.

.

Chapter 19

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, February 26, 2015


***

“May ganitong idea pala? Ang galing!” sigaw ni Michiko habang nakatingin siya sa libro.

Si Naomi naman, tinuturuan niyang magtranslate si Mitsuo para mabilis naming malaman ‘yung content ng libro. Pero napahinto kami nung nakarating na kami sa agency. As usual, nagpatak ulit kami sa mata nung
eye droplet at after a few seconds ay nagsolidify para maging contact lens to hide the true colors of our eyes. Mahirap na kasing irevert back to black or dark brown since lahat kami ay nasa green stage na. Then bago kami bumaba ay balak ko sanang kunin ulit ‘yung libro pero sabi ni Mayu ay iwanan ko na lang daw kay Miyu kaya wala na akong nagawa. Dumaan kami doon sa police quarter at sinabi nila na may babae raw na naghihintay doon sa agency. Pagkapasok namin ay may nakaupo nga doon sa may sofa at nung makita niya kami ay tumayo siya.

Si Hideo ang umupo sa tapat niya at nakinig naman kami sa sinabi nung babae.

“I’m Carla Buenavista,” sabay abot niya kay Hideo ng ID niya. “Please tulungan niyo akong hanapin ang ate ko.”

Habang nagkukwento siya ay nanunubig na ‘yung mga mata niya. For some reason ay bigla akong naging interested kaya nakinig ako sa kanya.

“Sabi niya kagabi, hindi raw muna siya makakauwi kaya hindi ko na siya hinintay. Pero bigla akong nag-alala kinabukasan kaya kinontact ko ‘yung officemates niya. Ang sabi nila, maaga raw siyang umalis sa office at wala raw siya doon ngayon. Kinokontact ko siya kanina pero hindi niya sinasagot ‘yung phone niya.”

Pinakita niya kay Hideo ‘yung picture ng ate niya after that at nagbigay din siya ng basic information about doon sa babae. Sa pagkakaalala ko sa mga sinabi nung Carla, Catherine Buenavista ang name ng kapatid niya, 25 years old at nakatira lang sila sa iisang apartment.

“Siguro kung makikita namin ang kwarto o ilang gamit niya, mas madidistinguish namin ang character at personality niya,” singit ni Naomi kaya napatingin sa kanya si Carla.

“O-okay po. Pero maliit lang ‘yung kotseng dala—”

“It’s okay. We have our own vehicle. We’ll just follow your car,” sabi naman ni Hideo.

Tumayo si Carla at sinundan namin siya palabas sa agency at headquarters hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya. Luckily ay malapit lang doon sa parking area kung nasaan si Miyu kaya pumunta agad kami doon at sinundan namin ‘yung kotse.

“Later na lang natin ituloy ‘yung pag-uusap about dito sa seventh sense,” sabi agad ni Mayu nung makapasok kami sa van at nag-agree naman kaming lahat sa kanya.

Napatingin ako doon sa book na nasa gitna ng table. Medyo pinagsisisihan ko nang ipinakita ko sa kanila ‘yun. Maybe I should’ve solved it by myself. Tsk. Pero huli na.

‘Kailan mo ibabalik ‘yan?’
Napatingin naman ako bigla kay Naomi dahil narinig ko siya sa isip ko.
‘Ang alin? ‘Yung libro?’
‘Oo. Chinecheck ng librarian every Friday lahat ng libro at alam niya kung may kulang doon.’
‘Wait. So you mean binalik mo ‘yung librong binigay ko sa’yo?’
‘Of course. May nilagay na detector si Sir Aiwa sa bawat libro na sinuggest ng librarians kaya kaya nilang itrack ang mga ‘yun.’

Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko naman kasi alam ang tungkol doon at sina Naomi at Akira lang ang nakakaalam na sa restricted section ko kinuha ‘yung libro.
Ang sabi ko kasi sa iba, basta kinuha ko lang ‘yun sa library.

‘So dahil Wednesday ngayon, may two days pa tayo bago madetect ‘yung libro. Bakit ngayon mo lang sinabi?’
sabay napabuntung-hininga na lang ako.

‘Akala ko alam mo dahil kumuha ka na ng libro doon.’

Buti na lang pala at binigay ko kay Naomi dati ‘yung librong kinuha ko, kundi baka tinago ko lang ‘yun at kung mamalasin ay mahuhuli pa ako sa pagnanakaw ng libro.

