.

.

Chapter 35

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, July 6, 2015


***

Nahiga na lang ulit ako sa kama habang si Demi ay nasa tabi ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang, gusto ko nang bumalik sa base pero alam kong magagalit sina Mom and Dad kapag ginawa ko ‘yun. Bigla ko tuloy silang naalala.

Sina Mom and Dad ang nagtrain sa akin simula nung five years old ako. Naaalala ko pa lahat ng sinabi nila sa akin para maging karapat-dapat na Royal shinigami.

“You shouldn’t show your emotions during a fight,” Mom said. Kahit bata pa lang ako ay sinanay na nila akong makipaglaban pero syempre, lagi akong natatalo sa kanila. Dahil bata lang ako noon, kitang-kita sa expressions ko ang sakit. Dahil ayaw kong madisappoint sila sa akin, natuto akong pigilin ang emosyon na nararamdaman ko tuwing makikipaglaban.

Hanggang sa magseven years old ako ay si Mom and nagtrain sa akin at after that ay hinarap ko si Dad. Akala ko ay tuturuan niya rin ako pero hindi ko akalaing kailangan ko pala siyang kalabanin. Isang segundo lang ata ang nakalipas ay hindi na ako makatayo at nagkaroon ako ng sugat sa braso.

“You’re still too weak. What did you do for the last two years?” sabi niya sabay lakad palayo sa akin.

Gusto kong umiyak nung mga panahong ‘yun pero pinigilan ko ang sarili ko dahil naalala ko ang sinabi ni Mom nung una akong umiyak dahil sa pagkatalo ko sa kanya: “Losing a fight means you’re weak, but crying after losing a battle means you’re pathetic. Don’t ever do that again.”

After that, si Izumi—the Elite right hand of Mom—na ang nagtrain sa akin kasama na sina Kid, Dana at Keith. Kaya rin kami close sa isa’t isa ay dahil sama-sama kaming lumaki at nagtraining. Si Izumi ang tumayong magulang namin simula nung bata kami.

Sa loob ng ilang taon ay ginawa ko ang lahat para maging malakas; para matalo ko si Dad. ‘Yun ang naging goal ko sa buhay ko para i-acknowledge niya ako. Pero tuwing nagkakaroon kami ng laban para i-assess ang lakas ko ay lagi pa rin akong natatalo.

“Sabi na nga ba nandito ka,” sabi ni Kid habang papalapit sa akin.

“How did you know?”

“This is my domain. Of course I would know,”sabay upo niya sa tabi ko.

Every time na natatalo ako o ‘di kaya naman kailangan kong mag-isa ay pumupunta ako sa darkest areas ng Black Dimension dahil ayokong may makakita sa akin sa ganitong state. But Kid always see me like this. Pinunasan ko kaagad ang namumuong luha sa mga mata ko.

“I’m not crying, okay?” sabi ko kaagad tapos narinig ko ang mahinang tawa niya.

“I’m not even asking. Bakit ka defensive?”

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil napahiya ako.
Inaasar niya ako nang inasar hanggang sa napalitan na ng inis at tuwa ang feelings ko. Saka ko lang narealize na laging ganun ang ginagawa niya sa akin. Kapag nakikita niyang hindi ko na iniisip si Dad ay lalabas na kami sa Black Dimension at sasalubong sina Dana at Keith. Pagkatapos nun, ayos na ang pakiramdam ko.

Nagstart na rin si Mom na i-train si Rin and just like me, alam kong nahihirapan din siya. I want to help her but Mom said I shouldn’t. Kaya naman hanggang tingin na lang ako sa training niya.

During that time ay ipinatawag kaming apat ni Mom at may binigay siya sa aming mission. Inexplain niya kay Izumi ang mission at after that ay sinabi naman sa amin ni Izumi ang dapat gawin.

