.

.

Chapter 20

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, March 3, 2015


***

What the heck? Ano na namang ginagawa ng lalaking ‘yun? He’s opening a huge part of the Black Dimension. But his sixth sense is really amazing since he can control some parts of the Black Dimension. Nung nagkita kami last time, I didn’t sense him immediately since he’s simply using it, not manipulating it.

“Parating na sila,” biglang sabi naman ni Akira kaya nabaling agad ‘yung atensyon ko sa kanila. “Parating na ‘yung police force pati na rin ‘yung dalawang suspects.”

Napatingin ako doon kay Carla na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at umiiyak habang nasa gilid niya sina Akira at Michiko. After a few minutes ay may nakita kaming sasakyan sa harapan ng bahay at pinagbuksan namin sila. Nandoon ‘yung ibang pulis na nakikita ko sa headquarters, and just like us, black rin ang mga mata nila ngayon. Naunang pumasok ang dalawang lalaki at nagmamadaling pumunta ‘yung isa kay Carla, habang ‘yung isa naman ay lumibot sa bahay hanggang sa mapunta siya sa banyo at natulala na lang.

“F-Francis...s-si ate...”

“Shh…shh…it’s going to be okay,” sabay yakap nung lalaki sa kanya at patuloy lang na umiyak si Carla.

“Catherine...” Napalingon naman agad ako doon sa isang lalaki at nakita kong tahimik siyang umiiyak habang nakatingin doon sa banyo. So this guy must be Chris.

“A-anong nangyari?” tanong bigla nung Francis.

“Naabutan naming wala nang buhay si Ms. Catherine Buenavista sa banyo,” sagot naman ni Naomi. “and you three called and messaged her last night and a while ago.”

“Wait, are you saying that we’re the suspects?” tanong ni Francis at nakita kong humigpit ang hawak niya doon kay Carla.

“Nasaan kayo at anong ginagawa niyo kagabi at kanina?” tanong agad ni Naomi sa kanila.

Habang nakikinig kami sa statements nila ay in-autopsy naman nung mga pulis ‘yung katawan. Ako naman, parang nahati ang utak ko sa dalawa—‘yung isa ay nakikinig at tinatry ideduce kung sino ang pumatay kay Catherine, habang ‘yung isa ay iniisip kung ano na namang ginagawa ni Kid.

Yes, I know it’s Kid. He’s nearby. I always got chills when he’s using his sixth sense. And he’s only using it when he’s battling with a strong enemy or when he’s with us. So it’s either kasama niya ngayon sina Dana at Keith, o may kinakalaban siya.

Kaya kailangan mo nang bumalik. We need you.

Dana’s voice echoed inside my head. Ito na ba ang tinutukoy niya? Pero...

‘Hey.’

‘H-huh?’
Nagpanic ako nung narinig ko ‘yung boses ni Hideo sa isip ko. I tried closing my mind then I saw him winced. Nagkatinginan kami at napabuntung-hininga ako. Buti na lang at sarado na ang isip ko.

“So you mean sa apartment mo siya nagstay kagabi?”

Bumalik naman ‘yung focus ko kay Michiko habang tinatanong niya si Chris.

“Oo. Ang sabi niya, wag ko raw ipaalam kahit kanino. Hindi naman ako makatanggi dahil ang lungkot ng mukha niya that time. Tapos kaninang paggising ko, wala na siya sa apartment. That’s why I called her pero walang sumasagot. Tinext ko rin siya nang ilang beses pero hindi siya nagrereply. Pumasok ako sa office, hoping that she’s there, pero wala. Tapos bigla na lang may mga sumundong pulis sa akin.”

“P-pero bakit hindi siya umuwi?” tanong naman sa kanya ni Carla at tumingin nang masama sa kanya si Chris.

“You should know the answer to that. You, of all people, should know.”

After sabihin ni Chris ‘yun ay namutla si Carla at napakapit siya nang mahigpit kay Francis.

“Stop it. Namatay ang kapatid niya pero ganyan pa ang tono ng pananalita mo?” depensa naman nung Francis.

Maybe they are a couple.
Sa kilos pa lang nila ay halata naman.

Habang iniinterrogate sila ay pumunta naman ako doon sa banyo at nakisama sa mga pulis na nag-iinspect. Habang tinatanggal nila ‘yung kutsilyo sa likod ni Catherine ay may napansin akong kakaiba. Bakit…ganun?

