.

.

Chapter 27

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 20, 2015


***

Ang weird ng panaginip ko kanina. Parang may sinabi si Hideo na something pero hindi ko marinig. Oh well, panaginip lang naman. Hayaan na nga. Bumangon ako at pinakiramdaman ko muna ang paa ko.

“Oh, ‘wag ka munang aalis dyan. Ikaw rin, Naomi! Bakit ba ang kulit niyong dalawa?”

Nagkatinginan kami ni Naomi na pababa na rin pala ng kama at napangiti na lang kami sa sinabi ni Akira. Para tuloy siyang magulang namin dahil binabantayan niya kami dito sa room. Actually, nandito na kami sa dorm namin dahil pareho naming ayaw magstay sa ospital. Kaya ngayon ay si Akira ang nakukunsumi sa amin.

“Akira, ayos na ako,” sabi ni Naomi.

“Ako rin,” dagdag ko pa.

“Wala akong pakialam. Basta bawal kayong umalis dyan. Kundi, papapuntahin ko rito sina Hideo at Mitsuo.”

“Ano namang kinalaman nila?” tanong ko pero pinagsisihan ko kaagad ‘yun dahil may namuong nakakalokong ngitisa mga labi ni Akira.

“Akemi, don’t underestimate my ears,” sabay turo niya sa tenga niya.

“Fine, fine.”

Umayos ulit ako ng upo ko sa kama dahil ayoko nang maalala ‘yung mga nangyari kagabi. Narinig pala ni Akira ‘yung mga pag-uusap namin. Nakakainis talaga ang sixth sense niya sa mga ganitong sitwasyon.

Tinransfer kaming dalawa ni Naomi sa kwarto namin sa dorm para na rin makapagpahinga nang maayos. At isa pa ay pareho naming mas gusto rito. Napatingin naman ako kay Naomi na katabi ko lang sa kama at huminga ako nang malalim.

“Sorry nga pala,” sabi ko sabay tingin sa binti niya.

“It’s okay. Aksidente lang naman ang nangyari.
Besides, natamaan mo rin si Daiki.”

“Yeah...”

Naisip ko naman bigla si Keith. Natamaan ko nga rin siya pero alam kong hindi siya napuruhan. Isa pa, useful din ang sixth sense niya sa mga ganung klaseng sitwasyon. Ang mas iniisip ko ngayon ay si Kid. Ano na kayang nangyari sa kanya? Napuntahan na ba siya nina Dana at Keith? Nakapag-usap ba silang tatlo? Ano na kayang binabalak nila? At ano nang ginagawa nina Mom?

“Huy!” Napatingin naman ako bigla kay Michiko na nasa harapan ko na. Teka, bakit nandito siya?

“Kanina ka pa nakatulala dyan.
Hindi mo tuloy sila napansing pumasok,” sabi ni Akira sa akin.

Saka ko lang nakita na nasa loob na nga ng kwarto namin sina Mayu at Michiko. Masyadong malalim ang mga iniisip ko kanina kaya hindi ko na sila napansin. Sinarado ko na lang ang isip ko para makapagfocus sa nangyayari ngayon.

‘Your mind is really hard to read.’
Tumingin agad ako kay Naomi na nasa tabi ko pero nakatingin lang siya sa harapan niya at nakikipag-usap kay Michiko. How can she do that? Hindi ba nakakalito na kinakausap niya si Michiko using her real voice at ako naman by her inner voice?

‘Bakit mo kasi binabasa ang isip ko?’
tanong ko na lang sa kanya at mas lalo ko pang sinara ang isip ko.

‘Hindi ko rin alam. Siguro kasi dahil mahirap? It’s in our nature to try things that are challenging, dangerous and forbidden. Alam kong ganun ka rin.’

Natahimik na lang ako sa sinabi niya dahil totoo ‘yun.
Minsan napapaisip ako kung may alam ba si Naomi sa totoong pagkatao ko, just like Hideo. Sila talaga ang pinakamautak sa kanila and what’s worse is sila pa ang lagi kong nakakasama.

‘By the way, alam mo bang si Mitsuo ang nagbantay sa’yo?’
Iniba ko na lang ang usapan dahil baka macorner ako. This time, ako ang cocorner sa kanya.

‘Really?’
tapos napatingin siya sa akin.

