.

.

Chapter 31

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 28, 2015


***

“Sigurado ba kayo?” tanong agad ni Naomi sa kanilang dalawa.

“Yes. Do you want to bet on it?” sagot naman ni Mitsuo and he gave her a lazy smile. Hindi ko alam kung ‘yun ba ang unang beses na ngumiti o nagsmirk siya dahil sa isang case kaya medyo nagulat ako. Well, at least hindi katulad ng reaction ni Naomi na parang hindi makapaniwala sa nangyari at kumunot ang noo niya. Para tuloy nagpalit sila ng expressions.

“Pero may isang problema,” biglang sabi naman ni Hideo.

“Ano?” Lumapit ako sa kanya habang bina-browse niya ang mga papeles na hawak niya.

“We still don’t know the connection between the two murders and the explosion.”

“What? So tingin niyo ay magkakonekta talaga sila?”

“Yes. There’s a high probability that they are related.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Logical thinking and instinct.”

Napabuntung-hininga na lang ako. Ang hirap talaga intindihin ng utak ng isang ‘to. Sabagay, they’ve been doing this since they were young, no wonder madali na lang sa kanilang i-analyse ang isang crime scene. At dahil sa kanila ay nasasanay na rin ako magsolve ng iba’t ibang kaso na dati ay wala naman akong interes. Kapag nakakita ako ng bangkay, ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay kung gaano kalinis ang execution. For me, a professional killer is capable of erasing almost or all proofs of his or her work. Pero ngayon, natututo na akong alamin ang paraan ng pagpatay at kung sino ang pumatay.

“So? What’s your plan? Hindi naman pwedeng i-confront niyo ang killer ng walang proof, right?” tanong ko sa kanya. Titignan ko na rin sana ‘yung ibang papeles sa mesa pero nagulat ako nung bigla akong nadulas dahil may mga nalaglag na papel sa harap ng mesa. “W-whoa—!” Nagpanic ako kaya naghanap ako ng kakapitan pero ang nahawakan ko ay ‘yung mga papel din na nakastack sa mesa.

Napaupo ako at halos nalaglag lahat ng papel na nahawakan ko sa katawan at mukha ko, dahilan para matabunan ako.

“Are you trying to be funny?” Hinawi ko ‘yung mga papel sa mukha ko at tumambad si Hideo sa harapan ko habang seryoso ang expression niya.

“Sa tingin mo sinadya kong madulas?” Inirapan ko siya at nakita kong inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. “I don’t need any help. Kaya kong tumayo mag—wait!”

Bigla kasi siyang umupo para magkalevel kami at hinawakan niya ako under my arms sabay angat sa akin patayo. Nung pareho na kaming nakatayo ay lumayo ako agad at sinamaan ko siya ng tingin.

“You’re welcome,”s abi pa niya na parang nang-aasar.

“Hindi na ako magtataka kung magkaka-injury ka ulit,” sabi bigla ni Mitsuo habang papalapit sa amin at nakasunod naman sa kanya si Naomi. Isa rin ‘to eh.

Umupo naman ako agad para pulutin ang mga nagkalat na papeles at tumulong din si Naomi.

“Naghalu-halo na yata ‘yung ilang documents.”

“It’s an accident,” sabi ko na lang. Alam naman siguro ng staffs dito kung ano ang magkakasamang documents. Bahala na silang mag-ayos.

Pinulot ko ‘yung isang papel malapit sa paa ko at nabasa kong tungkol ‘yun sa investments. Dahil wala naman akong pakialam doon ay ‘di ko na tinuloy basahin. Pero napatigil ako nung may nakita akong kakaiba sa papel.

“Naomi, look at this.” Lumapit siya sa akin at pinakita ko sa kanya ‘yung papel na hawak ko.

“Oh my God. That means...”

“Then it’s really connected.”

“Ano ‘yan?”

Napalingon kami kay Mitsuo at nakatingin na rin siya doon sa papel mula sa likuran namin. Si Hideo naman, nandoon pa rin sa pwesto niya. Sabagay, nakikita niya naman ‘tong papel na hawak ko kahit hindi siya pumunta rito.

“The black sun.”

Nakalagay doon sa logo ng company na naka-address sa document ang symbol na halos kapareho ng tattoo nila. Pero ang kaibahan ay parang minodify ang rays at ginawang triangular shapes imbes na line lang. At ang nakakagulat ay nakaindicate doon sa content na may share sa fund na ginamit ang company sa pagpapagawa ng school, factory at park—which were the place were the bombs exploded.

“Sa tingin mo ay kasali ang Mayor, si Mr. Romeo pati na rin ‘yung suspicious guy sa park dito sa company na ‘to?” tanong ni Naomi.
“At ano ang motibo nila sa pagtatanim ng mga bomba sa places na finund nila?”

