.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, November 23, 2014


***

“Here’s your new ID,” sabay abot sa akin ni Yamato ng card na hawak niya. Pagtingin ko, hindi na A107-F56934 ang nakalagay na student number ko kundi MT205-F56934. So ibig sabihin, sa Atama family na ako?

Tinuro niya sa akin yung girl’s dorm kaya lumabas na ako sa building na ‘yun at naglakad papunta sa dorm. Habang naglalakad ako ay gusto ko nang kunin yung cards sa bulsa ng jacket ko dahil sa dami ng Senshins sa paligid. Ganito pa nga lang, hindi na ako makapagpigil, paano pa kaya kapag may kasama pa ako sa kwarto?

Binilisan ko na lang yung lakad ko habang dala-dala yung maleta at nakarating naman agad ako sa dorm. Dahil bago na yung family ko, nabago na rin yung room ko. Saka ko lang napansin na isang building lang pala ang girl’s at boy’s dorm pero magkaibang wing—right side sa girls at left sa boys. Paakyat na sana ako sa kanan pero nahagip ng mata ko si Mitsuo at napatingin rin siya sa akin.

“Atama?” Napatingin naman ako bigla doon sa kasama niyang lalaki at nakatingin siya sa akin. Teka, ako ba ang tinanong niya? “ID mo. MT ang nakalagay.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman ‘yun? Nakita niya ba? Pero ang layu-layo ko sa kanila! Sino ba siya?

“Akala ko sa Me ka?” tanong naman ni Mitsuo.

“Akala ko rin. They didn’t know I can use inner voice. ”

“Cool.”

“Yeah.”

After that ay nagpaalam na ako dahil hahanapin ko pa yung room ko. Pero hindi ko maalis yung tingin ko sa lalaking kasama niya. Tinitigan ko lang sila habang naglalakad sila palayo. Mukhang tinu-tour niya si Mitsuo sa dorm.

‘Why are you staring at me?’

Muntik na akong malaglag sa hagdan nung narinig ko yung boses ng lalaking ‘yun sa isip ko. Teka paano niya nalamang nakatingin ako? Nakatalikod sila sa akin ah?! Napailing na lang ako at tinuloy ko na lang yung pag-akyat ko. Ang weird niya.

Nakarating naman agad ako sa harap ng room pero hindi ko mabuksan yung pinto dahil ayokong pumasok. Panigurado nandoon yung roommates ko.

“Hello!”
“Oh sh—!!”

Muntik na akong matumba dahil sa gulat. Kumilos naman ng kusa yung mga kamay ko at hawak ko na yung cards ko. Buti na lang at napigilan ko yung sarili ko sa pagtarget sa kanya. Actually, parang tumigil sa paggalaw yung kamay ko ng ilang milliseconds bago ko napigilan talaga yung sarili ko. Err. Ewan, basta ang mahalaga hindi ako nakapatay sa first day ko rito. Bigla na lang kasing bumukas yung pinto at tumambad sa akin ang mukha ng isang babae.

“Success! Nagulat siya! Sabi sa’yo, Naomi, may tao sa labas ng room natin eh!” sabay tingin nung babaeng redhead sa isa pang tao sa may loob ng room.

“At muntik ka nang mapuruhan,” saka siya tumingin sa akin.

“Huh?” mukhang ‘di na-gets nung redhhead yung sinabi nung Naomi.

“Wala.”

Kinabahan naman ako bigla. Ibig sabihin, alam niyang muntik ko nang sugurin yung kasama niya. Pero hindi ko naman ‘yun sinasadya!

“Anong meron?” Napatingin naman ako sa kabilang room dahil bumukas rin ‘yung pinto nila at may lumabas na dalawang babae.

“Michiko! Siya ‘yung bagong member ng Atama. Narinig ko ‘yung pag-uusap nila kanina ni Sir Yamato,” sabi ni redhead.

“Talaga? Wow! Two new members ngayong year!” tapos lumapit sa akin yung Michiko at inakbayan ako. Ugh. “Sorry. Ganyan lang talaga siya,” sabi naman nung babaeng nakasalamin na kasamang lumabas ni Michiko.

“Akemi, right?” tanong ni redhead. Teka, paano niya nalaman ang alternative name ko? Hindi ko pa naman sinasabi ah?

“Yeah.”

“Tara, pasok ka muna. Marami ka pang dapat malaman about sa family natin, sa school at sa kung saan-saan pa.”

Si redhead ang nagpasok ng maleta ko habang nakaakbay pa rin sa akin ‘tong Michiko. Gusto ko na ngang tanggalin yung braso niya pero baka isipin nilang rude ako. Kailangan ko pa namang maging good shot sa kanila para hindi nila ako pagdudahan.

Nagkumpulan sila doon sa may kama habang ako ay pinaupo nila sa lapag. Tinitigan ko sila isa-isa and just like me, halos green na rin yung mga mata nila, except doon sa nakasalamin. Green na talaga yung sa kanya. Wow.

“So Akemi, I’m Akira,” sabi ni redhead.

“Michiko!” I know.

“Mayu,” sabi nung nakasalamin.

“Naomi.” Alam ko na rin.

Base sa first impressions ko, ang magka-wavelength ay sina Akira at Michiko, parehong masakit sa ulo. Silent type at mukhang mautak naman sina Mayu at Naomi.

