problema ng dalawang ‘to?’ Hindi ko alam kung saan siya nanggaling pero kakaiba talaga ang presence niya.

“Shall we take her?” tanong ni Hideo.

“Her?” Tinuro niya naman agad ‘yung pusa at nakita kong babae nga.

Sakto namang dumating si Miyu at lumabas silang lima. Tumayo ako agad at sinalubong namin sila. Kinuwento agad namin ‘yung nangyari at tinuro namin ‘yung bangkay nung Custos. Cinontact ni Mayu ‘yung police force para irecover ‘yung bangkay. Sinabi rin nila sa amin ‘yung case na nangyari at mukhang ayos naman na lahat.

“Wait, kanina pa ako nagtataka. Bakit may pusa ka?”sabay turo ni Michiko sa pusang nasa paanan ko.

“Actually kakakita lang namin sa kanya.”

Kinuwento rin namin ‘yung nangyari kanina at kung paano nag-appear ‘yung pusa sa harapan namin. Nagulat naman kami nung biglang umakyat ‘yung pusa kay Hideo at...pumatong sa ulo niya.

Pinipigilan kong tumawa dahil sa itsura niya pero hindi ko na kinaya nung nagsimulang tumawa sina Akira at Michiko. Nakita ko ring natawa si Naomi at ang weird lang. Halos pareho kami ng expression ni Mitsuo nung nakita namin ‘yun at nung tumingin sa akin si Naomi ay umiwas ako. Then nakita kong sumulyap siya kay Mitsuo.

“What?” tanong niya kay Mitsuo pero umatras lang siya. Pfft. Don’t tell me takot pa rin siya kay Naomi

Napagdesisyunan naman naming isama ‘yung pusa pabalik sa campus at icoconsult namin sa Medical or Intel department ‘yung tungkol doon. After that ay sumakay na kami kay Miyu at bumyahe pabalik.

“Teka, ano palang ipapangalan niyo sa kanya—pfft! Hahaha!” sabay turo ni Akira sa pusa na nasa ulo pa rin ni Hideo hanggang ngayon. Mukhang ‘yun na ang favorite spot niya.

“Hmm, since kayong dalawa naman  ang nakakita, why not combine your names?” sabi naman ni Michiko na halatang pinipigilan ‘yung tawa niya.

Inabot naman ni Hideo ‘yung pusa mula sa ulo niya at pinatong niya sa may lamesa.

“Stay there, Demi.” Pagkasabi niya nun ay parang namangha si Michiko sa kanya at parang nag-agree rin ‘yung pusa dahil nag-meow siya at nagstay nga siya sa may table.

“Wow. Ang ganda ng name na naisip mo, Hideo! Akalain mong may taste ka pala sa pagpapangalan—” bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Hideo. “—sabi ko nga shut up na ako.”

Demi, huh? So pinagsama niya talaga pangalan namin? Err. ‘Di ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Oh well, para lang naman sa pangalan ‘yun ng pusa.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako or what pero parang nakatitig lang sa akin si Demi. It’s like she wants to tell me something. Or, iniisip ko lang ‘yun.

Hinigpitan ko ‘yung pagkakasara ng isip ko. Naiisip ko na naman kasi ‘yung nangyari kanina. Akala ko talaga mabubunyag na ‘yung identity ko. Buti na lang at naisipan ni Kid na sumakay, though nakakainis pa rin ‘yung ginawa niya. Pero dahil dun, nagawa ko ‘yung pagsend ng information kay Dana. I hope she can track my card as soon as possible.

Kailangan ko nang kumilos ulit. I really need to find that book about their secret—the Seventh Sense. Ang choices ko lang naman kung saan ‘yun mahahanap ay sa library, Intel department or sa Midori building. I guess I need to explore the library first. Hindi naman kasi ako nakapagtingin nang maayos doon dati dahil sa pagsulpot ni Hideo.

Pagbalik namin sa campus ay nagstay lang ako sa dorm. Sina Akira at Naomi naman ay umalis at hindi ko na tinanong kung saan sila pupunta. Si Demi naman, nandoon sa isang sulok. Akala ko nga kay Hideo siya sasama pero nagstick siya sa akin.

“Meow. Meow.”

“What?”

“Meow.”

Oh God. Bakit ko ba ‘to kinakausap? Pero kasi parang may sinasabi siya eh. O pinagtitripan lang ako ng pusang ‘to?

Nagulat naman ako nung bigla siyang umakyat sa kama at pumatong sa lap ko. Aba. Mukhang may nahanap na naman siyang favorite spot bukod sa ulo ni Hideo. Bigla naman siyang tumingala at ginagalaw niya ‘yung paws niya sa mukha niya. Alam kong cute ‘yung gesture pero parang may something talaga eh...

