.

.

Chapter 34

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, June 18, 2015


***

First thing that came to my mind? I NEED to escape. His presence felt like another being that screams danger, but Kyo himself, is the real danger. It’s like looking at a beast that finally cornered it’s prey. And when he lunged at me, I instinctively opened the Black Dimension...

...but he managed to grabbed my arm and the next thing I knew, we’re both in the Black Dimension.

“The Black Dimension huh,” sabi niya habang nakatutok ang dulo ng short blade sa leeg ko. Pero imbes na matakot ako para sa buhay ko ay naguluhan ako. Black Dimension is only accessible by Shinigamis, but fatal to the other tribes. Exposure to this dimension can burn your body from the inside. Bakit parang walang epekto sa kanya?

“W-what on earth are you? B-bakit hindi ka naapektuhan dito?” tanong ko habang dahan-dahan kong kinukuha ang cards sa bulsa ko pero diniin niya ang dulo ng sword kaya napatigil ako.

“Sa dinami-rami ng Shinigami na hinabol at hinuli ko, sa tingin mo ba ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa dimension na ‘to? The first time I entered this place, I thought I was going to die. I was bedridden for a week. But after a few months, I chased another Shinigami and ended up in this place...again.” Bigla ko namang napansin na nanginig sandali ang ang kamay niya at doon ko narealize ang nangyari sa kanya.

Nararamdaman niya pa rin ‘yung burning sensation pero hindi na katulad nung unang beses niyang naramdaman ‘yun. Maybe his immune or whatsoever body system developed or evolved because of repetitive exposure to this dimension. After all, isang lineage lang ang pinanggalingan ng Senshin at Shinigami pero naging magkaiba na ang culture, ways of life, even our body and sixth senses sa pagdaan ng panahon dahil magkaibang path ang tinahak ng ancestors namin and that changed everything. They have this ability called Seventh Sense which I am investigating, but we don’t. However, we can access and use the Black Dimension but it has detrimental effects to them. Pero out of the three tribes, sila ang may mataas na chance na makasurvive dito dahil after all, we’re from the same lineage.

“Any last words?” saka niya diniin ulit ang blade sa leeg ko at naramdaman kong may tumutulo nang dugo doon.

I know he’s strong. Heck, he’s the strongest Senshin I know. At alam kong kapag nilabanan ko siya head-on, wala akong pag-asang manalo. Pero wala rin akong maisip na strategy dahil sobrang lakas ng presence niya to the point na pakiramdam ko ay nakatali ang buong katawan ko. Pakiramdam ko, kaharap ko ngayon si Dad.

Dad, huh.

Buong buhay ko, takot ako sa kanya, but I admire his fierceness and leadership. Usually, si Mom ang nagpaparusa sa Reapers, Assassins and Soldiers na nagfail sa missions nila o may kasalanang nagawa. Pero pagdating sa Elites at sa amin ni Rin, si Dad ang nagpaparusa. Now that I think about it, siguro ‘yung ginawa ni Mom kay Kid is his way of showing her sympathy. Hindi ko lang kaagad naisip ‘yun dahil pinangunahan ako ng emosyon ko. Kung si Dad ang nakadiskubre ng pagkakamali niya, hindi ko kayang isipin kung anong gagawin niya kay Kid. He’s ruthless and vicious when it comes to failures at naexperience ko na ng ilang beses ‘yun kaya lagi ko nang ginagawa ang best ko sa lahat ng missions. Not to impress him but to get away from his punishments...

...or maybe, to impress him a little. But I didn’t hear any compliments from him.

Siguro ‘yun din ang dahilan kung bakit naweweirduhan ako sa pamilya ni Mayu. Nung nakita ko siya sa gubat kasama ang asawa niyang si Shiro at kung paano niya alagaan si Hiroshi, naiinggit ako. I know that Shinigamis should raise their children in a fierce way to make them strong...pero simula nung binigay sa akin ang mission na ‘yun at namuhay ako kasama ng Senshins, nag-iba ang tingin ko sa pamilya.

Huminga ako nang malalim at dinismiss ko lahat ng thoughts ko. Tumingin ako kay Kyo at ewan ko kung bakit pero kalmado ako. Parang tanggap ko na na ito ang katapusan ko. Maybe I subconsciously discarded my life when I entered their territory kaya ngayong nalaman na ng isa sa kanila ang sikreto ko, handa na ako.

Kung sakali mang makatakas ako at makabalik sa base, I’m sure madidisappoint si Mom at kailangan kong harapin si Dad. Maybe death is better choice than Dad’s punishment. Pero nakakalungkot lang na mamamatay akong mag-isa. I always imagined my death to be in the middle of a victorious war like a hero or something or due to old age. Too bad it will end like this.