“Hey, hey. Ishare niyo naman ang pinag-uusapan niyo. Stop using your inner voice!” sigaw sa amin ni Michiko at umakyat siya sa kama. Nagsunuran naman sina Akira at Mayu. Tsk. Mga tsismosang ‘to. Napabuntung-hininga na lang ako at hinarap ko sila.

“Sinasabi ko lang na si Mitsuo ang nagbantay sa kanya,” sabi ko sa kanila at tinignan nila si Naomi nang nakakaloko kaya nakisali na rin ako.

“I knew it! Kaya siya nagpaiwan doon sa room mo,” dagdag ni Akira habang nakaturo kay Naomi.

“I think nagstay siya doon hanggang umaga. Nakita ko siyang palabas pa lang ng ospital nung bandang 6 AM,” sabi pa ni Mayu habang inaadjust ang salamin niya.

“Oh, bakit namumula?” tukso ni Michiko kay Naomi.

“May gusto ka ba sa kanya?” tanong ko.

Natahimik silang apat at nakatingin lang sila sa akin. Then after a few seconds ay humagalpak sa kakatawa sina Akira at Michiko habang si Mayu ay nagpipigil ng tawa. Si Naomi naman ay parang naestatwa na sa pwesto niya at hindi na makapagsalita.

“Yan ang gusto ko sa’yo Akemi eh. Straight to the point!” sabay tawa ulit ni Akira.

“Maski ako nagulat!
Ayan nawala na tuloy kaluluwa niya,” sabi naman ni Michiko habang inaalog-alog si Naomi.

So may gusto nga siya kay Mitsuo? Whoa. Alam kong trip niyang asarin at hampas-hampasin si Mitsuo kahit nung una pa lang silang nagkita pero hindi ko inexpect na ganito na pala. At hindi ko rin alam kung anong nakita ni Naomi sa lalaking ‘yun na lagi lang nakakunot ang noo. Pareho lang naman sila ni Hideo na walang expression ang pagmumukha at parang mga tuod kung umasta. But then, naalala ko ang other side ni Mitsuo kagabi—his soft side. Hindi ko talaga akalaing sobra siyang nag-alala sa amin kahit na galing siya sa pamilya ng executioners.

“Eh kayo ni Hideo, kamusta?” biglang tanong ni Akira habang nakangiti nang sobra.

“Anong kamusta? Ayos lang,” sagot ko naman.

“Sus! I told you, I heard everything from here.”

“Bakit? Bakit? Anong nangyari sa kanila?”
Tsismosa talaga ‘tong si Michiko.

“Ganito kasi ‘yun.”

Bigla namang tumayo si Akira habang hatak-hatak si Michiko at sinabi niya ‘yung mga narinig niya. Gumawa pa talaga sila ng dialogue at napailing na lang ako sa sobrang OA ng acting nila.

“Tapos narinig ko pa si Hideo na nagsabing...
Always. As long as trouble has a crush on you.” Bigla silang naghiyawan at nagtawanan after that habang ako ay nagulat.

He said that? Teka, panaginip ko lang ‘yun ah. Hindi naman pwedeng narinig ni Akira ang nangyayari sa panaginip ko. Does that mean, sinabi niya talaga ‘yun?

“This would be a great shot,” biglang sabi ni Mayu at may nilabas siya na parang cellphone at kinuhanan niya kami. After that ay may lumabas sa screen na projection at picture namin ni Naomi ang nakadisplay na nakatulala lang kami.

Matapos ang mahaba-haba nilang pang-aasar ay nagpahinga na rin sila. Umalis silang tatlo para sa klase habang kaming dalawa ni Naomi ay naiwan dito para magpahinga. Ginalaw-galaw ko ulit ang paa ko at mukhang okay naman na. Siguro naman wala na akong maeencounter na bear o kahit anong hayop dito na magcacause pa ng panibagong sprain.

Umalis din si Naomi sa kama at nagsimulang maglakad-lakad sa kwarto. Mukhang okay na rin ang binti niya. Buti na lang talaga at hindi masyadong malalim ang sugat na nagawa ko sa kanya. Then all of a sudden ay parang may narinig akong ingay sa labas.
Hindi ko na lang pinansin dahil parang galing naman sa malayo.

