.

.

Chapter 28

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 27, 2015


***

Halos magkaroon ng after shock na tulad sa earthquake after ng dalawang pagsabog. Nararamdaman ko ang vibration ng lupa habang umaandar ang sasakyan.

“Mayu, ano nang nangyayari?” rinig kong tanong ni Hideo sa isang mini-computer sa mesa, tapos biglang nagproject ang image ni Mayu sa taas nun.

“Nalocate namin ang isa sa mga bombang sumabog.
Nalocate na rin ng Mimi family ang isa pa.”

Napaisip naman agad ako sa sinabi ni Mayu.
Sa pagkakaalamko ay Mimi ang tawag sa family ng mga may sixth sense na connected sa hearing or any sounds.

“Mayu, where were the bombs located?” tanong naman ni Naomi habang binebendahan ang binti niya. Maging ako ay nilalagyan ko rin ng benda ang paa ko para mareduce ang stress na mabibigay ko rito. Ayoko nang masprain for the third time.

“We found this one behind the school at ‘yung isa ay sa lumang pabrika. Wala namang namatay pero may mga sugatan at nagkaroon na ng mass panic. Iniisip nila na gawa ito ng terorista at marami pang bomba ang sasabog.”

“Give me the map,” utos ni Naomi kay Mitsuo at inabot naman niya kaagad ito. Iba talaga ang ugali niya kapag nagsosolve ng kaso. Para siyang si Hideo.

Nilatag niya ‘yung mapa sa low table at tinignan naming apat ‘yun. Minark niya ‘yung dalawang location ng sumabog na bomba at halos isang kilometro lang pala ang layo ng dalawa.

“Where’s Akira?” tanong ulit ni Hideo.

“She’s locating the other bombs. She can hear the faint ticking of the timer on the bombs.”

“Good. We’ll be right there.”

Nagkatinginan kami ni Mitsuo at alam kong pareho kami ng iniisip. These two—Hideo and Naomi, are the brains of Atama family. Nakakapag-isip sila nang matino at kalmado kahit na nagkakagulo na sa city. Siguro kaya rin ganun ang personality nila.

Makalipas ang dalawang minuto ay nakita ni Hideo si Akira kahit halos isang kilometro pa ang layo namin sa kanya. Papalapit na kami kay Akira nung bigla siyang napahinto.

‘BOMB!
SA PARK!’

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Akira.
Para akong nagkamigraine at nagdoble ang paningin ko.

Agad-agad kaming bumaba dahil nasa tapat na kami ng park at sobrang daming tao rito. Tumakbo kami papunta doon at sabay-sabay kaming sumigaw ng
‘bomb’ kaya nagsitabuhan palayo ang mga tao.

“There!” sigaw ko nung makita ko ang bomba na nakastrap sa isang malaking sanga ng puno.

“Shit! 4 seconds left!” sigaw ni Hideo.

Pare-pareho kaming tumakbo papunta sa puno at sa loob ng apat na segundo ay parang bumagal lahat. I always experience this sensation when I am in a near-death experience.

Pero alam ko sa sarili ko na ang pagtigil ng timer sa bomba ay hindi kasama sa sensation na ‘yun.
Huminto sa 01 :34 ang timer at alam kong may isa’t kalahating segundo na lang kami.

“D-do it...” halos pabulong na sabi ni Naomi habang namumuo ang pawis sa noo niya.

At biglang gumalaw ulit ang timer.

I need to do something.

Tinitigan ko nang mabuti ang bomba at naramdaman ko ang pag-intensify ng kulay ng mga mata ko. With an invisible force, I repelled the bomb away from us and it ended on the fountain at the center of the park.

And there was a huge explosion.

Tumilapon kami dahil sa lakas ng impact ng pagsabog at tumama ang likod ko sa puno. Humawak ako sa trunk para hindi ako tangayin sa malayo at nilabas ko ang cards ko. I thrusted them on the trunk para doon kumapit. Good thing my sixth sense is repulsion. At least, hindi dito sa part na ‘to sumabog kundi maraming madadamay sa explosion.

Sa sobrang lakas ng pagsabog ay halos nawala lahat ng bagay na nasa gitna ng park. Tumayo agad ako at hinanap ko kung saan napunta ‘yung tatlo. Pagtingin ko, nandoon sila sa pinakadulo at dahan-dahan silang tumayo. Pero nagulat ako nung may nakita ako sa bandang likuran nila na lalaking naglalakad lang.

And I even saw him smiled.

Hahabulin ko sana siya pero sumama siya doon sa kumpulan ng mga tao at hindi ko na siya makita. That guy is definitely suspicious. Kung isa ako sa bystanders, sa mismong pagsabog lang ako titingin. Pero ‘yung lalaki, ni wala man lang siyang pakialam doon sa nangyari at naglakad lang siya na parang wala lang sa kanya ang scene na ‘to.

Lumapit ako sa kanilang tatlo at mukhang okay lang naman sila. Pero napahinto ako nung makita ko ang itsura nila. Their eyes were intense green and the blazing heat was reflected on them. Bago pa kami mapansin ng mga tao ay dali-dali kaming umalis dahil nakafocus lang sila doon sa bombang sumabog. May nakita naman akong police officers na papunta doon sa gitna. Sila na ang bahala doon at kailangan pa naming hanapin ang ibang bomba.

Pagkabalik namin kay Miyu ay nasa loob na si Akira at kausap niya sa mini-computer sina Michiko at Mayu.

