.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, March 18, 2015


***

Three Shinigamis, huh? That means magkakasama nga sila. Pero ibig sabihin din ay may kakaibang nangyayari. Madalang mangyari ang ganitong sitwasyon, lalo na at magkakapareho sila ng status.

The Shinigami tribe has a hierarchy and is divided into five levels—the Soldiers, Assassins, Reapers, Elites and Royals. Ang Soldiers at Assassins ang gumagawa ng missions sa mundo ng humdrums at sila ang nagsusupply ng funds. ‘Yung pera na nakukuha nila mula sa humdrums na naghihire o gumagamit sa kanila ay binibigay sa tribe para sa projects na dinedevelop ng ilang Shinigami scientists. Reapers serve as the guards of the higher levels. Kadalasan ay sila ang pinapadala sa mahihirap na missions at nagliligpit sa mga malalakas na kalaban. Sa Elites naman nabibilang sina Kid, Dana at Keith. They are the Royal guards and they are usually sent to the most difficult missions and cases. They are strong enough to be on par with Senshin’s Atama, Huntres’ officers and Custos’ A class. Lastly, the Royals are the direct descendants of Ryou’s eldest son, and they serve as the leaders.

Ngayong magkakasama ang tatlong miyembro ng Elites, sigurado akong may nangyayaring hindi maganda. The members of the Elite can fight enemies alone. At kapag magkakasama sila, either may napakahirap na mission or they are in trouble.

“We should get back to Miyu,” biglang sabi ni Mayu.

Pinahandle na lang sa mga pulis ‘yung case at agad kaming tumakbo palabas. Pumunta kami kung saan nakapark si Miyu at pumasok kami sa loob.

‘Shinigamis, detected. Custos, detected.’

Napatingin agad kami doon sa computer sa harapan at may apat na dots na nakadisplay. One kilometer lang ang layo namin sa kanila kaya pinaandar agad ni Mayu ‘yung sasakyan. Habang nakafocus sila doon sa radar ay pumwesto ako sa likuran ni Akira dahil natatakpan niya si Hideo, para hindi niya magamit ang sixth sense niya sa akin. Palihim kong kinuha ‘yung libro doon sa mesa at nilagay ko sa loob ng damit ko.

“Nakita namin ‘yung laban nila kanina though hindi sandali lang. Kinakalaban nung tatlong Shinigami ang isang Custos at nagcacause sila ng panic sa mga tao. Dahil masyadong seryoso ang laban nila ay nadadamage ‘yung ibang buildings at baka may madamay na humdrums.”

Pagkasabi nun ni Akira ay tumaas ang tension dito sa loob ng sasakyan.
An all-out fight, huh. Sino kaya ang kalaban nila para maging seryoso sila?

“Watch out!” sigaw ko dahil naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension sa paligid.

Huminto si Miyu at agad-agad akong bumaba.
Sumunod naman sila sa akin at pagtingin namin sa labas, napatigil kami.

Nagbabagsakan na ‘yung debris sa ilang buildings na nasisira dahil sa labanan nila pero hindi sila napapansin ng mga ordinaryong tao dahil sa bilis ng pangyayari.

“Help the humdrums,” sabi ni Hideo tapos sabay-sabay silang bumalik kay Miyu para kuhanin ang weapons nila.

Ginamit ko naman ang pagkakataong ‘yun para magtago sa likod ng isang kotse at inopen ko ang small portion ng Black Dimension para ipadala ‘yung isa sa cards ko. After that ay bumalik ako sa pwesto namin pero may nakita akong bata na hindi na makagalaw doon sa pwesto niya at tinitignan lang ‘yung isang malaking bato na nalalaglag sa itaas niya.

Napatakbo ako agad sa direksyon na ‘yun at nilabas ko ang cards ko. I threw them upwards at tumama sila sa bato. Nahati ‘yung bato sa ilang parts at hinatak ko ‘yung bata papunta doon sa lugar kung saan wala masyadong debris. Bago niya pa marealize kung anong nangyari ay iniwan ko na siya doon at pumunta ako kung nasaan ‘yung anim.

“Maghiwa-hiwalay tayo at iinform niyo kaagad kapag may nangyari.”

After sabihin ‘yun ni Hideo ay nagscatter kaming pito. Agad naman akong tumakbo palayo at nilingon ko si Hideo kung saan siya nakapwesto. May nakita akong building sa kanan ko kaya nagtago agad ako doon para hindi niya ako makita then I opened the Black Dimension.

Nung nakaapak ako sa loob ay naging at ease ako. It’s been a long time since I’ve used it. Then may naramdaman akong movement kaya naging alert ako.

“Rielle?”

Nung narinig ko ang boses niya ay agad akong napangiti. Lumapit ako sa kanya at nakita kong hinihingal siya habang hawak-hawak niya ang isang double-edged sword. I smirked at him nung magkaharap na kami.

“Long time no see, Keith.”
“What are you doing here? Akala ko nasa base ka ng Senshins?”

