.

.

Chapter 23

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, March 26, 2015


***

“So how are you, Miss Senshin?”

Nilingon ko kaagad si Kid at nakita ko siyang nakangiti nang nakakaloko. Bwisit. Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Sa ilang buwan ko sa school na ‘yun, hindi ko naranasang bumalik sa Black Dimension dahil baka madetect ako ng devices nila. Kaya naman ngayong nandito na ako, namiss ko ang pakiramdam—the cold and chilling sensation of this dimension.

“Do you want to go back?”
“Bakit naman ako babalik dun?”
“Ewan. It seems like you’re close with them—”
“I’m not going back to them,” sabay tingin ko sa kanya.
“Okay. But seriously, ang tagal mo doon.”
“Hindi madaling makuha ‘yung libro because I need to be cautious when I’m with them.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa base.
Pero napahinto agad nung nakita ko ang sitwasyon ng base namin.

“Ito rin ang naabutan namin kanina,” sabi kaagad ni Kid nung huminto ako.
“Nasaan sina Mom and Dad? Si Rin? Si Sarah?”
“They’re safe. Nasa main chamber sila pati na ang mga natirang Elites and researchers.”
“Let’s go.”

Nagmadali kami papunta doon sa main chamber kung nasaan sina Dad at halos wala akong maramdamang presence sa paligid. Mukhang walang natirang Soldiers at Assassins dito sa loob. That means nandoon nga sila sa kabilang entrance and that Custos managed to take them down.

Nung nakarating kami doon ay agad kong binuksan ang pinto at napatingin silang lahat sa amin ni Kid. Hinanap ko kaagad si Rin pero hindi ko siya makita.
Si Mom lang ang nakita ko doon pati na rin si Sarah kaya lumapit ako sa kanila.

“Ate Rielle!” sabay yakap sa akin ni Sarah.
Nginitian ko naman siya tapos tumingin ako kay Mom.
“Nasaan si Dad and Rin?”
“Nasa entrance. They want to make sure na wala nang makakapasok doon.”

Nang sabihin ‘yun ni Mom ay humarap siya doon sa computers at nagsabi siya ng commands. Nakikita kasi doon lahat ng places sa base at inuutusan niya ‘yung natirang soldiers at assassins ng mga gagawin nila.

“Fucking Lace! Kung alam ko lang na aatake siya, sana napigilan ko siya! Paano niya nalaman na wala masyadong tao rito? Don’t tell me may spy dito? O masyado lang siyang magaling magtiming?”

Nagulat ako nung nagwala si Mom doon at tahimik lang kaming lahat. Kapag mainit ang ulo niya, madalas ay pinapabayaan lang namin siya dahil pwede kang mamatay kapag ginulo mo siya. Pero hindi ko akalain na kilala siya ni Mom. Lace, huh? Madalas pa naman ay ang natatandaan lang ni Mom na names ay ‘yung mga malalakas at on par sa kanya. Kaya pala parang pinaglalaruan niya lang kami kanina.

Bigla namang may nagclick sa utak ko.
Napaisip ako doon sa sinabi ni Mom. Lumapit ako kay Kid at bumulong ako sa kanya.

“Yung mata ng mga pinatay mong Custos agents ang kinuha nung Lace ‘di ba?”

“Yeah. Why?” bulong niya rin sa akin.

“Nung kinuha mo ang mga mata nila, kanino mo binigay?”

“Sa research lab, of course.”

“No. I mean specifically, kanino mo binigay?”

“Hindi ko na matandaan. I think...” Iniscan ni Kid ‘yung researchers na nandito ngayon sa main chambers.

“C’mon, Kid. Alalahanin mo.”

“I think, that one,” sabay tingin niya doon sa isang lalaki sa dulo.

Tinignan ko ‘yung lalaking naka-labgown habang nakatingin siya sa paligid. At nung mapatingin siya sa akin, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Sinugod ko siya.

Sa sobrang gulat niya ay hindi siya nakagalaw. Natumba siya at umupo ako sa tyan niya habang nakatutok sa leeg niya ang isa kong card. Biglang tumahimik ang paligid at lahat sila ay nagulat sa ginawa ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin pati na rin doon sa researcher.

“You’re a spy, aren’t you?”

Nakita ko kaagad sa mukha niya ang panic. Nung tinignan ko ang mata niya, alam ko kaagad na artificial lenses ang gamit niya para maging green ang kulay ng mata niya.

“I don’t know how you did it pero pagkatapos patayin ni Kid ang mga kasamahan mo, you slipped inside our base and pretended to be a researcher. Right?”

Naramdaman ko naman na nasa likuran ko si Kid.