“I was just thinking,” sabi niya tapos huminto siya sa harapan ko. “Hindi kaya kilala tayo ng mga Shinigami na sumugod sa atin? And I think may nangyari sa kanila nung Custos agent. Siguro sumugod siya sa base nila and hinabol naman siya ng Shinigamis. But they didn’t expect na nandoon din tayo sa vicinity kaya napilitan silang kalabanin tayo. Napansin kong hindi nila kami sineryoso at parang alam nila ang sixth sense namin tapos mas focused sila doon sa paghabol sa Custos agent. Sa tingin mo may kinuha o ginawa siya sa base nila?”

Natulala na lang ako sa kanya.
Seriously, this girl is amazing and terrifying at the same time. Halos nakuha niya ang totoong nangyari gamit lang ang observation at ang isip niya. Her reasoning capability is unbelievable!

“Maybe. I think both tribes are making their moves,” sabi ko na lang habang tumatayo.

“At mukhang dahil doon ay may tension na namumuo pati sa Senshins. I don’t know about the Huntres, though. Masyadong isolated ang base nila.”

Napatigil naman kami sa pag-uusap nung biglang may kumatok sa pinto. Nagtinginan pa kami at in the end ay si Naomi na ang nagbukas ng pinto.

“Anong ginagawa—”
“Let’s go.”

Biglang hinatak ni Mitsuo si Naomi palabas ng room at sa likuran niya ay nakatayo rin si Hideo. Pumasok siya sa loob at hinatak niya rin ang kamay ko kaya napatayo ako.

“Wait! What are you doing? Anong nangyayari?”

Hindi niya ako sinagot at kumuha lang siya ng coat sa closet tapos binato sa akin. Hinatak niya ako palabas ng room namin at nasa unahan naman namin sina Mitsuo at Naomi.

“Teka, ano bang—”

“Case. May nagtanim ng mga bomba sa city at every thirty minutes ay may sumasabog,” sabi niya sa akin at natahimik ako.

“Mayu and the others are on their way to the city. Maging ang ilang estudyante sa ibang families ay pumunta rin doon para tumulong maghanap ng mga bomba at madetonate ang mga ‘yun.” Narinig ko ang pag-eexplain ni Mitsuo kay Naomi.

Then I realized kung bakit kami hinatak ng dalawang ‘to. Our sixth sense may be effective on preventing the explosions.

Narinig ko naman si Demi sa tabi namin at naglalakad siya kasabay namin.
Tinignan ko siyang mabuti at nakita kong may nakataling note sa leeg niya kaya nagpanic ako dahil baka makita ni Hideo. Bumitaw ako sa kanya at kinarga ko si Demi habang patagong kinukuha ‘yung note, pagkatapos ay pinatong ko siya sa ulo ni Hideo na favorite spot niya.

Binulsa ko muna iyon at may narinig na naman akong ingay mula sa labas. This time, alam kong ang naririnig ko ay pagsabog ng bomba.

“Ayos na ba ang paa mo?” biglang tanong ni Hideo habang palabas kami ng dorm.

“Yeah. Sana ay wag na ulit masprain dahil nakakairita na.”

“Kasalanan mo naman kung bakit ka nagkaganun.” Nung sinabi niya ‘yun ay tinignan ko siya nang masama. Tss. Kailangan sa kanya pa manggaling? Alam ko naman ‘yun sa sarili ko no.

“Whatever.”

Agad kaming tumakbo papunta kay Miyu dahil hindi iyon ginamit nina Akira. Sumakay kaming apat pero muntik na akong masubsob dahil sa bwisit na pajamas ko. Kasi naman, nanghatak agad ‘tong dalawang lalaking ‘to! Ni hindi man lang kami pinagpalit ng damit!

“Mag-ingat ka nga. Hindi sa lahat ng oras, may tutulong sa’yo,” sabi ni Hideo habang nakahawak sa wrist ko kaya binawi ko kaagad ‘yun at umakyat sa sasakyan.

“Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako.”

Umiling na lang siya at umakyat din sa sasakyan. Pinaandar namin si Miyu at nalocate niya kaagad sina Mayu, Akira at Michiko. Dalawang pagsabog na ang narinig ko mula kanina sa kwarto. Ano kayang nangyayari?

I wonder. What kind of case is this?


***