Tinanggal nila ‘yung coat ni Mitsuo doon sa bangkay at binalot nila ang katawan. After that ay nilabas siya para siguro dalhin sa morgue. Kinuha ko ‘yung coat niya at nabasa na dahil doon sa bloody water sa tub. Tinignan ko ‘yung shower na kanina ay bukas nung pumasok kami. Bakit kaya bukas ‘yun? Does that mean inatake siya habang naliligo? Pero bakit shower ang nakabukas? Hindi ba kapag naliligo ka sa tub ay ‘yung gripo ang nakabukas? And the position of the body when we discovered it is weird.

“What are you doing here?” Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Hideo ‘yun at lumapit siya sa akin pero nakafocus lang ako sa shower.

“Isn’t it weird? Imbes na faucet ay shower ang nakabukas?”
“What’s this?” tapos may kinuha si Hideo doon sa tub.
“Bakit nasa tub ‘yan?”
“Wait...”

Lalong akong nabother nung nakita ko ‘yun. Bakit nandoon ang bagay na ‘yun sa tub? Bakit nakabukas ‘yung shower? Bakit ganun ‘yung posisyon niya?

“Anong alibi nung dalawa?” tanong ko kaagad kay Hideo at sinabi niya naman agad sa akin.

Si Carla, nasa bahay lang nila buong gabi at ilang beses niya ring tinawagan ang ate niya pero hindi sinasagot. Nagtext rin siya pero walang reply. Dahil nag-aalala siya sa ate niya ay minabuti na niyang ipahanap sa amin dahil malapit lang ang agency sa kanila. Then after that ay umuwi siya kasama namin at naabutan na naming patay si Catherine. Si Francis naman, nasa condo niya lang at nagpapahinga. Then nakita ni Naomi kanina sa phone ni Catherine na tumawag siya kay Francis nung gabi. Tapos nung umaga ay si Francis naman ang tumawag dahil pinakiusapan siya ni Carla kasi hindi siya sinasagot ng ate niya.

Pumunta ulit kami ni Hideo doon sa sala at si Naomi naman ang nagtatanong ngayon. Nalaman na rin namin ‘yung result ng autopsy at ayon doon ay namatay si Catherine 2 hours ago, which means 7 AM.

“Anong oras ka umalis dito sa bahay mo?”

“6 AM,” sabi ni Carla.

“Pero 8 AM ka pumunta sa agency. Anong ginawa mo during those two hours?”

“N-nagpunta ako sa office ni Ate kasi baka nandoon siya. Almost 45 minutes ang byahe papunta doon. Pero nung sinabi ng guard na hindi pa raw pumapasok si Ate ay pumunta na ako sa agency.”

“Ishi, go to their office. Confirm her statement with the guard,” sabi naman ni Mayu doon sa isang pulis at umalis kaagad siya.

“How about you? May sinabi ba sa’yo si Ms. Catherine kagabi? And where were you after she left your house?” tanong naman ni Naomi kay Chris.

“Wala. Wala siyang sinabing kahit ano kahit na tinatanong ko siya. Basta ang sabi niya lang ay kung pwede siyang magstay hanggang umaga sa apartment ko. Pumayag naman ako pero pagkatapos nun ay nawala na siya.”

“Anong oras siya umalis?”
“Hindi ko alam. Nagising ako ng 6:15 at wala na siya.”
“Do you have any proof?”
“N-no...”

After him ay si Francis naman ang tinignan ni Naomi.

“How about you? Bakit ka tinawagan ni Ms. Catherine kagabi?”

Pagkasabi niya nun ay nag-iwas ng tingin si Francis at tumingin sa kanya si Carla with a confused look.

“T-tinawagan ka ni Ate kagabi?”
“Oh. Naalala ko na lumabas siya saglit kagabi habang hawak ‘yung phone niya,” dagdag naman ni Chris.
“Anong pinag-usapan niyo?” tanong ulit ni Naomi sa kanya.
“G-gusto niyang makipagkita sa akin but I turned her down.”
“Why would she want to meet with you?”

Walang nagsalita sa kanila nung tinanong ‘yun ni Naomi.
Nakatingin lang silang tatlo sa iba’t ibang direksyon and then I realized something. Tahimik pa rin sila kaya I broke the silence.

“Dahil may gusto siya sa’yo.”

Napatingin silang tatlo sa akin and during that time ay napayuko si Francis habang si Carla ay nakatingin sa kanya. Then I saw Chris with clenching his jaw. Now this is more complicated than I thought. Tumingin ako kay Hideo para sana iinspect ‘yung bagay na nakuha niya sa tub pero pagtingin ko sa kanya, bigla siyang yumuko at nagsmile.

‘Thank you, now I have an idea of what had happened.’

After that ay pumunta ulit siya sa banyo...and I followed him.


***