.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, February 23, 2015


***

“Sorry Akemi, but I’m going to win.”
“Not a chance.”

Pinosition ko kaagad ‘yung staff ko habang nagsummon naman si Michiko ng dual sword. Kahit ilang beses ko nang nakikita ‘yung pagsa-summon niya ay namamangha pa rin ako. I wish I could do that para hindi ko na kailangang hawakan lagi ang weapons ko.

Staff ang napili kong weapon bukod sa cards ko dahil madali lang gamitin. Pero mukhang mahihirapan ako pagdating kay Michiko dahil papalit-palit ‘yung weapons niya.

Bigla naman niya akong sinugod kaya winield ko kaagad ‘yung staff at sinangga ko ‘yung swords niya. Good thing is, metal ang staff ko kaya hindi nadamage. Tumalon ako at inapakan ko ‘yung isang sword niya tsaka ako nagpaikut-ikot sa ere. Then I grabbed my cards and threw it to her. She immediately swapped her swords to a whip and she slashed my cards. Bago ako makatapak ulit sa sahig ay bumalik ulit sa mga kamay ko ang cards ko.

“Time’s up.”

Napahinto naman kami pareho ni Michiko nung sinabi ‘yun ni Kyo. Tsk. Bakit kasi fifteen seconds lang ang limit namin? Sobrang hirap kayang matalo ng mga ‘to within fifteen seconds! Nakapaglaban na lahat ng possible pairs pero wala pa ring natalo sa amin kahit isa. Eh ano bang attack ang magagawa namin within fifteen seconds na makakapagpabagsak sa kanila, ‘di ba? At hindi na rin naman kami makakapag-isip ng major attacks kapag nasa laban na since katawan mo na lang mismo ang gumagalaw.

“Hangga’t hindi niyo kayang pabagsakin ang kalaban ninyo sa loob ng fifteen seconds ay ganito lang ang gagawin natin buong linggo. Okay, dismissed.”

Napaupo ako sa sobrang pagod nung umalis na si Kyo sa harapan namin. He’s really a
Spartan. Lagi niya na lang kaming pinapahirapan. No wonder hirap na hirap sina Dad na pabagsakin ang isang ‘to.

Nagpahinga kami ng ilang minuto doon sa room bago umuwi sa dorm. Sobrang naubos ang energy ko sa sparring naming lahat kahit tigfi-fifteen seconds lang ‘yun. Pero sina Hideo at Mitsuo, hindi sila hinihingal kundi pinagpapawisan lang. Mukhang sila talaga ang mga sanay sa combat. Bigla tuloy akong nacurious sa background ni Mitsuo. Ano kayang ginagawa niya bago siya napunta rito sa school na ‘to?

Nung nakabalik kami ng dorm ay nagshower muna kami then nagpahinga. As usual, magkasama ulit na umalis sina Michiko at Mayu para sa summoning project ng Technology department. Habang kaming tatlo ay nandito sa may kama.

Pumunta naman agad ako sa closet at nilabas ko ‘yung librong nakuha ni Demi sa restricted section nung nakaraan. Napagdesisyunan kong kailangan ko ang tulong nila kung gusto kong malaman ang secrets sa librong ‘to. Sila ang mas nakakaintindi nito at para na rin hindi ako magcause ng suspicion.

“Hey. Pwede bang tulungan niyo ko?” sabi ko nung nasa kama na ako at napatingin naman agad sila.
Pati si Demi ay nakisali sa amin at pumwesto sa pagitan namin ni Naomi.

“Ano ‘yan?” sabay turo ni Akira sa librong hawak ko.

Beyond the Sixth Sense. Nakuha ko sa restricted section,” tapos nilapag ko ‘yun sa harapan.

“Pumunta ka sa restricted section ng library? You broke the library rules,” sabi sa akin ni Naomi.

“Duh? Rules are meant to be broken.”

“Gusto ko talaga ang mga ideas mo,” tapos tinapik ako ni Akira sa balikat at tumangu-tango pa siya.

