.

.

Chapter 29

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 28, 2015


***

Nireport sa amin ni Mayu ang lahat ng alam niya. Kausap niya pala ang isang Senshin police kanina sa phone dahil nagkaroon ng kaguluhan sa munisipyo. Natagpuan daw kasing wala nang buhay ang Mayor pagkatapos ng pagsabog.

“You think this is a different case? Or the bombs are just diversion?” tanong ko sa kanila.

“Siguro malalaman natin kung pupunta tayo ngayon sa Mayor’s office,” suggestion ni Naomi kaya pinaandar kaagad namin si Mayu.

Hindi pa rin ako mapakali dahil baka may sumabog na namang bomba kung saan. Ten minutes pa lang ang nakakalipas simula nung sumabog ang bomba sa park. Ibig sabihin, twenty minutes pa ang hihintayin namin para maprove kung meron pa ngang bomba.

After three minutes ay nakarating kaagad kami sa munisipyo at nagmadali kami sa pagpasok. Buti na lang at may tatlong Senshin police na nandoon, though katulad namin ay nakasuot din sila ng black lenses para hindi makita ng humdrums na green ang mga mata namin. At kahit naman hindi ko nakitang green ang mata nila ay alam ko kaagad na Senshins sila dahil sa kilos nila. The police humdrums here are really sloppy. Parang hindi nila alam ang ginagawa nila and mostly ay nag-iinterview lang sila ng mga tao, while the Senshins are at the crime scene.

Pagdating namin doon ay nakaharang sa pintuan ng office ang mga pulis dahil ang daming reporters at mga usisero sa labas. Agad naman kaming pinapasok dahil ang chief inspector ay isang Senshin. Pagpasok namin ay lumantad ang katawan ng Mayor.

Nakahandusay siya sa sahig habang dilat na dilat pa ang mata at nakaawang ang bibig.

“Ugh. Brutal,” bulong ni Akira. Paano kasi, may tama ng bala sa noo ‘yung Mayor tapos may tatlong tama rin sa dibdib. Halos kumalat ‘yung dugo sa buong katawan niya pati na sa sahig.

“Narecover niyo na ba ang mga bala?” tanong ni Naomi doon sa police officer sa gilid namin.

“Yes. Four bullets were found on his body.”

“And the gun?” tanong naman ni Hideo.

“Kinuha ng forensic team. Tsk.”

Napansin kong kumunot ‘yung noo nung pulis at narealize ko na ang forensic team dito ay binubuo ng humdrums. Tss. Kung isa siguro sa Senshins ang humawak nun ay na-identify na kung may fingerprints at ibang details doon sa baril. Akala ko yung mga nag-iinterview lang sa mga tao yung humdrums dito, ‘yun pala meron ding iba rito sa crime scene.

“Anong baril ang gamit?” This time, si Michiko naman ang nagtanong.

“I think it’s a
Mamba pistol and the bullets are 9 x 19 parabellum.”

“A semi-automatic pistol, huh. Then pwedeng babae o lalaki ang pumatay sa kanya.”

“May suspects na ba?” tanong ni Mitsuo.

“Yes. Iniinterview sila ngayon sa kabilang kwarto.”

Sumunod sila doon sa pulis pero ako ay nagpaiwan dito. Tinignan ko nang mabuti ang bangkay at masasabi kong experienced sa firearms ang pumatay sa kanya. Alam ko kung ano ang fatal points ng katawan ng tao, well not exactly. Keith’s sixth sense is that he knows the fatal points of the body...he can
see them. Siya ang tumulong sa amin nina Kid at Dana kung paano pumatay ng malinis at madali by just targeting a fatal point. Hindi ko alam kung natamaan mismo sa fatal point ‘yung Mayor but I’m pretty sure na malapit. ‘Yung tatlong bala sa dibdib niya ay halos magkakadikit lang at gitnang-gitna pa ‘yung tama sa ulo niya.

“At the back of his ears.”

Napatalon ako nung may bumulong sa tenga ko at pagtalikod ko ay nakita ko si Mitsuo. Seryosong-seryoso ‘yung mukha pa ang mukha niya. Tinignan ko kaagad ‘yung sinabi niya at natulala ako.

“Black sun,” mahinang sabi ko.

“Now we know that these two cases are connected.”

Lumapit kami sa bangkay para mas makita ‘yung tattoo sa likod ng tenga niya. Nakaukit doon ang maliit na black sun na gaya ng nakita namin doon sa misteryosong lalaki sa park.

“Bakit ka pala nandito?” tanong ko. Akala ko ay sumunod siya doon sa kabilang kwarto.

“I’m not into gathering information.”

“Me too.”