“Yes. Walang casualty rito. Napigilan nina Akemi at Naomi na sumabog malapit sa mga tao,” sabay tingin niya sa amin. “Actually, they’re back.”

Hinarap niya sa amin ‘yung mini-computer at nakita namin doon sina Michiko at Mayu. Nandoon pa rin sila sa school at ang dami kong nakikitang estudyante.

Bigla naman akong nahilo. Sobrang daming tao sa hologram at hindi ako sanay sa ganun. I was always alone and I don’t like big crowds. Naramdaman ko rin ang sakit ng likod ko na tumama kanina sa puno. Damn it. These past few days, lagi na lang akong nagkaka-injury.

Binuksan ulit ni Naomi ‘yung map sa may table at minarkahan niya ‘yung park kung saan sumabog ang bomba. Wala naman akong makitang pattern kung saan sasabog ang susunod na bomba o kung may sasabog pa ba. Hindi rin kasi namin alam kung ilan ang bombang nakatanim sa city. Basta ang alam namin ay every thirty minutes sumasabog ang mga ‘to. For now, tatlong bomba na ang sumabog.

“Wala na akong naririnig na timer,” sabi ni Akira.

Minsan napapaisip ako kung paano nagagamit ni Akira ang sixth sense niya. Sobrang daming relo o orasan dito sa city but she can selectively hear what she wants to hear. That’s amazing.

“Does that mean wala nang sasabog na bomba?” tanong ko.

“Probably. Pero sobrang weird ng case na ‘to,” sagot naman ni Akira.

“You’re right. Tatlong bomba na ang sumabog at may thirty minutes pang interval ang mga ‘yun. And the locations are not connected to each other.” Tinuro ulit ni Naomi sa amin ‘yung mga location habang sinasabi niya ‘yun.

“May lugar ba kung saan makikita mo doon ang tatlong location na ‘yan?” tanong ni Mitsuo kaya napatingin kami sa kanya.

“Bakit?”

“If I were the criminal, I would like to see the explosion myself. Tinago niya ang mga bomba sa mga lugar na matao pero wala man lang nakakita ng mga ‘yun. I’m sure na nakabantay siya mula sa malayo para kung sakali mang may mangyaring hindi sang-ayon sa plano niya ay alam niya ang gagawin.”

“Mukhang alam mo kung paano mag-isip ang isang kriminal,” sabi ni Naomi.

“Of course. I understand their minds more than what you think I could.”

Biglang nagkaroon ng tension sa sasakyan. In fairness, kahit na may gusto si Naomi kay Mitsuo, nagagawa niya pa ring pakitunguhan siya na parang wala lang.
Pero bakit ba paiba-iba ng ugali ‘tong si Naomi? Nung una, akala ko siya ang girl version ni Hideo dahil pareho sila ng aura pero ngayon, iba na ang tingin ko sa kanya. Si Hideo kasi, ‘yun lang talaga ang ugali niya—calm and stiff. Pero si Naomi, minsan cold, unapproachable, tapos biglang matutuwa o kaya nagiging childlike.

“It’s here,” biglang sabi ni Hideo kaya naputol ang tension sa pagitan nina Naomi at Mitsuo. Tinuro niya ang isang place doon sa mapa at tumingin siya sa side ng sasakyan. Nakaproject doon ang itsura sa labas at tinuro niya ‘yung isang mataas na building malapit sa park. “I think you can see the three places at once when you are at the top of this building.”

Bigla naman akong kinilabutan at naalala ko ang nangyari kanina.

“May nakita akong suspicious na lalaki kanina.”
Pagkasabi ko nun ay nagtinginan silang lahat sa akin. Dahil katabi ko si Hideo ay napahawak siya sa balikat ko at nilayo ko naman ang mukha ko dahil masyado siyang malapit.

“Anong itsura niya?” Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

“Di ba dapat nakita mo rin siya? Didn’t you use your sixth sense?”

“I was too busy protecting the both of them,” sabay tingin niya kina Mitsuo at Naomi. Magsasalita nga sana silang dalawa pero kumunot ang noo ni Hideo at kinilabutan ako bigla. ‘Yun din siguro ang naramdaman nila kaya hindi na nila natuloy kung anumang sasabihin nila. Binitawan niya naman ‘yung balikat ko at nirelax ko ang sarili ko.

“Nakasuot siya ng sumbrero at masyadong maraming tao kanina kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha niya. He was wearing a white T-shirt and I think...may tattoos siya pero hindi ko maalala—”

“Black sun,” biglang sabi ni Mitsuo tapos tumingin siya sa akin. “I think I saw him too but he was hidden in the crowd. Ang natandaan ko lang ay ang black sun tattoo niya sa batok.”

Wow. Nakita niya lang ‘yung lalaki sa crowd pero natandaan niya ‘yung itsura ng tattoo? His sixth sense is really cool.

Bigla namang bumukas ‘yung pinto ng sasakyan kaya natigilan kami. Nakita namin na pumasok sina Michiko at Mayu. Hawak-hawak ni Mayu ang isang maliit na phone at after niyang mag-okay sa kausap niya ay tumingin siya sa amin at sabay silang umupo ni Michiko sa lapag.

“Bad news,” sabi ni Mayu habang inaadjust ang salamin niya.

“Don’t tell me may bomba na namang—”

“No, Akira.”

“Then what’s the bad news?”

“The Mayor is dead.”

Pagkasabi nun ni Mayu ay nagulat kami at lalo pang gumulo ang kasong ‘to.


***