.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, March 6, 2015


***

“What do you mean? Alam mo na ang nangyari? Kilala mo na ang pumatay sa kanya?” tanong ko kaagad nung nasa harapan na kami ng bathtub.

“A little,” sabay taas niya doon sa nakuha niya sa tub...isang
hibla ng sinulid.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ibig sabihin hindi pa siya sigurado talaga? Ang gulo ng isang ‘to ah. Lumapit ako sa kanya para makita rin ‘yung white thread na nakuha niya. Pero bakit kaya nasa tub ‘yun?

“There’s a high probability na si Carla ang pumatay sa ate niya, right?” sabi ko sa kanya. “Siya lang ang may spare key sa bahay nila maliban sa biktima at siya ang mas nakakakilala sa kapatid niya. Pero kung siya nga, bakit pa siya pumunta sa agency para ireport na nawawala ang kapatid niya?”

“Maybe to create an alibi.” Napatingin naman ako kay Naomi na pumasok na rin dito sa banyo at kasunod niya sina Mitsuo, Akira, Michiko at Mayu.

“Anong ginagawa nila?” tanong ko kaagad dahil bigla na lang silang pumunta rito.

“Iniinspect sila and sinusubject sa ilang tests,” sagot naman ni Mayu.

“Ano ‘yan?” sabay lapit ni Akira kay Hideo at tinignan niya ‘yung sinulid na hawak niya, at ganun din ang ginawa nung iba.

“Saan mo nakita?” tanong naman ni Mitsuo sa kanya at tinuro ni Hideo ‘yung tub.

Kanya-kanya kaming naghanap ng spots para maapag-observe at deduce sa nangyari. Pero ‘yung kalahati ng isip ko ay nakafocus sa ibang bagay. I really want to end this murder case para hindi na madivert ‘yung isip ko.

“That Francis...siya lang ang tinawagan ni Catherine ‘di ba? And you said na dahil may gusto siya sa kanya,” tapos tinignan ako ni Michiko.

“Halata naman eh.”

“At kailan ka pa naging love expert?”

“Sabi nga nila, everyone is an expert when it comes to love,” dagdag naman ni Akira at ngumiti siya nang nakakaloko sa akin. I rolled my eyes in return.

“And since girlfriend niya si Carla, may motive rin siya para patayin si Catherine dahil nakakagulo siya sa relasyon nila. Ganun din ang motive ni Carla,” pagtutuloy ni Michiko.

“That Chris is suspicious too. Kung sa kanya nakitulog si Catherine, there’s a high probability na siya ang pumatay sa kanya. Pwedeng doon siya pinatay at dinala lang dito sa bahay to frame someone and he just made up his alibi,” sabi naman ni Naomi at natahimik kaming lahat.

“That’s impossible.” Pagkasabi nun ni Mitsuo ay kumunot ang noo ni Naomi.

“At bakit?”

“Kung dinala niya nga rito ang bangkay, don’t you think there will be traces of blood on his car? Chineck ko ‘yun kanina nung lumabas ako at wala naman. At kung sedated naman siya nung dinala rito at dito siya mismo pinatay, dapat ay may nadetect na chemical sa kanya.”

“And what if it’s just ammonia na nilagay sa panyo at tinakip sa bibig at ilong niya? The comfort room is the best room to place the body since matatanggal ‘yung amoy nun.”

“No. She was killed here,” sabi bigla ni Hideo na nakapagpatahimik doon sa dalawa.

“How did you know?”

“If she was killed at his apartment, the rigor mortis would be set when we discovered the body. But when we arrived, the body was not yet stiff.”

Natahimik ulit sila after sabihin ‘yun ni Hideo. Ginamit ko naman ang time na ‘yun para sabihin sa kanila ‘yung weird things na napansin ko kanina habang nakatingin ako sa bangkay.

“Mitsuo, hindi ba ang weird nung position ng knife?” tanong ko kaagad sa kanya dahil siya lang naman ang makakaalala nun.

“Yeah. And the body’s position is odd, too.”

“What do you mean?” tanong ni Naomi.

“Kasi ‘yung katawan niya ay nakalean sa tub at malapit sa faucet.
Hindi ba kapag nasa tub ka, kadalasan ay nasa opposite side ka nakaposisyon? And the knife...it’s upside down.”

“Upside down?” Nakuha kaagad nun ang attention ni Hideo.

“Siguro hindi niyo agad napansin dahil sa posisyon ng katawan. It seems natural. Pero kung nakatayo o nakahiga siya, ‘di ba dapat ay nakaharap sa baba ‘yung sharp edge at handle ng kutsilyo? Pero sa kanya, nakaharap sa itaas habang ‘yung blunt side ay nasa baba,” dagdag ni Mitsuo.

“Now that you mention it, that seems really odd. Dapat nakayuko siya at nasa harapan niya ‘yung murderer tapos saka siya sinaksak para ganun ang maging pwesto ng kutsilyo,” sabi naman ni Naomi.

“Or...” tapos biglang tumingin si Hideo sa may shower kaya napatingin din ako.

Something clicked inside my head and I immediately looked at him, because I knew we are thinking of the same thing. Pero napahinto ako nung naramdaman ko na naman ‘yung Black Dimension, and this time, nakita ko ring nagtwitch si Mayu.

“May gumalaw sa holographic markers ko,” biglang sabi niya kaya kinabahan ako.
“H-holographic markers?” Hindi ko pa naririnig ‘yun galing sa kanya.
“I put some of them within the vicinity para ma-alert ako kung may tao sa paligid...or enemies.”
“Saang part ang nadisturb?” tanong ni Michiko.
“Fifty meters away from here.”
“Ichecheck namin,” sabay hatak ni Michiko kay Akira.
“Sasama na rin ako.

