.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 1, 2015


***

“Ouch! Ouch!”

Sobrang higpit ng hawak ko doon sa unan dahil ang sakit ng paa ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nung doktor dahil ayokong tignan. Nung nakita ko kasi kanina ‘yung paa ko ay namamaga na at pulang-pula kaya hindi ko na ulit tinignan pa. Matapos ang isang oras ay pinagpahinga na ako ng doktor habang ‘yung assistant niya ay nakatingin sa akin. Kaming dalawa na lang dito sa room dahil ‘yung lima ay bumalik muna sa dorm habang si Naomi ay nasa kabilang kwarto.

“Ikaw pala ‘yung isa sa mga bago sa Atama.
Nice meeting you,” tapos yumuko siya sa akin. Nagnod na lang ako sa kanya tapos tinignan ko ‘yung name niya doon sa uniform niya, which is Yuuki. After niya akong icheck ulit ay umalis din siya kaagad.

Nung mag-isa na lang ako sa kwarto ay napabuntung-hininga ako at inisip ko lahat ng nangyari ngayong araw. Sa loob ng isang araw ay ang daming nagbago at mababago. Hindi ko alam kung kaya ko pang makatagal dito. Gusto ko nang bumalik pero ayaw naman ng pamilya ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar ngayon.

Idagdag pa ‘yung nangyari kay Kid. I know Mom can be cruel but I didn’t expect na gagawin niya ‘yun kay Kid. Nung nakita ko kanina ‘yung mga sugat niya at halos puro mantsa ng dugo ‘yung damit niya ay doon ako naiyak. Nagawa niya pang ngumiti-ngiti sa akin kanina kahit alam kong sobrang sakit ng katawan niya. Sana lang ay nakuha nina Dana at Keith ang card ko. Sana nabasa nila ‘yung sinulat ko tungkol kay Kid.

“Hey,” sabay bukas ng pinto at nakita ko ang pagmumukha ni Hideo. Hinigpitan ko ang pagkakasarado ko sa isip ko.

“Anong kailangan mo?” tanong ko tsaka ko siya binigyan ng matalim na tingin.

“Wala. Chineck lang kita.”

“I’m okay. Makakaalis ka na.”

“You’re not.”

Biglang nagflash sa isip ko ‘yung pag-uusap namin ni Kid kanina dahil ganun din ang naging takbo ng usapan namin. I immediately dismissed that thought. Hindi na lang ako umimik after that.

“Are you hiding something from us?”

Nung tinanong niya ‘yun at napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso ang expression niya kaya kinabahan ako. But I managed to control my emotions at tinignan ko rin siya nang seryoso.

“Lahat ng tao may sikretong tinatago,” sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin. Napaatras ‘yung ulo ko at naramdaman ko ang headboard habang ‘yung mukha niya ay nasa harapan ko.

“But yours seems to be deeper and darker.”

Tinulak ko siya palayo at tinignan ko siya nang masama. Gusto ko nang sumigaw dahil sa frustrations na nararamdaman ko pero kinalma ko ang sarili ko.

“We all have dark secrets that should never be revealed, Hideo. Hindi lang ako. Kaya kung tapos ka na sa pag-iinterrogate mo sa akin, pwede ba umalis ka muna? I want to rest.”

Natahimik siya pagkatapos kong sabihin ‘yun. Humiga ako sa kama at pinantalukbong ko sa mukha ko ‘yung kumot. Naghintay ako ng ilang segundo at narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Pagtingin ko, wala na si Hideo sa kwarto.

Tumulo agad ang luha ko pero hindi ako gumawa ng kahit anong ingay. I know Akira’s still around and I don’t want her to hear me crying.

We were trained to control our emotions, because they can lead us to danger or even death. Shinigami, is a tribe of killers, assassins and human weapons. We are not allowed to show any emotions except triumph and satisfaction.

Pinunasan ko ‘yung luha ko at kinalma ko ang sarili ko. Sabi ni Mom, crying is for the weak. And yes, I still believe that. Ayokong maturingang mahina kaya kinontrol ko ang emosyon ko. I am here for a reason and that’s to become the eye of our tribe.

***

Napabangon ako nung naramdaman kong may tao sa kwarto ko. Pagdilat ko, nakita ko ‘yung assistant ng doktor kanina na chinecheck ‘yung paa ko. Ni hindi ko napansin na nakatulog pala ako kanina. Sa pagkakatanda ko ay Yuuki ang pangalan niya. Napatingin siya sa akin at nginitian niya ako.

“Okay na ang paa mo. Naayos na ang muscles sa area ng sprain kaya makakapaglakad ka na nang maayos.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay agad kong inikut-ikot ‘yung paa ko at wala na akong naramdamang sakit. Wow. Magaling na nga. Ang bilis ng process ng paggagamot nila.

“Pwede kang magstay dito or umuwi sa dorm.”

“I’ll stay here,” sabi ko kaagad dahil gusto ko munang mag-isa.
Then naalala ko si Naomi sa kabilang kwarto. “Kamusta si Naomi? Tsaka nandyan pa ba sila?”

