.

.

Chapter 26

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 6, 2015


***

Hindi ako gumalaw dahil alam kong may nakatingin sa akin. Pinakiramdaman ko siya pero hindi rin siya gumagalaw. Ang naririnig ko lang sa paligid ay ‘yung paghampas ng hangin sa mga puno. Dahan-dahan kong kinuha ang cards sa bulsa ko pero mukhang nasense niya ang movement ko kaya bigla siyang sumugod...

At halos mapasigaw ako nung makita ko ang itsura niya.

Napasandal ako sa puno habang nasa harapan ko ang isang malaking oso na thrice ng laki at lapad ko. Pero ang mas nakakagulat ay ‘yung fur niya dahil patusok kaya nagmukha siyang higanteng hedgehog na nakatayo. Tapos marami ring scars ang mukha niya at ang hahaba ng claws niya.

Is this
really a bear? Ngayon lang ako nakakita ng ganito ang itsura.

But there’s nothing to worry about. I can handle it. This is just like any monstrous animals. They can be dangerous but they only use their instincts.

Bigla naman siyang nagroar at sumugod sa akin kaya tumalon agad ako sa taas ng puno. Tumama siya doon sa trunk kung saan ako nakasandal kanina at sobrang lakas ng pag-uga ng puno to the point na muntik na akong malaglag. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil muntik na niya akong masunggaban. Hindi ko akalaing sobrang bilis ng kilos niya. At pagtingin ko doon sa puno ay butas-butas na ang trunk dahil doon sa matalas niyang balahibo.

The bear roared at me again and it slammed its body to the tree. This time, sobrang lakas ng impact kaya na-uproot ‘yung puno at bumagsak. Tumalon agad ako at tumakbo papunta sa katabing puno. Mukhang hindi naman ako nakita nung oso kasi nakafocus pa rin siya doon sa punong itinumba niya at inislash niya ‘yung claws niya doon na parang hinahanap niya ako.

Gagamitin ko na sana ang time na ‘yun para tumakas dahil ayaw kong kalabanin ang isang ‘to. Baka kasi may makakita o may makaramdam na may nangyayaring kakaiba rito sa gubat. Pero muntik na akong mapasigaw nung naramdaman ko ang sakit sa paa ko.

Shit! Sabi ni Yuuki, ayos na raw ang sprain ko pero bakit parang bumalik ulit? Ang sakit! Paano ako ngayon makakatakas sa isang ‘to?

“Meow.”

Napahinto naman ako sa paggalaw nung narinig ko ‘yun. Hinanap ko kaagad kung saan galing ang tunog at nakita ko sa likod ng oso si Demi. Mukhang hindi niya pa alam na may oso sa harapan niya dahil palinga-linga lang siya. Hindi naman kasi kaagad makikita ‘yung oso dahil dark ang kulay niya.
Pinilit kong kunin ang atensyon ni Demi pero hindi niya ako makita. Pero nung tumalikod ‘yung oso ay natakot ako para kay Demi.

“Demi!”

Parehong napatingin sa akin si Demi pati na ‘yung oso. Nakahinga ako nang maluwag nung hindi tuluyang lumingon ‘yung oso kay Demi dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya, at nakita na rin ako ni Demi.
Pero ang problema ay nahanap rin ako ng oso at tumakbo siya papunta sa puno kung nasaan ako.

Hindi ako makagalaw dahil sa bwisit na paa ko kaya inatake ko na lang siya gamit ang cards ko. Tinamaan siya sa kaliwang pisngi at nagroar siya pero pinagpatuloy niya pa rin ang pagtakbo papunta sa akin. Shit talaga! Hindi ko magamit ang buong lakas ko dahil sa posisyon ko at sa paa ko.

Saglit kong hinanap si Demi sa likuran nung oso pero pagtingin ko doon ay wala na siya. Mukhang natakot siya kaya tumakbo pabalik sa school. Kung kaya ko lang din sanang gawin ‘yun...

Wait.

I can use the Black Dimension!

Pero baka madetect ako rito. Or not? Medyo malayo naman ako sa campus. Kaso kailangan ko nang mag-ingat dahil masyado nang nagsususpetsya sa akin si Hideo.

Damn it, Akemi! Nasa panganib ka ngayon! Uunahin mo pa ba ‘yang tingin ng Hideo na ‘yan?!

Pagkatapos kong makipagtalo sa sarili ko ay napagdesisyunan kong gamitin ang Black Dimension. I have no other choice! Mamamatay ako rito kapag hindi ko ‘yun ginawa!

Bigla namang nagroar ulit ‘yung oso nang sobrang lakas kaya niready ko na ang sarili ko. I was about to open a portion of the Black Dimension nung biglang...

May naramdaman akong mas nakakatakot na presence. My instincts took over at yumuko agad ako dahil alam kong may masamang mangyayari sa akin kapag hindi ko ‘yun ginawa. Then all of a sudden ay naputol ‘yung puno kung nasaan ako, at kung hindi ako nakayuko ay paniguradong naputol din ang ulo ko. Nung tinignan ko ‘yung oso ay huminto na siya sa pagtakbo at hindi na gumagalaw. After a few seconds ay bigla na lang siyang natumba at parang nagkaroon ng panandaliang earthquake dahil doon. Parang ayaw ko nang alamin kung gaano kabigat ang osong ‘yun.

Hinanap ko kaagad ‘yung nakakatakot na presence at napahinto ako nung nakita ko kung sino ang nasa likod ng oso.

