.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 7, 2015


***

Nauuna akong maglakad kay Demi at nakasunod siya sa akin. For the past few days, tinrack ko kung saang way ang safest papunta sa library. Pumunta ako sa likuran ng dorm dahil mapuno doon at walang makakakita sa amin, though mas mahaba nga lang ang lalakarin. Naramdaman ko namang medyo nauuna na sa akin si Demi, which is probably good dahil para siyang nag-iilaw dahil sa white fur niya at nagsisilbing guide ko.

Buti na lang at wala kaming nakasalubong na kahit sino. ‘Yung past encounters ko kasi ay lagi akong nakakakita ng kung sinu-sino pero luckily, si Hideo lang ang nakakita sa akin.

Pagdating namin sa library, sumuot agad ako sa bintana na in-unlock ko kanina.
Pagbukas ko nun ay tumalon din si Demi papasok sa library. Inactivate ko ‘yung ring flashlight ni Mayu para kahit papaano ay may ilaw kami. Naglakad ako papunta sa restricted section pero nakalock ‘yung pinto. At ang nakakainis pa, may code na sasagutan para bumukas ‘yung lock. And I am not good at those.

“Meow.”

“Anong sabi mo?”

Buti na lang talaga at walang nakakakita sa akin kundi iisipin nilang nasisiraan na ako. I’m conversing with a cat...a cat.

Bigla naman siyang tumalon sa akin papunta sa ulo ko. Then tumalon ulit siya at pagtingin ko, may maliit na space doon sa pagitan  ng pinto at wall. Napangiti ako agad.

“Nice one, Demi. Go inside and bring me a good book.”

“Meow.”

Hindi ako nakakaintindi ng cat language but I hope she means ‘okay’ or ‘yes’.

Habang nasa restricted section si Demi ay naglibot naman ako sa ibang shelves at nagbabakasakaling may kakaibang libro akong makikita. Nabobother din ako sa shadows ng kurtina dahil feeling ko ay may nakatingin sa akin. Curse that Hideo! Dahil sa ginawa niya dati, hindi na tuloy ako makapagfocus dahil sa paranoia.

Hinayaan ko na lang na i-lead ako ng instinct ko. Pumunta ako sa rightmost corner at tinignan ko ‘yung rows of books na nakaayos sa mga shelf. On my peripheral vision, nakita ko si Demi na lumalabas doon sa maliit na space sa taas ng pinto at may kagat-kagat siyang libro. Hindi ko alam kung paano ‘yun nakaya ng bibig niya but still, I’m thankful na kasama ko siya ngayon. May kinuha rin akong kakaibang libro sa kinatatayuan ko na nakasulat sa ancient writing.

Pumunta kami sa gilid, sa natatakpan ng shelves at hindi nakikita sa bintana, then tinutok ko ‘yung ring flashlight ko sa librong kinuha ko. Ang tagal ko pa bago nadecipher ‘yung title dahil nakasulat rin ‘yun in ancient text.

“Using the Sixth Sense. Mukhang magagamit ko ang librong ‘to.”

“Meow.”

Feeling ko either unti-unti na akong nakakaintindi ng cat language or nasisiraan na ako.
Pero mukhang nag-agree sa akin si Demi sa statement ko kanina. Then nilapag niya sa lap ko ‘yung librong kinuha niya sa restricted section at dinecode ko ulit ‘yun.

I gasped when I was able to read the title. Napatingin pa ako kay Demi at hindi ko alam kung sinwerte ba siya o sadyang malakas lang ang pakiramdam niya.

“Meow.” Now I swear parang sinasabi niyang,
‘I told you. I’m great.’ Dahil sa gestures niya. Nakataas ang ulo niya pati ang buntot niya habang nakatingin sa akin. This is one arrogant cat.

Napatingin ulit ako sa libro at kinilabutan ako nung hinawakan ko ‘yung old cover nito. It’s like this book is radiating power and intense emotions.

“Beyong the Sixth Sense.” I read the title and my skin tingled.

I knew it. I know this is the book I am looking for. Beyond the sixth sense...is the seventh sense. That mysterious power na kayang gamitin ng Senshins pero hindi ng Shinigamis...just like our Black Dimension.

Kinabahan ako habang binubuksan ko ‘yung libro pero nagulat ako nung biglang umakyat si Demi sa lap ko at doon siya humiga sa ibabaw ng libro.

Nang-aasar ba ‘tong pusang ‘to?

“Demi!” pabulong kong tawag sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin.

“Meow.”

“C’mon! Kailangan kong mabasa ‘to!”

Then nagulat ako nung bigla siyang tumayo, like kapag nagugulat ang mga pusa. Nagtwitch din ‘yung tenga niya at nakataas na naman ang buntot niya.

“Bakit? May tao ba?”

