.

.

Chapter 33

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, June 7, 2015


***

Kaya kong hindi matulog sa loob ng tatlong araw or around 72 hours pero dahil sa lalaking ‘to ay nakakaramdam na rin tuloy ako ng antok. Pati si Demi natulog na rin sa tabi niya. Pupunta-punta pa kasi rito, matutulog lang din naman pala. Teka, mas maganda pala ‘yun para walang istorbo.

Parang dati, ang pag-acquire lang sa librong ‘to ang mission ko pero ngayon, mas mapanganib pa. Hindi ko akalaing mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. At nababother na rin ako sa mga sinasabi ni Kyo. Sa tingin ko ay may alam na siya tungkol sa akin pero dahil wala pa siyang ginagawang move ay mukhang ligtas pa ako sa ngayon.
Feeling ko pati sina Hideo at Naomi ay naghihinala na rin sa akin kaya kailangan ko na talagang mag-ingat. Kung sakali mang mahuli nila ako, I can use the Black Dimension to escape but going back to the base is my problem. Paniguradong madidisappoint si Mom at hindi na ako magugulat kung parusahan niya ako.

Speaking of Black Dimension, ngayon ko lang narealize na hindi nila nadedetect si Demi like me. Bakit kaya? Hindi ko na natanong kay Dana nung nagkita kami dahil sa dami ng mga nangyari. Ano na kayang lagay nila? Kamusta na kaya si Kid?

Napailing na lang ako para alisin sa isip ko ang mga bagay na ‘yun.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa libro kahit nanlalabo na ang mga mata ko sa symbols. Tuluy-tuloy lang ang pagbabasa ko kahit na hindi ko masyadong maintindihan ang mga nakalagay hanggang sa manlabo na ang paningin ko.

***

“Meow.”

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Demi sa harapan ko. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako habang nagbabasa. Ang sakit tuloy ng batok at likod ko dahil sa posisyon ko nung nakatulog ako.

“Evening.” Napatingin ako kay Hideo sa tabi ko.

“Kanina ka pa gising? Teka, ilang oras ako nakatulog? Anong oras na?” sabay tingin ko sa paligid at madilim na sa labas.

“Yes. Isa’t kalahating oras kang tulog.”

“Bakit ‘di mo ko ginising?”

“Because I don’t want to.”

Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang nagliligpit dahil 7 PM na pala. Lumabas kami sa library dahil wala nang tao maliban sa amin at naglakad papunta sa dorm.

“Did you learn anything from that book?” rinig kong tanong niya mula sa likuran kaya lumingon ako.
Nauuna kasi ako sa paglalakad habang sila ni Demi ay nakasunod sa akin.

“Hindi ko masyadong maintindihan. Para kasing may missing pieces sa libro—” Napatigil ako bigla sa paglalakad nung paglingon ko sa likuran dahil para akong may nakitang anino doon sa loob ng library kahit patay na ang ilaw. At hindi nga ako nagkakamali. May silhouette doon sa may bintana at nakasilip siya sa amin na parang nanlilisik ang mga mata.

“Bakit?” tanong ni Hideo sabay tingin din sa likuran niya.

“D-did you see that? May tao sa library na nakatingin sa atin. You have a 360-degree view of the surroundings so I’m sure you saw that...person.”

“I didn’t. Are you sure there’s someone there?”

“Of course. Nakadungaw pa nga siya sa bintanang ‘yun,” sabay turo ko doon sa bintana pero kanina pa siya nawala. Kinilabutan tuloy ako bigla.

“Maybe that’s just your imagination.” Tinignan ko siya nang masama dahil sa sinabi niya.

“It’s not! May nakita talaga ako. Nung umalis tayo doon, ‘di ba wala naman nang ibang tao? Pero may nakita talaga akong nakasilip sa bintana.” Bigla naman niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at finorce niya akong humarap sa direksyon papuntang dorm.

“Let’s go. You’re just tired.”

Magrereklamo pa sana ako pero tumalon si Demi papunta sa akin kaya natigil ako sa pagsasalita. Kinarga ko na lang siya at nagdire-diretso kami papasok sa dorm. Pero bago pa kami maghiwalay ay nakasalubong namin sina Michiko at Akira na mukhang pupunta sa plaza.

“Told you,” sabi ni Akira kay Michiko habang nakangisi.

“Where’s Mayu?” tanong ni Hideo at parehong tumingin sa kanya ‘yung dalawa.

“Nasa room, inaalagaan si Hiroshi. Alam mo naman, may mission na ginagawa si Shiro,” sagot ni Michiko. “At kayo? Saan kayo galing?”

“Library,” sabay naming sagot at nagmeow pa si Demi.

“Wow. Sabay-sabay pa kayong tatlo ha,” dagdag ni Akira habang nakangiti nang nakakaloko.