Then suddenly, narinig namin ang mahinang pagtawa ni Hideo kaya napatingin kami sa kanya. He’s holding a piece of paper and he folded it in half. Nilagay niya ‘yun sa bulsa niya at tumingin siya kay Mitsuo.

“I think it’s time.” Pagkasabi niya nun ay tumayo si Mitsuo at lumapit sa kanya.

“Hey, what do you mean? Anong gagawin niyo?” tanong ko sa kanila.

“We’re going to recreate the crime scene and show everyone how the murderer killed the mayor.”

Hindi ko alam kung bakit pero nung sinabi niya ‘yun ay nangilabot ako. The way he said that with confidence is really intimidating. Ni hindi ako nakagalaw sa pwesto ko habang naglalakad sila palayo sa amin at pabalik doon sa kabilang room.

“Those two are a great tandem,” biglang sabi ni Naomi at tumabi siya sa akin.

“Mukha nga. Ni hindi man lang nila sinabi kung paano nila nasolve.”

“May mga nasolve na rin akong parts pero may ilan akong ‘di maintindihan. I was actually surprised na nakuha nila kaagad.”

“Really? Alam mo kung sino ang murderer?”

“Yes, though I’m not yet sure.”

Wow. She’s really fast when it comes to solving crimes. Para talagang siya ang girl version ni Hideo, mas kumplikado nga lang dahil paiba-iba ang mood niya.

“Alam mo kung bakit ko nasabing good combo sila?” Tumingin lang ako sa kanya at hinintay ang sagot niya. I also want to know kung pareho kami ng naiisip. “Hideo is so good in analysing things and events just by looking and observing the scene and the behavior of the people around him. Kaso, minsan ay masyado siyang maraming scenarios sa isip niya to the point na hindi niya na madistinguish kung ano ang posible sa hindi. But ever since Mitsuo joined us, nagbago ‘yun. Besides having a dependable sixth sense, nasosort-out din niya ang mga pwedeng mangyari at hindi. He’s good in putting the pieces altogether. That way, they can solve the cases efficiently.”

Natulala naman ako kay Naomi. Hindi ko akalain na ganito ang tingin niya sa kanilang dalawa. It’s like she knows them too well.

“You know, I’m good in observing people,” dagdag niya pa.

Napatigil naman kami nung biglang pumasok dito sa Mayor’s office ang mga suspect pati na rin ‘yung lima at ilang police officers.

“Let’s see your deduction,” sabay sandal ni Akira sa dingding at nakangiti pa nang nakakaloko. Tinabihan siya nina Mayu at Michiko habang sina Hideo at Mitsuo ay may sinabi doon sa Senshin police. ‘Yung suspects naman ay nasa harapan nina Michiko at nakabantay sila sa apat.

“K-kilala niyo na ba kung sino ang pumatay kay Mayor?” tanong ni Wella, ‘yung employee na responsible sa meetings at agenda.

“Yes. Shall we start?” sabi ni Hideo at biglang nagsikilos sina Mitsuo at ilang mga pulis.

‘Show-off.’

Narinig ko naman na biglang tumawa nang mahina si Naomi sa tabi ko. Then I realized na hindi ko pala masyadong nablock ang thoughts ko.

‘I have a question. Bakit ba parang may galit ka kay Hideo?’
Hindi kami nakatingin sa isa’t isa at inoobserve lang namin ang preparations na ginagawa ng mga pulis.

‘We’re total opposites,’
sabi ko na lang.

‘Mind you, opposites do attract.’

‘Not everytime. Now, ako naman ang magtatanong. May gusto ka ba talaga kay Mitsuo?’
Narinig ko ulit ang pagtawa niya sa isip ko and I’m sure na hindi niya sasagutin ang tanong ko. Pero nagulat ako nung narinig ko ang response niya.

‘Yes.’

Bigla tuloy akong napatingin sa kanya at nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat. For a second ay natakot ako dahil sa fearless niyang pagsagot.

‘There’s no point in hiding it. Inaasar niyo na ako lagi eh. At hindi naman ako slow para hindi marealize kung ano ang feelings ko sa kanya, though mukhang hindi niya alam. Of course, hindi pa ako nakakaranas magkagusto sa isang tao before since si Hideo lang ang lagi naming kasama, and I don’t see him as a man. He’s like an older brother to us.’

‘Ang dami namang ibang estudyante dito ah? You mean wala kang nagustuhan dati kahit isa?’

‘Hindi naman ako sociable tulad nung nina Akira at Michiko, at minsan lang ako lumabas ng dorm kapag walang klase.’

Napahinto naman kami sa pag-uusap nung biglang huminto sa paggalaw ang mga pulis. Looks like they are ready for the show.