“Yung nag-iisang guy naman sa amin bago nasali si Mitsuo, ay si Hideo,” dagdag ni Akira. So Hideo pala yung name ng lalaking ‘yun?

“Interested?” Napatingin naman ako kay Naomi. What? Teka, nabasa niya ba ang isip ko? But my mind is already closed.

“No,” sabay kunot ko ng noo ko. Naweweirduhan lang ako sa kanya. ‘Di kaya dahil ‘yun sa sixth sense niya?

“In fairness, may itsura ‘yung Mitsuo ha? Kaso mukhang masungit,” dagdag ni Michiko.

“Oo nga eh. Ang sama ng tingin sa akin kanina!”

“Paanong ‘di mapapatingin sa’yo, masyadong agaw-pansin yang buhok mong red.”

“Inggit ka naman?”

“No way! Masaya na ako sa buhok ko no.”

Nakita kong napailing na lang si Mayu dahil sa sagutan nina Michiko at Akira. Mukhang sanay na sila sa kania. At ako, mukhang  kailangan ko nang masanay kahit ang sarap nilang batukan at patumbahin.

Tinulungan naman muna nila akong mag-ayos ng gamit. Kaya pala nakahiwalay si Mayu at Michiko ay dahil pang-tatluhan lang bawat room. Nag-aayos ako ng closet ko nung bigla akong napahinto dahil sa narinig ko.

‘You’re the second person na ka-age ko na hindi ko masyadong mabasa ang isip.’

Napatingin agad ako kay Naomi dahil boses niya ang narinig ko sa isip ko. Pero nakaupo lang siya sa may kama at may binabasang libro. Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya. I am really thankful to Mom dahil tinuruan niya ako kung paano mas isesecure ang isip ko. At sabi ni Naomi, hindi niya masyadong mabasa ang isip ko. Ibig sabihin, may nababasa pa rin siyang thoughts sa akin.

I focused my mind sa paglilipat ng gamit para hindi na ako masyadong mag-isip pa. Mahirap na, baka mabasa niya pa. Pero wait, paano niya nababasa yung isip ko?

‘How can you read someone’s mind even if it’s closed?’
‘My mind is close by default. Kaya ang effect, kaya ko ring magbasa ng closed minds.’

Mas sinecure ko pa yung thoughts ko dahil sa sinabi niya. She’s dangerous. Hindi ko alam na may nag-eexist pala na katulad niyang closed ang isip by default.

“Girls, tawag tayo ni Hideo.” Napatingin naman kami kay Akira at nakasimangot siya. “Napakagandang timing talaga. Kung kelan tayo magbobonding tsaka eepal ‘tong lalaking ‘to.”

Hindi ko alam kung paano niya nalamang tinatawag siya nung Hideo. Pati na yung sinabi niya kanina na narinig niya kami ni Yamato. ‘Di kaya ang sixth sense niya ay may kinalaman sa hearing?

“Hey, what’s your sixth sense?” tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

“I can hear everything within an 800-meter radius.”

Wow. Sobrang lawak naman ng cover ng pandinig niya. Hindi ba masakit sa ulo ‘yun? Yung tipong naririnig mo lahat? Iniimagine ko pa lang, feeling ko mabibiyak na yung ulo ko.

Tinigil ko muna yung pagliligpit ko ng gamit at hinatak ako ni Michiko palabas ng room. Bumaba kaming lima at naabutan namin sa labas ng dorm sina Hideo at Mitsuo. Bigla namang tumawa nang malakas si Michiko.

“Hahaha! My gosh! Labanan ba ‘to ng facial expression?” sabay turo niya sa pagmumukha ng dalawang lalaki. “Ikaw, expressionless, ito namang si Mitsuo parang laging galit!”

Nakita ko naman na nagbago yung expression ni Mitsuo—mas lalong naging galit. Napansin naman agad ‘yun ni Naomi kaya hinatak niya kaagad si Michiko palayo sa kanya.

“Sorry. Sinasabi niya talaga lahat ng gusto niyang sabihin,” sabi ni Naomi kay Mitsuo.

“Tss.”

“Buti na lang talaga at hindi naging roommates sina Akira at Michiko,” narinig kong sabi ni Mayu. Feeling ko nga. Parang magiging disaster kapag magkasama silang dalawa.

“So, Hideo, anong meron?” tanong ni Akira.

“I want to—” Napatigil naman si Hideo sa pagsasalita dahil sa ginawa ni Michiko. Ni hindi ko nga namalayan na nasa likod na pala siya ni Hideo. Napa-facepalm na lang sina Mayu at Naomi sa kanya. Paano ba naman ay hinatak niya yung mukha ni Hideo para magmukha siyang nakasmile.

“Hideo, smile!” at saka siya tumawa.

“Pfft. HAHAHAHA! Bagay, Michiko! Stretch mo pa!” sabi naman ni Akira at naiiyak na rin siya kakatawa sa hitsura ni Hideo.

“Sabi sa’yo, bagay sa’yo ang nakasmile! ‘Di ba, Akemi?” at nagtawanan sina Michiko at Akira doon. Bago pa may mangyaring masama sa kanila ay hinatak na sila nina Naomi at Mayu at sila na ang nakipag-usap kay Hideo.

Napabuntung-hininga na lang ako. Hindi ko ata kakayaning makasama ang mga ‘to.


***