Pero kung gagamitin ko ang Black Dimension para makauwi sa base habang dala-dala ko ang libro, madedetect pa kaya nila ‘yun? Ang alam ko ay wala pa silang device na may kakayahang madetect ang Black Dimension. That means may pag-asa pa akong maitakbo ang libro, either within these two days or ibabalik ko ‘yun at kukunin ulit after Friday.

“We’re here,” sabay tayo ni Hideo.

Napatingin naman ako sa labas at nakahinto na ‘yung sasakyang sinusundan namin. Ang bilis ata ng byahe namin. That means malapit lag ang bahay nila sa agency. Kaya pala doon siya kaagad pumunta.

Sa harapan namin ay isang bahay na mukhang tinitirhan nung Carla at Catherine. Bumaba kaming lahat kay Miyu at mineet ulit namin si Carla. Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa pintuan. Nilabas niya ‘yung purse niya at naglabas siya ng ring of keys.

“May tao ba sa loob?” biglang tanong ni Akira habang nakakunot ang noo.
“W-wala. Ako lang at ang ate ko ang nakatira dito pero dahil nawawala siya...”
“Pero bakit bukas ‘yung shower?”
“Shower? P-pano mo narinig ‘yun?”
“Uhm, matalas ang pandinig ko kaya ganun. Please open the door. Masama ang kutob ko rito.”

Halos isang minuto kaming nagtagal doon sa pintuan dahil nanginginig ‘yung kamay ni Carla kaya tinulungan na siya ni Mitsuo sa pagbubukas ng pinto. Pagpasok namin sa loob ay dumiretso si Akira sa may CR, which is alam niya kaagad dahil sa tunog ng shower, at sumunod kami sa kanya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay napasigaw si Carla at nagcollapse ang tuhod niya.

“A-ate...ate!”
“Mayu, contact the police force,” sabi ni Hideo at tumango naman si Mayu.

Sa loob ng banyo, habang nakabukas ang shower ay nasa bathtub ang isang babaeng wala nang buhay. May nakasaksak na kutsilyo sa likuran niya at kulay dugo na ang tubig na pinagliliguan niya.

Pumasok sina Naomi at Mitsuo sa loob habang may suot-suot na gloves. Pinatay ni Naomi ‘yung shower at tinanggal naman ni Mitsuo ‘yung coat niya para ibalot doon sa babae. After that ay pumasok na rin kami ni Hideo habang ‘yung tatlo sa labas ay nag-inspect sa kwarto nila.

Nakita ko na may cellphone doon sa isang rack kaya kinuha ko ‘yun at pinakita ko sa kanila.

“I think sa kanya ‘to,” sabi ko. Pero hindi naman namin mabuksan dahil may password.
“Give it to Mayu,” utos ni Hideo.

Umalis ako doon sa banyo at hinanap ko si Mayu, na nasa kwarto pala nung biktima kasama si Michiko.
Si Akira naman ay nasa sala at binabantayan si Carla. Inabot ko kay Mayu ‘yung phone at nagulat ako nung may pumalibot sa kamay niya na parang holograms ng numbers.

“What the...”

“Oh. Ngayon mo lang pala makikita si Mayu na gamitin ang sixth sense niya,” sabi ni Michiko habang nakasmirk. “It’s cool,” dagdag pa niya.

Yung hologram numbers na nakapalibot sa kamay niya ay nagpaikut-ikot kaya habang tinitignan ko ‘yun ay bigla akong nahilo. Then all of a sudden ay biglang nagcompress ang mga ‘yun sa kamay niya at may anim na numbers na natira then nawala rin kaagad. May tinype si Mayu doon sa cellphone at nung pinakita niya sa akin ay bukas na.

“Wow.”
“I can manipulate any device as long as I know how it operates. Cellphones are the easiest.”

Kaya pala ang pamilya nila ang head ng Technology department. Her sixth sense is awesome. Imagine? Kaya mong imanipulate lahat ng devices? No wonder their technology is so advanced

Tinignan ko kaagad ‘yung messages at call logs and I found two names na nagmessage at tumawag sa kanya between last night at ngayon. Pinuntahan ko kaagad sina Hideo at sinabi ko ‘yun sa kanila and after that ay kinontact namin sila.

“So we have two suspects,” sabi naman ni Mitsuo. “Francis Ramos and Chris Domingo.”
“There’s another one,” dagdag ni Naomi tapos tumingin siya sa may sala. “Carla Buenavista.”

Naghintay kami doon habang naghahanap ng mga evidence pero napahinto agad ako. Naramdaman ko na naman ang pag-open ng Black Dimension...and this time, I know who’s opening it.


***