Wait.

Binuhat ko siya at tinignan ko ‘yung leeg niya. Bumilis ‘yung tibok ng puso ko nung may nakita akong maliit na papel na nakalagay doon. Ni hindi ko ‘yun napansin kanina habang hawak ko siya sa sasakyan. Siguro dahil sa makapal na fur niya.

Kinuha ko kaagad ‘yun at pinakiramdaman ko muna ‘yung paligid. Nung wala naman akong ibang presence na maramdaman ay dahan-dahan kong binuksan ‘yung papel.

Akemi—Rielle, whatever. Bumalik ka na as soon as possible. The Custos are getting aggressive on their attacks. We need you and the secret of the Senshins.

-Haruka, uhm Dana, I mean. You know, I already have my second name.

PS. I’ll sneak at their base tomorrow. Sa may gubat. Meet me there.

Pagkabasang-pagkabasa ko nun ay napatingin agad ako kay Demi. Ibig sabihin, pinadala siya sa akin ni Dana. Saan niya naman nakuha ‘tong pusang ‘to? At mukhang sabay kaming nagpadala ng message sa isa’t isa. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng babaeng ‘to. And what? May second name na siya? Now I really want to see her.

I find myself grinning at the idea of meeting her again. Ewan ko pero naeexcite ako na kinakabahan. I really need to find that book. At isa pa, ayoko nang magtagal dito dahil masyadong delikado ang identity ko sa mga kasama ko.

Pumunta ako sa kusina at sinunog ko ‘yung sulat ni Dana. Then napatingin ulit ako kay Demi. Now I know kung paano siya nag-appear kanina.

Akala ko ay nararamdaman ko lang ‘yung pag-open ng Black Dimension mula sa malayo dahil kay Kid pero ngayon, alam kong si Demi ang gumamit nun.

“Demi,” tapos nilapitan ko siya. “Wag na wag kang magbubukas ng Black Dimension dito, okay? You might get caught.”

“Meow.”

Hindi ko alam kung nakakaintindi ba ako ng cat language o ano pero mukhang oo ang ibig sabihin nun.

Pagdating nina Akira at Naomi ay naabutan nila akong nakikipaglaro kay Demi at tinawanan ako ni Akira.

“Ang weird makita na nakikipaglaro ka sa pusa—pfft!” Sinamaan ko siya ng tingin.

Napatingin naman ako kay Naomi at may kung anong nagclick sa utak ko. Now I know kung bakit wary and at the same time ay medyo comfortable ako sa kanya. It’s because she reminds me of Dana. Well, not really, but their personality, strength and weirdness are the same.

“Ay Akemi, may ikukwento ako sa’yo—whoops!”

“Shut up, Akira!”

Hindi pa man din nakakalapit sa akin si Akira ay nagrarambulan na sila ni Naomi at natatawa lang si Akira sa kanya. Hindi ko lang alam kung naiimagine ko lang ba o sadyang namumula ‘yung mukha ni Naomi?

‘Kanina, nakasalubong namin sina Hideo at Mitsuo. Tapos ‘di ba parang laging aloof siya kay Naomi pero nagulat kami nung lumapit siya sa kanya. Tapos—

‘Stop it, Akira!’

Kahit sa isip kami nag-uusap ay nag-aaway pa rin sila at ang sakit sa utak ng sigaw ni Naomi! Pero ngayon ko lang siya nakitang ganito.

‘Tapos—hahahaha! Sabi sa kanya ni Mitsuo, “please stop hitting me” tapos natulala lang si Naomi kanina at napasagot siya ng “okay” My gosh kung nakita mo lang ‘yung itsura nila kanina! Nakakatawa talaga!’

After that ay dumiretso na sa banyo si Naomi at may pakiramdam ako na magkukulong siya doon. Is she embarassed? Lumapit naman sa akin si Akira at pinupunasan niya ‘yung luha niya sa sobrang pagtawa.

“Nakakatawa talaga! As in seryosong-seryoso ‘yung expression ni Mitsuo eh. Ganito, oh.” Hinawakan niya bigla ‘yung kamay ko at tumingin siya sa mga mata ko, tapos ginaya niya ‘yung boses ni Mitsuo. “Please stop hitting me.”

Hindi ko napigilang hindi tumawa dahil sa impersonation ni Akira. Naiimagine ko ‘yung scene at parang gusto kong makita in person ‘yun. Kaya pala ganun ‘yung itsura ni Naomi.

After ilang oras ng asaran ay nakatulog na rin silang dalawa. Kinuha ko ‘yung cape ko at tinignan ko si Demi na mukhang naintindihan naman ‘yung gusto kong sabihin.

“Let’s go, Demi. Time for book hunting.”


***