“And he informed the Custos about the situation here. I see.” Lumapit sa akin si Kid at bumulong siya sa akin. “Mukhang may natutunan ka sa school na ‘yun.”

Hindi ko siya pinansin kahit alam kong nakangiti siya na parang nang-aasar. Nakatingin lang ako doon sa lalaki na ngayon ay biglang naging kalmado ang itsura.

“Heh. That’s right. Nakatakas ako nung nakita kong pinatay mo ang mga kasama ko. Sinundan kita hanggang sa makarating ka sa base. Pinatay ko ang researcher na ‘to at nagpanggap akong siya. Now I know why you’re collecting Erityian eyes—”

“Rielle, dalhin mo siya sa basement.
Lock him up. I’ll kill him in a painful way,” biglang sabi ni Mom.

Hindi ako agad nakagalaw dahil sobrang seryoso at kalmado ng boses niya. She’s scary when she’s mad pero mas nakakatakot siya kapag ganito na siya kakalmado. It’s like the calmness before the storm. Halos lahat ng nasa chamber ay hindi rin kumikilos at ang footsteps lang ni Mama papunta doon sa computers ang naririnig.

Nagulat naman ako nung biglang may humila sa kamay ko.

“I’d rather die on my own hands,” and then he tugged my hand. Hindi ko napigilan ang ginawa niya kaya dumiretso ‘yung hawak kong card sa leeg niya. Tumalsik ‘yung dugo sa mukha ko at halos kalahati ng card ko ang bumaon sa leeg niya. Agad kong hinila ‘yung card kaya tumalsik ulit sa akin ‘yung dugo niya.

He’s dead.

Napatingin agad ako kay Mom at kinilabutan ako dahil sa tingin niya. Dahil ayaw kong mabaling sa akin ang galit niya ay tumayo agad ako at binigay ko sa kanya ‘yung librong nakuha ko.

“Mom, here’s the book about Seventh Sense,” pag-iiba ko ng topic. Kinuha naman agad niya ‘yung libro at iniscan niya ang pages.

“This was written using the ancient writing system.”

“Yes. I actually know how to decode—”

“Scan it,” sabi niya doon sa isang researcher at binigay niya sa kanya ‘yung libro. Tumakbo naman ‘yung reseacher papunta doon sa kabilang dulo kung nasaan ang computers na ginagamit for research.

“Rielle, Kid, come with me.”

Napasunod agad kami ni Kid kay Mom nung tinawag niya kami. Lumabas kami doon sa main chamber at huminto si Mom sa isang hallway. Nagulat ako nung bigla niyang ginamit ang sixth sense niya and then all of a sudden ay nakaangat na si Kid at hawak-hawak ni Mom and leeg niya.

“Mom—”

“Silence!” Napatigil ako sa pagsasalita pero naaawa ako kay Kid dahil hindi na siya makahinga.

“This is your fault, Kid. Ang taas ng expectation ko sa’yo pero dahil lang sa hindi mo napatay ang isang ‘yun ay nagawa niyang makalusot dito.”

“I...I’m...s-sor...ry...” Halos nawawalan na ng kulay ‘yung mukha ni Kid kaya lalo akong nagpanic. I don’t want him to die but I can’t fight with my Mom.

“Good timing, Izumi.”

Napatingin naman agad ako sa paligid at naramdaman ko ang pagbukas ng Black Dimension. Halos maggive-up ang tuhod ko nung nakita ko si Izumi, one of the most powerful Elites and the guard of my Mom. Siya ang nagturo sa amin nina Kid, Dana at Keith makipaglaban noong mga bata pa kami. She’s as strict as Mom kaya takot din kami sa kanya.

“Lady,” sabay luhod ni Izumi sa harap ni Mom.
Binitawan ni Mom ang leeg ni Kid at bumagsak siya sa sahig habang umuubo.

“Lock him up.”
“Yes, Lady.”
“Mom! Wag mong gawin ‘to!”

“And you, child,” sabay turo niya sa akin habang si Izumi ay buhat-buhat si Kid palayo sa amin, “will go back to that school.”

Napatigil naman ako nung sinabi ‘yun ni Mom.
Babalik ako doon? Kasama ng mga Senshin? Bakit pa? Nakuha na niya ang gusto niyang makuha. Bakit kailangan ko pang bumalik?

“You need to go back. You’re the perfect spy for us, Rielle. You’ll be the
eye of our tribe, just like what the dead agent did for his tribe.”

Tumalikod si Mom sa akin at naglakad siya pabalik sa chamber. Napaupo ako sa sahig at tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong bumalik doon dahil alam kong naiiba ako, at ngayong nandito naman ako, tinataboy ako palayo.

I don’t know where to go anymore.


***