Sa mga ganitong sitwasyon ko talaga napapatunayan na magkaparehas kami. Ang pinagkaiba lang, ako Shinigami, siya Senshin. Naalala ko naman bigla ‘yung scenario naming mga babae sa dorm at ang pag-iinterrogate nila kay Naomi. And since wala sila rito, ito na ang pagkakataon ko para magtanong.

“Anong tingin mo kay Naomi?” I used my own voice dahil mas gugustuhin kong marinig na ni Akira kaysa ma-invade ni Naomi ang isip namin at malaman niyang pinag-uusapan namin siya.

“What do you mean?” sabay kunot niya sa noo niya.

“I mean...tsk. Wag na nga.”

“She’s a tough girl.” Napatingin naman ako agad sa kanya. Kita mo ‘to, alam naman pala ‘yung sinasabi ko, itatanong pa sa akin. “But I think she’s just afraid of showing her vulnerability.”

Magsasalita na sana ako pero hindi ko na naituloy dahil sa narinig naming boses.

“Hey.”

Pareho naman kaming napatingin sa likuran at nakita namin si Hideo na lumabas doon sa kwarto kung nasaan daw ang suspects tapos lumapit siya sa amin.

“Pumasok na kayo doon,” sabi niya tapos lumingon siya sa kwarto. Sasabihin ko sanang ayaw ko pero mukhang seryoso ang itsura niya kaya sumunod na lang ako pati na si Mitsuo.

Pagpasok namin doon ay may limang taong nakaupo sa gilid at may isang pulis na nagtatanong sa kanila habang tatlong pulis naman ang nakabantay sa buong room. Buti na lang at Senshin ‘yung nagtatanong. Lumapit ako kina Naomi at nakaupo lang sila sa kabilang gilid.

Tinatanong na nung pulis ang isang babae na umiiyak. May isa pang babaeng suspect at kasama niya ‘yung tatlong lalaki. Tingin nang tingin ‘yung isang babae sa relo niya. ‘Yung isang lalaki ay nakasalamin at parang nanginginig ang buong katawan. ‘Yung isa pa ay kalmado lang habang ‘yung huli ay kinakagat-kagat ang kuko niya.

‘Bakit sila ang suspects?’
tanong ko kaagad.

‘Sila ang pinakamalapit sa Mayor’s office nang mangyari ang pagpatay sa kanya,’
sagot ni Hideo sa akin.

“E-excuse me.” Biglang tumayo ‘yung babae doon sa gilid at lumapit sa isang pulis. “P-pwede po bang magbanyo? Please?”

“Sige,” sabi nung pulis at tumingin siya doon sa kasamahan niyang pulis para samahan ‘yung babae.

Tumayo rin ‘yung tatlong lalaki at mukhang tapos na ring kwestyunin ‘yung isa pang babae. Kinausap din nila ‘yung tatlo pang pulis at nagpaalam din na pumunta sa banyo. Kaso ay kulang ng isa kaya nagprisinta ako para sa babae. Sumama rin si Hideo sa akin dahil baka raw may mangyaring masama.

Nang makarating kami sa banyo ay tumayo si Hideo sa labas ng banyo habang sumama ako doon sa babae papunta sa loob.
Pinupunasan niya ngayon ang luha niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Nagpaalam siya sa akin na papasok na siya sa cubicle kaya tumango naman ako.

Hinintay ko na lang siya at nakatingin lang ako sa salamin.

Then all of a sudden, nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin kaya naging alert ako. Mabilis kong inikot ang paningin ko at nagulat ako nung parang may aninong dumaan sa maliit na bintana. Iaalert ko na sana si Hideo pero napatigil ako nung may narinig akong malakas na sigaw galing sa CR ng boys.

“A-anong...anong nangyayari?” rinig kong tanong ng babae sa cubicle.

“Tapos ka na ba? Lumabas ka na dyan ngayon din! May nangyari sa kabila!”

Pagkasigaw ko nun ay agad siyang lumabas sa cubicle. Tumakbo kami palabas ng banyo at wala na doon si Hideo. Pumunta kaagad ako sa boy’s CR at nakita ko doon na nagkumpulan ang mga suspect at pulis. Nandoon din si Hideo sa pinakaharapan kaya dumaan ako sa kanila.

“He’s dead.”

Sa harapan ko ay nakahawak si Hideo sa leeg ng lalaking may tama ng baril sa sentido na nasa loob ng cubicle. And that guy was one of the suspects. Nilapitan ko siya pero napatigil ako nang makita ko ang wrist ng suspect.

“H-hideo...” Tinignan niya kung saan ako nakatingin at sumeryoso lalo ang mukha niya.

On the guy’s wrist was the same tattoo as the mysterious guy at the park and the Mayor—a
black sun.


***