.

.

Chapter 32

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 28, 2015


***

Nakasakay na kami ngayon kay Miyu at pauwi sa dorm. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig at nakita ko kanina. Hindi ko nga alam kung bakit biglang dumating si Kyo. After niyang sabihin sa amin ang tungkol sa syndicate na ‘yun pati na ang Custos, sumama siya sa mga police officers at pumunta sa station para magreport.

“So you mean ‘yung lalaki sa park ang pumatay doon kay Romeo habang nasa cubicle siya?” tanong ni Akira kay Hideo at tumango naman siya.

“Yes but that case was reagarded as suicide,” sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya. Nilagay niya ‘yun sa harapan namin at tinignan namin kung anong nakasulat doon.

“Bank account?” sabay kuha ni Michiko doon.

“He embezzled money from that syndicate and used it to build those three infrastructure under his name.”

“But I wonder who’s the Custos agent na nagdisguise as police officer. Ni hindi man lang natin nadetect ang presence niya,” sabi ni Naomi.

“I felt her presence but I thought she’s one of those Senshin police officers.” Napatingin kami kay Mitsuo dahil sa sinabi niya. Dahil magkatabi sila ni Naomi ay nilapitan siya ni Naomi at sinamaan ng tingin.

“Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

“Akala ko nga isa siya sa police officers. Hindi ko naman sila kilala sa mukha.” Napabuntung-hininga na lang si Naomi at nagkatinginan kami ni Mitsuo.

I knew it. Sabi na nga ba may kakaiba kanina doon sa crime scene and just like Mitsuo, inassume ko na isa rin ‘yun sa police officers. Pero hindi ako nagreact dahil naalala ko bigla ‘yung sinabi ni Kyo.

“Mabalik tayo doon sa case, does that mean nalaman ng syndicate na ginamit ng Mayor ang pera nila para sa pagpapatayo ng infrastructures kaya pinatay siya at pinasabog ang mga ‘yun?” tanong ni Mayu.

“Probably. At malayo ang mga ‘yun sa Mayor’s office kaya ginamit nila ang panahong ‘yun para patayin siya dahil paniguradong nasa bombs ang focus ng mga pulis.” After sabihin ‘yun ni Hideo ay kinuha niya ulit mula kay Michiko ‘yung bank account.

“So they want to erase these infrastructures dahil nakapangalan ‘yun sa Mayor kahit na pera nila ang ginamit. What a way to waste their money pati na rin ‘yung effort sa pagpapatayo ng mga ‘yun,” dagdag ni Michiko.

After a few minutes ay nakabalik din kami sa campus at dumiretso agad kami sa dorm. Pero bago kami makapasok ay humarap si Hideo sa amin.

“Magpahinga na kayong dalawa,” sabay tingin niya sa amin ni Naomi. “Your injuries aren’t completely healed yet.”

Tumango na lang kami at dumiretso na silang dalawa ni Mitsuo sa guy’s dorm samantalang kaming lima ay umakyat papunta sa mga kwarto namin.

Pagbukas ko ng pinto ay tumalon bigla sa akin si Demi. Nagulat pa nga sina Akira at Naomi kaya natawa ako. Pagpasok namin sa loob ay humiga agad silang dalawa sa kama.
Pinahinga kaagad ni Naomi ang binti niya at may pinahid siyang ointment. Umupo naman ako sa gilid ng kama at binaba ko muna si Demi. Tinanggal ko ‘yung benda sa paa ko at inikut-ikot ko dahil baka madagdagan ang stress doon.

Naalala ko naman bigla ‘yung papel na tinago ko sa bulsa ko kanina na galing kay Demi. Pumunta muna akong banyo at doon ko tinignan ang nakasulat.

Rielle, are you okay? I’ve received your letter and I know that your situation right now is pretty risky. Idagdag pa na nakakulong si Kid. You two are really the epitome of trouble. – Dana/Haruka

Napabuntung-hininga na lang ako sa nabasa ko. Bigla tuloy nagflash sa utak ko ang itsura ni Kid that day na duguan at puro sugat ang katawan. Sana lang ay okay lang siya.

Naalala ko rin tuloy ‘yung nangyari kanina. Tahimik lang ako nung pauwi na kami rito dahil hindi ko makalimutan ang sinabi ni Kyo pagkatapos niyang sabihin sa amin ang tungkol sa Custos agent na nagdisguise as police officer.

“The Custos tribe is known for having skilled agents and spies. Undetectable spies...that’s the hardest to deal with,” sabay tingin niya sa akin at ngumiti.

Kinilabutan talaga ako nun dahil sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung may alam ba siya sa ginagawa ko o nagkataon lang. Buti nga at nacontrol ko ang sarili ko nun dahil gustung-gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya. Bigla kasi akong naging aware sa presence niya at para akong sinasakal dahil sa pressure na binibigay ng tingin niya.

Kinalma ko ulit ang sarili ko at finlush ko ‘yung message galing kay Dana.
Lumabas ako sa banyo at humiga ako sa kama. Umakyat din si Demi at humiga rin siya sa tiyan ko. Pagtingin ko sa gilid, nakatulog kaagad si Akira samantalang si Naomi ay nakatingin lang sa kisame.