“We need to kill this guy,” sabay turo ni Izumi sa isang picture ng lalaking kulay green ang mata at may kakaibang tattoo sa leeg—an eye inside a circle.

“What’s this?” Tinuro naman ni Keith ang tattoo na napansin ko.

“That’s the symbol of the Querino family,” sabi ni Izumi.

“Querino family?
Sino sila?” tanong ni Dana habang nakatingin sa picture.

“The best Shinigami trackers.”

Natahimik kami dahil naririnig lang namin ang Shinigami trackers sa usapan ng Elites. According to them, they can detect Shinigamis by their blood. Pero hindi necessarily na may sample of blood kundi nasesense lang nila ang composition ng dugo namin at kinocompare nila sa kanila.

“Is he the head of the family?” tanong ni Kid.

“Yes. He’s Rico Querino, also known as Ryouta. According to my source, may anak siyang babae na halos kasing-edad ninyo and she’s the only successor. To kill Ryouta, we need to capture her daughter.”

“Hindi ba tayo madedetect din ng anak niya?” tanong ko naman.

“No. Kapag tumuntong pa lang siya ng fifteen ay saka pa lang magdedevelop ang senses niya sa pagiging Shinigami tracker. She’s just fourteen so she still can’t track properly.”

Nagprepare kami ng ilang araw para sa mission namin at si Izumi ang naglead sa amin. We managed to locate the village of the Querino family but we can’t go near it. They are the best Shinigami trackers at hindi malabong madetect nila kami oras na lumabas kami rito sa Black Dimension.

“I’ll go first. Wait for my signal,” sabi ni Izumi at lumabas siya sa Black Dimension.

Naghintay naman kami ng ilang minuto at narinig namin ang boses ni Izumi sa isip namin kaya agad kaming lumabas pero hindi namin siya makita. She’s really good at concealing her presence.

Kanya-kanya kaming pili ng posisyon at doon ako pumunta sa taas ng puno. Bigla ko namang nakita ang isang babae na naglalakad papunta sa pinakamalaking bahay at kahit first time ko lang siyang makita ngayon ay alam kong siya ang anak ng target namin. She has a long, wavy hair; green eyes and pale complexion.

‘It’s her,’
I said and all of them looked at her direction.

Nakita kong naging alert sina Kid, Keith at Dana pero hindi ko pa rin alam kung nasaan si Izumi. Hinanda ko ang sarili ko dahil sa difficulty ng mission na ‘to, may possibility na mamatay kami. Bigla naman akong nakaramdam ng chill sa right side at alam kong aura ‘yun ni Izumi. She was about to jump off the tree but something happened. May lalaking lumabas doon sa malaking bahay at hinatak niya kaagad ‘yung babae.

It’s Ryouta.

Nagulat ako nung tumingin siya sa direksyon namin.

“There are four Shinigamis in the vicinity! Catch them!” he shouted and I know we’re in trouble.

‘Shit. Retreat for now!’
sigaw naman ni Izumi sa isip namin kaya nagpanic ako.

Nakita kong papunta sa direksyon namin ang ilang Shinigami trackers pero biglang nagsink-in sa utak ko ang order ni Ryouta. Four Shinigamis? Pero lima kami. Nagkamali siya ng pagdetect? Sino ang hindi niya napansin...wait, why aren’t they coming at my direction?

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil narealize kong ako ang hindi nila na-track. I don’t know if this is fear or excitement; maybe both. Izumi, Kid, Dana and Keith were engaged on their own battles while I am still concealing myself. Pero dahil baka maraming sumunod na trackers ay kumilos na rin ako.

I threw the cards at their direction and aimed them at the trackers. Maging ‘yung apat ay nagulat at ginamit nila ang chance na ‘yun to retreat. They also retreived my cards and managed to open the Black Dimension. After that ay sumunod ako at nakita ko sila sa Black Dimension. Nakatingin lang sila sa akin habang hingal na hingal.