Inopen ko ‘yung libro at sinimulan ulit naming idecode ‘yung ancient writing. Damn. Bakit kasi ganito nila sinulat lahat ng libro before? Ilang oras tuloy ang makakain para lang sa pagdedecode.

ѫϭᵻϠѯҩϠϫ•ᴥϕ•⊱ҩͽѯϫ•ͽ≬ᴥ∎•ͽ•ϛͽϞͽᵻҩϫҩ•ѣͽᵻ•ᵻͽѣҩϠ•ϫѫᴥϭ•ѯҩͽҵǂ҂ҩϠ•ѫǂϫ•ϭᵻǂᴕϭҩ•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱•⨳ѫǂͼѫ•ѫҩ•ͼͽҵҵҩϠ•
ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ∺•ѫҩ•ͼѫͽᵻ≬ҩϠ•ѫǂϫ•ᵻͽѣҩ•ǂᵻҁᴥ•ϫѫǂᵻϛǂ•ͽᵻϠ•ҁѯͽ⋇ҩҵҵҩϠ•ͽͼѯᴥϫϫ•ҁѫҩ•⨳ᴥѯҵϠ∺•ͽϕҁҩѯ•ͽ•ϕҩ⨳•
⊱ҩͽѯϫ∎•ѫҩ•≬ͽǂᵻҩϠ•ϫᴥѣҩ•ϕᴥҵҵᴥ⨳ҩѯϫ•⨳ѫᴥ•ͼͽᵻ•ͽҵϫᴥ•ϭϫҩ•ҁѫҩǂѯ•ϫǂԇҁѫ•ϫҩᵻϫҩ∺•ҁѫҩ⊱•ϕǂᵻͽҵҵ⊱•ϫҩҁҁҵҩϠ•ǂᵻ•
ͽ•ͼᴥϭᵻҁѯ⊱•ͼͽҵҵҩϠ•ϞѫǂҵǂϞϞǂᵻҩϫ•ͽᵻϠ•⧝ϭǂҵҁ•ͽᵻ•ǂᵻϫҁǂҁϭҁǂᴥᵻ•⨳ѫҩѯҩ•ҁѫҩǂѯ•ͼѫǂҵϠѯҩᵻ•ͽᵻϠ•ϕҩҵҵᴥ⨳•ϫǂԇҁѫ•
ϫҩᵻϫҩ•ϭϫҩѯ•ͼͽᵻ•ѫᴥᵻҩ•ҁѫҩǂѯ•ϫжǂҵҵϫ•ͽᵻϠ•ͽ⧝ǂҵǂҁǂҩϫ∺•ҁѫǂᴥ•ǂᵻϫҁǂҁϭҁǂᴥᵻ•⨳ͽϫ•ҵͽҁҩѯ•ͼͽҵҵҩϠ•ҁͽᵻҁҩǂ•ѫǂ≬ѫ∺

“Oh gosh. Nakakahilo naman ‘to. Seryoso kayong nadecode niyo ‘to?” sabi ni Akira. Sabagay, ngayon niya pa lang mata-try idecode ‘to.

“Si Mitsuo,” biglang sabi naman ni Naomi.

“Anong meron kay Mitsuo? Don’t tell me gusto mo siya?! ” tapos tumayo pa si Akira sa kama at nag-act na para talaga siyang nagulat.

“Oh shut up, Akira. I mean, his sixth sense. Kung kabisado niya ‘yung letters corresponding each symbols, that means kaya niya ‘tong basahin kahit hindi na natin idecode.”

Natulala naman ako sa kanya. Bakit hindi namin agad naisip ‘yun? ‘Yung Mitsuo lang pala na ‘yun ang sagot sa paghihirap na ‘to!

“Pero sasabihin ba natin sa kanila ang about dito?” tapos tinuro ni Naomi ‘yung libro.
“No choice. I bet curious din sila,” sagot ko na lang.

Okay. I am risking to share that book to them. Pero wala na akong choice. I
need to know the secrets as soon as possible at kailangan ko sila. After all, they’re in the Atama family. They are the best Senshins in the making.

