.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

Tinignan ko ang relo ko at 3:35 AM na. Siguro naman wala nang Shinigamis na nagnanavigate ngayon sa Black Dimension. Kailangan ko kasing tahimik na umalis dito dahil secret task ito. At isa pa, ayoko ring makita yung mga taong malalapit sa akin dahil mahihirapan lang akong umalis.

Binuksan ko yung Black Dimension mula sa kwarto ko habang hatak-hatak ko yung maleta ko. Nung nasa loob na ako, tuluy-tuloy lang akong naglakad.

“Hm? Where are you going?” Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako kung saan nanggaling yung boses. Pagtingin ko, papalapit si Kid sa akin. Tsk. Bakit nandito siya ng ganitong oras? Sinarado ko nang mabuti yung isip ko para makasigurado na wala siyang mababasa.

“Mission. Sa ibang bansa.”

“Cool. Saang bansa?”

“Australia.” Yun ang una kong naisip. Bahala na kung anong magawa kong kwento!

“Oh. Pero bakit dito ka dumaan sa Black Dimension?” sabi niya sabay hikab. Mukhang inaantok na ang isang ‘to. Bakit kasi gumagala pa siya dito? Hindi na lang siya matulog.

“Ayokong dumaan sa hallway. Tsaka mas gusto ko dito. Ikaw? Bakit ka nandito?”

“Katatapos lang ng mission. Killed some Custos agents.” Naalala ko naman bigla yung mission about doon. Nalaman kasi namin na may mga Custos na hinahanap yung base namin at yung temporary headquarters nila ay malapit dito.

“How was it? Nalaman nila?”

“No. They were just Class D agents. Madali lang iligpit.”

Bigla naman siyang lumapit sa akin at tinitigan niya yung mukha ko. Then, sinuotan niya ako ng sunglasses.

“You can’t revert it back to black or brown, right? Use this to cover your eyes,” sabay ngiti pa niya. “Sige, magpapahinga na ako. Morning, Rielle,” saka siya tumalikod at lumabas na siya sa Black Dimension.

Napahawak naman ako sa sunglasses na sinuot niya sa akin. Oo nga pala, hindi ko na mababalik sa dating kulay yung mata ko since malapit na ako sa Green Stage. Bakit kasi wala kaming magawang paraan para mabalik or icover man lang yung mata namin nang hindi na gumagamit ng ganito. Tsk.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Alam ko naman kung saan ako pupunta dahil ilang beses na rin kaming nagspy sa Tantei High, pero sa labas lang. Ito ang first time na makakapasok ako sa loob nun. Sana nga lang, walang makadiskubre sa akin. Kailangan kong maging maingat sa lahat ng galaw ko.

Halos isa’t kalahating oras akong naglakad at after that, lumabas na ako sa Black Dimension. Buti na lang at wala pang tao dito sa may park kaya walang nakakita na lumitaw ako bigla. Hinawi ko yung mga sanga at naglakad ako papunta sa gitna ng gubat. Nakita ko yung lake at yung buong school pero madilim pa.

Masyado yata akong maaga.

Binitawan ko muna yung maleta ko at sumandal ako sa may puno. Kinuha ko yung form at ang nakalagay doon ay 7 AM pa papapasukin ang transferees. Two hours pa akong maghihintay dito.

Gusto ko sanang matulog pero buhay na buhay pa yung utak ko at ayaw akong patulugin.

“Tsk. I’m too early.” Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko at napatingin rin siya sa akin. Ilang segundo kaming nagtitigan dahil nagpapakiramdaman kami, at kutob ko ay kakaiba rin siya. Ewan ko pero yun ang nararamdaman ko. At pinigilan ko ang sarili ko dahil muntik ko nang ilabas yung weapon ko. Nasanay na kasi akong kalabanin ang kahit sinong Senshin na makikita ko. Pero ngayon, kailangan kong i-control ang sarili ko. Kailangan kong makisama sa kanila.

“T-transferee ka rin?” tanong ko sa kanya pero kumunot lang yung noo niya.

“Bakit, may problema ka sa akin?!” Napanganga na lang ako sa sagot niya. Anong problema niya at parang galit siya? Tsaka ang layo ng sagot niya sa tanong ko! Damn! Gusto ko na siyang sugurin! Nakakainis.

“Wala, pero ang tanong ko ay kung transferee ka rin ba?”

“Tss. Oo,” sabay bagsak niya ng gamit niya at muntik nang matamaan yung paa ko! Kainis na talaga ‘to ha! Umupo naman siya sa may tabi ko at naglabas siya ng libro. Wow. Hindi halatang mahilig siyang magbasa.

Naging tahimik naman ulit siya kaya hinayaan ko na lang siya. Pero nacurious ako sa binabasa niya kaya napatingin ako sa cover at nakita kong History book yun. Tsaka ko narealize na wala akong alam sa history ng Senshins kaya kailangan ko ring mag-aral! Pero nakakahiya namang makihiram.

“Oi.” Napatingin naman ako sa kanya at nakatutok pa rin siya doon sa libro.

“Huh? Ako ba?”

“Sino pa ba?” sabay tingin niya nang masama sa akin. Bakit ba parang ang init ng ulo ng isang ‘to? Nakakainis na ha! Nahahawa na ako sa kanya!

“Tsk. Ano?”

“Anong alternative name mo?”

Napakunot bigla yung noo ko. Bakit niya tinatanong? At alternative name? Yun ba ang tawag nila sa second name? Kailangan ba meron agad kaming naisip bago pumasok sa loob?