After that ay umalis silang tatlo doon at naiwan kaming apat sa may banyo. Bigla namang umakyat si Naomi doon sa tub at inabot niya ‘yung shower.

“Guys, look.” May kinuha siya doon sa shower at nung pinakita niya sa amin ay sinulid din, katulad nung nakuha ni Hideo sa tub. Mas lalo lang tuloy akong naging sigurado sa nangyari. Pero kung ganun nga, then it’s a bit sad.

Mukhang nagets na rin nina Naomi at Mitsuo ‘yung nangyari. Naging malungkot ‘yung expression ni Naomi habang hawak-hawak niya ‘yung sinulid sa kamay niya.

Pinag-usapan namin sa isip namin ‘yung deductions at nagfit naman ang mga nakalap namin. Lumabas kami doon sa banyo at nagpunta sa sala kung saan kababalik lang nung tatlo. Umiiyak pa rin si Carla habang nakayakap sa kanya si Francis at si Chris ay pained and expression. Hindi kaya...

“Nakita namin ‘to sa tub,” sabay lapag ni Hideo doon sa sinulid. “The one who killed her is—”
“Wait.”

Pinutol ko ‘yung sasabihin niya dahil may gusto pa akong kumpirmahin. Tinignan ko si Francis habang nakayakap siya kay Carla.

“Alam mo bang may gusto sa’yo si Catherine dati pa?” tanong ko sa kanya.
“No. Nalaman ko lang nung naging kami na ni Carla. Kaya dumistansya na ako sa kanya simula nun.”
“So matagal mo na siyang kilala?”
“Of course. Naging magkaklase kami sa isang subject nung college.”

“At ginamit mo lang siya para makilala ang kapatid niya,” dagdag naman ni Chris and I’m pretty sure na may halong galit ‘yung pagsasalita niya.

“I didn’t. Hindi ko naman alam na...na may gusto siya sa akin.”

“Then you’re blind.”

“Stop it. Please...” sabi naman ni Carla.

“At ikaw. Alam mong matagal nang may gusto ang ate mo sa kanya bago ka pa niya makilala pero ganito pa ang ginawa mo.”

Natahimik si Carla sa sinabi ni Chris and I can see where his anger is coming. He
likes Catherine. I can sense that.

“Kaya ba pinatay mo siya para maging tahimik na ang relasyon niyo?” tanong ni Chris kay Carla.

“No! No...hindi ko pinatay si Ate. Hindi ko...hindi ko...magagawa ‘yun.”

“Okay, stop.
Wala na rin namang mangyayari kung magsisisihan pa kayo,” sabi naman ni Naomi. “We know how she was killed and who killed her.”

Natulala ‘yung tatlo at tumahimik sila after that.

“First, ‘yung oras ng pagkamatay niya. According sa autopsy, 7 AM siya namatay. That was an hour before you left your house,” sabi niya kay Carla. “And 45 minutes after you woke up at ganun din katagal ang byahe mula sa inyo papunta rito,” sabi niya naman kay Chris. “While you have no concrete alibi, Mr. Francis. That makes you three, suspects.”

“Nakalock rin ang pintuan at kayong magkapatid lang ang may susi sa bahay. Pero kung may kumuha man ng susi ng biktima, that’s a different story,” dagdag ni Mitsuo.

“Nung nakauwi siya rito sa bahay ay dumiretso siya sa banyo para maligo at doon siya pinatay. It’s either may kasama siya or may pumuslit sa bahay nang hindi niya alam...” napahinto ako sa pagsasalita at tinignan ko ‘yung sinulid na nasa lamesa. “
or she killed herself.”

Pagkasabi ko nun ay natulala silang tatlo.

“Maybe she wants to frame someone kaya nakaisip pa siya ng ganitong scenario. Of course, sino ba namang mag-aakalang pinatay niya ang sarili niya kung nasaksak siya sa likod? But it’s possible. Right?” tapos tumingin ako kay Hideo.

“Yeah. This thread is the proof. Naglusot siya ng sinulid sa handle ng kutsilyo at tinali niya ‘yung kabilang dulo sa butas ng shower. Kapag binuksan niya ‘yung shower, mapapatid ‘yung sinulid dahil sa force ng tubig at malalaglag ‘yung kutsilyo. That explains the body’s and knife’s position. Siguro hindi na niya napansin na nakabaligtad ‘yung kutsilyo habang tinatali niya at kaya malapit siya sa faucet ay para mabuksan niya ‘yun.”

“She killed herself...maybe because she can’t take the pain anymore,” dagdag ni Naomi. “She wants to frame you,” sabay tingin niya kay Carla, “siguro dahil kay Francis. Mas una silang nagkakilala pero ikaw ang minahal niya. Alam mong mahal siya ng kapatid mo dati pa pero kayo pa rin ang nagkatuluyan.”

After niyang sabihin ‘yun ay yumuko na lang si Carla at tahimik na umiyak habang si Francis ay confused na ang itsura. Hindi niya siguro alam ang tungkol doon at siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Catherine.

I never thought na makakaramdam ako ng lungkot habang nagsosolve ng crime. Pero naisantabi ko ‘yun kaagad nung biglang pumasok sina Mayu, Michiko at Akira sa loob. Napatingin muna sila doon sa tatlo habang iniescort sila ng mga pulis para makapagbigay ng statement sa nangyari.

‘Three Shinigamis and a Custos.’

Nung narinig ko ‘yung sinabi ni Michiko sa isip namin ay bigla akong kinabahan and at the same time, naexcite. Three Shinigamis...ibig sabihin ay magkakasama
sila.

They’re here.


***