Agad ko namang sinabi sa kanya kung anong nangyayari sa labas at sinabi niya rin sa akin kung anong lagay nila. Kaya rin pala alam niya kung anong kalagayan ko ay sinabi sa kanya ni Dana.

“Wait, you mean you’re battling with a Class A Custos?”

“She’s way stronger than Class A. Hindi ko alam kung may mas mataas pang level bukod doon pero kung meron man, baka doon siya kasali.”

“At bakit naman kayo nakikipaglaban sa kanya?”

“She attacked the base on the other side at may kinuha siya sa research labs.”

“What?!”

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya pala sumusugod ang Custos malapit sa entrance ng base kapag ginamit ang Black Dimension ay para madivert ang attention namin sa kanila, while in fact ay nasa other side ang pakay nila. The other entrance is located at Japan, malapit sa shrine ng pamilya nina Ryou. But that entrance is heavily guarded with Reapers and Assassins. Then that means natalo niya ang mga ‘yun ng mag-isa?

“Nasaan sina Dana at Kid?”
“Kino-corner nila ‘yung Custos. I’m on my way to them pero nakita ko ‘yung card mo.”
“Lead the way.”

Sinundan ko siya habang nagnanavigate kami sa Black Dimension. Hindi naman maalis sa isip ko kung anong nangyayari doon sa anim at baka mapansin nilang nawawala ako pati na ‘yung libro.

After a few seconds ay inopen ni Keith ‘yung Black Dimension at lumabas kami sa rooftop ng isang building. Nakita ko kaagad sina Dana at Kid pati na rin ‘yung Custos na kalaban nila. Narealize ko kaagad ‘yung sinabi ni Keith kanina dahil ang lakas ng presence ng Custos na ‘to kahit sa isang tinginan lang.

“Hmm, you look stronger than them,” sabi niya sa akin.

The Custos is wearing a spy suit with lots of gadgets on it. She has a shoulder-length ragged blonde hair and her eyes were blood-red.

“What did you steal?” tanong ko kaagad and I readied my cards.
“Oh I didn’t steal anything. But I did recover what you Shinigamis stole to us.”

I threw my cards at her but she easily deflected them. Then bigla rin siyang naghagis sa akin ng small knives but I repelled them towards her. Tumama ‘yung hilts nila doon sa Custos and she lost her balance.

“Kid!” sabay tingin ko sa kanya at tumango naman siya.

Kid manipulated the Black Dimension to open near her since it weakens the other tribes except us. Pero bago pa siya maabot nung Black Dimension ay nawala na siya doon at nasa pinakagilid na siya ng rooftop.

“I really want to play with you all but I don’t have enough time.”

Bigla naman siyang tumalon doon sa rooftop kaya napatakbo kami doon sa side niya. Pero pagtingin namin sa baba ay nakasakay na siya sa isang hand glider.

“Damn it!” sigaw ni Kid habang nakatingin na lang kami doon sa Custos mula sa malayo.

Sinabi naman sa akin ni Dana kung anong nangyari sa base.
Kaya pala madaling nakapasok ‘yung Custos ay dahil karamihan ng Reapers at Elites ay may ginagawang missions at ilan lang ang natira doon. Buti na lang daw at kararating lang nilang tatlo doon at naabutan nila ang nangyari kaya sila ang humabol sa kanya.

“Pero anong kinuha niya?”

“The eyes of their agents that I killed,” sabi ni Kid.

“Alam mo namang interested sa mga mata ng Erityians ang scientists at researchers. But somehow ay nalaman ng mga Custos na pinag-aaralan natin ang mga ‘yun,” dagdag ni Dana.

“It’s because you did a terrible job. Dapat ay hindi mo iniwan ‘yung mga bangkay nila na walang mata doon sa entrance,” sabi naman ni Keith kay Kid.

“Tss. Anong gusto mo? Ilibing ko pa sila?”

“Tumigil nga kayo. But we still have a problem.” Bigla namang tumuro sa baba si Dana at nakita ko doon sina Mitsuo at Naomi.

“I’ll handle them,” sabi ko sa kanila. Kailangan ko silang mapaniwala na wala nang labanan na nagaganap.

“No,” halos sabay-sabay nilang sagot sa akin tapos naging seryoso ang expression nila.

“We can handle them. Rielle, you should go back to the base. Oras na para bumalik ka at sa tingin ko ay tapos na ang mission mo sa kanila.” Seryosong nakatingin sa akin si Dana kaya hindi na ako nakapagsalita.

Sabay na tumalon sina Dana at Keith at mukhang kakalabanin talaga nila sina Naomi at Mitsuo. Gusto kong makita kung anong mangyayari pero pinigilan ako ni Kid.

“You’re not with them anymore, Rielle. Let’s go back to where you truly belong,” sabay hatak sa akin ni Kid and he opened the Black Dimension.

Hindi pa masyadong nagsisink-in sa akin kanina pero ngayong nasa Black Dimension na ako ay kakaiba ang nararamdaman ko.

I’m going home.


***