Halos sabay kaming naghiwalay ni Hideo papunta sa kanya-kanyang wing ng building at hindi namin pinansin ang pang-aasar ng dalawa kahit nagsisigaw na sila doon. Umakyat ako kaagad sa kwarto habang karga ko si Demi at bumaba siya nung makarating kami doon. Naabutan ko naman si Naomi na nakatanaw sa bintana. Naalala ko bigla ‘yung nakita ko sa library.

“Anong ginagawa mo dyan?”

“Wala lang,” sagot niya habang nakatalikod sa akin at patuloy lang na nakatingin sa may bintana kaya lumapit ako at nakitingin na rin. Nakita ko na naglalakad si Mitsuo papunta sa Intel Division at kaya hindi namin siya nakasalubong ay doon siya sa likod ng dorm dumaan. Wait, nakita kaya siya ni Hideo?

“Para kang stalker,” sabi ko and this time, napatingin na siya sa akin.

“Really?”

“Yes and it’s creepy. Sinusundan mo siya ng tingin mula rito sa room.”

“But Hideo’s also doing—nevermind.”

“Huh?”

“Wala.”

Lumayo na siya doon sa bintana at naupo sa may gilid ng kama. Lumapit naman ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Ganito ba talaga ang epekto ng attraction sa isang tao? Parang nagkaroon ng soft spot sa pagkatao niya at mas nagkakaroon ng variation ang expressions niya. Nagiging playful na rin siya nitong mga nakaraang araw. Bigla naman niya akong tinignan nang masama.

“What? Nagsasabi lang ako ng napapansin ko.” Inunahan ko na siya dahil alam kong nababasa niya ang iniisip ko. “Anyway, bakit siya papuntang Intel? Alam mo?”

“No. How would I know?”

“Oh.”

Siguro nasanay lang ako na silang dalawa ni Hideo ang may alam ng lahat ng bagay dito. They are like the walking encyclopedia and calculator of our family.

“So, magkasama kayo ni Hideo kanina?”

“Sort of. Nagkasalubong lang kami sa library.”

“Oh really,” she said with a mocking tone.

“What’s with that tone?”

“Hm? Ganito naman talaga ako magsalita. O baka nag-aassume ka lang na may ibang ibig sabihin ‘yun.” Nagsmirk siya after niyang sabihin ‘yun at sumuko na lang ako. Mapupunta na naman sa kung saan-saan ang usapang ‘to kapag pinatulan ko pa.

Nagbihis na lang ako at binuksan ko ulit ang librong binasa ko kanina. Binasa ko ang mga natitirang page at nung matapos ko ay lalo lang akong naguluhan. Ito ba talaga ang libro about seventh sense? Bakit parang history lang ‘to at medyo malabo rin ang pagkakadescribe.

“Hey, Naomi. ‘Di ba tapos mo nang basahin ‘to?” sabay turo ko sa libro.

“Yeah. Why?”

“May nalaman ka ba about sa nature ng seventh sense? Hindi ko kasi masyadong maintindihan ‘yung content.”

“A little. Pero hindi ko rin maintindihan ‘yung iba. Parang may kulang.”

“What do you mean?” Ewan ko pero parang may nagclick sa utak ko nung narinig ko ang salitang
kulang.

“I don’t know...I mean, parang hindi masyadong connected ‘yung isang page sa next page, like that.”

“That’s it!” Nagulat siya nung bigla akong nagsnap sa harapan niya.

“What’s
it?”

“It’s like what you said. Something’s missing with this book. Si Demi ang kumuha ng librong ‘to sa restricted section. I bet there’s a second book or a twin book na kailangang gamitin para maintindihan ang content nito.”

Bigla namang kinuha ni Naomi ‘yung libro at inexamine ang pages ng libro. Iniscan niya ‘yun at ilang minuto niyang binasa ang mga naunang pages bago tumingin ulit sa akin.

“You’re right. Parang pinutol talaga ang paragraphs pero kahit na na-cut ay comprehensible pa rin naman kaso walang depth.” Tumango ako sa sinabi niya at chineck ko rin ang paragraphs.

“That means nasa restricted section ang other half ng librong ‘to. But I don’t think I can steal again from that room.”

“Why?”

Sinarado ko nang mahigpit ang isip ko dahil naalala ko bigla ang nangyari dati. Muntik na kaming mahuli nung pumunta kami sa library after the curfew. Plus, nababother pa rin ako sa aninong nakita ko sa loob ng library kanina.

“I think I can get that book.”

“Really? Are you sure?”

“You should learn from the expert,” sabay taas niya ng kilay at pakita ng confident expression niya.

“You’re a bad girl, aren’t you?” Hindi ko ineexpect na may ganitong side siya. I mean, she’s going to steal a book!

“Not as bad as you.”

“Of course. I’m the worst,” then I smirked.

I don’t know if it’s just me pero parang nagkaroon bigla ng tension sa pagitan namin. Parang may ibang iniimply ‘yung sinabi niya and I responded like I know what she’s talking about. Then all of sudden, nakaramdam ako ng matinding pressure sa loob ng room at hindi ako makagalaw. Pinilit kong igalaw ang katawan ko at nakawala ako sa binding feeling na ‘yun. Saktong may naramdaman akong presence malapit sa amin kaya nilibot ko kaagad ang paningin ko hanggang sa napatingin ako sa bintana at may nakita akong anino sa labas.