“Mine’s Mitsuo,” saka niya sinarado yung librong hawak niya. “Siguradong sa Atama ako mapupunta dahil kay Lolo pero sabi niya, mabibilang mo lang sa daliri mo ang members doon at conceited silang lahat dahil lang sa special sila. At malaki ang chance na ako lang ang transferee na doon mapupunta. I don’t want to be with those people but I have no choice.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Bukod sa sobrang haba at parang hindi na siya galit, ay naintindihan ko siya lalo na yung sinabi niya nung huli. Ginagawa namin ang bagay na ‘to hindi dahil gusto namin, kundi dahil wala kaming choice.

“What’s yours? At saang family ka?”

“Akemi, at sa Me family ako.” Actually hindi ko yun alam kaya balak kong maki-ride sa flow na lang mamaya.

“Ah. So you have eye abilities.”

“Y-yeah.”

So yun pala ang Me. Yung family na yun ang may eye abilities. Ibig sabihin, yung Rielle na pinalitan ko ay may eye ability rin? Buti na lang.

‘Tsk. I thought she’s the same as me.’

Nagulat ako nung nabasa ko yung isip niya pero pinigilan kong huwag mahalata. Sobrang konti lang kasi ang nababasa ko ang isip like yung family members ko, sina Kid, Dana, Keith at Sarah lang. Ito ang first time na nakabasa ako ng isip na hindi ka-tribe ko.

Pero sayang dahil magkaiba kami ng family. Ano kayang ability meron ang Atama family? Ang sabi niya, special daw sila. Ibig sabihin, may special ability rin siya? Sayang talaga. Siya ang unang Senshin na nakausap ko nang mahinahon, though hindi ganun kahinahon. Pero dapat kalaban pa rin ang tingin ko sa kanya. Nandito ako para magspy at hindi para sa kung ano pa man.

Isa-isa namang nagdatingan dito yung iba pang transferees kaya tumayo na kami dahil anytime ay papapasukin na kami.

Nung 7 AM na, may tatlong lalaking lumabas sa main gate kaya nagready na kaming lahat, pero si Mitsuo...hindi ko pala nalaman yung totoo niyang pangalan. Oh well, si Mitsuo, nakaupo pa rin. Wala ba siyang balak magready na pumasok?

“Transferees, welcome to Tantei High.”

After that, pinapila kami at kinuha yung letters namin. Pinasok nila yun sa parang device sa may gate at paglabas ay naging ID na. Nice. Buti pa sila may ganitong technology.

Kung saan-saan pa kami pinapunta at nakasunod lang ako sa nauuna sa akin habang si Mitsuo ay nasa likuran ko at naririnig ko siyang humihikab. Ang last stop ay sa quadrangle at nakapila doon yung mga estudyante.

Bigla akong kinilabutan.

I am surrounded by hundreds of Senshins. Kailangan kong kumalma. Hindi dapat ako nagpapanic but this is really crazy! Ano ba ‘tong pinasok ko?

“Nervous?” Napatingin ako kay Mitsuo at nakakunot na naman yung noo niya sa akin.

“N-not really,” saka ako huminga nang malalim.

“Damn. They’re already eyeing me,” sabi niya. Tinignan ko naman kung saan siya nakatingin at nakita ko yung limang estudyante doon sa pinakadulo. Yung babae sa unahan ay may hawak na cardboard na ang nakasulat ay ‘Atama.’ So that’s the Atama family. Sobrang konti nga nila compared sa ibang families.

Nagbigay na ng instructions yung speaker kung saan kami pupunta and such. Papunta na sana ako sa family ko pero biglang tumingin sa akin yung speaker.

‘Wow. Her eyes are almost green. Sa Me family siya? Akala ko sa Atama.’

For the second time, nakabasa na naman ako ng isip ng iba. At ano raw? Atama? Bakit naman ako mapupunta doon? Tinitigan ko rin siya at this time, binuksan ko ng kaunti yung isip ko para makausap siya.

‘Excuse me, ano pong ibig niyong sabihin?’

Pagkasabi ko nun, biglang nanlaki yung mata niya at lumapit siya sa akin.

“Did you just use your inner voice?” sabi niya sa akin at talagang gulat yung expression niya. And what inner voice? Yung pagbabasa ng isip at pagrereply sa kanya?

“Y-yeah. B-bakit po?”

“That’s the special ability of Atama family. Hindi kaya mali lang ang assessment ng paglalagay sa’yo sa ibang family? Come with me,” then bigla niya akong hinatak papasok sa building sa harapan namin.

Ngayon lang nagsink-in sa akin yung sinabi niya. Sinarado ko kaagad yung isip ko dahil baka kung anong mabasa niya.

So...yung inner voice something ang special ability ng Atama family? So ibig sabihin, kasama rin siya sa Atama family? Teka, kaya ba sa Atama family si Mitsuo ay dahil may inner voice rin siya?

“Sorry for not properly introducing myself. I’m Yamato, from Intel Department at galing rin ako sa Atama family,” sabay ngiti niya sa akin habang hatak-hatak niya pa rin ako. Ugh. Gusto ko nang hugutin yung cards ko at saktan siya dahil sa ginagawa niya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kailangan kong makisama sa kanila para hindi nila ako pagdudahan.

“S-saan po tayo pupunta?”

“We’re going to change your family. You should be in Atama.”

Pagkasabi niya nun, kung anu-ano na ang naisip ko. Atama family...ibig sabihin makakasama ko si Mitsuo pati na rin yung ibang may inner voice na conceited?!

This is going to be a mess.


***