“Are you troubled by something?” tanong niya at nakatingin pa rin siya sa itaas. “Your mind is kinda hazy, though I still can’t read your deeper thoughts.”

Hinigpitan ko kaagad ang pagkakasara sa isip ko at nakita kong napangiti siya sa ginawa ko. Ugh, this girl!

“Not really.
Pagod lang ako,” sabi ko na lang. “Anyway, gusto kong malaman kung totoo ‘yung mga sinabi mo kanina. I mean, ‘yung tungkol kay Mitsuo.”

“Ah that. Well, I think so.”

“You think so?”

“I told you, I’ve never experienced this before. Si Hideo lang naman ang kasama namin lagi. Akala ko parang ‘yung kay Hideo lang ang tingin ko sa kanya pero hindi pala.” Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong namumula siya. Hindi ko alam pero napangiti ako. Nagsoften kasi ‘yung expression niya at ang cute niyang tignan. Pero naisip ko, mas uunahin niya pa rin ang cases or anything related to that kaysa sa feelings niya.

After that ay dinivert niya na rin ang topic sa kung anu-ano at sandali lang ay nakatulog na rin siya. Ako naman, tumayo na dahil hindi ako dinadalaw ng antok, pati na rin si Demi. Nagdecide akong magpunta muna ng library habang bukas pa. Ayokong pumasok doon kapag curfew dahil mataas ang probability na makita ako ni Hideo o ni Kyo.

Pagdating ko doon ay kumuha ako ng mga libro tungkol sa Erityian tribes at pati na rin ‘yung isang libro na tinago ko sa dulong shelf. Sayang at hindi ko nakuha ‘yung
Beyond Sixth Sense na libro doon kay Miyu.

“Here.”

Nagulat naman ako nung biglang may naglapag ng libro sa harapan ko. Pagtingin ko, si Hideo pala. Umupo siya sa tabi ko at nung nakita siya ni Demi ay lumipat siya sa upuan ni Hideo. As usual, nandoon siya sa favorite spot niya at gusto kong matawa dahil parang sanay na siya sa pinaggagawa ni Demi.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya dahil may mga libro at files din siya sa harapan niya.

“I want to know more about the Custos tribe and the underground organizations.” Oh. Mukhang nacurious siya sa mga nangyari kanina sa case.

“May files dito about sa organizations like the ones with the black sun tattoo?”

“I think so. May mga investigation files and data dito sa mga mysterious and unsolved crimes.”

Nagsimula naman kaming magbasa ng kanya-kanya naming libro. Actually, ‘yung binigay niyang libro ay ang
Beyond the Sixth Sense. Natranslate na namin ni Naomi ‘yung mga unang parts kaya iniskip ko na ‘yun. Ang kaso nga lang, hindi ko pa rin maintindihan ‘yung context kahit translated na.

“Do you think may Seventh Sense talaga?” bigla kong natanong sa kanya at tumingin siya sa akin.

“Of course. It’s written on the book, right?”

“Pero bakit parang walang may kayang gumawa nun dito? I mean, wala naman tayong naririnig about doon.”

“It’s a powerful and mysterious ability that only few can achieve. Sa tingin ko kaya ‘yang gawin nina Sir Kyo at Sir Tora.”

“Tora?” Parang pamilyar ang pangalan na ‘yun pero hindi ko alam kung kailan at saan ko narinig.

“Yung muntik nang makahuli sa atin dito sa library.”

“Ah...”

Siya ‘yung kasama ni Kyo dati at muntik na kaming mahuli dati dahil naramdaman niya ang motion namin kahit nakapatay ang ilaw nun sa library. Kapag naaalala ko ‘yun ay bumabalik ‘yung kabang naramdaman ko during that time.

Bumalik na lang ulit ako sa pagbabasa at nakarating ako sa gitnang part.

ϫҩ
ҩᵻҁѫϫҩᵻϫҩ•ǂϫͼᴥᵻϫǂϠҩѯҩϠͽϫͽѫǂ≬ѫҩѯҵҩҩҵᴥϕϫҩᵻϫǂ≬•ͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺•жᵻᴥ⨳ǂ≬•ҁѫҩϫҁѯҩᵻҁѫϫͽᵻϠ
⨳ҩͽжᵻҩϫϫҩϫᴥϕ•⊱ᴥϭѯᴥ⨳ᵻϫǂԇҁѫϫҩᵻϫҩ•ǂϫҁѫҩϕǂѯϫҁϫҁҩϞ•ǂϭᵻϠҩѯϫҁͽᵻϠǂ≬•ҁѫǂϫͽ⧝ǂҵǂҁ⊱∺


Hmm, strengths and weaknesses, huh? Maybe that’s the  key on understanding the Seventh Sense. But how?

“Hey, anong—”

Napatigil naman ako sa pagtatanong kay Hideo dahil sa nakita ko. Nakatulog siya habang nagbabasa at si Demi ay nakahiga na sa table, tulog din.
Mukhang napagod din siya sa case at sa dami ng mga inasikaso niya. Ang amo pala ng mukha ng isang ‘to kapag tulog.

“Mukhang ikaw ang kailangang magpahinga,” sabi ko na lang at bumalik na ako sa pagbabasa.


***