“Damn. Why can’t I open the Black Dimension earlier?” sabi ni Kid habang pinupunasan ang pawis niya.

“Those Shinigami trackers are on a higher level than the normal ones. Kaya nilang pigilan for a few seconds ang pag-open ng Black Dimension,” sagot naman ni Izumi at parang wala lang sa kanya ang nangyari.

“At parang alam nilang pupunta tayo doon. He even used his daughter as a bait,” dagdag ni Dana.

“Naisahan nila tayo,” sabi naman ni Keith.

Bigla namang tumingin nang seryoso sa akin si Izumi.

“Ang hindi ko maintindihan, bakit hindi ka nila nadetect? It’s impossible for him to not notice you.”

“H-hindi ko rin alam ang nangyari.”

“Let’s go home for now. I need to report this to the Lady.”

After that encounter, tinest ako ng scientist namin and they found out na may kakaibang component sa dugo ko compared sa majority ng Shinigamis. Sabi nila, baka ‘yun ang dahilan kung bakit hindi ako nadetect ng Shinigami trackers. Dahil din doon ay nagsimulang maging interested sina Mom and Dad sa akin. They started to train me again and they always send me to difficult missions. Siguro dahil na rin doon kaya napabayaan nila ang training ni Rin at kung bakit lumayo ang loob niya sa akin.

“Meow.”

Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan at nakita kong nakatingin sa akin si Demi. Pagtingin ko sa oras, mag-aalas tres na ng madaling araw. Siguro naman tulog na sina Akira at Naomi.

Nagdecide akong bumalik sa dorm. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto habang karga-karga ko si Demi. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa harap ng dorm pero napatigil ako nung may nakita akong nakasandal sa labas habang nakapamulsa at parang may hinihintay—si Hideo.

“Are you free?” tanong niya.

“Why?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko at naglakad lang siya papunta sa likod ng dorm kaya sumunod na lang ako. Nang makarating kami doon ay naramdaman ko ang lakas ng presence niya.

“What do you want?”

“Anong nangyari sa inyo ni Sir Kyo?”

I immediately tightened my closed mind because of the pressure he’s giving off. Maging si Demi ay naapektuhan din dahil tumalon siya pababa at lumayo sa aming dalawa.

“Sorry pero pinagbawalan niya akong sabihin ‘yun kahit kanino,” sabi ko tapos bigla siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako, hanggang sa mapasandal na lang ako sa pader.

“Another secret huh,” sabay extend niya sa right arm niya sa wall kaya kinabahan ako. Ayoko ang pakiramdam na limited ang space dahil para akong nakakulong.

“I-I told you, there are secrets that should never be revealed.”

“Sa lahat ng kilala ko, ikaw ang pinakamisteryoso,” sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. I can clearly see his green eyes and his serious expression kahit na madilim. “You’re a mystery to me and everytime I try to solve you, I fall deeper to the depths of my curiousity.”

Pagkatapos nun ay walang nagsalita sa amin at tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Pero hindi ko na kinaya ang intensity ng mga mata niya kaya tinulak ko siya palayo.

“P-pagod na ako. I want to rest,” sabi ko at nagsimula akong maglakad palayo kahit na feeling ko ay maggigive-up ang legs ko. Sumunod sa akin si Demi at kahit hindi ko nakikita ay alam kong nasa likuran lang namin si Hideo at nakasunod din.

Pagkapasok ko sa dorm ay agad akong umakyat at pumasok sa kwarto namin. Buti na lang ay tulog na sina Akira at Naomi dahil nagcollapse ako pagkasarado ko ng pinto. Nung kaya ko nang tumayo ay pumunta ako sa kama at pumikit pero natatakot ako. Natatakot akong baka hindi na ako magising dahil sa lahat ng nangyari kanina. Dahil kapag pumipikit ako, naaalala ko ang muntik ko nang pagkamatay.

Now I’m even scared to fall asleep.