“What is your mission?” tanong niya at lalo niya pang diniin ang blade sa leeg ko pero nanatili akong kalmado. Tinignan ko lang siya at ngumiti ako sa kanya.

“If you want to torture me, you have to do better than that.” Wala pa ‘to sa dinanas ko kay Dad. “And Shinigamis have high sense of honor and reverence to our tribe. I’d rather die than give you any information.”

Pagkasabi ko nun, biglang naging troubled ang expression ni Kyo at hindi ko alam kung bakit. Pero dahil doon ay nakakita ako ng pagkakataon para i-draw ang cards ko.

Mas mabuti nang mamatay akong lumalaban.

Pero pagkakuha ko pa lang ng cards ko ay mabilis na lumapit sa akin si Kyo...at naramdaman ko ang sakit sa batok ko...and everything went black.

***

Dumilat ako at napahawak ako sa batok ko. Damn that Kyo! Pero teka, bakit...bakit buhay pa ako? I thought...

Nagulat naman ako nung bumukas ang pinto at nakita ko ‘yung babaeng nagbantay sa akin dati.
Sa pagkakatanda ko, Yuuki ang pangalan niya. Ngumiti siya sa akin.

“Buti at gising ka na. Ayos naman ang condition mo bukod sa wound sa leeg mo.”

“P-paanong nandito ako?”

“Sir Kyo brought you here.”

“Where is he?!” Napabangon ako at inalog ko ang balikat niya pero napatigil ako nung saglit na magblack ang paningin ko.

“Calm down, okay? He’s fine pero kailangan niyang magpahinga. Nasa kabilang kwarto—” Pagkasabi niya nun ay naglakad ako palabas ng kwarto at dumiretso sa kabila.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama at may burns sa katawan niya. Sinarado ko kaagad ang pinto at napansin kong ito ‘yung kwarto kung saan ako dinala dati, the one that blocks brain wave signals and sixth senses from the outside.

“Why?” tanong ko kaagad sa kanya. Umayos siya ng pagkakaupo at tumingin sa akin at bigla niyang hinagis ang isang short blade niya sa direksyon ko...but I repelled it and redirected it towards him. Pero sinangga niya lang ng isa pa niyang short blade.

“I have my own reason.”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya. Nung una  gusto niya akong patayin pero ngayon sasabihin niyang may reason kung bakit hindi niya tinuloy? Senshins are really pain in the ass.

“Kung wala ka nang sasabihin, makakaalis ka na. At tandaan mo, iniimbestigahan pa rin kita kaya alam ko lahat ng mga kinikilos mo.”

Bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko ay lumabas ako sa kwarto niya at padabog kong sinarado ang pinto. Pagpasok ko sa kwarto ko ay napasigaw ako nung mukha ni Hideo ang biglang bumungad.

“What the heck?!”

“What?”

Napapikit ako at kinalma ko ang sarili ko. Kanina si Kyo ngayon naman pati ‘tong lalaking ‘to. Why do I have to be with these two who both have twisted mind and personality?

“Anong ginagawa mo rito?” Dumiretso ako sa kama at umupo sa gilid habang masamang nakatingin sa kanya. Lumapit siya sa akin at may inabot na libro.

“Pinapaabot ni Naomi. May pupuntahan daw kasi siya kaya binilin sa’kin.”

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ‘yung libro. Halos kapareho ‘to ng itsura ng
Beyond Sixth Sense na libro pero iba lang ang title sa front page. God, ginawa niya nga! Kinuha niya talaga sa restricted section! Paano niya nagawa ‘yun?

“Meow.”

Napatigil ako nung narinig ko ‘yun at nakita kong tumalon si Demi sa lap ko.

“She wants to see you, too,” sabi ni Hideo at naglakad siya palayo.

“Too? Hah. Does that mean you’re the other one?” then I rolled my eyes. As if. Bigla naman siyang lumingon kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“Yes,” biglang sabi niya. “Good night,” sabay labas niya sa kwarto ko.

Nagulat ako sa sinabi niya pero napunta ang focus ko sa
good night at hinawi ko kaagad ang kurtina sa kwarto ko. Pagtingin ko ay gabi na nga talaga. Ni hindi ko man lang ‘yun napansin nung gumising ako. Does that mean more than twelve hours na akong natutulog?!

“Meow.” Napatingin ako kay Demi at binuhat ko siya. Hindi ko kaagad napansin na nakangiti na ako kaya pinigilan ko ‘yun at tumingin sa paligid kahit na wala namang tao.

What the heck is happening to me?


***