“She’s sleeping. Ayos na rin siya pero numb pa ang binti niya dahil sa anaesthetics. And sina Hideo, bumalik na sa dorm. Yung bago na lang din ang natira dyan,” sabay ayos niya doon sa kumot ko.

“Bago? Si Mitsuo?”

“Yeah. I think that’s his name.”

“Siya ang nagbabantay kay Naomi?” tanong ko habang nakakunot ang noo. Bakit siya ang nagbabantay? Kailan pa sila naging close?

“Yes. Nung pumunta ako sa kabila kanina, parang guilty ang expression niya. Siya ba ang may kasalanan nung nangyari—oh. Sorry, medyo personal na ata ‘yun. Sige magpahinga ka na.” After niyang sabihin ‘yun ay dumiretso siya sa pinto.

“Thanks...Yuuki.”

Pagkasabi ko nun ay napahinto siya at lumingon siya sa akin na parang gulat. Itatanong ko sana kung may problema ba pero nagnod lang siya sa akin at tuluyan nang lumabas. Pero nagulat ako nung biglang bumukas ‘yung pinto at nakita ko siyang sumilip.

“Oo nga pala, you can be at ease here. Naomi’s and this room are soundproof. But this room is special since brain emissions and magnetic waves can’t pass through the walls,” sabay ngiti niya. “Ininsist kasi ni Hideo na ito ang gawing room mo.” Sinara niya ‘yung pinto pagkatapos nun pero wala pang isang segundo ay bumukas ulit. “By the way, did I tell you my name?”

Tsaka ko narealize na ‘yung reaction niya kanina ay dahil nagulat siyang alam ko ang pangalan niya. Nginitian ko naman siya kaaagad.

“No. But I’m observant,” sabay tingin ko doon sa uniform niya. Sinundan niya naman ‘yung tingin ko at napatango siya dahil narealize niya na nakasulat ang pangalan niya doon. Pagkatapos nun ay sinara na niya ulit ‘yung pinto. Naging alert ako for one minute dahil baka bumukas na naman ulit ‘yung pinto pero hindi na nangyari kaya nakahinga na ako nang maluwag.

Ngayong mag-isa na lang ulit ako ay napatingin ako sa buong kwarto. So this is a soundproof room and hindi rin mababasa ng kahit na sino sa labas ang isip ko. That’s great. That explains Hideo’s action. Alam niyang kaming dalawa lang ang nakakaalam ng nangyayari dito sa loob kaya niya tinanong ‘yun.

And I think naghihinala na talaga siya sa akin.

You need to go back. You’re the perfect spy for us, Rielle. You’ll be the eye of our tribe, just like what the dead agent did for his tribe.

Biglang nag-echo sa tenga ko ang boses ni Mom at kinilabutan ako. Alam ko naman na para sa tribe ang ginagawa kong ‘to pero parang hindi ko na kaya. Pakiramdam ko kapag pinagpatuloy ko pa ‘to, may magbabago na sa akin. Pakiramdam ko, mawawala ang identity ko...and I don’t want that to happen.

Bumangon ako agad at dahan-dahan kong tinapak ‘yung paa ko sa sahig. Napapikit pa ako in case na may maramdaman akong kirot pero wala. Agad-agad kong sinuot ‘yung slippers at lumabas ako sa kwarto. Naglakad ako papunta sa kabila at sumilip muna ako bago pumasok. Pagtingin ko, tulog si Naomi habang nakaupo naman si Mitsuo doon sa sofa. Mukhang naramdaman niya ang presence ko dahil napatingin siya sa pinto. Dahil nakita niya na rin ako ay pumasok ako sa loob at naglakad palapit sa kanya.

“Looks like your foot is okay.”

“Yeah.
Ang effective ng treatment nila,” sabi ko tapos umupo ako sa tabi niya.

Pareho lang kaming nakatingin kay Naomi at wala nang nagsasalita sa amin. Pero kahit ganun, hindi awkward sa pakiramdam. It’s either sanay kami sa katahimikan or parehong malalim ang iniisip namin...or sadyang boring lang kami pareho.

“Why did you stay here?” tanong ko naman dahil bigla akong nacurious. Ang sabi ni Yuuki, parang guilty daw si Mitsuo sa nangyari kay Naomi pero ang totoo ay ako naman ang may kasalanan nun.

“I felt responsible for what has happened.”

“Pero ako ang may kasalanan.”

“Pero kung naging mas mabilis ako sa kilos ko, sana hindi kayo nandito. I was there but I can’t even protect both of you. I’m a man but I let two girls to get hurt in front of me.”

Nagulat ako sa narinig ko. I didn’t expect him to be a
gentleman. Ang tumatak na impression ko sa kanya ay short-tempered and cold. Pero ngayon ay nasaksihan ko ang pagiging caring niya. Nakatulala lang ako sa kanya at hindi talaga ako makapaniwala.

“Si Mitsuo ka ba?” I absent-mindedly asked and in return, tinignan niya ako nang masama habang nakakunot ang kilay at noo niya. “Okay. Si Mitsuo ka nga.”

“I know that you see me as aloof and unapprochable,” tapos napansin kong naging relaxed ‘yung balikat niya at sumandal siya sa sofa, “but I really care for people who appreciate me.”