Bumaba siya sa lap ko at naglakad siya palabas ng library. Dahil ayoko namang mahiwalay sa kanya ay binalot ko ‘yung dalawang libro sa cape at lumabas kami sa bintana, then nilock ko nang tuluyan ‘yun. Luckily, walang tao sa daan. And I hope, tulog na si Hideo ngayon. But I know that he
can’t see through buildings kaya mas okay na magtago kami sa likod ng mga ‘yun kahit wala namang tao. He’s too troublesome even when he’s not around.

Sinundan ko si Demi na mukhang papunta sa gubat.
I know it’s a rule that we can’t go there after curfew pero ilang beses na rin akong hindi sumunod sa rules. Besides, breaking the rules is fun and challenging.

Hinayaan kong si Demi ang maglead ng way at kasalukuyan na kaming nasa loob ng gubat. Naglakad lang siya papunta sa pusod ng gubat and somehow, mas naging at ease ako. Kasi dito, hindi na sakop ng Senshins ang paligid. I can open the Black Dimension, though alam kong may possibility pa rin na madetect nila ‘yun since malapit lang.

Hindi pa rin tumigil sa paglalakad si Demi hanggang sa makarating kami sa dulo and...wait. May grassland pala dito?

“Sup, Rielle?”

Hindi ko kaagad napansin na may babae palang nakasandal sa puno sa may right side ko. And when I saw her, I immediately grinned.

“Seriously Dana? Akala ko ba bukas ka pa pupunta?”

“Duh? Technically, it’s already tomorrow. Madaling araw na.”

“Whatever.”

Nagtawanan kami at namiss ko ang presence niya. At gaya ng sinabi niya, intense green na rin ang kulay ng mata niya. Mas naging intimidating pa siya lalo. Si Demi naman, naglakad-lakad lang sa paligid namin.

“I heard na nakaencounter mo si Kid. Buti at narealize niya agad ang nangyayari,” then tinawanan niya ako.

“Damn that was really nerve-wracking. Muntik ko na siyang sigawan that time pero ayoko nang magbuild pa ng suspicion.”

“At least, he understood.”

Agad-agad naman niyang sinabi sa akin ang sitwasyon sa base. As expected, Mom and Dad are busy. At nalaman kong si Rin ang namamahala ngayon sa young Elites and Sarah is one of them. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. At least, nakita nila Dad na maaasahan din siya.

“As I was saying, nagiging aggressive na ang Custos. Gusto nilang malaman ang secret ng Black Dimension...and our ongoing research.”

Nung minention niya ‘yung research ay napahawak ako sa sikmura ko. The Senshin tribe may have the best technology, but we have the best doctors and researchers. Hindi ako interested sa mga ginagawa nila dahil una, it’s creepy and disgusting, at pangalawa, wala akong interes.

“I bet nagiging subject ang mga nahuling Custos.”

“Yeah,” then she groaned.

Pareho naming ayaw ang research na ‘yun. Hindi ko totally alam kung para saan ‘yun pero ang alam ko, may kinalaman sa mga mata ng
Erityians ‘yun. They are studying them at hindi ko na alam kung anong gagawin nila doon. Basta ang alam ko ay nagdidisect sila ng subject nila at kung anu-anong experiment ang ginagawa nila. I told you, it’s really disgusting.

“Kaya kailangan mo nang bumalik as soon as possible. We need you.”

“Mukhang malapit na rin akong matapos dito so baka makabalik na rin ako.”

“Namimiss ka na nina Sarah at Kid,” then she smiled smugly.

“Oh shut up, Haruka,” this time ako naman ang naggrin sa kanya. Her second name sounds weird. Parang ang bait pakinggan.

“Nice try. Sige na. Mapapahamak ka kapag hindi ka pa bumalik within five seconds.”

“Bye!”

Tumayo ako at tumakbo kaagad palayo sa kanya at nakita kong nakitakbo rin si Demi sa akin. Alam kong mangyayari ang sinabi ni Dana kapag hindi ko ‘yun sinunod. After all, that’s her sixth sense. She can see what will happen five seconds from the future. Ang sabi niya, parang may dalawang dimension daw sa utak niya—the real time and the one with advanced time.

After a few minutes (with a lot of running, stumbling and hiding), nakarating kami ni Demi sa likod ng dorm at nagsneak kami papasok. Pag-akyat ko, dahan-dahan kong binuksan ‘yung kwarto at buti na lang ay tulog pa ‘yung dalawa. Tinago ko ‘yung dalawang libro na nakabalot pa rin sa cape ko sa pinakailalim ng closet ko. After that ay nagbihis ako at nahiga na. Pagdikit pa lang ng katawan ko sa kama ay bumigat na ang mga mata ko. Sabagay, ilang gabi na rin akong walang tulog. I guess I can still sleep for a while.


***