“W-who’s that?!” Lumapit ako sa bintana pero pagtingin ko sa baba ay wala na ‘yung anino pati na rin ‘yung pressure sa loob ng room.

“Anong nangyari sa’yo?” Napatingin naman ako kay Naomi at parang ayos lang siya.

“H-hindi mo ba naramdaman ‘yun?”

“Ano ‘yun? Are you okay? Bakit ka namumutla?”

Ibig sabihin, hindi niya naramdaman ‘yung pressure pati na rin ‘yung presence sa labas? Does that mean ako lang ang nakapansin nun o ako lang ang target niya? And I’m pretty sure that’s the same person na nakita kong nakasilip sa library. Huminga ako nang malalim at napaupo sa kama.

“I’m okay. Pagod lang siguro ‘to.”

“You should sleep.”

Tumango na lang ako at nahiga. Tinry kong ipahinga ang utak ko pero hindi ko magawa dahil kung anu-anong tumatakbo ngayon sa isip ko. That presence...parang familiar at naramdaman ko na ‘yun before pero hindi ko madistinguish kung kanino. Who are you...

***

‘Do you think you can deceive me?’

‘S-sino ka?’

‘Your trickery ends here,’
then he stabbed me on the chest.

Nagising ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Napaupo ako dahil pakiramdam ko ay totoo ang panaginip na ‘yun at napansin kong pinagpapawisan ako.
Dahil doon ay naalala ko kung kanino ang presence na ‘yun.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama dahil tulog na rin sina Naomi at Akira. Mukhang kanina pa ako natutulog at pagtingin ko sa orasan, alas-tres na ng madaling araw. Kinuha ko ang cloak ko at nakita kong nakatingin sa akin si Demi na parang alam niya ang balak kong gawin.

Lumabas ako ng kwarto at nakasunod sa akin si Demi habang bumababa kami sa hagdanan. Nung nakarating na ako sa labas ay dumaan ako kung saan nahaharangan ang field of vision ni Hideo, kung sakali mang gising pa siya at baka makita niya ako.

Isa lang ang lugar na pwede kong puntahan kapag nababother ako—ang gubat. Naglakad ako papasok sa loob ng gubat at dumiretso ako kung saan ko nakita ang green flowers pati na rin ang ferocious bear dati. Mukhang wala sila sa parteng ‘to ngayon. Lumayo si Demi sa akin at pumunta siya sa eastern part habang ako ay nagstay dito. Pumitas ako ng isang bulaklak at napangiti ako dahil ang ganda talaga ng kulay nila. Dahil kakulay ng bulaklak ang mga dahon, hindi ‘yun kaagad napapansin sa unang tingin pero habang tumatagal ay mapapansin mong bulaklak pala ‘yun.

“Like you.”

Hindi ako lumingon kahit alam kong nasa likuran ko siya. Hindi ko naramdaman ang presence niya pero alam kong siya ‘yung nasa library at nasa labas ng dorm kanina na minamanmanan ang bawat kilos ko. Narinig ko ang paglalakad niya at nakita ko siya sa peripheral vision ko kaya tumingin ako sa kanya.

“What do you want?”

“That should be ‘
what do you want, Sir?’

Kaharap ko ngayon si Kyo at kahit sobrang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ay kinontrol ko ang sarili ko. Lumapit siya sa akin at pumitas din siya ng bulaklak na katulad ng hawak ko.

“You’re like this flower—hidden among the leaves but you can easily see if you just look at it carefully.” Pinakiramdaman ko ang kilos niya at tinignan ko siya nang masama.

“Just get to the point. Alam kong may alam ka tungkol sa akin.” Biglang naging seryoso ang expression ko at naramdaman ko na naman ang matinding pressure kaya kinuha ko kaagad ang cards ko sa bulsa ko. “But please use your inner voice.”

Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung tulog pa ba si Akira ngayon pero kung sakaling alam nga ni Kyo ang identity ko, ayokong may makarinig, lalong-lalo na sa Atama family.

‘Noong una pa lang ay alam kong may kakaiba na sa’yo pero hindi ko alam kung ano. I even asked a Shinigami tracker to keep an eye on you but the results are always negative. But I’m still not convinced that’s why I personally investigated you, and I found out that you have a unique blood component. You can’t be tracked.’

Lalo akong kinabahan ngayong nalaman na niya ang sikreto tungkol sa dugo ko. Mom and Dad gave me this mission because of that. Kahit na may Shinigami trackers dito ay hindi nila ako madedetect dahil kakaiba ang dugo ko at aakalain nilang Senshin talaga ako. But I guess I can’t fool this man.

‘Your trickery ends here, Shinigami, so as your life,’
then he drew his short blades and attacked me, just like what happened in my dream.


***