“The first murder happened inside this room while the second was at the bathroom along the hallway. At bago ang mga nangyari rito ay nagkaroon ng tatlong pagsabog sa city—at the school, the factory and the park.”

“W-wait, you mean...m-magkakonekta ang mga bomba sa pagkamatay ni Mayor at Romeo?” tanong ni Wella.

“Yes. And one of you killed the Mayor. I am sure that Mr. Henry is off the list since he has a hemophobia and he immediately ran to this room after hearing the first shot, right?”

Tumango naman si Henry at nakita kong hanggang ngayon ay nanginginig pa rin siya. No wonder. May dugo pa sa sahig dahil iniimbestigahan pa ang crime scene na ‘to.

“Then, who killed the Mayor?”
Mukhang si Wella lang ang kalmado sa kanilang apat. Tahimik lang kasi ‘yung tatlo sa tabi niya.

Biglang pumosisyon ‘yung isang pulis malapit doon sa parte kung saan nakita ang katawan ng Mayor habang si Hideo ay naglabas ng baril.
Narinig ko ang pagpanic nung suspects at ng ibang pulis na humdrums nung bigla niyang tinutok ‘yun sa pulis na nakatayo sa crime scene. Pinaputok niya ‘yun ng apat na beses at biglang bumagsak ang pulis na ikinagulat nila. Binato niya ang baril sa katawan ng pulis at tumakbo siya palabas sa main door at pumasok sa secretary office, then pumasok ulit sa main door.

“Isn’t that how you killed the Mayor, Ms. Sally Tolentino?” sabay tingin niya kay Sally. “And don’t worry, those are blank cartridges.” Pagkasabi niya nun ay tumayo ‘yung pulis na binaril niya at nagpagpag ng suot niya. Namumutla na si Sally at hindi siya makapagsalita.

“S-sandali...i-imposible ang sinasabi mo,” biglang sabi ni Henry na ngayon ko lang yata narinig magsalita dahil tahimik lang siya simula kanina. Sa pagkakatanda ko, siya ang pangalawang nakakita sa bangkay. “N-nakita ko si Ms. Sally na lumabas sa kwarto niya pagkatapos na pagkatapos ng pang-apat na putok. H-hindi posible na magawa niya ‘yun sa maiksing panahon.” Nakita kong namumutla na siya dahil napatingin siya doon sa dugo sa sahig at dahil ‘yun sa hemophobia niya.

“T-totoo ang sinasabi niya.
Halos ilang segundo lang ang pagitan naming lima nung pumasok kami sa room ni Mayor,” dagdag nung Gino.

“At hindi rin imposible na lumabas ang killer sa bintana. Second floor lang ‘to at pwede siyang tumalon since may bushes sa baba or ‘yung isa pang pinto...though laging sarado ang pinto na ‘yun.” sabi naman ni Wella.

“Jumping from the window is too risky. But you’re right, she can’t do it within a small period of time. Then how about this?” Pumwesto ulit ‘yung pulis at si Hideo pero this time tinabihan siya ni Mitsuo.

‘Oh. So that’s how it happened.’
Narinig ko ulit ang boses ni Naomi at bigla akong napatango dahil alam ko na rin kung paano nangyari.

Bigla ulit pinaputok ni Hideo ang baril at bumagsak ‘yung pulis then after that...

“W-what...”

“I-ibig sabihin...”

“No...way...”

Halos magkakapareho ang reaksyon ng tatlo dahil sa ginawa nila. Pagkatapos kasing barilin ni Hideo ng isang beses ang pulis ay ibinigay niya iyon kay Mitsuo at tumakbo palabas gamit ang main door papunta sa office ni Sally. Nagpaputok si Mitsuo ng tatlong beses at after that ay hinagis niya ang baril sa katawan ng pulis. Tumakbo siya papunta naman doon sa isa pang pinto kung saan siya pumasok kanina. Lumabas si Hideo sa room ng secretary at pumasok ulit gamit ang main door pero this time ay may tumakbong pulis galing sa office ni Henry. Unang nakapasok sa Mayor’s room si Hideo tapos ‘yung pulis na gumanap kay Henry at may dalawa pang pulis na dumating galing naman sa room nina Wella at Gino. Then after that ay biglang pumasok din sa room si Mitsuo at siya ang huling nakarating.

“T-then...si Romeo...” Hindi na naituloy ni Wella ang sasabihin niya dahil natulala na lang siya.

“Yes. Ms. Sally Tolentino and Mr. Romeo Quezon are accomplices. Pumasok si Mr. Romeo sa kabilang pintuan na nagkokonekta sa Mayor’s at secretary’s rooms. At dahil ang atensyon ninyo ay nasa pagsigaw ni Ms. Sally pati sa mga putok na narinig niyo, ginamit niya ang oras na ‘yun para lumabas mula sa secretary’s room papunta sa hallway at tumakbo paikot para palabasing galing siya sa room niya.”