“Meow.”

Nakita ko si Demi na akala ko ay tumakbo pabalik dahil sa takot, at kasama niya si Hideo habang may hawak-hawak na malaking espada.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” mariin niyang sabi at naglakad siya papalapit sa akin.

Naalala ko ang unang beses na nakita ko siyang sobrang seryoso at dito rin ‘yun sa gubat. Pero ngayon, bukod sa seryoso ay mukhang galit din siya. Hindi ako sumagot at hindi rin ako gumalaw dahil sobrang sakit pa rin ng paa ko.

“I told you, we’re not allowed to venture this forest. At ngayon, alam mo na kung bakit,” sabay tingin niya doon sa oso na pinabagsak niya. “There are many peculiar and dangerous animals residing here, and most of them are active during the night. They will attack anything or
anyone who’s stupid enough to cross their territories.” Nakakunot ang noo niya at nakatingin siya sa akin nang masama habang sinasabi ‘yun.

“So sinasabi mong stupid ako?” Uminit kaagad ang ulo ko sa sinabi niya at pinipigilan ko lang ang sarili kong ibato sa kanya ang cards na hawak ko. Nakatingin lang siya sa akin at nagpakawala ng buntung-hininga. After that ay bumalik na sa dati ang expression niya—ang walang expression niyang mukha.

“Let’s go. Buti nakita ko si Demi kanina at nalaman kong nandito ka.” Nagulat naman ako nung narinig ko ‘yun.

“Si Demi? Pumunta sa’yo si Demi?” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Yeah. She was hissing at me and I don’t know why. Tapos bigla siyang tumakbo papunta sa gubat kaya sinundan ko siya.”

Napatingin ulit ako kay Demi habang umaakyat siya papunta sa ulo ni Hideo. Kung hindi lang seryoso ang usapan na ‘to ay kanina pa ako natawa dahil sa itsura nila. Pero masyadong mabilis ang nangyari at imposibleng tumakbo si Demi sa maikling panahon paalis at papuntang gubat. I’m sure she used the Black Dimension. Seriously, this cat is intelligent.

“Bumaba ka na dyan. Baka biglang may sumugod na naman dito.”

“Actually, that’s the problem.”

“What do you mean?”

“I think, nasprain na naman ang paa ko.”

After kong sabihin ‘yun ay nakatingin lang siya sa akin ng ilang minuto at mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napabuntung-hininga ulit siya at lumapit siya dito sa may puno. Binaba niya ‘yung sword na hawak niya pati na rin si Demi at tumalon siya papunta sa branch kung nasaan ako.

“You’re really troublesome,” sabay buhat niya sa akin at tumalon siya pababa.

“I know. I think trouble has a crush on me,” bulong ko naman sa sarili ko.

“That means trouble is a guy.”

“Ha-ha. Corny mo.”

Hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng mata ko or what pero nakita ko siyang nagsmile ng konti. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko na kausapin ang isang ‘to. Parang kanina lang sa ospital ay sobrang seryoso ng usapan namin at ayaw ko na siyang makita pero ngayon, eto ako, buhat-buhat ng lalaking ‘to.

Binaba niya muna ako doon sa lupa pagkatapos ay umupo siya nang nakatalikod sa akin.

“Sakay,” sabi niya habang nakalingon. Kumapit naman ako sa leeg niya at binuhat niya ako sa likuran niya habang hawak-hawak niya ‘yung sword. Sumakay din si Demi sa kanya at as usual, doon siya sa favorite spot niya.

Naglakad siya nang tahimik habang ako ay naging alert sa paligid. Baka bigla na lang may sumugod na naman sa amin. Sa ilang beses na pumunta ako rito sa gubat ay ngayon lang ako nakaencounter ng hayop. Ang nakakainis lang ay naencounter ko ‘yun kung kailan injured ako. Kung hindi lang sana ay mabilis ko nang napabagsak ang oso na ‘yun kanina. Tsk. Nagka-utang na loob pa tuloy ako sa lalaking ‘to.

“Sorry for what I’ve said earlier,” biglang sabi niya. Hindi naman ako nagsalita at bumigat ang pakiramdam ko pero hindi ko alam kung bakit.

Tumahimik ulit siya after that at narealize ko na kung bakit ganun ang naramdaman ko.

I was scared. Natakot ako na baka mahuli niya ako at malaman ang totoong pagkatao ko. Malalaman niyang Shinigami ako at nagpapanggap lang akong Senshin. Wala naman akong pakialam kung anong iisipin nila kapag nangyari ‘yun, as long as nagawa ko ang mission ko. Pero ngayon, nacucurious ako kung anong magiging reactions nila. Siguro magagalit sila sa akin. Siguro maglalaban-laban kami.

Inalis ko naman kaagad ang idea na ‘yun. Kung sakali mang mangyari ‘yun ay ayoko silang makalaban. Maybe I’ll let Kid, Dana and Keith fight them.

“Are you okay?” tanong bigla ni Hideo.

Umikot naman bigla ang paningin ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa lahat ng nangyari ngayong araw. Ni hindi ako masyadong nakapagpahinga sa kwarto ko kanina dahil sa dami ng iniisip ko. Sumandal na lang ako sa balikat niya at pumikit dahil ang bigat na rin ng mga mata ko.

“Thank you...for saving me,” bulong ko sa kanya and then exhaustion forced me into sleep.

“Always...as long as trouble has a crush on you.”


***