“Then let’s have a secret meeting! Now that’s exciting!” sabay hagikgik ni Akira at pati si Demi dinamay niya.
Kinuha niya kasi si Demi na nananahimik sa tabi namin at niyakap-yakap niya.

“Iinform na lang natin sila bukas...I mean later,” sabi ko at nagnod naman silang dalawa.

After that, tinry namin ulit idecode ‘yung mga sumunod na paragraph at ito ang nakuha namin:

Sixth sense is the ability to use and manipulate one of the five senses to extremities or to any specific situation. But there are some who can use it to a different level. A higher level of ability called seventh sense.

According to Shinji, seventh sense is the ability of a Senshin to use his or her sixth sense fully and share 70% of its efficiency to others. However, it is extremely difficult to attain since nobody knows how, when or where it will activate.

The first ones who executed the seventh sense are Shinji and Natsue. During their stay in Romania, they successfully shared their sixth sense to each other for a few minutes. According to them, they felt something different inside their body and they can clearly read each others mind without restrictions.

Pagkabasa ko nun ay bigla akong nabother at mukhang silang dalawa rin.

“Whoa. Wait. That Seventh Sense—parang ang awesome,” sabi ni Akira, wide-eyed.

“Sharing of sixth sense...posible pala ‘yun.” Parang nasa trance naman si Naomi at mas lalo pa akong nabother. Now they are also starting to know this Seventh Sense. Sharing this book to them...is it a bad idea? Is it really worth the risk?

“At kaya nilang basahin ang isip nila without any restrictions...just like
you,” sabi ko na lang at tumingin ako kay Naomi, ganun din si Akira.

“Di ba sabi mo simula bata ka pa ay kaya mo nang gawin ‘yan? Hindi kaya may kinalaman sa Seventh Sense ang ability mo na ‘yan?” tanong ni Akira.

“I don’t know. But one thing is for sure. This Seventh Sense thing is not something we could do on a whim.”

Halos ilang arguments ang napag-usapan namin about sa Seventh Sense na ‘yun at hindi na namin namalayan ang oras. Nagulat na lang kami nung tumalon si Demi mula sa kama papuntang bintana at pagtingin namin ay sumisikat na ang araw kaya agad-agad kaming nagprepare. Paglabas namin sa room ay napatingin sa amin sina Mayu at Michiko.

“Anong ginawa niyo at bakit ganyan ang itsura niyo?” tanong agad ni Michiko.

“Nasarapan kami sa pag-uusap.
Anyway, late na tayo,” sabi ko sabay tingin sa orasan sa hallway.

“Oh no. Lagot tayo kay Mrs. Yura!” sigaw ni Akira at nung tumakbo siya ay nakitakbo na rin kami.

Habang tumatakbo ay kung anu-ano na rin ang tumakbo sa isip ko. The book, it’s meaning, the Custos, and our tribe. I was so occupied with my thoughts at napansin ko na lang na nasa labas na kami ng dorm at nasa harapan namin sina Hideo at Mitsuo.

“Walang class?” tanong agad ni Michiko.
“Cancelled,” sagot ni Hideo.
“Bakit daw?”
“Biglang may meeting lahat ng teachers.”
“Meeting during class hours? That’s weird,” dagdag naman ni Naomi.

Then all of a sudden, umilaw ‘yung pendant sa necklace ni Mayu na ngayon ko lang nakita. Tumingin siya sa right side at mukhang alam ko na kung bakit.

“I guess this is not a free cut. May panibagong case,” sabi ni Mayu and then may nilabas siyang parang cellphone na sa pagkakaalam ko ay nagtatransmit ng signal kay Miyu. After one minute ay dumating si Mayu sa harapan namin at sumakay agad kami.

Bigla ko namang narealize na si Mayu lang ang nakakacontrol sa interface ni Mayu. Then that means hindi kami nakikita or nadedetect ng kahit sino rito. Mukhang ganun din ang nasa isip nina Naomi at Akira dahil napatingin sila sa akin. Dahan-dahan kong nilabas ‘yung book sa bag ko at pinatong ko sa low table sa gitna at napatingin silang lahat sa akin.

“Okay guys, listen to me,” and then I told them what we did last night.


***