“P-pero bakit kailangan pang ipasa ang baril at paputukan ng apat na beses ang Mayor?” tanong naman ni Gino. Pero imbes na si Hideo ang sumagot ay si Mitsuo ang nag-explain.

“I can tell that Ms. Sally is not used in using a gun. Siguro ay hindi niya natamaan ang vital spot ng Mayor pagkatapos ng isang putok at nakita nilang buhay pa siya kaya inagaw kaagad ni Mr. Romeo ang baril mula sa kanya at siya na ang tuluyang pumatay. Unlike her, she’s an experienced shooter. Makikita kaagad ‘yun sa posisyon ng mga bala. Sa tingin ko ay binaril ni Ms. Sally ang Mayor sa dibdib. Sa magkabilang side ng sugat na ‘yun ay doon naman binaril ni Mr. Romeo ang Mayor pati na rin sa noo para lang makasigurado. That’s how they killed the Mayor.”

“At tungkol sa pinto, sa tingin ko ay hindi ‘to madalas binubuksan. There’s a line of dust on the floor and the edges. At ang lock ay ay nasa part lang ng Mayor’s office habang sa secretary’s office ay handle lang. As a secretary, I’m sure you know where the key was placed and you stole it, maybe yesterday or the other day, then gave it to your partner. And the reason he went to the bathroom was to discard the key and the gloves.”

Pagkatapos sabihin ‘yun ni Hideo ay nagcollapse bigla si Sally at umiyak siya.

“G-ginawa ko lang y-yun dahil...dahil...sinabi sa akin ni Romeo na makikinabang kaming dalawa sa mangyayari...N-nalaman ko na...nagnanakaw siya ng funds...at...at sinabi niyang ibibigay niya sa akin ang kalahati kapag...kapag ginawa ko ‘to...”

“Kaya ba pinatay mo siya, Sally? Dahil gusto mong sa’yo mapunta lahat?” biglang tanong ni Wella sa kanya na parang magkahalong galit at awa ang tono ng boses. Itinaas naman ni Sally ang ulo niya at nagulat siya sa binanggit ni Wella.

“H-hindi...hindi ako ang pumatay sa kanya...”

Naglakad naman si Hideo papunta sa kanila at mukhang ieexplain niya ang pagkamatay naman ni Romeo.

“Regarding that case—”

“It was a suicide.” Bigla kaming napatinging lahat sa direksyon ng boses at nagulat ako nung nasa likuran na namin si Kyo. “Romeo killed himself. Now, Daito, escort this lady to the police car and I want the three of you to give your statements,” sabay tingin niya sa suspects.

Inalalayan naman kaagad nung Senshin police, Daito pala ang pangalan niya, si Sally at sumama rin sa kanila ‘yung tatlo pang suspect habang inaassist sila ng ibang pulis kaya kaming pito pati si Kyo na lang ang nandito sa kwarto.

“Sir Kyo,” sabay bow ni Hideo at gumaya na lang kami. “Bakit sinabi niyong suicide ang nangyari kay Mr. Romeo? He was killed.”

“I know.” Seryoso ang expression ni Kyo kaya parang nahighlight lalo ang scar niya sa mukha. “But let’s leave this one to them.”

“Them? Who are
them?” tanong naman ni Naomi.

“Member ang Mayor pati si Romeo ng isang underground organization. They specialized in smuggling weapons all over the country and they are known by their black sun tattoos. Wala tayong access o alam sa kanila kaya mapanganib na sabihing pinatay siya ng isa niya pang kasamahan.”

“The guy at the park,” bulong ko sa sarili ko. I knew it. Sabi na nga ba at siya ang aninong nakita ko sa bintana ng CR. Nung nakita ko kanina ang bintana sa CR ng boys ay nasakop nun ang unahang part ng cubicle sa dulo. I think bukod sa pagdispose sa susi at gloves ay doon din ang meeting place nila—si Romeo sa cubicle at ‘yung lalaki sa park sa may bandang bintana.

“If my theory is right, the guy gave Romeo a gun using the CR’s window. Pero imbes na ibigay niya ay ginamit niya ‘yun para patayin siya,” sabi ni Hideo.

“You are right but we can’t say that to the press. That organization is large and we don’t have enough information yet to expose them,” sagot ni Kyo.

“Then the
them na sinasabi niyo ang maghahandle sa kanila?” tanong ulit sa kanya ni Naomi.

“Yes. In fact, one of them disguised herself as a police officer and you didn’t even notice her,” then he smirked at us.

Hindi kami nakapagsalita after that at alam kong maging sila ay nainsulto. Parang sinasabi niya na nalusutan kami ng kung sino and it feels like he’s challenging us.

“Who are they?” Seryosong tanong ni Hideo.

“Custos.”


***