Nakita ko naman na parang naging malungkot ‘yung expression niya and for the first time ay parang naging calm ang mukha niya.

“I’m from a family of executioners.” Nung narinig ko ‘yun ay nagulat na naman ako. Sinasabi niya sa akin ang background niya. Ni hindi ko inexpect na malalaman ko ‘to mula sa kanya kahit simula pa lang nung nagkita kami ay curious na curious na ako. “Kaya nga sabi ko ay sanay na akong makakita ng patay o mga bangkay. Dahil kami mismo ang pumapatay sa kanila.”

Then I suddenly realized that we’re the same. We are born and raised to be
killers.

“Lahat ng S+ criminals o ‘yung mga sobrang bigat ng ginawang kasalanan, kami ang nagbibigay ng parusa. Kaya nga hindi rin alam ng publiko kung sino ang mga kriminal na ‘yun dahil may special police force na humuhuli sa kanila at hindi sila kilala ng media. Of course, they are composed of Senshins. Oras na nakahuli sila ay ipapadala agad sa lugar namin at kami na ang mamamahala. And Sir Kyo is one of those police.”

“Si Kyo? I mean, si Sir Kyo? Talaga?”

“Yes. Kaya rin ako nakapasok dito ay dahil magkakilala si Lolo at Sir Kyo. Hindi ko naman talaga gustong pumunta rito. Gaya nga ng sinabi ko nung una tayong magkita.”

Naalala ko naman ‘yung una naming pagkikita. That was months ago but I can still remember it clearly. Sinabi niyang dahil lang sa lolo niya kaya siya napunta dito at sa Atama kahit ayaw niya. Conceited daw kasi ang mga nabibilang dun.

“Bakit ka pinilit ng lolo mo na pumunta rito?” tanong ko dahil sobrang nacucurious ako sa pagkatao niya.

“Because my sixth sense can be used to collect information about the criminals, to hunt them, rather than for execution.”

Sabagay. Tama naman ‘yun. So that’s the reason kung bakit siya nandito. And that explains his personality. Kaya pala parang galit siya nung una kaming magkita. Napilitan lang siyang pumasok dito dahil sa gamit ng sixth sense niya.

“During our cases, I saw lots of dead bodies. Hindi naman na bago sa akin ‘yun pero ‘yung mga pamilya at kaibigan nila na umiiyak sa pagkamatay nila, ‘yun ang bago. Lahat ng kriminal na ineexecute namin, wala ang mga pamilya o kaibigan para umiyak sa kanila. Doon ako nasanay. I always believe that they deserve to die and no one should grieve for them.”

“So now, you’re afraid to lose those important to you?
Dahil sa nakita mo sa cases na sinolve natin. Kaya ngayon, pakiramdam mo responsible ka sa nangyari sa amin.”

“Yes. I thought you two would die. Buti na lang...buti na lang umalis ‘yung mga Shinigami.”

Narinig ko naman na nagcrack ‘yung boses niya and I could feel his anxiety and fear. Tinapik ko naman ‘yung likod niya dahil hindi ko alam kung paano siya icomfort. And somehow, nararamdaman ko ‘yung nararamdaman niya. Kasi nung tinarget ko si Keith at Naomi kanina ay natakot din ako para sa kanila. But I had no choice since that’s the only thing that I can do.

Tumahimik kami nang matagal and during that time ay marami akong napag-isip-isip. Nung mga 3 AM na ay nagpaalam na ako sa kanya. Pinagbantaan niya pa akong wag ko raw sasabihin sa iba ‘yung pinag-usapan namin pati na ‘yung muntik niyang pagbreakdown. Umoo naman ako. Well, at least may pang-blackmail na ako sa kanya kapag nagkataon.

Paglabas ko ng kwarto ni Naomi ay hindi ako dumiretso sa kwarto ko. Lumabas ako sa ospital at sinigurado kong walang nakakita sa akin.
Dumaan ako sa route na hindi ako mapapansin papunta sa gubat. Ewan ko ba pero naaakit talaga ako sa place na ‘to. Maybe because it has similarities to Black Dimension—dark, eerie and cold.

Naglakad lang ako nang naglakad para marelax ang utak ko. Saka ko lang napansin na parang unfamiliar na ang part na ‘to. I think nasa east side ako...or west? Hindi ko na maalala.

Babalik na sana ako pero napatigil ako nung may nakita akong parang kuminang sa right side ko. Pagtingin ko, mga bulaklak pala. Pero ang hindi ko inaasahan ay ‘yung kulay nila.

It’s
green.

Lumapit agad ako doon at tinignan ko ‘yung mga bulaklak. Akala ko namamalikmata lang ako pero green talaga ang kulay nila but not like the color of the leaves. Para silang naggoglow kapag gabi. Ang gandang tignan.

Pipitas na sana ako ng isa pero napatigil ako dahil nakaramdam ako ng
chill...or more like a presence. Naging alert ako at nilibot ko ang tingin sa paligid since sanay naman ang mata ko sa dilim. And then I saw something that sent chills all over my body.

I saw two ferocious eyes staring at me.


***